nkpow oct14

NEWSKUPOW! Si Lucifer, ang sugo ng aliens at iba pang ‘Pwesidentiables’

Written by

Wednesday, 14 October 2015 - Last Updated on October 15, 2015
nkpow oct14

nkpow oct14

BAGONG SWS SURVEY RESULTS:
Tumaas ng 6 percentage points
ang net satisfaction rating ng PNoy admin.

May maniniwala pa ba dito?
Ahh… baka sina Lucifer at yung sugo ng aliens.

*****

SYEMPRE TUWANG-TUWA ANG PALASYO.

Spokesman Lacierda:
“This is what we call inclusive growth.
This is what we call daang matuwid.”

INCLUSIVE???
Kaya pala lalong dumami ang mga mahihirap
na “nasa laylayan ng lipunan”!

Itanong n’yo pa kay Aling Leni.

*****

SO, MR. LACIERDA…
INCLUSIVE GROWTH MO MUKHA MO!

*****

SEPT. 7 SA DAVAO UNANG IN-ANNOUNCE
ni Mayor Duterte na hindi siya tatakbo
sa anumang national position sa 2016.

OCT. 12 NAGSIMULA ANG FILING OF COCs.
Inulit ni Digong ang pagtanggi.

Pero ang mga supporters niya,
umaasa pa rin na bago sumapit ang Biyernes
ay magbabago pa ang isip ng mayor.

Pero may mga nagdarasal naman na
tuluyan niyang bibitiwan ang pagtakbo.
Kasama na diyan sina Jojo, Mar at Grace.

*****

MASASABING 4 ANG GENERAL REACTIONS
sa pag-atras ni Mayor Duterte:

1) Duwag! Sabi mo hindi mo kami iiwan!
2) Magaling! Hindi siiya nagpasilaw sa ambisyon.
3) [tono ni Babalu]: Sayang! Nandun na eh!
4) [tono ni Kris]: So? Care ko!

*****

DUTERTE:
“The country does not need me. “

GRACE POE [tono ni Hermione Granger]:
“Me! Me! Me! The country needs MEEEE!!!”

*****

MANGIYAK-NGIYAK SI DIGONG
nang binasa niya ang announcement.

And Grace Poe was like,
“Wala namang gayahan ng gimik!”

*****

PERO KUNG NAGLULUKSA ANG FANS NI DIGONG…
NAGBUBUNYI NAMAN ANG FANS NI SEN. MIRIAM.

Kahapon niya in-announce ang pagtakbo sa 2016,
matapos ang signing session para sa libro niyang
Stupid is Forever More.

Ayan! At least may tatakbo na ngayon na hindi…
STUPID.

*****

SEN. MIRIAM:
“If I become president sometime in the very near future,
this country will be much better than it was before.
Today this country suffers from the malaise of plunder.”

And Manny Pacquiao was like,
“Lit mi Gugil malaise of plunder.”

*****

MGA TANONG:
Kaya ba tumakbo si Miriam ay dahil umayaw na si Digong?
Kaya ba umayaw si Digong ay para bigyang-daan si Miriam?
Sino kaya ang sinasabi ni Miriam na makaka-tandem niya?
Pipili rin kaya siya ng partner gaya ni Pastillas Girl?
Mapapataob kaya ni Pastillas Girl ang #AlDub?

*****

Seriously…
MAKUHA KAYA NI MIRIAM ANG DUTERTE VOTES?
Yung mga fans kasi ni Digong ay ayaw
kina Poe, Roxas at Binay.
Gusto raw nila ng TOTOONG PAGBABAGO.

At hindi PURO PANGAKONG TUWID NA DAAN.

*****

ANG BILIS TALAGA NG PANAHON.
2 weeks ago lang ay mainit na balita
si Francis Tolentino at ang Playgirls.

Ngayon, bahaw na agad sila.
Kasi, dumating na ang bagong palabas…
ang filing ng COCs ng mga tatakbo sa 2016.

Tabi-tabi ang lahat!
THE CIRCUS HAS ARRIVED!!!

*****

BINGO NATULOY DIN: FIRST PAIR TO FILE COCs

Matapos ang mga alingasngas
na dinulot ng no-show ni Gringo Honasan
sa Cebu launch ng UNA candidates…
pinatunayan ni Binay at Honasan
na sila nga ang mag-tandem.

Sa unang araw ng filing of COCS,
sina VP Binay at Sen. Honasan
ang unang pares na nag-file.

Pero bakit parang malungkot si Honasan?

Baka kasi…
NAPILITAN LANG?

*****

NATAPOS NA KANINA ANG 3RD DAY
NG FILING OF COCs SA COMELEC.

