translez4

Pride or Proud: Tinomboy ka nguni’t kulang a.k.a. “Ako transman, ikaw butchy lang”

Written by

Saturday, 20 June 2015 - Last Updated on June 21, 2015
translez4


translez1
Nasubukan mo na bang makilatis base sa iyong kakulangan “daw” sa pagiging lesbiyana mo?

Ako, oo. I’m sure pati naman ang ibang lesbiyana, ganito din ang sagot — na at one point in their lives, may kumikilatis sa kanila bilang “kulang” dahil iba ang naiisip nilang “requirements” kung ano dapat ang “tunay na babae” (at ang lesbiyana daw ay hindi tunay na babae, whatever the heck that means). Anyway, mahaba pang diskurso iyan. Pero for the first time in my dyke life, ngayon lang kasi ako nasukat gamit ang panibagong panukat — na kulang daw ako sa pagiging tigasing transman-ish trait kaya kulang na kulang daw ako para sa mga babae dahil sa pagiging soft butchy ko “lang” daw. “Lang,” sabi.

Ano raw?

Flashback, a few months ago. Hindi ito ang unang beses kong nakakilala ng isang taong ang tingin niya sa sarili ay transman. Mahabang usapin kung ano ang transman, pero susubukan kong simplehan dito: Ang transman ay ang mga tao na alam nating pinanganak na babae, pero ang identification nila sa sarili nila ay lalaki, kaya nagdadamit-lalaki sila at pumoporma o kilos na parang mga lalaki. Pakiramdam nila, di akma ang gender na sinasabi ng lipunan tungkol ng kanilang katawan dahil hindi ito match sa kanilang pag-iisip, pakiramdam, at kalooban.

Dagdag pa, may ilang mga transman na kadalasang binabalandra ang kanilang masculinity dahil sa ayaw nilang ma-associate sa pagiging babae o ayaw nilang maalalang babae ang kanilang katawan. Kaya ang ilan din sa kanila ay nagpapatanggal talaga ng mga reproductive organs o body parts na makakapagpaalala sa kanilang babae sila. Ginagawa nila ito para maging komportable na sila sa kanilang identidad bilang isang lalaki.

Pero para sa ibang hindi kaya ang pagpapa-opera, ginagawan nila ng paraan para ang katawan nila ay hindi mahalatang katawan ng babae. Kahit sa mga partner nila, hindi sila naghuhubad sa harap ng mga ito, o ayaw nilang tanggalin ang damit nila sa pakikipagtalik. Sa societal roles naman, dahil sa lalaki ang identidad nila sa sarili, ang mga male-assigned pronouns ang ginagamit nila at kadatranslez2lasan ay ina-assume nila ang mga nakagisnang gender roles sa lipunan na “tradisyunal” na tinaguriang “pang-lalaki” tulad ng pagiging breadwinner sa pamilya, pagiging “daddy” ng pamilya, at iba pa.

 

Siyempre hindi ito applicable sa lahat ng transman at base lamang ito sa nakikita o nakikilala nating transman na ganito ang self-presentation. At hindi rin lahat ng transman na tao ay transman ang turing o tawag sa sarili dahil sa kakulangan nila sa knowledge tungkol sa mga terminong ito ng sexual orientation and gender identity o gender expression (SOGIE). Wala namang prublema doon. Siyempre, bilang tao, nirerespeto natin sila kung saan sila maligaya. Out of respect, hinahayaan lang dapat sila na ilahad kung paano nila kinikilala ang sarili nila — at okay lang iyon.

Pero ang hindi okay ay ito — na bigla nilang kukuwestiyunin ang very femme mong girlfriend kung bakit hindi siya “pumatol” sa “kagaya nila” (i.e. very masculine woman na man na ang tingin sa sarili) at “pumatol” siya sa isang “tulad ko” (i.e. lesbiyanang pinaghalong masculine at feminine ang self-presentation pero ang main identification sa sarili ay babae, hindi lalaki).

Pareho kaming napaisip ng aking girlfriend nang tumambad ang usaping ito sa amin. At tulad ng dati, nag-diskurso kami kung saan at ano ang pinag-uugatan ng ganitong uri ng pagkilatis ng mga transman-ish na tao sa mga lezbutchy na tao. At dahil nga sa hindi naiintindihan ng ilan sa kanila na ang uri ng pagkababae ko ay pinaghalong masculine at feminine ang self-representation (genderqueer na tinatawag), ang tingin lang nila sa akin ay base sa metro ng pagkalalaki at pagkababae.

Masculinity litmus test ito, ‘ika nga, dahil sa tali ang mga tao sa konseptong ang isang tao ay dapat nakapako lang sa iisang gender presentation/identity: lalaki ka lang o babae ka lang. At dahil nakagisnan nating ang babae ay para sa lalaki at ang lalaki ay para sa babae, sa tingin nila ay kailangan kang umayon sa isang side lamang. Kaya kung babae ka at babae din ang gusto mo, aba’y dapat magpakalalaki ka para matipuhan ka ng babae.

Ayun ang tumbling. Paano naman ang mga nasa gitna? Kaya sa diskursong “them” (i.e. transman-ish tigasin) vs. “us” (i.e. somewhat masculine-ish woman) ay may hinahanap silang “kulang” na tila dapat “kumukumpleto” sa pagkatao ko.

Nakatutuwa ang isinagot ng aking very femme na girlfriend dito. Bakit nga ba daw sa tulad ko pumatol ang jowa ko at hindi sa tulad nila? Aniya, “Kasi gusto ko rin ng babae, at hindi ako naghahanap ng lalaki. So bakit ako papatol sa nag-aastang lalaki na tao? Babae ako at gusto ko, babae din.” Lalo palang nakapagpalito sa mga transman-ish naming nakilala ang konsepto ng isang babae na gusto din ang isang babae, na walang masculinity sa equation whatsoever. Kung gano’n, ano naman kaya ang iniisip nila sa mga nasa femme-to-femme relationships? Muli, napaisip kami kung ano kaya ang pinag-uugatan ng ganitong mga reaksiyon sa mga seksuwalidad na ito.translez3

Naalala ko tuloy ‘yung isang sagot sa tanong noong December sa Pride Speaks event, kung saan ang isang tulad kong lezbutchy/genderqueer ang hitsura/pagkatao ay tinanong ang isang transman kung gusto din ba nitong makuha o makamtan ang tinaguriang mga “male privilege” sa society sa pagiging transman niya. Marahil ay di natin maikakaila na isa nga ito sa dahilan kung bakit ang ilang transman ay nais maging man: dahil sa may mga bagay talagang sa tingin nila ay mas maaabot nila kapag sila ay isang lalaki.

Pero ano ba itong sinasabing male privilege muna? Minsan kasi, negatibo ito. Ibig sabihin, ang ilang palasak at makalumang pag-iisip ng ilan tungkol sa hierarchy ng gender roles ay gustong makamtan din ng ilan. Ibig sabihin ulit, ang pagtingin kasi sa babae ay second sex lamang sa lipunan, subservient dapat sa first sex na mga lalaki. At tayo bilang mga queer, na sinasabi nilang “hindi babae o hindi lalaki” ay itinatapon sa kategoryang third sex na mas mababa pa sa mababang tingin sa babae sa ikalawang bilang/baitang.

At sa aming pagkilatis sa sitwasyon, napag-muni-munian naming mag-partner ang isang maaaring katotohanang naitatago ng diskursong ito: na ang ilang transman sa lipunan ay minamana ang bigotry, prejudice o sexism na kaakibat sa pagiging lalaki sa isang patriarchal society. Ang mas malala dito, ang namamana nila ay ang heterosexism na nagsasabing ang priority ng lipunan ay ang heterosexual man-woman relationship lamang, at hindi okay ang homosexual o same-sex relationship. Dahil sa sinusukat nila ang sarili nila bilang man na may woman, sinusukat din nila ang mga woman na woman pa rin ang tingin sa sarili pero woman din ang gustong karelasyon. At tulad nga ng titulo ng pelikula ni Ishmael Bernal, tinimbang ka(mi) nguni’t kulang…sa tingin nila. Mama Ishma, ano’ng sey mo ditey?

Kasalanan ba nilang namana nila ito? Hindi naman siguro. Dahil nga sa iyan ang nakagisnan, iyan ang laging naiinom na konsepto at nalulunok na ideya. Pero the fact na nariyan pa rin pala ang bigotry at sexism sa lipunan ngayon, lalo na’t sa LGBT community kung saan dapat nilalabanan na ang mga bagay na ito, ay sadyang nakakalungkot at nakakahinayang, actually.

Bilang LGBTQs, bukas dapatranslez4t tayo sa mga mas malalim na pang-unawa sa ating kapwa sa rainbow community. Hindi dapat tayo nag-aaway-away at lalong hindi dapat tayo nagsusukatan, kung sino ba ang mas matimbang sa atin o sino ang mas kulang. Bakit kailangang gawin ito? Para lamang makakuha ng babaeng inaasam? Para lamang makamtan ang pagiging macho na inaasam? Wala namang masama sa pagiging lalaki, at porke lesbiyana kami ay hindi namin hate ang mga lalaki o mga gustong maging lalaki. Pero para tingnan kami bilang “mas mababa” sa kanila ay hindi yata akma.

