The canvassing of votes for the national positions is expected to conclude any time soon. Liberal Party bet Senator Benigno ‘Noynoy’ Aquino III is enjoying a wide lead with more than 13 million votes in the partial, unofficial tally as of May 12.
Except for former president Joseph ‘Erap’ Estrada and Nicanor Perlas, other challengers in the presidential race have accepted their defeat and conceded to Aquino.
POC Politi-ko compiled the ‘concession’ speeches and statements of other presidential candidates:
“…Senator Benigno Aquino III is not one with us in these radical reforms that we need for our country, but I will support his government in other efforts we have in common. We continue to fight the good fight!”
Mga kababayan, nagpasya na ang mamamayang Pilipino. Malinaw na sa kabila ng ating pagpupunyagi, hindi tayo nabiyayaan ng tagumpay sa halalan noong Lunes.
Humaharap ako sa inyo ngayon upang tanggapin ang pasyang ito. Upang igalang ang boses ng sambayanang Pilipino.
I congratulate Sen. Noynoy Aquino on his victory. The challenges he and our country faces are enormous and we should all work together.
Subali’t gusto ko lang sabihin na lubos akong nalulungkot sa mga kasinungalingan at paninira sa aking pagkatao sa kampanyang ito. Ako ay naniniwala na sa darating na mga araw ako ay mabibigyan ng pagkakataon na linisin ang aking pangalan upang maliwanagan ang ating mga kababayan. Yan ay mahalaga sa akin higit sa anupamang bagay.
Hinding hindi ko makakalimutan ang kampanyang ito at ang pagkakataong makadaupang palad at makasama ang milyon-milyon nating kababayan na katulad ko ay nanggaling sa hirap at nangarap ng mas magandang buhay. For the rest of my life, I will remain their champion. Bagama’t ako ay hindi pinalad, ang aking pangarap na tapusin ang kahirapan ay hindi pa nagwawakas. Ito ay aking ipagpapatuloy bagama’t sa ibang paraan.
To all my fellow Nacionalista candidates whose fights have not yet concluded, rest assured that I and the Nacionalista Party will be behind you until your last vote is counted.
Nais kong pasalamatan unang una ang Panginoon sa patnubay na ibinigay niya sa atin upang maging ligtas ang ating pangangampanya nitong nakaraang tatlong buwan.
Salamat sa aking pamilya. Gusto sana nila sumama ngayon pero sabi ko ay huwag na dahil masyado na silang nasaktan nitong mga nakakaraang mga linggo sa kanilang napapanood sa telebisyon. Kaya sabi ko, ako na lamang ang pupunta ngayon.
Salamat din sa mga mahal ko sa buhay, sa aking mga kapatid na malaki rin ang naging sakripisyo, at sa lahat pa na mga mahal ko sa buhay na tumulong.
Higit sa lahat, ang aking buong pusong pasasalamat sa mga volunteers at supporters na nagsipag at nagbigay ng hindi matatawarang tulong. Maraming maraming salamat sa inyo.
Maraming salamat sa inyong lahat.
Syempre sa ating mga kasamahan sa media, maraming salamat din sa inyo. Medyo matagal ang kampanya pero hindi ko rin makalilimutan ang pinagsamahan natin. Ito’y isang bagay na matatandaan ko habang ako ay nabubuhay.
Sa aking mga kababayan, maraming salamat po.
Once again, congratulations to Noynoy.
... natapos ang ating halalan kahapon at awa ng Diyos ito’y naging matahimik, mapayapa. Nagsalita na sa aking palagay ang ating bayan. Mayron na silang napili na bagong pangulo ng Republika ng Pilipinas. At ako’y bumabati kay Sen. Aquino sa naging resulta. Bagamat ganun ako’y nanalig na sana tayoy magkaroon ng gobyerno na magiging hustisya ang batayan hindi benggansa. Na Makapag introduce ng basic education reforms, makapag introduce ng tunay at sustainable na reporma sa lupa para sa food security natin at makaahon sa sitwasyon ang ating magsasaka. Magkaroon ng tuanay at malalim na reporma sa sistema ng pulitika sa bansa to include constitutional reforms. Na magkarooon ang gobyernon ng pagkakaisa instead na pagkakawalay-walay. Upang sa ganun, magamit natin ang pagkakataon na ito na makaahon imbes na magwatak watak.
Ako’y nagpapasalamat sa lahat ng naniwala sa akin, ang aking minamahal at ginigiliw na mga kapartido at akoy bumabati sa aking mga kapartido na nanalo. At sana ipagpatuloy natin ang paglaban para sa iisang Better Philiippnes. Sa Green Team at sa lahat ng volunteers, lalung-lalo na yun mga hindi ako kakilala pero naniwala sa akin, ang pasalamat ko ay lubos-lubos at sana sa darating na panahon, magkita tayong muli para sa ako ay personal na magpasalamat.
At sa huli, kay Nikki, kay Jaime at sa lahat ng kapamilya ko para sa pagmamahal, sa pagtitiwala, sa pakikibaka para sa iisang causa.
Itong laban na ‘to, hindi laban na upang manalo si Gibo o ang aking kapartido. Sadya naming inilunsad ang isang kampanya na nangingibabaw ang puri at dangal at respeto sa ating mga kababayan, kung saan inuna natin ang taumbayan. At upang maisulong ang isang ideya na sobra na ang kabulukan ng sistema, lalung lalo na sa pulitika nitong bansa na ito. Kaya namin pinandigan ang prinsipyo na iyon upang tunay na magbago ang ating lipunan dahil sobra na tayong naiiwanan.
Ngayon na nagdesisyon ang ating mga kababayan, dapat magkaisa tayo upang isulong ang mga tamang prinsipyo na ating inilaban. At ako’y nananalig na ang Pilipino ay hindi magpapaiwan. At ako’y nananalig nakapagtanim tayo ng mangandang halimbawa at taas noo tayong makakapagharap sa kahit kaninuman dahil tayo ay gumawa ng tama, kapuri puri at may karangalan. Maraming salamat…”
“I would like to congratulate Sen. Aquino for his spectacular victory. I call upon this nation to unite and support him.
I would like to thank everyone who supported me especially my volunteers and those who gave up their limited resources as a manifestation of trust in my brand of leadership and track record.
I ran a very truthful, straightforward and candid campaign and thought we could run on the basis of our platform, track record and volunteerism.
I would like to congratulate all the winners and pray that they serve our country well.
We accept the will of the people.
Today, we have a victory for democracy with the successful exercise of our first nationwide automated election despite naysayers and doubters.
The fight for this country goes beyond this day. Let us forge on in building a Bagumbayan foe our people.”
… Salamat sa lahat ng Pilipinong nanindigan para bumoto at magluklok ng kanilang lider sa pwesto. Yan ang kapangyarihan ng eleksyon…”
"With our new leaders elected, Bangon Pilipinas will find ways to help in nation-building, especially in areas where we could pursue social reforms that would benefit the majority of the Filipino people. I will continue advocating for righteous governance and will pursue the ideals and principles that guide Bangon Pilipinas…"
Photo from Flickr.com. Some rights reserved.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook









