kalibugan sex 4

Paano nga ba makipag-sex sa kapwa babae?

Written by

Wednesday, 18 June 2014 - Last Updated on June 19, 2014
kalibugan sex 4

 

kalibugan sex 1Babae ka pero gusto mo rin ay babae? Eh paano kayo nagse-sex?

Iyan ang isa sa mga “staple” na tanong sa akin noong una akong lumalantad sa mga tao bilang isang babaeng gusto ring makaulayaw ang kapwa babae. Mga late 1990s ito kaya di na ako nagugulat sa tema ng mga tanong. Di pa uso ang Google o Yahoo search engines noon kaya wala talagang ibang matinong source of information na ganito noong mga panahong iyon. And no, hindi counted ang mga nakikita sa porn, k.

Sa panahon ng web 2.0 o 3.0 at kung ilang numero na ang abutin pa niyan, nakakapagtaka kasi na may nagtatanong pa rin nito sa akin ngayon. At nakakapagtaka din dito na ang nagtatanong sa akin ay mga kapwa babae rin. Maiintindihan ko kung unang beses nilang sasabak sa kama kasama ang kapwa may keps, pero kung nakaulayaw na siya dati pa ng ganito, napapa-hmmm na lang ako. Mahirap manghusga kaya kibit-balikat na lang.

kalibugan sex 2Una sa lahat, bilang babae, dapat ay alam na natin kung ano ang ating mga kiliti, kung nasaan ang ating mga erogenous zones, at kung paano tayo mapapaligaya nang humahalinghing na tunay na hindi lang ito sound effects para ma-boost ang ego ng ating ka-sex, at siyempre tumitirik dapat ang mata o napapapikit sa sobrang bugso (o bugso-bugso-bugso kung multiple O ka) ng, ahem, damdamin. Pero tama rin naman ang pagtatanong dahil kung di ka sigurado, aba eh di alamin mo, right? Right.

Again, hindi dapat template ang nakikita natin sa porn (mahaba pang diskurso ito, saka na lang). Tulad na lang ng isang tanong ng reader ko sa aking AskFM account, gusto niya kasing malaman dati kung paano nga ba siya makikipagsabayan sa isang lesbiyanang tila mas beterana sa kanya sa larangan ng paglalaro sa kama. Sabi niya, “I watched porn, pero parang hindi totoo. Ano steps? Finger muna, climax siya, tapos gorabels down, climax, tapos ulit, sabay finger at dila? Kailangan ba ng vibrator?”

Teh, tumbling ako sa tanong! Pero dahil sa objective natin ang ma-educate ang sanlibutan tungkol sa kalesbiyanahan, sinubukan kong sagutin ang kanyang katanungan. Sinabi kong ang tunay na pagsasayaw sa kama ng dalawang nilalang ay walang template na choreography. Maaaring may pagbasehan lang tayo ng unang galaw, unang kembot, o unang kandirit. Take your pick. Pero ang tunay na maligayang pagniniig ay nakabase iyan sa kung paano kayo magsasaluhang dalawa, depende kung sino ang magli-lead at sino ang susunod, and vice versa.

Marami pa rin kasi sa lipunan natin ang hindi makapaniwalang puwedeng makipag-sex na walang penis sa equation. Dahil sa ang hugis ng ating butas ay kailangang pasukan ng something, naiisip ng lipunan na ang default na ipapasak dapat diyan ay penis nga. Pero dahil sa creative tayong mga babae, marami ka pa rin namang puwedeng ipasok diyan na matatagpuan sa katawan mo bilang babae. Kaya ang sagot ko rin ay no, it’s not necessary to use a vibrator unless you want to play with toys, pero saka na rin natin papalawigin ang diskursong iyon.

kalibugan sex 3Magsimula tayo sa unang tugtog ng sayaw: ang utak. Gamitin nang husto ang utak sa foreplay. Para sa maraming nilalang, ang landian ang unang step sa sex. Kapag napukaw ang interes mo at nakikinig ka sa mga sinasabi ng kausap mo at natutuwa ka sa exchange ninyo, lalo na kapag naging naughty na ang tema, dapat ay medyo water-water na ang pakiramdam mo niyan teh. Jackpot kung ganun kasi madali na ang susunod na kabanata sa kama. Totoong kailangang maging involved ang utak sa usapan dahil sabi nga nila, ang human brain ang biggest sex organ sa katawan. Subukan mong makipaglandian o foreplay sa isang bobo at tignan na lang natin kung may mapiga kang water-water sa transaksiyon (pusta tayo wala, unless talagang biniyayaan ka ng kalawakan na may instant wetness ka lang diyan sa iyong kuweba hane).

Magic din ang halikan dahil diyan ang unang chance of contact ninyong dalawa. Diyan pa lang, magkakasubukan na kung may sexual chemistry o wala. Hindi naman kailangang take-my-breath-away levels ang lipchukan. Again, basta may maramdamang water-water, gorabelles! On to the next step. At sa next step na ‘yun, tandaan na lang na ang katawan ng babae ay isang napakalaking mapa na exciting tahakin. Oo, dapat lang na excited ka sa pagtatahak na ito dahil maghahawaan kayo sa excitement na ito. Sana ay huwag mong maramdaman ang pakikipagtalik sa isang nilalang na parang may rigor mortis nang nagaganap sa katawan niya habang ikaw lang ang excited na naglalakbay sa kanya. Maniwala ka, may ganyan, pero sa susunod ko na ikukuwento ‘yan.

