The Philippine Online Chronicles

The POC
Tuesday
May 22
Home Features Sosyal! Opinions Kim Chiu: Tinimbang Ka Ngunit…

Kim Chiu: Tinimbang Ka Ngunit…

kim_chiu(Ang sumusunod ay ang una sa walong bahagi ng mga pagsusuri ukol sa pinakasikat na mga young telenovela stars natin ngayon.)

Mula pa lamang sa kanyang paninirahan sa bahay ni Kuya, naramdaman ko na talagang malayo ang mararating ni Kim Chiu. Aba’y sa sobrang payat naman kasi ng dalagang itetch, malayo talaga mararating niyan kapag tinangay ng hangin.

 

Pero in all seriousness, malaki na rin ang agwat ng Kim Chiu na unang umarte sa pelikulang “First Day High” sa Kim Chiu na ating napapanood sa “Kung Tayo’y Magkakalayo” ngayon. Sa lahat ng mga bagong artista n gating henerasyon, siya ang pinakanasubaybayan ko, at sa kanya ko nakita ang isang ebolusyon ng isang reality show star bilang isang ganap at mahusay na aktres.

Unang-una, aminin na natin: hindi perpekto si Kim Chiu bilang isang aktres, at may mga pagkukulang pa rin siya kung kaya’t hindi siya maihahalintulad sa mga batikang katulad nina Judy Ann Santos o Claudine Baretto. Ngunit kahit na tanggapin natin ito, kaya na rin niyang magdala ng buong serye bilang lead star nito ngayon.

Naalala ko pa noong unang pelikula niya, ang “First Day High”, kung saan pareho pa silang bulol ng kanyang ka-loveteam na si Gerald Anderson. Hindi mo maramdaman ang emosyon ng pag-aaway nilang dalawa at sa halip, mapapahagalpak ka sa eksenang iyon. Napaka-importante ng eksenang iyon sa istorya, subalit dahil sa pagkahilaw nila bilang mga artista, hindi nila nakayanang dalhin ang emosyon at ang karakter nila.

Ganun pa rin kahilaw si Kim (at si Gerald) noong “Sana Maulit Muli”, kung saan sila unti-unting hinasa bilang mga artista (ang sagwa nga lang ng ending dahil wala na akong nakita kundi si Jollibee. Dapat pala, ang tawag sa serye, “Sana Mag-Jolli Uli”.). Kaya’t sa sandaling lumabas sila sa una nilang solo tandem film na “I’ve Fallen For You”, kaya na nilang dalhin ang isang pelikula na sila ang tanging bida. Sayang lang at ang jonget ng kwento ng pelikulang yun.

Nagulat rin ako nang muli kong masilayan si Kim Chiu sa “My Girl”, kung saan halos hindi ko siya nakilala dahil sa laki ng ipinayat niya. Gumaling siya, ngunit talagang namayagpag na ang kanyang talento sa “Tayong Dalawa”, kung saan talagang napamalas ni Kim Chiu na kaya na niya talagang umarte. Oo, medyo limitado ang facial expressions niya hanggang ngayon, pero kaya na niyang gamitin ang boses niya ng tama upang maipakita ang nadaram niya, at hindi na siya nabubulol sa gitna ng mga importanteng eksena.

Masasabing ang pelikulang “Paano Na Kaya” ang talagang nagmarka kay Kim Chiu bilang isang bigating aktres. Sa lahat ng kanyang mga projects, ang box-office hit na ito ang isa sa pinakamagandang pelikulang iyong mapapanood sa taong ito. Sa maniwala ka o hindi, taob nito ang “I Miss You Like Crazy” ni John Lloyd-Bea sa taong ito, although in fairness, wala pa rin akong nakikitang movie na Tagalog na kayang talunin ang “One More Chance,” ever.

Isang quintessential na bida si Kim Chiu. Hindi ko maisip siya bilang isang kontrabida, at kitang-kita ito nang sinubukan niyang maging isang kontrabida sa “I Love You, Goodbye”. Masyadong maamo ang kanyang mukha, masyadong mabait ang aura, kung kaya’t walang naniniwalang kaya pa niya maging kontrabida.

Sa role niya ngayon sa “Kung Tayo’y Magkakalayo”, maraming OA fans si Kim Chiu na nagagalit na hindi siya ang lead star ng serye. Pero naman, napaka-star studded ng teleserye na itetch! Pwede ba, hindi man lang nila maisip na isang malaking hakbang ito para sa batang aktres  sa kanyang acting career? Hindi naman pwedeng palagi siyang top billing, lalo na kung ang teleserye ay kinabibilangan din ni Kris Aquino, Maricar Reyes, at Coco Martin.

Maganda ang takbo ng career ngayon ni Kim Chiu. Masasabing malayo pa ang kanyang mararating, Mula sa umpisa niya sa PBB Teen Edition hanggang ngayon, talagang nahasa na ang kanyang husay at galing, kung kaya’t nararapat siya sa kanyang kinalalagyan ngayon, although kailangan pa rin niyang magpatuloy sa pagpapahusay ng sarili niya.

Dahil diyan, Kim Chiu: tinimbang ka, ngunit kulang. Kulang ka pa ng timbang. Sa dami ng food endorsements mo, ang payat-payat mo pa rin?


Photo: “Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 Big Night” by Maxi Adrian San Agustin, c/o Flickr. Some Rights Reserved



Add this page to your favorite Social Bookmarking websites
Digg! Reddit! Del.icio.us! Google! Live! Facebook! StumbleUpon! Newsvine! TwitThis
 
Comments
Add New RSS

Disclaimer: Comments posted here reflect our readers’ views and not the opinion of The Philippine Online Chronicles.

lorena 02 November 10, 09:09 PM
ganda muh kim grabe!!!!!!!!!!!!yan na nga ba't naiinlove c gerald sayo!!!!!!!hahaha
meresel 25 March 11, 01:23 PM
kahit san side tingnan ka kim ur so pretty inside and out....loveu kim...stay humblweto everyone kim..d2 lang kmi para sau
lorena 14 April 11, 10:03 PM
ganda nya tlga dba?
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.

!joomlacomment 4.0 Copyright (C) 2009 Compojoom.com . All rights reserved."

Share on facebook

Sosyal Videos


Get the Flash Player to see this player.
Disclaimer