Super interesting discovery of the year talaga ito para sa akin. Sa tagal ko nang umiikot sa LGBTQ community, may mga bagong diskurso at konsepto pa rin palang maaaring madiskubre. Pero tulad nga ng sabi ng titulo ko sa series na ito, baka kailangan din nating i-check kung ang ating queer pride ay nauuwi sa pagiging proud, ‘yung proud na negatibo ang dating, lalo na’t kung tinitimbang mo ang iba at sinusukat mo sila bilang kulang dahil ikaw ang mas kumpleto. Sa kanya-kanya nating paglalagay ng kulay sa rainbow community, sana ay wala na lang nagpapagandahan ng pagkulay ng kanilang shade, dahil ang buhay ay hindi color-by-societal-standards competition.

Happy genuine pride month, mga beks.

 
Libay Linsangan Cantor is an award-winning Manila-based queer writer, media practitioner and gender advocate. Email her at leaflens@gmail.com. She blogs at Culture Popper Leaflens and tweets as @Leaflens. She answers queer-related queries at her Askfm leaflens site.

 

Photos by the author. Some rights reserved.

Libay Linsangan Cantor (106 Posts)


3 thoughts on “Pride or Proud: Tinomboy ka nguni’t kulang a.k.a. “Ako transman, ikaw butchy lang”

  1. lesbiyana2dmax

    Pang-asar na sagot lang. Oo nga lalaki ka na sa tingin mo, yung pisikal na anyo mo lalaki na, pero yung bang naka-kabit sa pagitan ng mga hita mo, gumagana ba? Gumana man, ang sasabihin lang din sayo ng mga tunay na lalaki o yung mga pinanganak na lalaki talaga, eh ganito> wala naman silbi yan, pag tanda mo tatayo pa ba yan? Depensahan niyo pa ng kung ano-anong scientific explanation, ending ay ganito> yang bang t*ti mo, nakaka-enjoy? Kasi marami din babae at lalaki mahilig sa size matters yah know!

    Yan ang nakaka-inis, may kayabangan ng halo sa mga gender chorva na yan. May lihim din silang gusto na dapat yung mga butch na tomboy, maging kagaya rin nila na nagpaka-transman na. LESBIYANA AKO, P*KPEK ANG GUSTO KO. AT MAHAL KO ANG P*KPEK KO!

    Reply
  2. genderbender

    Isa akong trans man. Nagt-transition na ako ng mga ilang taon, nakapagpa-opera na din ako sa taas. Wala akong plano sa baba. Totoo na may mangilan na sa effort na ihiwalay ang termino ng L at T eh nagkakaroon ng ganitong klase ng problema. Halos kadalasan kasi eh yung mga T eh dumaan sa pagiging lesbian dahil nga kamo, wala pang kaalaman sa termino noon. Isa na ako sa mga yun. Pero wag ka mag-alala. Masugid din ako na tumutugis sa mga trans man na ganyan mag-isip, na dapat lalaking-lalaki ka umasta para matawag kang trans man. Hindi ko alam kung dahil ba may pinagkait sakanilanoon o dahil masyadong tumaas ang tingin nila sa sarili nila kaya sila ganyan. Sa community namin mismo, pag hindi ka nagb-basketball o kaya may ganitong klase ng gupit o ganito manamit eh hindi ka matuturing na trans. Siguro madalas lang na napapakitang mga trans man eh mga machi o kaya may balbas. Tigasin, gwapo ganyan. Nakakadehado para sa iba dahil siyempre ang pagiging trans man ay identity, hindi ito defined based sa mga trip mo sa buhay. May mga trans man na gay-identified, meron din mga straight. Akala kasi ng mga tao pag trans man ka, kelangan brusko ka na rin. At pag brusko ka, automatic trans man ka kahit naman hindi.

    Reply
  3. Libay Linsangan Cantor

    Maraming salamat sa inyong mga komento, seryoso man o pang-asar. Tunay na marami pa nga tayong kailangang lampasan sa pagiging tao natin, alinsunod man o labas sa mga identidad na niyayakap natin para sa sarili natin. Nakakatuwang napapag-isipan natin ang mga ito, at ngayon ay napapag-usapan. Ipagpatuloy lang ang chikahan at diskurso, para sa ikabubuti nating lahat. Maraming salamat sa pagbabasa!

    Reply

Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>