The Philippine Online Chronicles

The POC
Tuesday
May 22
Home Features Sosyal! Opinions Carla Abellana: Ang Di Marunong Lumingon Sa Pinanggalingan...

Carla Abellana: Ang Di Marunong Lumingon Sa Pinanggalingan...

carla_abellana(Ang sumusunod ay ang ikalima sa walong bahagi ng mga pagsusuri ukol sa pinakasikat na mga young telenovela stars natin ngayon.)

Matapos ng apat na Kapamilya stars, ang inyong abang lingkod naman ay mag-oober-da-bakod upang suriin ang apat sa pinakamatutunog na baguhang Kapuso sa kasalukuyan.

Malamang naaalala pa ninyo ang mga panahong sina Sunshine Dizon o Angelu de Leon ang mga pambato ng Siyete sa kanilang mga teleserye. Ngunit mapapansin nating mas maraming mga baguhan ang namamayani sa kanilang mga programa ngayon kaysa sa ABS-CBN, kung saan ang mga tulad nina Kristine Hermosa at Judy Ann Santos ay naaasahan pa ring maghakot ng mga manonood.

Bilang anak ni Rey “PJ” Abellana masasabing may pinaghuhugutan si Carla Abellana bilang isang artista, at malaki ang tiwalang ipinamalas ng Kapuso network nang gawin siyang lead star sa Pinoy adaptation ng “Rosalinda”, na unang ginampanan na ni Thalia. Masasabing isang late bloomer si Carla sa showbiz, lalo na at nagtapos siya ng Cum Laude sa De La Salle University, na nagpapakitang mas inuna niya ang kanyang edukasyon bago siya sumabak sa magulong mundo na kinabibilangan niya ngayon.

Kung ganda lang ang pag-uusapan, malakas na malakas ang dating ni Carla, at sa tuwing pumapasok siya ng kuwarto, maraming kalalakihan ang nawiwindang sa beauty niya. Marami siyang mga fans, at marami ding naiintriga sa kanya na kung sinu-sino, mula sa kanyang unang co-star na si Geoff Eigenmann, hanggang sa kanyang ex (O ex ba talaga?) na si JC Intal. Talagang hindi matatawaran ang kanyang hitsura, buti lang sana kung kaya makipagsabayan ng kanyang galing sa pag-arte, daba?

Dun lang nagkakatalo, unfortunately, dahil talagang hindi pa marunong umarte si Carla, at halatang-halata ang kanyang pagka-new kids on the block, chos. Halatang hindi pa niya alam ang kanyang gagawin sa tuwing humaharap siya sa camera, at alam mong umaarte lang siya. Hindi natural ang kanyang dating, kung kaya’t marami ang napapailing sa tuwing napapanood siya, dahil pakiramdam ng karamihang sumubaybay sa Rosalinda, hindi pa handa si Carla upang maging lead star ng isang teleserye. Iyan na rin siguro ang dahilan kung bakit hindi siya ang ginawang lead sa sunod niyang programa, ang “Last Prince”, kung saan second billing lang sila pareho ni Geoff Eigenmann kina Aljur Abrenica at Kris Bernal. May potensyal si Carla, ngunit hindi pa niya ito ganap na nararating.

Hindi pa naman huli ang lahat para kay Carla, kung tutuusin. Marami pa siyang panahon upang mapag-ibayo ang kanyang galing sa pag-arte, at higit pa roon, malaki pa rin ang tiwala sa kanya ng Kapuso network kung kaya’t marami pa rin siyang projects hanggang ngayon, at ‘di hamak namang mahahasa siya ng todo sa kanyang pagkakasabak sa “Party Pilipinas,” dahil sa live na programa itetch. Sana din, kung talagang sila pa rin ni JC Intal, huwag na maging Queen of The Nile sana itong si Carla, dahil hindi na uso ang patagu-tago pa ng relasyon tapos makikita naman kayong magkasama palagi.

Tuluy-tuloy ka lang, Carla. Kahit na medyo hilaw pa ang iyong pag-arte, hindi naman maipagkakaila na marami ka nang tagahanga na sumusubaybay sa bawat mong galaw, at nararapat lang na hindi ka mabahala kung maraming pumupuna sa pag-arte mo: sigurado namang mag-iimprove ka pa naman, diba? Diba?

Carla Abellana, ang hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan, may stiff neck. Malaki ang ibinigay sa iyong tiwala ng iyong network, kung kaya’t sana naman, hindi mo sila biguin. No pressure, ha! I'm sure na kayang-kaya mo iyan.

 


Photo is a low-res screencap from GMA7Rosalinda.



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer