
Maaaring ang karunungan ay kayamanan ngunit marami sa mga opisyales ng pamahalaan ngayon ay hindi pinahahalagahan ang edukasyon. Pero kung mapag-tutuunan ito ng pansin marami sa mga Pilipino ang makaka-ahon mula sa kahirapan. Marami rin sa mga kabataan ay hindi makapag-aral dahi sa kahirapan.
Sa nalalapit na halalan, kailangang pumili ng karapat-dapat na kandidato para makatulong sa kanilang pinagdadaanang paghihirap. Kaya sa ngayon, kailangan natin ng isang matapat na presidente na mamumuno sa atin sa isang masaganang pamumuhay.
Pero sa mga sinasabi ng mga kandidato sa pagkapresidente susolusyunan daw nila ang kahirapan sa bansa ngunit hindi nila naiisip na hindi lang ito ang dapat solusyunan nila sapagkat kulang rin ang Pilipinas sa mga guro at mga pampublikong paaralan sa bansa.
Kaya ang mga kabataan ngayon ay nawawalan na ng pag-asa lalo na sa pagtupad ng kanilang mga pangarap dahil nawawalan rin sila ng karapatang makapag-aral.

Para sa mga boboto, tiyakin na karapat-dapat na mamuno sa Pilipinas ang napiling kandidato na naglilingkod sa bayan ng tapat, iniisip ang kapakanan ng bawat mamayanan, hindi nangungurakot at tumutulong lalo na sa mga kabataan na hindi nakakapag-aral. Salamat rin naman dahil may mga tao na tumutulons sa kabataan tulad ni Efren Penaflorida, CNN Hero of the year.
At kung ang ating magiging susunod na pangulo ay magiging tapat sa bayan, maaring magawan natin ng paraan ang ibang Millennium Development Goals (MDG’s) bago mag 2015.
Image used for contest purposes only. Copyright belongs to original source.
* Original layout has a background image
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook











