nkpowjan30

NEWSKUPOW! Si Mar, si Mar na walang drama!!!

Written by

Saturday, 30 January 2016 - Last Updated on January 30, 2016
nkpowjan30

nkpowjan30

SABI NG LATEST SWS SURVEY,
45% daw ng mga Pilipino ay nagsasabing
gaganda ang buhay nila ngayong 2016.
All-time high daw ito.

Tama.
Kasi nga, alam nilang
mapapalitan na ‘yung PALPAK na nakaupo ngayon.
Kaya marami ang excited.
Kasali na kami doon.

*****

SABI NG POLITICAL AD NI MAR ROXAS:

“Wala akong madramang kwento.”

And Isko Moreno was like,
“Ano ba problema mo?
Nang-aano ka, eh!!!”

*****

SABI NIYA RIN SA AD:

“Itutuloy ko ang tuwid na daan.”

Ayyy… political suicide!

*****

HETO PA ANG SABI:

“Ang tututukan ko, trabaho para sa inyo.
Yun ang alam ko. Yun ang kaya ko.”

Parang mas ALAM at KAYA mo yata ang…
umepal.

*****

SA DULO NG AD, SABI NI MAR ROXAS:

“Higit sa lahat, hindi ko kayo nanakawan.”

At nasamid sina PNoy, Abad at Drilon.

*****

SABI NG AD NI MAR, HINDI RAW SIYA MADRAMA.

So, hindi pala madrama sina
BOY PADYAK
BOY BAWANG
BOY SIBUYAS
BOY MARTILYO
BOY TRAPIK
BOY BIGAS
BOY DARAK
BOY YELO
BOY SEMPLANG
BOY BILAO
BOY KANIN (sa baso)
BOY TUBIG (sa plato)
ATPB?

Hindi ka nga madrama, ser.
Ikaw’y SOBRANG madrama.

*****

SABI NG TRANSPARENCY INTERNATIONAL,
hindi raw tuwid ang daan ng Aquino government
at ito raw ang isa sa pinaka-corrupt
sa buong mundo.

Transparency International na ang nagsalita.

Ito ba ang ipagpapatuloy mo, Mr. Roxas?

*****

MAR ROXAS’ SPEECH SA SAN JUAN
KAMAKAILAN LANG:

“Punong-puno po ang mga nais kong sabihin,
at umaapaw sa tuwa ang aking puso.
Sisimulan ko po sa salita na sinabi ng ating
ginagalang na mayora, ‘yung “HALONG.”
“HALONG,” tulad ng sinabi niya,
is mag-take care or God bless.
Pagpalain ka nawa, parang ganoon.”

Parang gano’n?
Parang may HALONG pambobola
na naman iyan, Boy Padyak!

*****

MAR ROXAS:

“May isa pang salita na nais ko ring sabihin,
Ilonggo din ito, katapat ng “halong.”
Ang salitang “Ulikid.”
Ang spelling, U-L-I-K-I-D—Ulikid.
Ang ibig sabihin ng “ulikid” ay lumingon.”
.
May salita rin kaming gustong sabihin sa ‘yo, ser.
Ang salitang “Epal.”
Ang spelling, E-P-A-L – Epal.
Ang ibig sabihin ay ikaw, Boy Epal.

*****

SABI NG TRANSPARENCY INTERNATIONAL,
hindi raw tuwid ang daan ng Aquino government
at ito raw ang isa sa pinaka-corrupt
sa buong mundo.

Transparency International na ang nagsalita.

Ito ba ang ipagpapatuloy mo, Mr. Roxas?

*****

SPEAKING OF ADS…

Napanood / napakinggan n’yo na ba yung
political ad ni Sen. Grace Poe?

Dalawang beses binaggit sa ad
ang pangalan ni FPJ.

1) “Ganyang-ganyan din ang ginawa nila
sa tatay niyang si FPJ eh.”

2) “Parang pelikula lang ni FPJ,
nagpapabugbog sa simula.”

Eh di…
IBOTO SI FPJ!!!

*****

GRACE POE’S AD MENTIONS FPJ TWICE
Kailangan talagang laging i-mention si FPJ?

Kailangan.

Wala pa naman kasi siyang
TOTOONG NAPATUNAYAN.

*****

KAILANGAN TALAGANG GAMITING SI FPJ
sa lahat ng galaw para sa ambisyon niya?

Kailangan din bang gamitin ang “ampon”
issue para kumuha ng simpatiya?

Kung ganun, Iboto natin si Grace Poe bilang…
BEST ACTRESS!

*****

DOTC SEC. JUN ABAYA:
“If Mar Roxas wins, I will quit my post
and give him a free hand in choosing
the people for his cabinet.”

Ang tagal pa n’un!
Resign na.
Now na!!!

*****

MATATANDAANG YUNG CLASSMATE NI PNOY
na si ALFREDO BENJAMIN CAGUIOA
ang in-appoint niya bilang
Supreme Court justice last week.

At sino naman ang na-appoint
sa nabakanteng posisyon ni Caguioa
bilang acting Justice Secretary?

Si EMMANUEL CAPARAS,
isa pang classmane ni PNoy.

HINDI BA NAUUBUSAN NG CLASSMATE ‘YAN???

*****

NAIUPO NA SIGURO KASI LAHAT NG KABARILAN.
KAIBIGAN at KAMAG-ANAK,
kaya mga KAKLASE naman ngayon.

KKKK pa more!

*****

EMMANUEL CAPARAS:
“Hindi naman siguro dahil classmate ako
kaya ako na-appoint. Kung ganun, eh dapat noon pa.”

Eh kasi po, inuna muna yung tatlong “K.”
Nasa pang-apat na “K” ka.

