nora aunor

Nora para sa National Artist na!

Written by

Tuesday, 24 June 2014 - Last Updated on June 24, 2014
nora aunor

nora aunor

Nagising isang umaga

Mga tagahanga ni Nora

Sa balitang hindi siya

Napiling National Artist, ‘ika nga.

 

Bakit naman?

Tanong ng marami

Nagpupumiglas na damdamin

Hindi ko mawari.

 

Marami ang di makapaniwala

Na ang Pangulo sa kanya’y walang tiwala

Na magtayo ng bantayog ng sining

At ng dangal sa arteng nagniningning.

 

Kailangan pa ba ng himala

Ang isang tulad ni Nora ay narito na nga

Parang  isang gamugamo

Minsan lang nagkakaganito.

 

Kung ating iisa-isahin

Mga pelikulang nagawa na niya

Di na ito kayang gawin

Ordinaryong artista, lalo’t baguhan pa.

 

Sa lumipas na mahabang panahon

Galing bilang artista niya, di na maisilid sa kahon

Mata pa lamang ay nangungusap na

Di na kailangan pang gumamit ng dila.

 

Marami siyang hirap na pinagdaanan

Sa buhay sadyang naging mapait ang kapalaran

Kaliwa’t kanan ang kapalpakan

Na kanyang naranasan at nalampasan.

 

Marahil ito ang dahilan

Kung bakit malalim ang pinaghuhugutan

Ng damdamin na siyang kinakailangan

Sa bawat papel na ginagampanan.

 

Nakita ito ng NCCA na kinauukulan

Sampu ng mga Noranian

Ngunit di tinanggap ng Malacañan

Sabi ng ilan, baka Vilmanian.

 

 

National Artist ang award

Na sa kanya’y hiling na igawad

Di naman pakpak ng isang anghel

O di kaya’y santa ang papel.

 

Bakit pa kasi ipagkakait

Ang karangalang sa kanya’t karapatdapat ikabit

Kung ang kanyang mga nilikha naman

Ay dagdag sa yaman ng lahi at bayan.

 

Kailan pa ibibigay

Ang parangal ng kanyang buhay

Kung siya ay wala nang malay

Malamig at matigas nang bangkay?

 

Marami man ang di sang-ayon

Kanya-kanya ng mga opinion

Ito lang naman ang nasa puso ko’t isipan

Kayo na ang humusga, di ko kayo pakikialaman.

 

Sana

Si Nora

National Artist na.

NA para NA.

Photo: “Nora Aunor in the 70’s” by carvin deleon, c/o Flickr. Some Rights Reserved

Tess Doce-Halili (32 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>