2015 10 10 (FOR POC)

NEWSKUPOW! The Political Circus Anyare!!

Written by

Sunday, 11 October 2015 - Last Updated on October 10, 2015
2015 10 10 (FOR POC)

2015 10 10 (FOR POC)MATAPOS MAGING VIRAL NG PABEBE GIRLS,

this week ay umatake naman ang PADEDE GIRLS!

 

Modus ng mga ito ang idikit ang kanilang “future”

sa biktima para ma-distract ito

at hindi mamalayan na dinudukutan na pala siya!

 

Ingat-ingat lang po…

lalo na ang mga LP members na mahilig mag-twerk.

 

*****

 

KUNG HINDI KA NAGBASA O NAKINIG NG BALITA

nitong nakaraang linggo

at aalamin mo ang pangyayari sa politika ngayon

at kung sino-sino na ang ang makaka-alyado…

 

tiyak,  isa lang ang masaabi mo:

ANYARE???

 

*****

 

MGA DATING MAGKAKALABAN,

MAGKAKAMPI NA NGAYON

(Binay-Honasan, halimbawa)

Mga dating magkakampi, nagbabanggaan na.

(Estradas-Zamoras, halimbawa).

 

Amoy na amoy na talaga

ang putik ng 2016 elections.

 

*****

 

ISA SA MGA CASUALTIES NG MGA KAGANAPAN

nitong nakaraang linggo ay si

MMDA chairman FRANCIS TOLENTINO.

 

Dahil sa pag-twerk ng mga Playgirls niya

noong Liberal Party oath-taking event sa Laguna,

napilitan siyang mag-apologize…

kahit labas sa ilong.

 

*****

 

IF YOU ARE TO APOLOGIZE, DON’T RUIN IN WITH EXCUSES.

Ganyan ang ginawa ni Tolentino.

Naglitanya ng mga sinabihan niya ng sorry,

pero pagkatapos, ni-justify ang twerking girls

at sinabing, “nakikita naman daw ang ganoong

klaseng sayaw sa telebisyon araw-araw.”

 

(mala-Babalu):

Okay na sana eh!

Nandun na, eh!!!

 

*****

 

ANO’NG DAILY TV SHOW KAYA ANG TINUTUKOY NIYA

na may mga babaeng nagpapaamoy ng harap nila

sa mga lalaking nakahiga —-

o kinikiskis ang puwetan nila

sa harapan ng mga manyakis na lalaki —

at sa harap ng audience na may kasamang bata?

 

Pakitanong naman si Chairman o!

 

*****

 

OPO, CHAIRMAN PA RIN SI TOLENTINO

dahil sa October 15 pa naman effective

ang kanyang madramang resignation.

 

Sa October 14 naman siya magpa-file

ng kanyang Certificate of Candidacy.

 

Ang galing, ‘no?

Talagang sinagad ang pag-upo

kahit matagal na siyang pinagbibitiw

ng mga “boss” niya.

 

Subok na matibay, subok na MAKAPAL!

 

*****

 

KUNG HINDI BA NAMAN TALAGANG MADRAMA

ITONG SI FRANCIS TOLENTINO….

pati ang pagtanggal niya ng painting

sa dingding ng office niya

at pagligpit ng mga gamit niya —-

ay may media pang nakaabang.

 

I’m sure pinatawag n’ya rin ang mga ito

gaya ng ginawa niya nang siya ay huling

mag-traffic enforcer sa Katipunan at EDSA.

 

Hindi naman halatang

sabik sa atensyon si ser, ‘no??

 

*****

 

TOLENTINO:

“I asked the Liberal Party to remove my name

from the list they are considering

for their senatorial lineup.” 

 

Ito ang obvious na scripted o pinag-usapan.

This is their way to save Tolentino’s face.

Para naman hindi masabing

SINIPA o NILAGLAG siya.

 

Pero ‘yun talaga ‘yun.

Laglagan na!!!

 

*****

 

TOLENTINO:

The time has come for me to seek a higher level

of serving the nation in 2016.”

 

Ahem, ser..  palagay  po namin.

the time has come for you to leave

public service.

 

Puro pa-epal lang kasi ang alam mong gawin.

Parang si Mar. At si Abaya. At si Petilla, atbp.

 

Mas bagay po sa inyo maging manager.

Manager ng Playgirls.

 

*****

 

DAHIL DITO… THANK YOU, (PLAY) GIRLS!!!

Dumami na ang booking n’yo,

nasipa n’yo pa (kahit unintentionally)

ang isang LINTA sa Gobyernong Dilawan.

 

*****

 

CONG. EGAY ERICE:

Ang Playgirls ang dapat sisihin sa twerk scandal.

 

Tumigil ka, Jar Jar Binks!!!

 

*****

 

SI VP JOJO BINAY NAMAN,

niligawan si Bongbong Marcos….

pero nabigo siyang makuha ang matamis nitong oo.

 

Kaya NAPILITAN tuloy siya na i-consider

ang dating kalaban na si Sen. GRINGO HONASAN.

 

Sabi ni Binay sa UNA event sa Cebu:

Basta UNA rhyme na rhyme sa Bin-Go,

Kasi UNA number one, Bin-Go panalo,”

 

Bingo ba kamo?

Malamang, BLACKOUT ‘yan.

 

*****

 

PERO SA DECLARATION NG UNA PARTY NI BINAY

na ginanap sa Cebu…

NO-SHOW si Honasan!

 

Kahit puno ng BIN-GO tarpaulins ang venue

at kahit sinabi ni Binay sa speech niya

na BIN-GO is the team to beat….

kinain n’ya lahat ng sinabi niya.

 

Sa isang interview after the event,

sinabi ni Binay na hindi naman sila

ang nagpagawa ng mga BIN-GO banners

kundi ang local organizers

at hindi n’ya raw sinabi na si Gringo na nga

ang kanyang running mate.

 

Ano ba talaga, koya???

Nahehelow na kami ah!

 

*****

 

SA TOTOO LANG, NAKAKAAWA RIN NO?

Para siyang may ketong na nilalayuan

ng vice-presidentiables.

 

At dahil dito, naihi sa tuwa

sina Trillanes, Cayetano at Pimentel.

 

Good (demolition) job, boys!!!

 

*****

 

PERO SI MAR NA DATI’Y PARANG MAY KETONG DIN

AY SINWERTE AT NAPASAGOT

ang huling pag-asa niya na maitaas

ang bagsak niyang popularity.

 

Napa-oo rin niya si Rep. LENI ROBREDO,

asawa ng namatay na DILG secretary

na si JESSIE ROBREDO

na binale-wala ng gobyerno noong buhay pa ito.

 

Sana multohin sila.

 

*****

 

LENI ROBREDO:

”Ibinibigay ko po ang aking sarili ng buong-buo

sa ating mga kababayan, lalung-lalo na

sa inyong mga naka-tsinelas na nasa labas,

nasa ibaba, at laylayan ng lipunan.”

 

Muntik na siyang batuhin ng tsinelas ni Korina

dahil sa pang-aagaw ng “tsinelas gimik.”

Buti napigilan ang First Lady wannabe.

 

*****

 

LENI ROBREDO:

“… lalo na sa inyong mga naka-tsinelas

na nasa labas,  nasa ibaba, at laylayan ng lipunan.”

 

Malamang ang nagsulat nito ay ang kanyang…

mananahi.

 

*****

 

LENI ROBREDO:

 “Never have I anticipated that one day,

the torch my husband had been carrying

will be passed on to me.”

 

Magtsi-tsinelas na rin siya?

 

*****

 

PNOY:  “LENI IS LIKE CORY.”

 

Patay!

Magkakaroon ulit ng Mendiola Massacre??

 

*****

 

NAPANSIN N’YO BANG MARAMI ANG GUSTONG

TUMAKBO BILANG VICE-PRESIDENT?

May alam ba sila na hindi natin alam?

 

Ito kaya’y dahil:

1)  gusto nilang yumaman tulad ni Binay?

2)  mahina ang inaakala nilang mananalo?

3)  malamang makulong ang mananalong pangulo?

4)  alam nilang madi-dead ang magwawaging pangulo?

4)  all of the above

 

*****

 

PAHABOL *:  KAHAPON GINANAP SA INTRAMUROS

ANG PROCLAMATION NI BONGBONG MARCOS.

Tatakbo rin siya bilang vice-president.

 

Nandoon sa event sina Rep. Imelda Marcos,

Sen. Juan Ponce Enrile, Mayor Erap Estrada, atbp.

 

May mga celebrities din na dumalo

tulad ng mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano.

Pero sigurado akong wala doon sina

Jim Paredes, Lourd de Veyra at si Bayaw.

 

*****

 

BUKOD KAY BONGBONG MARCOS,

lahat ng tatakbos sa pagka-VP

ay may galing sa Bicol

o may duong Bicolano.

 

Kanino kaya mapupunta ang boto nila?

Sa pinaka-URAGON?

O sa pinaka-MAGAYON?

 

*****

 

TUMANGGI NA SI DAVAO MAYOR RODY DUTERTE

na tumakbo para sa pagka-pangulo.

Pero nang makita niya ang dami ng dumalo

sa Luneta para siya ay himukin na tumakbo….

mukhang nire-reconsider ni Digong ang desisyon.

 

From “I’ll talk to my family”

to “No”

to “I’ll think about it”

to a “Yes” na kaya?

 

Yung ang inaasam ng supporters niya

na mukhang nahehelow na rin.

 

*****

 

MAINIT-INIT NA BALITA:

Suspendidong Makati mayor JUNJUN BINAY

tuluyan nang sinibak ng Ombudsman.

 

Hindi na siya pwedeng tumakbo

sa anumang posisyon sa gobyerno

at hindi rin makakakuha ng retirement benefits.

 

Filing of certificate of candidacy na sa Lunes.

Perfect timing!

 

At patuloy ang demolition job.

 

*****

 

ANG DISMISSAL NI JUNJUN AY DAHIL DAW

sa “grave misconduct and serious dishonesty”

kaugnay sa pagpapantayo ng Makati parking building.

 

Sure. Fine. Ikulong n’yo pa!

Pero… kumusta naman po ang SERIOUS DISHONESTY

ni Budget Sec. ABAD at Pangulong PNOY

sa bilyon-bilyong DAP/PDAF funds?

 

Madaliin n’yo rin sana — kung talagang

wala kayong kinikilingan, walang pinoprotektahan —

serbisyong totoo lang!

 

Di ba, Mike Enriquez?

 

*****

 

ETO PA ANG DAPAT WALANG KILINGAN…

 

Sabi ng UN working group on ARBITRARY DETENTION,

illegal daw ang pag-detain kay Aling Gloria Arroyo.

 

Nilalabag daw nito ang

international law on HUMAN RIGHTS.

 

Huwag na po magtaka.

Ang pangulo natin ay epitome

ng lahat ng HUMAN WRONGS.

Kulangot!

 

*****

 

“THE UN OPINION FINDS THAT THE DETENTION OF

former President Arroyo was arbitrary and illegal

under international law because the Sandiganbayan court

failed to take into account her individual circumstances

when it repeatedly denied her bail,”

sabi ng lawyer ni Aling Gloria.

 

Reaction ni palace spokesman HERMINIO COLOMA;

“Ilagay natin sa tamang konstekto…”

 

Noong araw na iyon, ang sagot niya sa LAHAT ng isyu

na itinanong sa kanya (hindi lang sa kaso ni Aling Gloria) ay…

 

“Ilagay natin sa tamang konstekto.”

 

Ang sarap mong itapon sa basurahan, ser.

Para mailagay ka sa tamang konstekto!

 

*****

 

“THE PHILIPPINE GOVERNMENT WILL LOSE FACE

if we will not abide by the internationally accepted

principles of law,”  dagdag pa ng abogado.
Hahaha!!!

Will lose face?

Eh, hindi na po tinatablan ang mukha

ng gobyerno namin, atorni!

Sa sobrang kakapalan, nagka-kalyo na!

 

*****

 

AT SAKA ASA PA KAYO!

Kailan ba naman umamin ng kamalian

ang gobryerno ni PNoy?

 

Hanggang ngayon nga eh…

hindi pa rin nagpapasagasa sa tren, di ba?

 

*****
4 DAYS AGO, MADALING ARAW, SA MALABON…

may mga kabataang nagrambol

sa harap mismo ng isang police station.

Mga isang oras ding tumagal ang rambol

at may mga sumpak pang ginamit,

pero  ang mga pulis sa loob ng station…

TULOG!

 

Baka hindi nila narinig ang ingay

dahil sa lakas ng hilik nila.

Intindihin na lang natin, ok?

 

*****

 

BUS HOSTAGE TAKER SHOT DEAD

 

Riding the bus.

More fun in the Philippines!

 

*****

 

SABI NG ILANG WITNESSES

ballpen lang daw ang ginamit ng suspek.

Sabi naman ng pulis, icepick.

Sabi ni Vice Mayor Isko, kutsilyo.

 

Magtataka pa ba tayo?

Yung mga nakaposas nga

nakakapang-agaw pa ng baril

kaya sila NAPILITANG barilin ng pulis, di ba?

 

Ganyan kami sa Pinas!

 

*****

 

Teka… nangyari na rin ang ganitong shooting

sa loob ng bus kailan lang, di ba?

 

Baka sequel.

Sana wala nang Part 3, ‘no?

 

*****

 

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUSTISTA

hindi na tatakbo bilang Senador.

Tinanong daw niya ang “common tao”

ay sinabi raw ng mga ito sa kanya:

“Mayor, isang term ka pa!”

 

Weh?

Ano po ang title ng pelikulang ito?

 

*****

 

DE LIMA ON SAF 44:

“Wala ho tayong pwedeng kasuhan dahil

wala talaga nakapag-identify sa mga naka-engkwentro

ng 84th Seaborne commandos.” 

 

Sa hinaba-haba ng prosesyon….

sa WALA rin pala ang bagsak.

 

Umasa ba talaga kayo?

 

*****

 

EH, JUST 6 DAYS AGO…

si SAF Supt. Raymund Train nga ay

kinasuhan pa ng Ombudsman!

 

Imbes na Medal of Valor…

kinasuhan pa talaga!!!

 

Sabi ng Ombudsman, nilabag daw ni Train

ang chain of command.

 

Pero si PNoy, na nasa tuktok ng chain of command,

ay abswelto – kahit pa siya ang nag-assign

sa suspendidong si PNP chief Alan Purisima

na pamunuan ang ill-fated mission.

 

Pwede bang magmura?

 

*****

 

MAY MGA BALIKBAYAN BOXES NA NAMAN

na ninanakawan sa NAIA.

 

Kaya kumakalat ang meme na may ganitong sabi:

 

“ITO NA ANG BAGONG ANNOUNCEMENT

PAGLAPAG SA NAIA:

 

Ladies and gentlemen, in a few minutes

we will be arriving at NAKAW AQUINO INTL AIRPORT.

Please be mindful of your belongings

as there are lots of crocodiles on the ground.

You may start praying for your safety right now.

Thank you!”

 

*****

 

BAGO NA RIN DAW ANG IBIG SABIHIN NG NAIA:

 

Nanakawin Ang Inyong Ari-arian.

 

*****

 

SEN. ALAN PETER CAYETANO

nagdesisyon daw na hindi na lang tatakbo

bilang pangulo sa 2016.

 

Pwede na bang tumawa?

 

*****

 

APPROVED NA NG MGA REPRESENTATHIEVES

ANG 3 TRILLION BUDGET PARA SA 2016.

 

3 TRILLION??!!!

Busog na naman ang mga buwaya.

 

*****

 

REST IN PEACE, SEN. JOKER ARROYO (1927-2015).

 

Siya ‘yung nagsabing ang gobyerno natin

ay pinapatakbong parang student council.

 

Siya rin ang nagsabing hindi bobo si PNoy,

bagkus, ito raw ay isang “evil genius.”

Emphasis on evil.

 

REST IN PEACE, ELIZABETH RAMSEY (1931-2015).

 

Thank you for the laughter and the music.

 

*****

 

So, to recap… ano na ang nasa menu so far?

 

BIHON

RORO

POECHI

 

Wag mainip.

Malapit nang maluto!!!

 

*****

 

PHOTO CREDITS:

Francis Tolentino

Leni Robredo

VP Jojo Binay

Junjun Binay

Gloria Macapagal-Arroyo

BongBong Marcos

 

Top of Form

*****

 

 

 

 

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>