Tara na sa Pilipinas! Mamangha sa mga lugar na sariling atin (Ikalawang Bahagi)

Written by

Sunday, 29 January 2012 - Last Updated on January 29, 2012

Tara na sa Visayas!

Ang Visayas ay nahahati sa ilang mga isla. Bawat isa ay may bukod tanging kultura, natural na yaman at likas na kagandahan. Ang mga sumusunod ay kaunti lamang sa mga maaaring puntahang lugar sa Visayas.

Halika na, mag-byahe na tayo sa Visayas!

Isa sa paboriting destinasyon sa Visayas ay ang probinsiya ng Cebu. Ito ay binubuo ng 5 siyudad at 48 na munisipalidad.  Ang Cebu City ay isang maunlad na bayan na napapaligiran ng mga gusali, malls, resorts, hotels at condominiums.

 

Ang Sto.Nino Basilica ay dinadayo ng mga turista lalo na pagsapit ng Enero kung kailan ginaganap ang isa sa pinakamalaking pista ng Cebu, ang Sinulog.

MactanShrineStatue2Maraming mga makasaysayang lugar sa Cebu tulad na lamang ng Magellan Cross. Ito ay itinayo ni Ferdinand Magellan noong Abril 21, 1521 sa lugar kung saan ang unang mga Kristiyanong Pilipino, sina Rajah Humabon, Reyna Juana at 400 na tiga-sunod ay bininyagan ni Fr. Pedro Valderema.  Dahil sa tagumpay ng pagsulong sa Kristiyanismo, si Magellan ay nagpatuloy sa pagtawid ng channel papuntang Mactan Island. Ngunit bago pa man ito makatapak sa pampang, si Magellan ay napatay ni chieftain Lapulapu. Ang Magellan Marker ay tinatag para magsilbing palatandaan sa lugar kung saan namatay ang manlalakbay.  Sa isla ng Mactan naman makikita ang monumento ni Lapulapu, ang tinaguriang unang Pilipinong bayani na nakipaglaban sa mga Kastila.

Makikita sa Cebu ang pinakalumang paaralan sa Pilipinas, ang Unibersidad ng San Carlos na itinayo noong 1565.  Ang Taoist Temple ay nasa kalagitnaan ng siyudad, kung saan maaaring masilyaan ang magandang view ng isla.

Kung nais mo namang bumili ng pasalubong tulad ng dried mangoes at danggit, maiging pumunta sa Carbon Market. Ang mga mahilig sa gitara ay tiyak na matutuwa sa dekalidad na mga gitarang gawa sa Cebu.

Pagdating sa kainan, hindi pinapalamapas ang Sukhutil.  Dito maaaring maranasan na mamili ng bagong huling mga pagkaing dagat at ipaluto sa katabing mga restaurant.

Bohol-Chocolate_HillsAng Bohol ay kilala sa ganda ng mga tanawin. Una na dito ang tinaguriang Chocolate Hills.  Ito ay hinahangaan sa buong mundo dahil ito lamang ang katangi-tanging geological na pormasyon na binubuo ng 1,268 na burol na halos perpekto ang hugis. Ang mga burol ay kulay berde tuwing tag-ulan at nagiging kulay kape pagsapit ng tag-init.  Sa Bohol lamang masisilayan ang pinaka-maliit ng primate sa buong mundo, ang tarsier.

Dalawa sa pinakamakasaysayang simbahan sa Bohol ay ang 403-taon na Baclayon Church at ang 300-taon na Dauis Church.

Dinadayo din ang underground pool ng Hinagdanan Cave. Kakaibang karanasan ang kumain sa floating restaurant habang binabaybay ang Loboc River patungo sa Busay Falls.

Borocay_White_BeachAng Boracay ay kilala sa ganda ng mga bay-bayin dito kung saan parang kyrstal ang tubig at pinong-pino na parang pulbo ang buhangin.  Paborito itong bakasyunan ng mga turista at lugar ng honeymoon ng mga bagong kasal.

Sa Guimaras matitikman ang pinakamatamis ng mangga sa Pilipinas.  Marami din ditong magagandang mga bay-bayin.

Makasaysayan naman ang lugar ng Leyte.  Dito dumaong si General Douglas McArthur noong World War II. Makikita sa Leyte ang malaking monumento ni McArthur at ang kanyang mga sundalo.  Ang iba pang mga mapanghiyakat na lugar dito ay ang San Juanito Strait, Danao Lake, Mahagnao National park, Tongonan National Park at Biliran Volcano.

Sa bayan ng Negros makikita ang Mt. Talinis at Kanlaon Volcano.  Maraming mga mountain climbers ang nais maakyat ang mga ito.

Ang masaya at makulay na Masskara Festival sa Bacolod City ay hinahalintulad sa Mardi Gras ng Rio.  Hindi pinapalampas ng mga bumibisita sa Bacolod na matikman ang inasal (barbecue chicken).

Makikita ang mga magagandang mga lumang simbahan tulad ng Miagao Fortress Church,Sta.Barbara Church at Molo Church sa bayan ng Iloilo.  Dito maaaring matikman ang orihinal na La Paz Batchoy. Ang Capiz naman ang tinaguriang “Seafood capital” ng Pilipinas dahil dito makakabili ng murang talaba, hipon, alimango at bangus.

Ang Ati-Atihan festival sa Aklan ay dinadagsa ng mga turista upang makiisa sa tatlong araw na piyesta sa karangalan ng Sto. Nino.

 

Tara na sa Mindanao!

Ang Mindanao ay paboritong puntahan ng mga adventure at nature lovers.

Tara na, tuklasin natin ang ganda ng Mindanao!

Sa Zamboanga City matatagpuan ang Pasonanca Park.  Dito masisilayan ang iba’t ibang klase ng puno, namumulaklak na mga halaman, ferns, shrubs at 600 uri ng orchids. Sa Zamboanga din makikita ang mga makukulay na sasakyang pandagat na tinatawag na vintas.

pearl_farmAng Davao City ang commercial at economic na sentro ng Mindanao.  Maraming magandang mga resorts ang nakatayo dito tulad na lamang ng Pearl Farm at mga resorts sa Samal Island.

Sagana ang Davao sa mga prutas na durian, pomelo at saging.  Pinagmamalaki ng Davao ang wildlife conservation centers na nagsusumikap na pangalagaan ang Philippine Eagle at Philippine Crocodiles.

Sa Cagayan de Oro maaaring maranasan ang kakaibang white water rafting adventure. Ilan sa mga magagandang lugar na maaaring pasyalan dito ay ang Monigue Cave, Macahambus Adventure Park, F.S. Catanico Falls, Mapawa Nature Park at Macahambus Hill Cave.

Sa Camiguin Island matatagpuan ang tanyag na Underwater Cemetery at Hibok-hibok Volcano.Ang Siargao Island ang binansagang surfing capital ng Pilipinas. Ang Bukidnon ay tahanan ng pinakamalaking plantasyon ng pinya.

 

 

Photos: “Pearl Farm,” “Mactan Shrine,” “Bohol-Chocolate Hills,” “Sunset Boracay White Beach,” c/o Wikimedia Commons, Public domain.

—————————–

Rachel Yapchiongco, also known as Rach to her friends, is a Psychology and Marketing Management graduate of De La Salle University.  She took up MBA at the same university.  Rachel is a full-time mom to a charming young boy and married to an entrepreneur with a passion for cooking. She shares parenting experiences and slices of everyday life on her personal blog called Heart of Rachel.

Administrator (18354 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>