Paano mapapanatili ang katinuan tuwing sasakay ng MRT

Written by

Sunday, 28 September 2014 - Last Updated on September 25, 2014

By Julie Custodio-Fuertes

Text messages ng isang isang lalaki sa kanyang asawa:

10:30pm Pauwi na ako nasa MRT Buendia train na. Busina na lang ako pagdating.

11:34pm Nasa MRT Quezon Ave pa lang kami. Nakasakay sa MRT Buendia mga 10:30pm mag-1 hour na kami sa loob ng train, puro hinto tapos ang tagal kung huminto.

Akala ba natin ang problema sa MRT ay nararanasan lang tuwing rush hour sa umaga at hapon? Hindi. Dahil sa dami ng komyuter ng MRT na ayaw makipagsisikan tuwing rush hour mula 4:30pm hanggang 8:00pm ay nagpapagabi na lang ang iba sa kanilang pag-uwi. Marahil sa isip nila mas madaling makauwi na hindi nakikipagpalitang-mukha sa katabi kung late na, hindi pa din pala ganoon ang sitwasyon.

Sa iba’t ibang social media platforms, mapa-Twitter, Facebook, Instagram o blogs, napakaraming reklamo kaysa papuri tungkol sa MRT.

Naging manhid na ba ang mga kinauukulan sa pagiging “ordinaryo” ng iba’t ibang problema sa pagsakay ng MRT?

Ito ay pag-uusap namin ng aking mga anak nang minsang ihatid ko sila sa kanilang school na malapit sa MRT North Avenue station:

Ako: Grabe talaga! Ang haba ng pila, left and right sa EDSA southbound, left and right din sa EDSA northbound, iba pa ‘yung nandun nasa footbridge. Kawawa naman sila, paano pa pag malakas ang ulan, bago makarating sa pupuntahan,basa na sila”.

Anak: “Nay, ganyan talaga dito everyday.  Magtaka ka kung walang pila, yun ang kakaiba. Kawawa talaga sila, di pa nakarating sa office, pagod at pawis na sila. And yes, pag may ulan, basa na sila at baka magkasakit pa.”

MRT Chronicles:

Nagtanong-tanong ako sa aking mga kakilala na mananakay ng MRT. Pinakwento ko sila ng kanilang mga karanasan, kakaiba man o  ordinary, maayos man o hindi at heto ang kanilang mga kwento:

JEM, 18, taga QC, estudyante. “I was listening to the songs in my phone when the music suddenly stopped. I thought my phone’s battery juice ran out. It turned out someone stole my phone from my bag! Bad experience!”

CL, 45, taga QC, business woman. “Naku, pag may meeting ako sa Makati dapat lunch time, nag-MRT na lang ako kasi traffic sa EDSA. Mas mabilis pa at di ako pagod magdrive. Pagbaba naman ng mga station may mga taxi na.”

RP, 29, taga bandang South, office admin sa Ortigas. “Isang di ko makalimutang experience  sa MRT nung madukutan ako ng wallet. Nandun ang money ko siyempre, buti na lang may extra ako sa bag kaya may pamasahe ako pauwi. Ang masaklap pa, yung credit card at ATM madaming kailangang gawin pag-file sa bank. Wala naman ako magawa kundi sumakay dito kasi ito lang pinakamabilis na way papunta sa masasakyan ko pauwi sa amin.”

JF, 45, teacher taga Quezon City. “Every Friday may sched ako sa Makati, 1-3pm. Wala naman ako naexperience na hindi OK pagsakay ng MRT kasi patay na oras yun, pwede ka pa nga pumili kung saan mo gusto umupo. Pag-uwi bandang 3:30pm, di pa rin puno although kung minsan nakatayo na ako at usually sa Cubao station, nakakaupo na ako.”

No choice.

Walang choice, walang ibang alternative.

Iyan ang dahilan kung bakit sa kabila ng mapakaraming problema sa pagsakay ng MRT ay patuloy pa ding dinudumog ng mga komyuter ang tren.

Mabilis naman sana ang biyahe sa MRT. Sa loob lang ng 30-40 minutes nasa Makati ka na. ‘Yan ang oras ng biyahe at hindi kasama ang oras ng pagpila para makasakay.  Kapag rush hour ang pilang aabot sa 20-30 minuto (kung sinuswerte ka) kasama ang 30-40 minutes na biyahe ng train (kung walang aberya) ay sapat na sa karamihang komyuter. Kung sa bus ka nga naman sasakay, mahirap matantya kung mabilis ba o hindi ang daloy trapiko sa EDSA.

Crowd control. Hindi naman iniinda ng karamihan kung kailangan pumila tuwing rush hour upang makasakay sa MRT. Nandito sa Metro Manila ang malalaking opisina at kumpanya kung saan nagtatrabaho ang karamihan ng mga mga komyuter. Basta maayos ang pila, kahit maghintay upang makaakyat sa MRT platform, OK na din. Ang hindi OK ay ang maghintay ng napakatagal sa pila at hindi makasakay sa oras dahil may aberya ang tren.

Maging handa.

Hindi magiging hassle-free ang pagbyahe sa MRT dahil sa kabi-kabilang problema kaya dapat laging handa kung magkaroon ng aberya.

Anu-ano nga ba ang dapat mong dala-dala para maing kaiga-igaya ang pagsakay mo sa MRT kahit may aberya?

  1. Music player at ear phones upang makapakinig ng music na pang-alis ng inip at stress. Huwag gamitin ang mobile phone na music player dahil baka madukot ito siksikan ng mga tao. At least, ang music player, maliit at handy.
  2. Wet tissue o alcohol panlinis ng kamay pagbaba ng MRT. Dahil hindi pwedeng hindi humawak sa metal poles at handles (kapag sobrang siksikan kahit hindi ka humawak hindi ka matutumba) habang umaandar ang train, kailangan mag-sanitize upang makaiwas sa sakit.
  3. Pamaypay. Aircon nga ang mga tren ngunit kapag sobrang puno, mainit na. Kapag siksikan, itago na lang ang pamaypay dahil walang ispasyo para magamit ito.
  4. Panyo pantakip sa ilong at bibig kapag siksikan na at hininga na ng katabi ang nalalanghap.
  5. Bag na may zipper ang gamitin upang hindi madukutan.
  6. Gums or candies gaya ng menthol candies o breath mints upang manatiling mabango ang hininga dahil matagal-tagal na hindi bumubuka ang bibig lalo na kung walang kausap.
  7. Pasensiya. Patience is a must kapag sumasakay sa MRT. Magbaon ng marami niyan dahil sigurado, iyan ay kailangan-kailangan.

Sa susunod na artikulo ng MRT Chronicles, tatalakayin ang mga hindi nakakatuwang obserbasyon at experiences sa pagsakay sa MRT.

Administrator (176 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>