The Philippine Online Chronicles

The POC
Tuesday
May 22
Home Features Sosyal! Opinions Rhian Ramos: Kung Anong Itinanim...

Rhian Ramos: Kung Anong Itinanim...

rhian_ramos(Ang sumusunod ay ang ika-anim sa walong bahagi ng mga pagsusuri ukol sa pinakasikat na mga young telenovela stars natin ngayon.)

Isa sa pinakamagandang mukhang makikita sa telebisyon sa Kapuso Network ang dilag na si Rhian Ramos, isang 19-anyos na artistang nag-umpisa bilang leading lady ni Richard Gutierrez sa fantaseryeng “Captain Barbell,” at kasalukuyang naghahanda para sa bago niyang seryeng “Romana Santa.”

 

Kahit na matindi ang dating ni Rhian Ramos at maski ang inyong abang lingkod na si Fabucelles mismo ay na-iinsecure sa ganda ng dilag, ang pinakamagandang katangian na siguro ni Rhian ay ang kanyang pagiging totoong tao. Sa lahat na lang siguro ng mga malalaking pangalan sa showbiz ngayon, sino lang ba ang nakikilala mong magyaya sa kanyang Twitter account na mag-kape kasama kung sinumang makabasa ng kanyang Tweet at maglakas-loob na pumunta sa kanyang kinaroroonan?

Bilang artista, magaling si Rhian, although limitado ang kanyang roles na nagagampanan. So far, tila hindi pa niya kaya ang maging ganap na kontrabida, at mas madalas na gumaganap siya bilang isang “damsel in distress” sa mga serye o maging mga pelikulang kanyang tinatampukan. Kahit naman limitado ang mga roles na ginagampanan niya so far, mainam naman sigurong banggitin na kuhang-kuha naman niya ang mga papel na ibinibigay sa kanya. Marahil maaalala din ang kanyang talento sa paiba-ibang pagkatao na kanyang ginawa sa LaLola.

Marahil, napapansin ng mga tagasubaybay na walang obvious na ka-loveteam si Rhian, kahit na madalas siyang itambal kay Richard Gutierrez. Hindi na rin ito malaking sorpresa sa mga nakakakilala sa kanya, dahil isa sa pinakatotoong taong makikilala mo na siguro si Rhian. Hindi niya kaya makipagplastikan, kung may gusto siyang gawin, kahit taliwas sa image niya, gagawin niya, at marami ang nagsasabing ang lalaking maaaring kumakatok sa pinto ng puso ni Rhian ngayon ay walang iba kundi ang kontrobersyal na DJ na si Mo Twister, na madalas daw nakakasama ni Rhian sa kasalukuyan.

Kung career lang ang pag-uusapan, talagang masipag si Rhian, at hindi niya pinababayaan ang sarili niya maging sa kanyang edukasyon. May angking talino din ang bata at may tamang-tamang kapilyahan din, kung minsan, at ang mga nakakakilala sa kanya ay “cowboy” ang turing sa kanya dahil wala siyang karate-arte sa kanyang katawan.

Siguro, sa lahat ng mga stars ng Kapuso Network, si Rhian na ang isa sa pinakamalaki ang potensyal na maging sunod nilang pambato sa takilya. Nandiyan na nga si Marian Rivera. Hindi nalalayong magtuluy-tuloy na rin si Rhian, habang patuloy siya sa kanyang mga roles, na tiyak, sa tulong ng mga nakakasabay niyang mga batikan na sa industriya, lalo pa siyan gagaling, at sa wakas, magkakaroon na rin siya ng versatility na hinahanap-hanap natin mula sa kanya. Oo, hija, maganda ka, at magaling kang umarteng nakakaawa. Ngayon, kailangan mo naman ipakita ang iba pang kaya mong gawin.

At sa maniwala kayo o hindi, si Rhian Ramos ang unang nakakuha ng 10 out of 10 sa larong “Por-No, Por-Yes” nina King DJ Logan sa programang Disenchanted Kingdom ng 99.5 DWRT. Magtaketch na kayo kung bakit ang 19-anyos na dalaga ay nadaig pa ang kung sinu-sino nang mga lalaking nakasali sa larong itey.

Rhian, matindi ang potensyal na iyong dinadala ngayon. Maraming nakalaan para sa iyo, dahil kung anong tinanim, bagay na bagay sa saging. Carry lang, ‘teh. Go, go, go!

 

Photo: “La Lola” by ALDRIN GABRIEL, c/o Flickr. Some Rights Reserved



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

flydaniel 27 July 10, 11:19 AM
Isa sa pinakamagandang mukhang makikita sa telebisyon sa Kapuso Network ang dilag na si Rhian Ramos, isang 19-anyos na artistang nag-umpisa bilang leading lady ni Richard Gomez sa fantaseryeng “Captain Barbell,”

-diba dapat richard gutierez hindi goma? hehe
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer