NKPOW OCT 17

NEWSKUPOW! Tapos na ang filing. Talent portion na!!! (Sing and dance time!)

Written by

Saturday, 17 October 2015 - Last Updated on October 17, 2015
NKPOW OCT 17

NKPOW OCT 17

NATAPOS NA RIN ANG 5-DAY SHOW
ng Circus of the Stars sa COMELEC.

Marami tayong nakilalang mga tila
takas sa kulungan at Mental.
Pero hindi naman lahat.
Meron din namang matitino tulad nina
Archangel Lucifer at yung
intergalatic ambassador.

May pag-asa pa talaga ang Pinas!!!

*****

NOW THE TALENT SHOW PORTION WILL BEGIN.

Bukod sa Imelda Papin songs…
madadagdagan sigurado ang repertoire
ni superstar Leila Dilim-ah.

Mag-tuwerk din kaya siya?
(ewww.)

*****

ISA LANG ANG TIYAK…
hindi na muna sasayaw sa campaign sorties
ni Francis Tolentino (tumatakbong senador)
ang Playgirls.

Malamang sa private parties na lang muna
ng mga Tolentinos sila ibu-book.

Mahirap na.
Baka matalo pa siya.

(As if naman kasi may pag-asa!)

*****

SA FINAL TALLY, ETO ANG NUMBERS NG MGA NAG-FILE
NG CERTIFICATES OF CANDIDACY (COCs):

PRESIDENT – 130
VICE-PRESIDENT – 19
SENATOR – 272
PARTY LIST – 213

*****

130 ANG GUSTONG MAGING PANGULO!!!

Actually po, 13,000,000 yan.
Di lang nakapag-file ang iba.

Yung iba naman hindi nakatakas.

*****

COMELEC SPOKESMAN JAMES JIMENEZ:
“This is a symbol or a representative
of a vibrant democracy, where more people
feel empowered…to put themselves forward
as candidates.”

ENGK! Mali po.
Simple lang po ang Ibig sabihin nito:
Maraming nagugutom
at nalilipasan ng gutom na Pilipino.
At marami rin ay nabubuang na
dahil sa kahirapan.

*****

130 PINOYS WANT TO BE PRESIDENT??!!!

Balang araw mapapantayan din
ang numerong iyan
ng mga gustong ireto kay
Pastillas Girl.

Kung tatagal pa ang siya sa TV.

*****

HINDI RIN NAKAHABOL ANG PLAYGIRLS
na balak sanang tumakbo sa…

panty list.

*****

DAHIL NAPAGBINTANGANG SIYA AND DAHILAN
kung bakit nag-back out si DIGONG DUTERTE,
nagpakalbo ang anak nitong si SARA (INDAY).

Ah, yun pala ang dahilan!
Akala ko eh inaasar niya si PNoy!!

*****

“HILOM OIE! (TUMAHIMIK KA!)”

Yan ang sagot ni Sara sa isang Digong fan
na nagsabi sa FB na siya (Sara) ang hadlang
sa pangarap ng maraming fans ng tatay niya.

Ah… akala ko ang sinasabihan niya ay si..
KRIS.

*****

SABI NG FAN NA IYON SA FB:
“Your father is being called but you are hindering him
to heed such calling.
If others can make an ultimate sacrifice for their country
for some selfish motives, why can’t you?”

SAGOT NI INDAY:
“Do you think a wise man and a seasoned politician
will decide on the basis of my opinion?”

Tama!
Si Digong ay hindi under d’ saya (ni Inday!).

*****

HINAMON PA NI ATTY. SARA DUTERTE ANG FAN
na magpataasan sila ng grade na nakuha sa Bar.

“Then maybe you can talk to me. Maybe lang ha!!”

Taray ng lola mo!!!

*****

BUKOD KAY SARA, MARAMI RIN FANS NI DIGONG
ang nagpakalbo sa huling araw ng filing of COCs —
umaasa na baka magbago ang isip ni Mayor
sa huling sandali.

Hindi po kasali dito si PNoy.
Matagal na ‘yung kanya.

*****

KAHIT NA NAG-FILE NA SI DIGONG NG COC
bilang Mayor ng Davao City,
noong Huwebes, October 16 —
kumalat pa rin ang balita
na dumating siya sa Manila noong Biyernes
para humabol sa last day of filing —
bilang pangulo naman daw.

Sa harap ng Comelec,
dumami rin ang nagpakalbo
para magpakita ng suporta.

Pero lahat sila ay nabigo.
Tsismis lang pala na nasa Manila si Digong.
“No is no,” sabi nito.

O, siya… ibalik n’yo na mga buhok n’yo!

*****

POSTED OCTOBER 16 ON DUTERTE’S TIMELINE:

“A little over two years ago, I posted…
that I was not interested in the presidency.
Nothing has changed. I am comfortable where I am now.
If Inday Sara would want it, she has the choice
of running in 2016 or the next election…
I want to retire. I am tired.
Give the presidency to the one who wants it.
I don’t.”

Oh, hayan na!
Stop na ha?
Move on na tayong lahat.

*****

GALIT NA GALIT DIN SI DUTERTE
sa kampo(n) ni Mar Roxas dahil sa pagpapakalat
ng propaganda laban sa kanya,
na kesyo may throat cancer daw ang mayor.

“Bastos sila, hindi talaga dapat maging presidente!
“Madumi talaga. Masama talaga loob ko,”
sabi ni Digong.

Magtago ka na sa saya ni Koring, Marimar!

*****

DINEPENSAHAN NAMANG NG LP SPOKESMAN
si Mar Roxas:

“Wala sa pagkatao ni Roxas ang magpakalat
ng kasinungalingan tungkol sa mga matatagal
na nitong kaibigan, tulad na lamang ni Duterte.”

At sa isang hospital, napahalakhak ng malakas
si ALING GLORIA.

*****

SPEAKING OF MAR ROXAS…

Sabi ng COA, involved din daw ito sa PDAF scam.
Naglagay daw si Roxas ng P5 MILLION
sa isang questionable na NGO,
ang Kaloocan Assistance Council Inc. (KACI).

Yan KACI.

*****

ISINIWALAT DIN NG COA NA ANG KACI
ay may unliquidated balances of PDAF
na nagkakahalaga ng P58.8 MILLION
mula sa mga sumusunod na mambabatas:

SEN. JUAN PONCE ENRILE (P7 MILLION)
REP. ALVIN SANDOVAL (P14 MILLION)
REP. OSCAR MALAPITAN (P15.2 MILLION)
REP. MARY MITZI CAJAYON (P17 MILLION),
and REP. VINCENT CRISOLOGO (P5.6 MILLION).

Ikulong na ang mga ‘yan!!!
Isama n’yo rin ang mga Dilawang tiwali!

*****

MAR GUMASTOS NG P300 MILLION ON ADS
para mapataas ang survey ratings.

Ang tanong: tumaas nga ba?

*****

Yan ay nung HINDI PA NAGSISIMULA
ang offical campaign period ha!

Ikulong na ‘yan!!!

*****

MULA AUGUST 15 HANGGANG SEP 15
P257 MILLION para sa TV ads, at
P100 MILLION para sa billboards
ang ginastos ni Roxas.

Take note na DILG Secretary pa siya
nang period na ito.

Ito kay ang mga nawawalang Yolanda funds??

Nagtatanong lang po.

*****

TEKA… P100 MILLION FOR BILLBOARDS???

Ang mahal naman ng mga ihian na ‘yan!

*****

SA LAST 3 DAYS NG FILING OF COCs…

“FASHION DESIGNER” JEAN-PIERRE PARDO
nag-file ng COC sa pagka-pangulo.
Her platform is “home improvement.”

Nang nanungin kung ano’ng unang gagawin niya
kung sakaling manalong pangulo,
ang sagot nito ay…
“Siyempre, uupo ako.”

Tapos hahambalusin natin siya ng upuan.

*****

JOSE LARRY MAGINANA, ISANG “FAR EAST NAZI”
nag-file din ng COC bilang pangulo.

Ano kaya ang NAZInghot nito??

*****

SA LAST DAY NG FILING, HUMABOL DIN
ang last superhero to file his COC…

SI KAPITAN ROBOTRON!!!

Newskupow naman!!!
Unang-una, 19 years old ka lang, Totoy!
Pangalawa, iboboto lang kita kung ikaw si…
VOLTES V!!!

(Anak ni Ate V at ni Gary V)

*****

SA LAST DAY NG FILING OF COCs DIN
dumating si SEN. MIRIAM SANTIAGO sa COMELEC
para magsumite ng COC sa pagka-presidente.

At officially ay naihi sa nerbyos
sina Mar, Grace at Jojo.

*****

TINANONG SI MIRIAM KUNG
BAKIT SI BONGBONG MARCOS
ang kinuha niyang ka-tandem
gayong nilabanan niya ang tatay nitong
si ex-President Ferdinand Marcos
noong Martial Law days.

“I do not think that on a family basis, the Marcoses
as a family owe us an apology.
What they were doing were, in their ideas,
[in] the best interest of the Filipino people,”
sagot ni Miriam.

Ikinatuwa ito ng mga Marcos loyalist.
Pero nanggalaiti naman ang mga haters.

At nagsimula na ang WORD WAR III
sa social media.

*****

NAGKALAT DIN ANG SALITANG “MANGMANG” —
ang description ng mga Marcos haters
sa mga Marcos supporters.

Kung maka-“mangmang” naman!

Please just argue your case
and not resort to ad hominem.

Gamit lang kasi yan nga mga talunan sa debate.

*****

MAAALALANG SINABI ITO NI MIRIAM NOONG 2013:

“Nasaan ang daang matuwid?
Kahit ang GPS cannot locate it.”

Ngayon, alam na nating lahat kung nasaan
ang daang matuwid.

It exists only in the minds of PNoy and his KKKK.

*****

MS. PHILIPPINES IS CROWNED MISS GLOBE 2015!
Ms. China is 3rd runner-up.

Paalala lang kay Ms Philippines:
bantayan niya ang korona niya.
Baka angkinin ni Ms. China ‘yan.

*****

PNOY: BE READY FOR INTENSE RAIN
FROM TYPHOON LANDO

In other words, matakot na tayo!
Ganyan na ganyan ang sinabi niya
bago dumating si Typhoon Yolanda!

*****

MALAKAS DIN DAW PO ANG HANGIN…
na manggagaling sa Palasyo!

*****

PNOY:
“Iwasan po natin ang mag-panic.
Gawin natin ang nararapat na paghahanda. “

In short,
Mag-ingat kayo kasi…
buhay pa naman kayo di ba?

*****

INGAT PO TAYONG LAHAT
AT MAGHANDA PARA SA BAGYONG SI PNOY, ESTE, LANDO!

Dahil alam naman nating…
bahala na tayo sa buhay natin.

Di ba, Mar Roxas?

*****

PHOTO CREDITS:
SARA DUTERTE: philippinesdaily.org
MAYOR RODRIGO DUTERTE: vismin.politics.com.ph
MAR ROXAS TARPAULIN: Inquirer Group on Twitter
MIRIAM-BONGBONG:  www.remate.ph
TYPHOON LANDO: www.enchos.com

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>