Ayon sa sinaunang kasulatan, naunang ginawa ng Diyos si Adan. Nakita niyang nalulungkot siya sa paraisong kanyang ginawa kaya’t nagpasya ang Diyos na gumawa pa ng isang nilalang. Nang makatulog si Adan ay hinugot ng Diyos ang isa niyang tadyang at mula doon ay ginawa niya si Eva; ang magiging katuwang at aalagaan ni Adan sa kanyang buhay.
Ang Pagkakagapos
Ipinagkatiwala man ng Diyos ang buhay ni Eva kay Adan, naging suwail ang mga sumunod na henerasyong ‘Adan’ sa lipi ni Eva. Makikitang ayon sa kasaysayan ay tila nagging alipin ng kalalakihan ang mga babae. Bago pumasok ang modernisadong panahon ay lalaki ang batas.
Ayon sa kasaysayan n gating bansa, walang kalayaan ang mga babaeng gawin ang kanilang nais. Gustuhin man nilang ipaglaban ang kanilang karapata’y hindi nila magawa. Ang tanging mga naging papel ng mga babae noong unang panahon ay asawa, taga-pangalaga ng mga anak, taga-linis ng bahay at paglilingkod sa asawa. Masayadong limitado ang galaw ng mga babae. Masyadong konserbatibo ang pagpapalaki sa kanila. Ultimo pakikipag-usap sa mga lalaki’y nababahiran. Mapa-lipunan man o mapa-sariling tahanan ay pinamumunuan sila ng mga lalaki.
Ang Paglaya
Sa paglipas ng panahon, maraming bagay-bagay ang nabago. Kasama sa mga pagbabagong naganap ay ang pagkawala ng kababaihan sa diskriminasyon ng lipunan. Natuto ang mga babaeng ipaglaban ang kanilang karapatan laong lalo na sa lipunan.
Nang sakupin tayo ng mga banyaga, hindi lamang mga lalaki ang nakipaglaban upang kunin ang ating kalayaan. Sa katunayan ang malaki ang naging papel ng mga babae sa pakikibakang ito.
Noong panahong pinaghahanap si Jose Rizal, dinakip ng mga amerikano ang kaniyang ina na si Teodora Alonzo. Binigyan man siya ng pagkakataong mapensiyonan ay hindi niya ipinagkalulo ang kanyang anak, maging ang kanyang bansa. Isa ring mahalagang babae sa ating kasaysayan ay si Melchora Aquino, ang ina ng himagsikan. Nilabanan din niya ang mga Espanyol nang sakupin nila ang ang ating lipi.
Maging sa panahon ngayon ay itinuturing na mahalaga ang kababaihan. Sa katunayan ay dalawa na ang atin presidenteng babae. Una’y si late Pres. Cory Aquino na siyang ipinalit ng pabagsakin ang paumuno ni Marcos. Siya rin ang nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Ang isa pa’y ang kasalukuyang pinuno ng bansa na si Gng. Gloria Arroyo.
Sa senado rin ay makikitang marami rin ang nakikipagsabayang babaeng pulitiko. Kagaya nila Sen. Loren Legarda, Sen. Miriam Defensor, Sen. Pia Cayetano at marami pang iba. Marami na silang naisulong na kampanya at naipasang mga batas ukol sa pagbibigay ng karapatan sa mga babae at pagkakapantay-pantay ng pribilehiyo ng kalalakihan at kababaihan.
Karamihan sa ating mga kababayang naghahanap-buhay ay mga babae. Kadalasan pa nga’y higit silang nagtratabaho kaysa sa mga lalaki. Lumalampas pa sila sa regular na office/working hours! Marami sa kanila ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Tinitiis ang hirap at pasakit ng mawalay sa pamilya para lang kumita para sa kinabukasan ng kanilang mga anak.
Ngunit sa kabila ng pag-angat ng lipi ng mga babae ay marami paraing lumalapastangan sa kanila. Ang mga kababayan nating nanginigbangbanasa, kalimitan ay umuuwing sawi at ang masaklap pa’y may kasamang mga pasa at galos. Kahit na maraming mga batas na ang naipatupad laban sa ganitong mga kaso, marami parin ang pasaway at talaga naming sagad sa buto ang kasamaan at nasisikmura nilang gumawa ng ganitong kalapastanganan. Kaya nagtutulungan ang lahat ng mga bansa laban sa gainitong mga kaso. Sa katunayan nga’y isa sa walaong adhikain inilabas ng MDG ay ang pagkakapantay’pantay ng karapatan ng babae at lalaki.
Patunay ng pagbangon ng mga babae na lahat ng nagagawa ng mga kalalakihan ay kaya rin nilang gawin, minsan pa nga’y nahihigitan pa sila. Hindi biro ang maging isang babae dahil bali-baliktarin man ang mundo, maraming sakripisyo ang ginagawa ng isang babae, lalo na ang isang ina, na hindi matatawaran o mababayaran ng ano mang bagay sa mundo. Kaya’t makiisa sa pagsulong sa karapatan ng babae. Mabuhay ang lipi ni Eva!
References:
http://en.wikipedia.org/wiki/Adam_and_Eve
http://kakaalih.i.ph/blogs/kakaalih/2008/07/14/kababaihan-mahalaga-sa-lipunan/
http://tl.wikipedia.org/wiki/Kababaihan_sa_Pilipinas
PIC2: http://i71.photobucket.com/albums/i153/numena_riknata/Anime/bluemagic.jpg
PIC3: http://www.gender.no/News/7789/likestillingstegn.jpg
See original layout by contestant: Download PDF here.
Image used for contest purposes only. Copyright belongs to original source.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook











