insecurity4

Pride or Proud: Tinomboy ka nguni’t kulang a.k.a “The lesbian’s cis-man ‘insecurity’ kuno”

Written by

Sunday, 21 June 2015 - Last Updated on June 21, 2015
insecurity4

insecurity1Ang mga lesbiyana talaga, madrama.

Ilang beses ko na bang narinig ang dialogue na ito sa mga butch circles:

“Okay lang ‘yan, ‘tol. Talagang ganyan. Babae ‘yun eh. Kaya maghahanap ‘yun ng lalaki. Kaya talagang isang araw, hihiwalayan ka ‘nun. Dapat tanggap mo na ‘yun.”

Naririnig ko rin ang dialogue na ‘yan sa iba pang lesbian circles, mula sa mga babaeng nagmamahal ng babae pero hindi nila iniisip ang pagiging butch o femme nila. Kaya medyo nag-iiba ang tono ng drama at sa sexuality nakatuon:

“Ganyan talaga, teh. Kasi nga hindi siya lesbian. Straight ‘yun eh. Baka bi-curious lang at nag-experiment. Sa susunod kasi, maghanap ka na ng lesbian din, ‘yung babae talaga ang gusto, at hindi lang pumapatol.”

May pagkakaiba ba sa dalawang dramatic dialogue na ito? O iisang tono lang ang naririnig ninyo?

Bilang isang dating femme na femme na former heterosexual na ngayo’y flaming not-butch-not-femme na woman-loving-woman genderqueer (gets?), naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng dalawang hinaing na ito.

*

Noong femme na femme ako at nagkaroon ako ng unang girlfriend, lagi niyang sinasabi kung naghahanap na ba ako ng lalaki o nandidiri na raw ba ako sa relasyon namin. Femme na femme rin itong una kong girlfriend, pero parang takot na takot siyang ipagpapalit ko siya sa isang lalaki, dahil lamang sa nanggaling ako sa relasyong heterosexual bago ko siya nakilala. Kaya kahit sa pagtatalik ay nagiging issue sa kanya iyon, dahil baka any moment now ay ma-feel niyang ibang uri ng katawan ang hanapin ko — at iwanan ko siya.

Pero hindi naman. Sa unang experience kong iyon sa relasyong babae-sa-babae, masaya kong natagpuan kung saan ako liligaya. Mas maligaya pala akong karelasyon ang babae dahil mas marami akong nararamdamang match, tugma o akma sa pagkatao ko kapag babae ang kasama ko sa buhay. Hindi ko pinili ang babae dahil sa heartbroken ako sa lalaki (actually, ang lalaki ang heartbroken sa akin, but I digress hihihi charot!). At hinding-hindi ko pinili ang babae dahil galit o na-trauma ako sa lalaki. Hindi ako ganoong uri ng lesbiyana.insecurity2

Sa paglaon, nakita kong iba-iba pala ang uri ng lesbiyana. Kaya ako mismo, nagkakaroon ako ng sarili kong criteria for judging sa mga lesbiyanang gusto kong makaulayaw sa buhay.

A short rundown of that is as follows:

  1. Dapat babae ang identification niya sa sarili niya at hindi siya mandidiri na babae rin ang kasiping niya.
  2. Dapat hindi siya astang lalaking macho, pero kung siya ay astig na femme (to the tune of independent woman vis-à-vis alpha female-ish ang peg) ay kering-keri ko.
  1. At dapat, wala siyang moral dilemma/religious guilt/societal pressure-pushed thoughts o ambivalence sa ganitong uri ng rainbow relasyon. In short, dapat sigurado siyang ito ang gusto niya — at ang tulad kong babae ang type niya.

Dahil sa sigurado ako sa sarili ko at sa kakayanan ko bilang tao, babae, lesbiyana, at sige isama na natin ang pagiging Pilipino, dapat ay ganito din ang babaeng magmamahal sa akin at mamahalin ko — sigurado at stable dapat siya sa mga tinagurian kong “basics” sa buhay: estado ng pagkatao niya, kasiguraduhan niya sa seksuwalidad niya, at confidence niya sa lahat ng ito sa pagiging human being niya.

But in the immortal words of Lola Alanis, “Enough about me; let’s talk about you for a minute.”

Shall we, again?

*

Dahil sa sigurado ako sa aking naging life journey and decisions sa aking pagkatao at sexuality, napapaisip ako kung bakit ang ilan sa ating mga lesbiyana ay iba ang pag-proseso sa mga bagay-bagay. Hindi ko sinasabing tularan nila ang proseso ko. Bagkus, sila nga ang iniintindi ko kung bakit ganoon ang proseso nila. And in a deeper sense, mas gusto kong alamin kung ano at saan galing ang impluwensiya ng kanilang mga proseso.

Kaya baffled ako sa pagdiskubre na may mga lesbiyanang tinatanggap pala nila ang “pagkatalo” nila sa “tunay na lalaki” dahil sa “tanggap” nilang “kulang” sila. Ang daming quotation mark concepts nito, oo, dahil gusto kong kuwestiyunin ang mga konseptong ganito.

Una: Bakit ba kailangan nating isukat ang sarili natin sa metro ng mga lalaki?

