nkpowjuly29

Stories (lies) Of Noynoy Aquino

Written by

Tuesday, 28 July 2015 - Last Updated on July 29, 2015
nkpowjuly29

nkpowjuly29

 

 

 

 

 

 

 

NEW WORDS:
TSONA = SONA NG MGA TSONGGO
CHONA = CHARING NA SONA
ZONA = ZERO ANG GRADE SA SONA

*****

NAPANOOD / NAPAKINGGAN N’YO BA ANG
HULING SONA (SALAMAT NAMAN!) NI PNOY KAHAPON?

Nakita n’yo rin ba security measures
na sinet-up sa paligid ng Batasan?
Pati yung mga barbed wires?

Natakot ako eh!
Akala ko ay lulusubin na tayo ng…
CHINA!!!

*****

BAGO DUMATING ANG ARAW NG SONA,
kumalat sa social media ang menu ng merienda
na ise-serve sa mga dadalo dito.

P2.5 MILLION lang naman ang halaga nito.
Syempre, sosyal ang menu.
Sana lang, ang dessert nila ay DURIAN CANDIES
at ang inumin ay MILK TEA.

Ang saya sana natin ngayon!

*****

SA SIMULA NG SONA, NAGPAUMANHIN SI PNOY
dahil hindi na niya nakamayan ang mga frogs
ang nakapila para sumipsip sa kanya.

Masama raw kasi pakiramdam niya.

After the speech,
sumama rin ang pakiramdam ng mga nanood.
Actually, sumama ang loob nila
sa mga kasinungalingan at paninisi (na naman!)

*****

SA SIMULA PA LANG NG SPEECH,
umandar na naman si Boy Sisi.
Bida na naman si Aling Gloria.

LIMANG TAON NA!
Naman!!!

Di ka pa rin maka-move on, ‘teh?

*****

“…NATUTO MULING MANGARAP ANG PILIPINO,
ANG ATIN PONG MGA BOSS.”

Mali.
BINANGUNGOT po ang mga Pilipino.

And please lang….
tantanan na ang paggamit “BOSS KO”
Alam naman nating lahat na HINDI TOTOO YAN EH!

Orocan!

*****

“TALAGA PONG NAPAKALAYO NA ANG ATING NARATING.”

Mas tama po yata kung…
NAPAKALALIM na ang ating narating.

*****

“NITO LANG PONG BIYERNES, PINASINAYAAN NATIN
ANG MUNTINLUPA-CAVITE EXPRESSWAY.”

Ahem… speaking of Cavite…
naalala n’yo pa ba ang pangako n’yo 2 years ago?

So, kailan na kayo papasagasa sa tren?

Sana soon!

*****

“DINATNAN NATIN ANG TAUMBAYANG NAMANHID NA
SA WALANG HUMPAY NA ALEGASYON NG
KASINUNGALINGAN, PANDARAYA, AT PAGNANAKAW.”

Esmyuski ser…. ‘di yata tamang ipagmalaki ito kasi…
LUMALA po ito sa termino mo!

*****

NABANGGIT ANG MAGUINDANAO MASSACRE
pero hindi binanggit ang kabagalan ng hustisya
sa ilalim ng administrasyon niya.

Bagay sila ni Pong.

*****

PERO ANG HINDI NABANGGIT AY ANG
MAMASAPANO MASSACRE AT ANG SAF 44.

Ni hindi nag-alay kahit isang minutong katahimikan
para dito man lang may maipakita
ang sincerity ng gobyerno niya.

Ang inalay lang ay….
*ubo*

*****

NALIMUTAN DIN ANG MGA BOSS
na naglalakad sa riles tuwing may aberya ang MRT.

AT ANG MGA BOSS NA NAUBOS NA ANG ORAS
sa kalsada dahil sa sobrang traffic.

Puro PAPOGI pero walang PUSO ang SONA na ito.

Buti pa ang saging, may puso.
Di ba, Mark Lapid?

*****

YAYA, HAIRSTYLIST, ATBP., PINASALAMATAN NI PNOY,
pero… nalimutan n’yang pasalamatan sina
JIM PAREDES, LEAH NAVARRO, CYNTHIA PATAG.

The La Ocean Yellow Triplets
a.k.a. Malabanan Siblings.
Higup pa more!!!

*****

PARA MAGING KWELA, GUMAMIT DIN ANG PANGULO
ng “in” phrases tulad ng “EH DI, WOW!”

Muntik na rin siyang mag-TWERK at mag-NAE NAE.
Buti’t napiligilan ng security.

