Tara na sa Pilipinas! Mamangha sa mga lugar na sariling atin (Unang Bahagi)

Written by

Thursday, 26 January 2012 - Last Updated on January 26, 2012

Huwag mo hayaan na maging dayuhan ka sa sarili mong bansa.  Ang Pilipinas ay malawak at napapalibutan ng likas na yaman at ganda. Kung naghahanap ka ng saya at nais mong mamangha,  tara na sa Pilipinas!

Kung nasa ibang bansa ka, tara na pumunta sa Pilipinas! Kung nasa tabi-tabi ka lamang, tara na libutin ang Pilipinas! Maaaring nandito ka nga sa Pilipinas, ngunit hindi mo pa nasisilayan ang ganda ng karatig na lungsod o isla. Palawakin ang iyong mundo sa pamamagitan ng pag-byahe sa mga lugar na hindi mo pa nararating sa sarili mong bayan.

Hindi sapat ang pahinang ito para bangitin lahat ng magagandang pook dito sa Pilipinas. Ang mga sumusunod na lugar ay katiting lamang sa mga maaaring masilayan at maranasan sa ating bansa.

 

Tara na sa Luzon!

Ang Luzon ang pinakamalaking isla sa Pilipinas. Maraming mga magagandang lugar sa Luzon na maaaring magpukaw sa inyong damdamin at isip.  Ang mga sumusunod na destinasyon ay ilan lamang sa maaaring puntahan at tuklasin.

Rizal_MonumentSa Maynila, matatagpuan ang Luneta Park o kilala din sa pangalan na Rizal Park.  Dito binaril at napatay ng mga Kastila ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Isang rebulto ni Rizal ang itinayo sa parke upang magbibigay pugay sa kanyang katapangan at pagmamahal sa ating bansa.

Kalapit ng Rizal Park ang Intramuros, ang pinakamatanda at pinakamakasaysayang distrito sa Manynila. Sa iyong paglalakad sa Intramuros, maaaring marating ang Fort Santiago, kung saan naroroon ang Rizal Shrine Museum na nagsisilbing tahanan ng mga memorabilia ni Rizal.

Paborito ng mga mahilig kumuha ng litrato ang Manila Bay dahil sa mapang-akit na takipsilim dito.

Hindi nahuhuli ang Pilipinas pagdating sa magaganda at mga modernong gusali. Ang Makati City at Quezon City ay napapalibutan ng mga naglalakihang mga gusali, mall at iba pang mga pasyalan.

800px-Taal_VolcanoAng probinsya ng Batangas ay mga dalawang oras na pagmamaneho mula sa Maynila. Matatagpuan dito ang mga bay-bayin ng Matabungkay, Nasugbu at Anilao.  Ang Taal Volcano ay nasa pagitan ng Talisay at San Nicolas. Ang Batangas ay kilala sa kanilang kapeng Barako, balisong at hand-embroidered na barong, punda at mga panyo.

Hindi kalayuan sa Batangas ay ang Tagaytay, isang paboritong pasyalan dahil sa malamig nitong klima. Ilan sa mga sikat na destinasyon sa Tagaytay ay ang People’s Park at Picnic Grove. Iba’t ibang prutas ang maaaring mabibili sa gilid ng daan, kabilang na dito ang pinya at saging na senyorita.

437px-Pagsanjan_FallsMakikita sa Laguna ang Pagsanjan Falls na tanyag dahil sa tinatawag na “shooting the rapids” kung saan makikita ang kagandahan ng canyon walls habang sakay ng bangka. Kilala din sa Laguna ang mga bayan ng Los Banos, Calamba at Liliw.

Ang Villa Escudero sa San Pablo, Laguna ay malimit pasyalan ng mga turista. Ang mga bisita ay masayang kinakantahan ng mga mang-aawit habang kumakain sa baba ng hydroelectric dam o tinatawag na “Labasin waterfalls.” Katangi-tangi ang karanasan dito dahil maaaring ibabad ang mga binti sa tubig habang pinagsasaluhan ang pagkain.

Dinadayo ang Quezon province tuwing sasapit ang Pahiyas Festival.  Ito ay isang makulay na fiesta kung saan ang mga bahay ay nilalagyan ng iba’t ibang kulay na “kiping”. Ang Lucban Quezon ay kilala sa kanilang masarap na longanisa.  Dito rin makikita ang matayog na Lucban Church.

MayonVolcanoSa rehiyon naman ng Bicol matatagpuan ang aktibong Mayon Volcano na tanyag sa halos perpekto nitong hugis. Unti-unting nakikilala ang bayan ng Donsol, Sorsogon dahil sa mga butanding. Madami naming magagandang bay-bayin sa Camarines Sur. Makikita din dito ang Mt. Isarog, Lake Buhi at Mt. Iriga.