Tila ang ilang butch lesbian na nakikilala ko ay may dramang “tinimbang ako nguni’t kulang” mode dahil sa ang natitipuhan nilang girls ay pawang straight. Minsan, suwerteng ang straight girls ay bukas ang isip at ang motto nila sa buhay ay “love has no gender” kaya okay lang sa kanila na makipagrelasyon sa kung sino ang makakapagpatibok ng kanilang puso.

Pero nakakawindang ang thoughinsecurity3t ng ibang butch tungkol sa pagiging “handa dapat” kapag ang isang straight girl ay iniwan sila at pinagpalit sa lalaki. Sabagay, hindi lang mga butch ang may feeling nito kundi pati ang mga sisterette nating non-butch o femme or in-between na napapaibig sa isang heterosexually-identified woman.

Marahil ay panahon na para baguhin natin ang pag-iisip na ito. Paano kaya kung huwag nating gawing sukatan ang heterosexual past ng isang babaeng napaibig sa atin/iniibig natin? Kung nagbago ang ihip ng hangin ni ate hetero, ibig sabihin ay nagbago ang isip niya, regardless kung anuman ang dahilan niya sa pagbabagong ito. Kung karugtong nga ito ng isyu niya sa pagkakaroon ng babaeng karelasyon, eh di isyu niya iyon — at hindi mo dapat kakarguhin bilang isyu mo, lalo na’t kapag sinabi niyang babalik na siya sa lalaki. Gusto lang niyang bumalik sa lalaki, so hayaan mo siya. Pero huwag mo na sanang ikumpara ang sarili mong self-worth sa lalaking mas pinili niya.

Easier said than done, I know. Pag-ibig ‘yan, eh. Tagos, tarak. Eh di sige, decide na lang kung kelan mo gustong matauhan.

Ikalawa: Kulang ka nga ba dahil ikaw ay lesbiyana?

Puwedeng sabihin ng isang hetero girl na kulang ka sa equipment, at bigla siyang naghanap ng etits na tunay at hindi dildo lang.

Puwedeng sabihin ni hetero girl na gusto niyang magkaanak kaya sasama na siya sa isang lalaki at hihiwalayan ka na, dahil obvious na hindi mo ito maibibigay sa kanya.

Puwede ring sabihin niyang nakukulangan siya sa binibigay mo kaya babalik na siya sa lalaki dahil tila lalaki lang ang makakakumpleto ng hinahanap niya, kung anuman iyon.

Napapansin mo ba, teh, na puro isyu ni girlet ito? Sana ay huwag mo na ring dalhing isyu ito, o idikit at gawing isyu ito ng isang lesbiyana, dahil ang naghahanap ng kulang sa iyo ay malamang kulang rin ang naibibigay sa iyo. O baka kulang talaga siyang tao, kaya kung kani-kanino siya naghahanap ng mga bagay-bagay na kukumpleto sa kanya.

Again, kung nais niyang maging naglalakad na jigsaw puzzle, aba’y hayaan mo na kaya siyang maghanap ng kukumpleto sa kanya. Minsan, mas mainam na iniiwan na lang ang mga puzzle sa tabi, lalo na ‘yung mahirap i-solve.

Bilang lesbiyana, hindi ako naniniwalang tayo ay may kakulangan. Kung procreation ang pag-uusapan, may mga paraan naman para maganap ito. Kung sex ang kakulangan, may paraan din naman para maganap ito. Pero kung puro dahilan ng iyong kakulangan na lang ang iyong naririnig mula sa iyong jowa at hiwalayan na ang nais niya, aba’y ibigay mo na lang ang hilig ni ati siguro, at paluwagin mo na lang ang buhay mo at mahalin mo lalo ang sarili mo. Life’s too short, teh. At baka hindi si ate gurl ang iyong “da wan.” Hanap na lang ng iba.

Ikatlo: May unspoken competition bang heterosexual man vs. butch lesbian ang peg?

Sa mga madadramang linya ng mga butch na narinig ko, tila nagkakaroon tuloy ng silent competition ang mga butch at heterosexual man. Meron ba? Sana ay huwag na lang. Kasi kapag nakikipagkumpitensiya lang pala tayo sa kanila, lalo na sa pagkuha ng girl o pagpapaibig ng isang dilag, aba’y ano’ng klase ‘yan?

Narito tayo para mabuhay nang matino at umibig nang sapat. Hindi na rin natin kasalanang mga lesbiyana kung ma-inlab sa atin ang mga hetero girls. Pero hindi ito nangangahulugang kinukumpitensiya natin ang mga hetero boys in the process. So hetero boys,insecurity4 please erase that notion sa utak ninyo rin, please.

*

Magandang usapan ang pagiging proud sa ating sexuality. Bilang lesbiyana, go ahead and celebrate lesbian pride! Pero kung gagawin natin ito sa larangan ng pagsusukat ng pagkatao, aba’y baka hindi na magandang uri ng pride iyon, lalo na’t competition ang peg mo sa buhay, sa pagpapaibig ng mga straight girls, or worse, pang-aagaw ng babaeng jowa ng isang hetero guy. Let’s celebrate our kind of pride in a humane way, okay?

Happy genuine pride month, mga teh.

 
Libay Linsangan Cantor is an award-winning Manila-based queer writer, media practitioner and gender advocate. Email her at leaflens@gmail.com. She blogs at Culture Popper Leaflens and tweets as @Leaflens. She answers queer-related queries at her Askfm leaflens site.

 

Photos by the author. Some rights reserved.

Libay Linsangan Cantor (106 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>