*****

“NANG PUMANAW ANG AKING INA…”

Assuuus! Kumita na ‘yan.
Nagamit at nagasgas n’yo na po ‘yan
sa kampanya n’yo noon di ba?

Tama ang ang pang-teleseryeng drama.
PLEEEEASE!!!

*****

Overheard:

SI PINOCCHIO HUMAHABA ANG ILONG
KAPAG NAGSISINUNGALING.

Ang iba naman daw, kapag nagsisinungaling,
INUUBO.

*****

MATAPOS MAGMALAKI NG MGA NAGAWA NIYA (DAW)…

“Hindi tayo mahilig magbuhat ng sariling bangko…”
— PNoy

Eh ano binuhat mo, mesa?

*****

“GALIT ANG MGA PILIPINO SA EPAL”
— PNoy

At pinawisan ang LAHAT ng nasa sa audience.
Lalo na si MAR ROXAS.

*****

GUMAMIT DIN NG VIDEO INSERTS
para ipakita ang mga bumilib sa leadership ni PNoy.

At para bigyan siya ng time
para UMUBO NANG WAGAS
at idura ang… you know.
Ewww.

*****

PNOY:
“SINO KAYA ANG NAPATABA NG PATABANG ITO?”

Hmmm…. si DRILON?

*****

TUNGKOL SA GOCC’S:
“KALIWA’T KANANG BENEPISYO’T INSENTIBO PA
ANG IPINAMUDMOD NILA SA KANILANG SARILI.”

HELLOOOOOO?!!!
Hindi ba kayo nagbabasa ng dyaryo?
Patuloy pa rin ang mga bonuses
na ibinibigay nila sa sarili nila ‘no!!!
(Some even get P8 TO 12 MILLION EACH)

Wala bang Google ang speechwriters n’yo, ser?

Eto po ang 2-part report ng CNN:

http://cnnphilippines.com/investigative/perk_paycheck/2015/05/27/Perks-paychecks-of-GOCC-execs-Part-1.html

http://cnnphilippines.com/investigative/perk_paycheck/2015/05/27/Perks-paychecks-of-GOCC-execs-Part-2.html

*****

SYEMPRE, IBINIDA NI PNOY ANG BBL.
May video ring ipinalabas tungkol dito.

Hindi po starring sa video si IQBAL.
DRAMA po ang video, hindi MYSTERY.

*****

KUMONTI DAW ANG LABOR STRIKES.
From 21 a year to 15 a year.

So??
Sukatan ba talaga ito
ng improved labor conditions??

I have one word for you, sir: KENTEX.

*****

“ANG PRINSIPYO NG ATING PAMUMUNO:
SA HALIP NA BIGYAN ANG KAPWA NG ISDA,
TURUAN SIYANG MANGISDA.”

Mali.
Ang binibigay n’yo ay Conditional Cash Transfer o ang 4Ps.
Wala pong livelihood (“pangingisda”) component ito.

*****

ISA PA, PROJECT ITO NA SINIMULAN
ng panahon Gloria Arroyo noong 2007.

Lagi mong sinisisi, pero ang mga achievements niya
na pinagpatuloy mo, INAARI mo naman na sa iyo!

CREDIT GRABBER ka talaga, Nae Nae Aquino!

*****

“KUNG WALANG CORRUPT, WALANG MAHIRAP”
ipinagdiinan ni PNoy sa huling SONA.

Kung titingin ka lang po sa paligid mo, makikita mong…
MARAMING CORRUPT.
At kung lalabas ka sa Palasyo, makikita mong…
MARAMING MAHIHIRAP.

*****

NABANGGIT DIN ANG MRT PERO…
sa iba sinisi ang kabulukan nito ngayon.

Yes, after FIVE LONG YEARS,
si GLORIA at IBANG TAO pa rin ang may kasalanan.

Ano, itali na talaga natin ito sa riles??

*****

KAPAG MAY NARIRINIG DAW KAYONG BATIKOS
SA GOBYERNO AT PAMAMALAKAD NITO…

“…ilipat muna natin ang channel, at baka
may mas mapala pa tayo sa panonood ng sitcom.”

Yan ang pilosopiya ng Aquino government:
HUWAG PAKINGGAN ANG BATIKOS.
TURN A BLIND EYE.
PRETEND THAT EVERYTHING IS PERFECT.
DEDMA.

*****

“PANAHON NA PARA IPASA ANG ISANG
ANTI-DYNATY BILL.”

And Kris was llike,
“Paano na sina President Josh at VP Bimby???”