Ang isla ng Mindoro ay tahanan ng Apo Reef (Diving Mecca ng Pilipinas), Ambulong Island at Busuanga River. Marami magagandang bay-bayin sa Puerto Galera.

Sa Palawan makikita ang kilalang mga destinasyon tulad ng St.Paul Subterranean National Park, Tabon Caves at El Nido.

Ang mga bay-bayin sa La Union, Hundred Islands sa Pangasinan, Pagudpud sa Bangui Bay, lumang mga simbahan at sinaunang bahay na tinayo pa noong panahon ng Kastila at mga kulturang relika ng Ilocos Sur at Ilocos Norte ay mga lugar na maaring daanan patungo sa Cordillera. Dito makikita ang Banaue Rice Terraces sa Ifugao na tanyag sa buong daigdig. Maraming mga turista ang nais makita ang Kabayan mummy caves ng Benguet.  Ang mga tribo sa Benguet, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Apayao at Abra ay may kanya-kanyang makulay at mayaman na kultura.

Dinadayo naman ang Baguio City ng mga turista dahil sa malamig na klima dito. Paborito itong pasyalan sa panahon ng tag-init.  Bantog dito ang Mines View Park at Lourdes Grotto.

800px-Bangui_Windfarm_Ilocos_Norte_2007Ang Batanes ang pinakamaliit na probinsya sa Pilipinas. Ito ay binansagan na “The Home of the Winds” dahil sa windmills sa Bangui. Ang Batanes ay parating hinahagupit ng bagyo kaya ang mga dingding ng mga bahay dito ay gawa sa bato at ang mga bubong ay mula sa cogon.

Ang Cagayan ay sagana sa likas na yaman.  Ang Cagayan River ay ang pinaka-mahaba at pinaka-malawak na ilog sa Pilipinas.  Ilan sa sikat na mga kweba dito ay ang Callao Caves at Sierra Cave.  Ang tanyag na Pamplona Church ay may 300 taon na nakatayo.

Sa Nueva Viscaya makikita ang matayog na Caraballo Mountain at ang palilko-likong daan pantungo sa makasaysayang Dalton Pass (dating Balete) kung saan masisilayan ang Pampanga Valley at Cagayan Valley.

Pagdating sa gawaan ng tabako, ang Isabela ang nangunguna dito.  Sa lugar na ito matatagpuan ang dalawang mountain ranges, ang Cordillera ranges at Sierra Madre.

Ang Nueva Ecija ang pinakamalaking probinsya sa Central Luzon. Tanyag na mga lugar dito ay Minalungan National Park sa Gapan, hot springs sa Rizal, Talugtog, talon sa Carranglaan at San Jose, Pantabangan Dam sa Pantabangan, Diamond park sa San Jose City at Rubber Dam sa Llanera. Kilala din dito ang Aurora Park na may sakop na 5,000 na hektarya ng gubat.

800px-Corregidor_DN-ST-86-01680Ang Bataan ay may malaking papel sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay nanatili dito noong World War II.

Maraming mga turista ang pumupunta sa Corregidor Island upang makita ang mga lumang gusali na tinirhan ng mga sundalo, mga kanyon at mga memorabilia noong gera.  Isinasadula ang naging papel ng isla noong giyera sa isang Light and Sound Show sa isang mahabang tunnel.

Nakakamangha ang mga higanteng parol ng San Fernando, Pampanga. Ang Lubao naman ay kilala bilang pagawaan ng mga magagandang gitara. Kung pottery ang nais mo, maraming mga dekalidad na pottery na makikita sa bayan ng Sto. Tomas. Pinagmamalaki din ng Pampanga ang malikhaing mga inukit na kahoy at muwebles na gawa sa kahoy. Ang mga natitirang panday sa Apalit ay patuloy sa kanilang paggawa ng bolo at kutsilyo.

800px-Barasoain_ChurchSa bayan ng Meycauayan, Bulacan, makikita ang mga leather tanneries. Sa Bocaue, makikita ang sikat na Bocaue River kung saan diumano natagpuan ang mapaghimalang krus 200 taon na ang nakaraan. Tanyag namang simbahan ang Barasoain Church sa Malolos.

 

 

Photos: “Mayon Volcano”, “Rizal Park Facing Qurino Grandstand”, “Taal Volcano”, “Pagsanjan Falls”, “Barasoain Church”, “Corregidor DN-ST-86-01680, “Bangui Windfarm Ilocos Norte” c/o Wikimedia Commons, Public domain.

—————————–

Rachel Yapchiongco, also known as Rach to her friends, is a Psychology and Marketing Management graduate of De La Salle University.  She took up MBA at the same university.  Rachel is a full-time mom to a charming young boy and married to an entrepreneur with a passion for cooking. She shares parenting experiences and slices of everyday life on her personal blog called Heart of Rachel.

Administrator (18362 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>