teenager on the phone

Teenage telephonism

Written by

Monday, 5 May 2014 - Last Updated on May 5, 2014
teenager on the phone


By Raquel Erhard

teenager on the phone

Kalahating oras, isang oras, dalawang oras, tatlong oras, apat na oras o isang buong araw? Ilang oras pwedeng gumamit ng telepono ang mga kabataan ngayon?

Ano ang maipapayo ninyo?

Ang aking panganay ay malapit ng maging teen-ager. Ngayon ay 12-year-old na sya. Ibig sabihin, bago matapos ang taon ay pwede na syang i-declare na teen dahil nitong Disyembre ay thirteen na sya.

Dito na pumasok ang aking tanong tungkol sa pag-gamit ng telepono. Simula ng magkaroon sya ng isang malapit na kaibigan na may kalayuan sa amin ang tirahan, (may kalayuan ibig sabihin, hindi pwedeng lakarin ang bahay) telepono na ang naging daan para manatili ang kanilang komunikasyon – parang walang katapusang chikahan.

Nuong una, hindi namin pinapansin. Kasi naman, classmate nya yon. Akala namin, usapan tungkol sa homework o kung ano mang bagay tungkol sa projects. Siyempre, basta tungkol sa school works, okay lang dapat gamitin ang telepono, di ba?

I-kwento ko muna sa inyo ang aming telephone system sa bahay. Naks, telephone system, kuno! Dahil ang bahay naming ay may tatlong palapag (hindi pa kasama ang basement), ang gamit naming telepono ay cordless at nakakalat ang tatlong telepono sa mga palapag na ito. Tatlong telepono for for practical reasons: para kapag nag-ring ang telepono, hindi kailangang tumakbo at hanapin kung asan nakalagay ang telepono. Mahirap ng mahulog sa hagdan dahil sa kamamadali. Nakakabaliw yatang hanapin ang teleponong nagri-ring mas lalo na kapag mag-isa ka lang sa bahay!

Tuloy ang kwento natin. Nuong una, ang telepono sa palapag ng kwarto ng mga bata ay nakalagay sa kwarto nang aming bunsong anak. Pero dahil karamihan ng tawag nung kalaunan ay para sa kanyang ate, inilipat namin ang telepono sa kwarto ng ate nya. At dun na nag-simula ang teen-age telephonism: slowly but surely.

Kung dati ay kumakatok sya sa kapitbahayan naming para makipag-laro sa kanyang mga kaibigan, ngayon ay telepono na ang gamit nya sa pagkatok sa kanyang mga kaibigan. Ang tanong: hanggang ilang oras sya pwedeng gumamit ng telepono?

Kasi napansin namin, humahaba ng humahaba ang kanyang pag-gamit sa telepono. Kung uso pa ang party-line, sigurado ko, ilang beses na kaming sinugod ng aming ka-party-line. Hindi lang iyon, sigurado ko rin na inaway-away na rin kami ng aming ka-party-line! Pero dahil wala kaming party-line, iba ang sumusugod at nakikipag-away dahil sa telepono.

Wala ng paligoy-ligoy pa… isang malaking problema ang telephonism ng aking panganay sa aming bahay. Sabihin nyong may mga celfon naman sila, di ba? Bakit hindi iyon ang gamitin nila? May mga celfon sila, pero dahil ang kanilang mga celfon ay mayroong limited loads, mas masaya ang kanilang unlimited telephonism kapag landline ang kanilang gamit dahil iyon ang may flatrate.

Mabuti nga at may flatrate na ang landline namin dito sa bahay. Alam nyo bang ma-swerte kayo sa Pilipinas dahil kapag local calls, flat rate sa atin. Dito kasi kapag hindi flat rate ang landline ninyo, kapag nag-iba na ang area code ang telephone number na tinawagan ninyo, pumapatak ang metro na parang taxi. Dati nga sa gabi ako tumatawag para mas mura ang rate. Kakaiba, di ba?

Balik tayo sa teen-age telephonism – halos ilang beses na ring pinag-awayan ang aking mag-aama ang topic na ito. Ang sabi ng aking asawa ‘hindi na normal ang pagbababad sa telepono ng ilang oras.’