*****

AQUINO ADMINISTERS OATH OF OFFICE
TO CAGUIOA AND CAPARAS
noong January 24.

Panunumpa ba talaga ‘yan o…
class reunion??

*****

EH, DI BA MAY KASO ITONG SI CAPARAS SA COA???

Shhh…. nakalusot na nga eh.
Baka maudlot pa!

*****

SA MAMASAPANO ANNIVERSARY:
PNOY GAVE MEDALS TO SAF44 RELATIVES.

Walang isa man sa mga tumanggap
ng medals para sa napaslang na SAF44
ang ngumiti.

Intindihin na lang po natin sila.
Kayo man ang makakita
ng mukha ng pangulo,
hindi rin kayo makakangiti.

Matawa, pwede pa!

*****

SA SPEECH NI PNOY,
wala itong binanggit na pagkukulang
ng MILF, BIFF, at iba pang armed groups.

At sino ang idiniin nito?
Ang mga pinuno ng PNP,
lalo na si ex-SAF commander Getulio Napeñas.

May umiiwas sa rehas.

*****

HOUSE SPEAKER SONNY BELMONTE
on the Mamasapano massacre:

“It’s time for us to move on.”

But we should NEVER forget, sir.
At kailangang MAPANAGOT
ang dapat managot.
Na panot.

******

SO, ANO’NG NANGYARI SA PINAKAHIHINTAY
na reopning of the Mamasapano hearing sa Senado?

Replay lang nung nauna.
May mga nasimulang puntos
(America’s participation, Mar’s information,
President Aquino’s accountability, etc.),
pero nagkulang sa follow-through.

Nandoon na ang “seeds” ng “pasabog” ni Tanda,
pero dahil nga hindi ito epektibong nabusisi,
lumabas na…. SUPOT.

Parang pangulo lang?

*****

YOUR LOLO (ENRILE) IS LOSING HIS TOUCH.

Or… meron bang rason para dito?
Totoo kaya ang conspiracy theory na
nagsasabing sinadya nitong maging “supot”
ang kanyang pasabog
dahil gumawa ito ng bargaining chip
para mapalaya si Gigi Reyes,
ang sinasabing “love of his life”?

Awww… sweet.

May forever talaga.

*****

ANG ENDING?
Imbes na si PNoy ang madiin,
gaya ng “sneak preview” ni Sen. Enrile,
si Napeñas ang nakuyog!

Sa dami ba naman ng nag-abogado
para sa pangulo eh.

Magkano kaya ang nangyare??

*****

NAPEÑAS PINUNA DAHIL NAKANGITI RAW ITO
sa isang picture na kununan
sa kasagsagan ng Mamamsapano mission.

Weno naman?
Ang pangulo nga smiling face din palagi, di ba?
Nakanganga pa nga madalas, d ba?

May tumutulo pa nga minsan, di ba??

*****

AFP: NAPEÑAS DETACHED FROM REALITY

Hindi kaya ang pangulo ang tinutukoy nila??

******

MISS UNIVERSE PIA WURZBACH VISITED
THE SENATE (January 25) AND CONGRESS (January 26).

Di gaya ng regular sessions nila,
napuno ngayon ang senado at kamara, para…
magpa-selfie.

Yan po ang ating “honorable” lawmakers.

*****

SABI NI SEN. FRANKLIN DRILON KAY PIA:

‘Your visit here generated more interest
than the Mamasapano hearings.”

Marami ang nag-react at nagalit kay Drilon.
Tinawag nila itong…
Oink.

******

HOUSE APPROVES BILL EXEMPTING PIA FROM TAXES

At umugong ang malakas na hiyaw, iyak at dabog
mula sa opisina ni…
Kim Henares.

*****

BUMISITA RIN SI PIA SA MALACAÑANG.

Bakit sa mga pictures na katapat niya si PNoy,
parang worried siya?

Baka nakatitig sa korona niya si PNoy
habang sinasabing:
“My preciousssss.”

Afraid.

****

SA MGA PICTURES NILA,
mukhang nabighani nang husto
ang ating pangulo kay Pia.
Napanganga siya eh.

Natural po ‘yon.

Nahanginan siguro nung bata pa s’ya.

*****

SOBRANG MEAN NG MGA COMMENTS
sa pictures nina Pia and Pnoy.

May nagsabi na “Beauty and the Beast.”

Di naman beast ang pangulo! Kayo talaga!!!

May nagsabi rin na “Princess and the Frog.”

Yan. Yan na lang. Mas bagay. =)

*****

CEILING SA NAIA-3 RESTO, BUMAGSAK.
isang dayuhan ang nasaktan.

From laglag-bala to laglag-bubong.

Sikat na naman tayo!!!

*****

CEILING SA NAIA-3 RESTO, BUMAGSAK.

Uulitin lang po namin ang panawagan:

SEC. JUN ABAYA —- RESIGN!!!!
NOW NA!!!!

*****

PATAY NA ANG BBL,
pero sabi ng Palasyo, ipagpaptuloy nila ito.

Huwag nang buhayin ang patay.
Please.

I-creamate na ‘yan.

*****

DEAD MOUSE IN YOUR COFFEE?

Sigurado akong di ako makakakuha
ng daga sa kape ko.
Di naman kasya ang daga
sa sachet ng 3-in-1 eh.

*****

STARBUCKS BUBWIT SCANDAL

Isa lang ang masasabi ko:
EEEEEEEKKKKKKKK!!!

*****

PHOTO CREDITS:
MAR ROXAS: www.rappler.com
GRACE POE: www.rappler.com
GETULIO NAPEÑAS: globalnation.inquirer.net
PIA WURTZBACH & PNOY: pageone.ph

 

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>