So far, eto ang mga numero ng mga nag-file na:

PRESIDENT – 57
VICE-PRESIDENT – 11
SENATOR – 53

May dalawang araw pang palabas ang circus.
May tiket ka na ba?

*****

BAKIT PARANG ANG DAMING GUSTONG
maging presidente ngayon?
Parang record-breaking ang dami nila.

Dahil ba:
1) Naiwang bukas ang pinto ng Mental?
2) Marami ang nalilipasan ng gutom ngayon?
3) Nakita nila kay PNoy na pwede pala
kahit walang alam
4) Nakita nila kay PNoy na pwede silang
kumita ng bilyon-bilyon.
5) Marunong din silang kumain ng kulang*t.

*****

DI NGA…
Mula nang mamuno si PNoy,
dumami daw ang naghahanap
kina Basilio at Crispin, ‘no?

*****

ISANG TRICYCLE DRIVER ANG GUSTONG MAG-PREZ.

Wala raw siyang pera pero
tutulungan naman daw siya ng mga kaibiigan niya.

TODA friends?
TODAS tayo d’yan!

*****

ANG TEMA RAW NG CAMPAIGN NIYA AY:
EH DI WOW!

Coincidence??
Pareho at tema niya
at ang reaction ng lahat!!!

*****

PERO KUNG PRESIDENT SIYA NG TODA… WHY NOT?
At least may leadership experience siya
hindi tulad ni….
you know.

*****

DANIEL MAGTIRA, “HUSBAND” DAW NI KRIS AQUINO,
TATAKBO ULIT BILANG PANGULO.

Husband talaga?
Walang taste si Kris?
O walang taste si Mr. Magtira?

*****

WISH DAW NI MR. MAGTIRA
na mag-guest sa TV show ni Kris Aquino
para daw maipakita niya ang talent niya sa…
RAPPING!

Matindi ang tama ng isang ito!

*****

ETO PA…
FERDINAND JOSE PIJAO ay 100 years old daw,
batay sa COC nya.

Baka naman dinaya ang birth certificate…
para BUMATA siya!

*****

SA UNANG ARAW DIN NAG-FILE NG COC
sa pagka-konsehal ang komedyanteng si
INDAY GARUTAY.

Paktay!

*****

SIYEMPRE HINDI MAWAWALA SA FILING
SI ELY PAMATONG.

Suki na ito.
Dapat bigyan ng award:
HALL-OF-FAME NUISANCE.

Para hindi na umulit.

*****

MATUMAL ANG SECOND DAY OF FILING
kumpara sa unang araw
dahil sa pamahiing malas daw ang 13.

13???
Kaya pala naglipana ang mga aswang!!!

*****

ANG THIRD DAY NAMAN (NGAYON)
ang tinawag nilang “movie premiere” day
dahil sa dami ng artista
at sikat na personalities na nag-file.

Ang Inday Garutay was like,
“Shet. Ngayon pala ako dapat nag-file!”

*****

PERO ANG PINAKASIKAT (SO FAR)
sa mga hindi kilalang “presidentiables”
ay si ROBERT JOHN YGONIA na nagsasabing
siya ang “chosen one” by Jesus Christ.
Ang kanyang alias daw ay ARCHANGEL LUCIFER.

Ayun naman pala eh!
Si Jesus Christ na mismo ang nagsabi!
May savior na tayo!!!
IBOTO SI LUCIFER!!!

*****

KUNG SAKALING MANALO ITONG SI LUCIFER,
magiging successor siya ni “evil genius”
(as described by the late Sen. Joker Arroyo).

Alam na!

*****

SI MICHAEL ARQUEZA AY KAPOS SA EDAD.
34 years old lang siya.
40 o pataas dapat ang tatakbong pangulo o VP.

Hindi siya nagsabi ng platform niya,
pero mananalo daw siya “through God’s will.”

And God was like,
“Bakit sunod-sunod ang mis-call ko ngayon???”

*****

SI BENJAMIN RIVERA, PRESIDENTIAL ASPIRANT DIN,
kumanta pagtapos mag-file.

Eh, ser…
namali po yata kayo ng pila.
Doon po sa ABS-CBN ang “The Voice.”

*****

PERO ANG PATOK SA NETIZENS
(Opo, nag-survey ako: 6 respondents)
ay si ALLAN CARREON.

Isa raw siyang INTERGALACTIC SPACE AMBASSADOR.
Kinausap raw siya ng mga ALIEN para tumakbo.

Hindi pa nagre-react si GRACE POE
kung kinausap niya na si Carreon.

*****

SI ALFREDO TINDUGAN NAMAN
ay magde-declare daw ng “divine government.”
Ang running mate niya ay si ANGELITO BALUGA,
isang security guard.

Ayan! Safe na tayo!!!

*****

RIZALITO DAVID TATAKBO RIN FOR PRESIDENT!
Siya yung gustong magpatanggal kay Grace Poe
sa kwestyon ng citizenship nito.

Tsk. Ok na sana eh.
May ulterior motive ka rin pala eh!

*****

RISA HONTIEROS’ 3rd SENATORIAL RUN.

The epal yellow girl. Hindi na nadala.
Will third time be the charm for her?
Sana hindi.

Maghati na lang sila ni Ely Pamatong
sa Hall of Fame award.

*****

ANG SECOND DAY AY PWEDE RIN SABIHING
“religious people” day.

Dahil marami sa nag-file ang nagsabi
na kinausap daw sila o sugo sila ng Diyos.

Mahabagin!

****

May mga nagsabing kinausap daw siya ng Diyos
na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas.

At umalingawngaw mula sa langit ang:
“SINUNGALING… LING… LING… LING… LING!”

*****

NID ANAMA NG QC, TATAKBO BILANG VP,
gustong maisulat sa balota ang SABUNGERO
kasama ng pangalan niya.

Sure.
Tari sa leeg, gusto mo?

*****

SI JUNE LUNA NAMAN
(walang kinalaman kay Heneral),
ang isusulong daw ay SPIRITOCRACY
o pamamahalang base sa aspetong ispiritwal.

Whatevs.

*****

MAG-INANG VANDOLPH AT ALMA MORENO
TATAKBO RIN.

Multuhin ka sana kayo ni Mang Dolphy.

*****

“I LIKE TO LEGALIZE THE 4 SEASONS,”
sabi naman ng presidential wannabe
na si ARTURO PACHECO REYES.

Magkaka-snow na tayo!!!

Ano kaya tinitira nito?

*****

KANINA, SA PANGATLONG ARAW NG FILING…
MGA SUGO RAW NG DIYOS NADAGDAGAN PA!

Bigyan n’yo naman ng day-off ang Diyos!!!

*****

LADY MANGHIHILOT GUSTO SI BONGBONG MARCOS
ANG MAGING VP NIYA.

May title na ako para sa movie mo, ‘teh.
AMBISYOSA.

*****

ANG ISA NAMAN,
TUMAKBO DAHIL DAW SA GALAW NG HANGIN.

Baka sinapian ni Yolanda ito.

*****

FRANCIS TOLENTINO – NAG-FILE NA AS INDEPENDENT.
Remember him?
Malakas ang loob!
Bakit kaya?
May secret deal with PNoy?
Saan siya kukuha ng campaign funds?
Marami nang naipon sa pag-upo sa MMDA?

Ahh… baka malaki ang cut
sa mga booking ng Playgirl!!

*****

MARK LAPID TATAKBO PARA SENADOR.
Siya yung walang puso, di ba?
Sabi niya kasi…
“SAGING…. SAGING LANG ANG MAY PUSO!!!”
(remember? Google mo.)

*****

REACTION NG PALASYO SA DAMI NG MGA
GUSTONG TUMAKBONG PANGULO:

“Buhay na buhay ang demokrasya!”

Mali.
Dapat…

“Buhay na buhay ang mga doktor ng utak!!!”

*****

ARE YOU ENJOYING THE CIRCUS SO FAR?
Sulit ba ang buwis na binayad n’yo?

So far, meron tayong manghihilot,
intergalactic emissary, mga sugo ng Diyos,
tricycle driver, manghihilot, atbp.

But wait! There’s more!!
May bukas (Huwebes) at Biyermes pa.
Marami pa ang hindi nagpe-perform.
Wala pa yung kumakain ng apoy
at tumatawid sa alambre.

Abangan!

*****

BREAKING NEWS:
MRT passengers naglakad na naman sa riles
malapit sa Magallanes station.

Paging Sec. Abaya!
Hindi ka naman tatakbo sa 2016, di ba?
So, ano pinagkakaabalahan mo ngayon?

*****

PHOTO CREDITS:
BINAY-HONASAN: https://twitter.com/dgplacido/status/653366297581907968/photo/1?ref_src=twsrc%5Etfw
MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO: www.hngn.com
RODRIGO DUTERTE: www.philstar.com
ROMEO JOHN YGONIA A.K.A. ARCHANGEL LUCIFER:  rp1.abs-cbnnews.com
ALLAN CARREON, SUGO NG ALIENS:  rp1.abs-cbnnews.com

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>