*****

“PANAHON NA PARA IPASA ANG ISANG
ANTI-DYNATY BILL.”

Nice words. Pero AMPAW. Pampapogi lang.
Maganda lang pang-soundbyte, headline at meme.
Alam naman niyang hindi papasa ito sa kongreso, ‘no!

Parang sinabihan n’yo na rin sila na…
magpakamatay!

*****

WALANG BANGGIT NG FREEDOM OF INFORMATION BILL?
Di ba’t tumakbo ka sa platform ng TRANSPARENCY?
Di ba’t napaniwala mo ang tao na ipaglalaban mo ito?

Sabagay…
marami pa ring funds sa ilalim ng panunugkulan mo
ang hanggang ngayon ay hindi pa naa-account
at hindi alam kung saan napunta.

BILLIONS.

Kaya biglang na-FOIL and FOI.

*****

“YOU AIN’T SEEN NOTHING YET” – PNOY

Wala namang takutan!

*****

IN SUMMARY:
NAGPAPOGI LANG ANG PANGULO – AS USUAL.

Puro sisi. Puro drama. Puro tenkyu.
Wala pa ring inilahad na vision.
WALANG pinagbago.
After five years.

Lumala lang ang ubo.

*****

SOME REACTIONS:

EX-PRESIDENT FIDEL V. RAMOS:
“Too long but lacking in substance.”

VP JEJOMAR BINAY:
“Pakinggan niyo na lang ang State-of-the-Nation namin.”

CYNTHIA VILLAR:
“No concrete solutions to alleviate poverty
were presented by PNoy.”

SEN. GRACE POE:
“Huwag nating maliitin ang mga nagawa niya,
especially against corruption.”

SEN. ALAN PETER CAYETANO:
“I am hoping soon na mailatag niya ang blueprint at plano
pa sa bansa sa nalalabing buwan ng kanyang termino.”

REP. WALDEN BELLO:
“Force of habit (blaming game).”

REP. LITO ATIENZA:
“He should have focused on positive things such as
healing and reconciliation that would help the country
to move forward.”

DAVAO MAYOR RODRIGO DUTERTE:
“Aquino should stop blaming Arroyo.”

DAVAO VICE-MAYOR PAOLO DUTERTE:
“After 5 long years, the blame is still
on the previous administration.
I am disappointed and frustrated.”

LEYTE REP. FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ:
“Blaming, we’re used to that,
its a sad refrain but that’s his prerogative.”

JUANA CHANGE:
“Walang natutunan. Limang taong umupo, walang nabago.” ‪

*****

MEANWHILE, SA LABAS NG SONA VENUE,
nagmartsa ang libo-libong “boss” na militante.
Nakipagpukpukan na naman sila sa mga pulis.
Nagsunog ng mga effigy ni PNoy at ng MRT.

Special ang tingin sa kanila ng gobyerno.
DOUBLE boss:
BOSS-A-BOSS.

*****

AT KUMUSTA NAMAN ANG FASHION?
Di ko napansin kasi sa radyo lang ako nakinig.

At hindi rin po ako couturier.
Wag na lang natin pansinin,
para baka sakaling MATIGIL NA ang pagpapapansin.

At matigil na ang fashion show tuwing may SONA.

*****

MATAPOS ANG SPEECH, NAGPALAKPAKAN ANG FROGS
pero may biglang umalingawngaw na…. BOOOO!!!

Tumayo ang mga militanteng mambabatas,
na may hawak na signs na nagsasabing:
SERBISYO PALPAK
MAPANG-APING ASENDERO
HUMAN RIGHTS VIOLATOR
PERWISYO, PAHAMAK
PAHIRAP SA MGA MANGGAGAWA AT KAWANI
at iba pa.

Sa pagkabigla, biglang nawala ang ubo ni PNoy.

*****

GUMANTI NAMAN ANG PRO-PNOY LAWMAKERS
led by SEN. DRILON at ni-BOO rin ang mga militante.

Yan po ang SENATE PRESIDENT
at ang ating mga mambabatas.
Kagalang-galang.

*****

PHOTO CREDITS:
PRES. BS AQUINO III’S LAST SONA:  www.abante.com.ph
PRES. BS AQUINO III WITH MINIONS: www.facebook.com/photo
MINION PNOY:  www.pinoyexchange.com
RALLY:  www.facebook.com/mon.ramirez.10/
SONA SECURITY:   Mon Ramirez’s FB page (www.facebook.com/mon.ramirez.10?fref=photo)
PNOY EFFIGY BURNING: www.entertainment.inquirer.net

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>