


Malayo na ang narating ng Pilipinas. Malayo na ang narating ng mga Pilipino. Ganap na naging pantay na an gating lipunan pagdating sa pagkakapantay-pantay ng karapatan ng kalalakihan ng mga Pilipino. Ngunit may isa pang aspeto na hindi nararating ang paglalakbay n gating bayan. Isang aspeto ng lipunan na madalas na pinagtatalunan ng mga liberal at mga konserbatibo. Ang usapin ukol sa mga Lesbians, Gays, Bisexual and Transgenders o LGBT. isyu
Naging isang pambansang isyu noong nakaraang taon ang paghahanap ng akreditasyon ng grupong Ang Ladlad na kumakatawan sa mga LGBT sa Pilipinas. Hindi naging madali ang paglalakbay ng pagkat na ito upang makuha ang inaasam nilang pag-apruba ng Commission on Election o COMELEC sa kanilang kandidatura. Nauuna na silang nabigo sa adhikaing ito noong 2007.
Bagaman ayon sa ABS-CBNnews.tv, suportado ng CHR o Commission on Human Rights ang pagtakbo ng Ang Ladlad bilang isang partylist, nahirapan pa rin nitong makuha ang pagsang-ayon ng COMELEC.
Ang grupong Ang Ladlad habang napoprotesta para sa pagsusulong ng mga karapatan nila.
Noong nakaraang Enero, pinal ng naaprubahan ang kandidatura ng Ang Ladlad. Matapos na umakyat ang kaso nito sa Korte Suprema, napagdesisyunan ng mga komisyoner ng COMELEC na isali ang partido sa halalan sa Mayo 10, 2010 kasama ang 144 na iba pang partido.
Ayon sa GMAnews.tv, tinanggap ng Korte Suprema ang inihain na motion for reconsideration ng Ang Ladlad upang makasama sa Eleksyon 2010.
Bagaman naaprubahan na ang kandidatura ng nasabing partido, marami pa rin ang tumututol sa pagtakbo ng Ang Ladlad. Isa na sa mga mahigpit nitong kritiko ay ang konserbatibong Simbahang Katoliko na may napakalaking impluwensya sa bansang Pilipinas kung saan mahigit sa 80% ang mga kasaping Romano Katoliko. Mababawasan daw ng grupo ang moral ng sambayanang Pilipino ngunit hindi rin naman etikal ang pagigiit sa mga tao sa Ang Ladlad ang karapatan nilang maging kinatawan ng isang marginalized sector ng ating lipunan.
Ayon sa batas sa sistema ng partylist dito sa ating bansa, dapat na mairepresenta ng isang grupo ang isang marginalized sector o pangkat ng mga taong may iisang mithiin at pangangailangan. Sa kaso ng Ang Ladlad, kinakatawan nila ang mga LGBT na naninirahan dito sa Pilipinas. Mayroon silang mga pare-parehong mga interes at pananaw sa buhay. Sa dahilang ito, nagiging sapat ang karapatan ng grupo na tumakbo bilang isang partylist group.
Ang bawat nilalang dito sa ating daigdig ay may karapatang taglay mula pa lamang ng sila ay isilang. Hindi ito dapat niyuyurakan at tinatapaktapakan ng iba. Marapat lamang na hindi hadlangan ng kung anumang organisasyon ng pamahalaan man o ng komunidad man ang karapatan ng bawat mamamayan. Nakasaad sa Artikulo V s, Pagboto, ng Saligang Batas 1987 na ipinaliwanag ni Ginoong Chan Robles na sinuman ay maaaring bumoto at sinuman ay maaaring iboto. Nakalagay din sa Artikulo III o ang Bill of Rights ang karapatan ng bawat nilalang sa ating lipunan.
Magagawa natin ang pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga kalalakihan, kababaihan, at mga LGBT kung ang pag-unawa ng mga tao ay magmumula sa mga ika nga nila sa Ingles ay grass root levels. Ito ay ang tahanan kung saan naroon ang pamilya na maaaaring magturo sa bawat isa ng paggalang sa karapatan ng iba pang klase ng mga tao. Maaari ring magmula ang pagbabago sa mga paaralan kung saan maaaring maipaunawa ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. At mas maganda kung magsisimula ang lahat sa pagiging ehemplo ng ating mga lider sa ating lipunan sa paggalang sa karapatan ng iba pang sekswalidad. Hindi dapat na maging sarado an gating isipan sa liberalisasyon ng sekswalidad bagkus ay dapat tayong maging mga liberal sa pagiging malaya at bukas na isipan.
Maganda ang ating kinabukasan kung malaya an gating isipan. Ito ang diwa ng isang maayos na paglalakbay tungo sa ating mga karapatan. Isang paglalakbay na magbibigay sa atin ng isang masaganang lipunan kung saan lahat ng tao ay may paggalang sa karapatan ng iba at may respeto sa dignidad ng isang tao anuman ang kasarian niya.
Malayo na ang narating ng Pilipinas at malayo pa ang mararating nation kung mabibigyan natin ng pagpapahalaga ang karapatan ng bawat mamamayan n gating bansa. Malayo pa ang mararating ng ating bansa, kung ang pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan, kababaihan o mga LGBT man ay maayos na matatanggap ng bawat mamamayan. Malayo pa ang mararating natin mga kabababayan, isulong natin ang karapatan ng bawat isang Pilipino. Sulong Pilipino! Pantay na karapatan makakamit mo!
Sources:
News about Ang Ladlad
http://www.gmanews.tv/index.htmlinquirer.net
http://www.gmanews.tv/story/181378/sc-to-comelec-include-gay-group-on-ballot-for-may-polls
http://www.abs-cbnnews.com/nation/11/15/09/chr-backs-ang-ladlad-comelec-row
Youtube video
http://www.youtube.com/watch?v=psP2Qjx-S8c
Comelec
Supreme Court
http://www.supremecourt.gov.ph/
Philippine Constitution
http://www.chanrobles.com/article3.htm
http://www.chanrobles.com/article5.htm
Ang Ladlad
LGBT in the Philippines
http://en.wikipedia.org/wiki/LGBT_in_the_Philippines
Partylist system in the Philippines
http://cpcabrisbane.org/Kasama/2003/V17n3/PartyList.htm
Photo of a Protest
http://www.fridae.com/media/images/00/10/45/104571.jpg
See original layout by contestant: Download PDF here.
Image used for contest purposes only. Copyright belongs to original source.
Twitter
Digg
Del.icio.us
Reddit
Yahoo
Googlize this
Facebook