Sagot naman ng aming panganay, ‘hindi naman daw oras dahil nakikita nya sa telepono namin kung ilang minuto sya gumagamit.’ Umaabot lang naman daw ng mahigit isang oras! At dahil ayokong makisalo sa kanilang diskusyon na minsan ay nagiinit na rin na parang tengang naka-dikit sa telepono, nagdesisyon kaming gumawa ng patakaran para sa pag-gamit ng telepono.

Tips on how to control teen-age telephonism:

-          Mag-bigay ng mga klarong patakaran at depende sa kanyang edad: kalahating oras hanggang isang oras ang maaaring limit. Ipaalala sa kanila na hindi lamang sila ang gumagamit ng telepono.

-          Kapag may inaantay ang isang miyembro ng pamilya na importanteng tawag, sabihin ito sa lahat ng pwedeng gumamit ng telepono. Mas mabuti kung mag-iwan ng notice sa mismong kinalalagyan ng telepono para hindi makalimutan.

-          Limitado din kung anong oras sila pwedeng gumamit ng telepono. Sa amin ay pwede nilang gamitin ang telepono para tawagan ang mag kaibigan nila mula alas dies ng umaga hanggang alas siete ng gabi. Pwedeng tumawag ng mas maaga o mas late ng gabi (hanggang alas otso) kapag tungkol sa eskwela o kung ano mang tunay na importante  ang pakay nila.

-          Iwasang tumawag kapag oras ng pagkain, ibig sabihin: breakfast, lunch o dinner. Kung sakali mang hindi maiwasan, itanong muna kung kumakain ang kakausapin. Kapag okay lang na tumanggap ng tawag, madalian ang pag-uusap. Kapag asa hapag kainan naman, sabihin na tatawag na lang ulit.

-          Kasunod ng naunang patakaran, kapag asa harap ang aming pamilya ng hapag kainan at nag-ring ang aming telepono, minsan ay hindi namin sinasagot at inaantay na lang namin na umandar ang answering machine. Minsan naman ay sinasabihan namin ang tumatawag na kumakain kami at tatawagan na lang namin sila kapag tapos nang kumain.

-          Ganyan din ang aming patakaran kapag may bisita sa bahay. Kapag may bisita, walang babaran sa telepono as a courtesy to our guests.

-          Ngayon naman, kapag lumampas sila sa kanilang time limit, sinasabihan namin sila na kakalampagin namin sila. Ibig sabihin, nakakahiya namang marinig ng kaibigan sa kabilang linya na kinukulit ka ng mga  magulang mo na ibaba na ang telepono, di ba?

-          Pinaka-importante sa lahat: Kontrolado dapat kung kanino pwedeng ibigay ang aming telephone number. Hindi lahat ng humingi ng aming telephone number ay pagbibigyan. Kailangan munang humingi ng permiso sa mga magulang.

Ang maganda lang dito sa aming mga anak, bawat tawag nila sa telepono ay ipapa-alam muna nila sa amin. Ibig sabihin, bago nila i-angat ang telepono para i-dial, nagsasabi muna sila na tatawagan nila si ______ (ang pangalan ng kanilang tatawagan). At talagang nag-aantay muna sila ng positibong sagot namin bago sila mag-dial. Hanggang kelan kaya nila gagawin ito?

Pero teka muna, meron ding isang solusyon na sa tingin ko ay malayong mangyari pa sa amin. Sa ibang mga kakilala na may mga teens na sa kanilang bahay, binigyan nila ng kanilang sariling private telephones ang kanilang mga anak. Ibig sabihin, may sarili silang telephone numbers. Para sa akin, pwede lang silang magkaron ng sarili nilang private numbers kung kaya na nilang bayaran ito. Ano sila, sinuswerte?

Sa ngayon ay medyo kalmado na ang mga tao sa aming bahay kapag tungkol sa telepono ang usapan. Nagkaron ng matinong solusyon dahil sa mga patakaran na aming inilatag.

Raquel Erhard blogs at Home Worked.

myrnaco (16 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>