Sabi nga ng kanta, your body is a wonderland, kaya go wander about sa katawan ni ati, at hayaan mo rin siyang mag-wander about sa iyo. Iyan ang maganda sa kapwa babae: pareho kayo ng anatomiya kaya may kaakibat na familiarity na ang mangyayari sa paglalakbay mong ito. At kung gamay mo na nga ang mga paraan ng kiliti mo, baka gumana rin ito sa kanya kaya puwede mong gawin o diskubrehin. Kung hindi naman, diyan na papasok ang kapaan galore: kanya-kanya na kayo sa pagtatahak sa masayang landas na ‘yan. Tandaan na ang iba’t ibang babae ay iba-iba rin ang mga pananaw sa pagiging erotic kaya walang one-size-fits-all na style sa pagtatahak na ‘yan. Kumbaga, hindi ‘yan parang heterosexual sex na ang laging punto ay ipasok si etits sa keps at wham-bam-uwian na! Ang maganda sa katawan ng babae ay ang exploration at ito talaga ang essence ng lesbian sex: dahil sa dinidiskubre ninyo ang erotisismo ng isa’t isa, mas nagiging exciting dahil tuwing magse-sex kayo, laging may bago kayong puwedeng madiskubre. Water-water!

kalibugan sex 4Kaya sa steps, kanya-kanya na rin tayo ng kana. Kung mas nagre-respond si ati sa vaginal stimulation, doon mag-focus. Kung sa clitoral naman, aba’y doon ibuhos ang oras at panahon! At kung sabay nga ang nais niya, aba’y humayo at magparami…ng orgasm. Sige lang, huwag matakot. May paraan ng pagtuklas at paghawak na maaaring binabalutan ng tamang aruga at hagod, at pinaka-importante: respeto. Dapat ay may kaakibat na respeto sa gagawin mo sa kanya, dahil ang pagtuklas ng katawan ng babae ay mas maligaya para sa kanya – at para sa iyo – kapag kasayahan ang objective at hindi sakit o sakitan. Pero kung sakitan naman ang trip mo, sige chikahan tayo nun sa susunod na lang.

Goodluck for now, at happy keps, mga teh!

Libay Linsangan Cantor is a sex-positive feminist, a two-way genderqueer and a multitasking creative soul. Curious to know something? Email her at leaflens@gmail.com or post questions at her AskFm leaflens site and wait for her reply in a future column.

Photos by the author. Some rights reserved.

Libay Linsangan Cantor (106 Posts)


11 thoughts on “Paano nga ba makipag-sex sa kapwa babae?

  1. Mole Antolo

    Hi !
    You are very brave to tackle this stuff. I salute you!
    I find your blog funny and very informative infairness. This would be very helpful para malinawan ang Masang Pilipino about what lesbians really is. Madalas stereotype ang nakikita nila sa kagaya natin, would joke around like “di pa nakakatikim yan ng lalaki” or “di nasiyahan kaya naghanap ng babae” na kung titingnan mas magaling tayo kesa sa kanila.. hehehe (,”) joke lang po.
    CONGRATS!!
    keep up it up and hope to read more article.

    Reply
  2. dido sphere

    I’m sorry but you said nothing at all. Paano kayo nag se-sex? halikan muna, alternate in sucking each others’ tits, then 69 if this works. one girl has to be much shorter than the other. if not, alternate in eating other. find each others G spot and stimulate it till she cums. if you make her squirt so much the better. teach her to do the same to you.. Yan ang answer. Hindi yong “the brain is the largest brain in the body” shit.

    Reply
    1. kalmyutits

      wow didospehere, masyado kang malibs! lalake ka kase kaya yang utak mo tutok lang sa pisikal na aspeto at lantarang ‘wordings’ ala porn fiction. alam na yan ng mga nagbabasa ng articles ni libay, di nila kailangan ng in-your-face na mala porn na texto para maintindihan na kailangang magchukchakchenes gamit ang mga nararapat na parte ng katawan. anuba kuya? konting discreet lang di mo na kagad naintindihan??? gamitin ang utak.

      Reply
  3. Mako..

    Tanong once ba na pumasok ka sa same sex relation meaning ganun kna rin…i have gf now and im also a girl..mahal kona rin sya pero never pa kmi ngmeet we talk alot of time at masya aq kpag ng uusap kmi lagi ko sya naiisip lagi ko sya namimiz gsto kona syang makasama feeling ko aq un lalaki smin pero my anak na aq bkit gnun un pakiramdam?

    Reply
  4. Klll

    11PM from where I am. Dark and cold. Naghahanap ng madaling paraan to patent my work and it isn’t about a new type of sextoy, no far from it. It has something to do with perpetual motion. (Hope I’m not traced..)
    Well..how did I get here?
    But here I am anyway, this topic is not for me but for my beloved to whom the discovery of her bi nature also belongs to me, and she’s asleep hours ago. I want to ask on her behalf and I might not tell her; Can I just arrange a seemingly unplanned encounter for her and a bifem just so she can experience it? I want to give her wild fantasy. I cannot ever invent something to satisfy that.

    Reply

Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>