nkpowjuly2

NEWSKUPOW! Sa Wakas!!! Buhay pa naman tayo, di ba? (Kaya nyo Bato?)

Written by

Saturday, 2 July 2016 - Last Updated on July 6, 2016
nkpowjuly2

 nkpowjuly2

PACMAN ABSENT SA ORIENTATION

Para ito sa mga baguhang senador.

Para malaman nila ang mga detalye

sa pagiging isang senador.

 

Akala ko ba, Pacman, seryoso ka na?

 

Ibi-break mo ba ang record mo

na pinamakaraming absences??

 

Congrats to you!

Knockout na naman ang mga PIlipino!!!

 

*****

KUNG MAGTUTULOY-TULOY PA ANG GANITO,

mabuti pang palitan na natin ang iyong monicker

from Pambasang Kamao to…

 

PAMBANSANG ABSENTEE.

 

*****

ABSENT DIN ANG ISA PANG BAGUHANG SENADOR.

 

CLUE: Ang future n’ya ay maDILIM ah!

 

*****

AT SINCE ABSENT ANG DALAWANG ITO,

may special course ba para sa kanila?

 

O forever na lang silang NGANGA sa Senado??

 

*****

PNP CHIEF BATO:

AFTER DROGA, JUETENG NAMAN ISUSUNOD.

 

Kumpleto na ang mga bisyo!

 

ALAK (proposed nationwide ban after 1am),

BISYO (crackdown on illegal drugs)

SUGAL (jueteng)!

 

Eh…

ang BABAE kaya???

 

Marami ang tatamaan!!!

 

(Sabi ni Digong, huwag daw siyang tularan!)

 

*****

PNOY ACHIEVEMENTS

 

A reader of Newskupow! suggested that

I mention PNoy’s achievements din naman.

 

To be fair, here they are

(according to him and his spinmasters)

and our reactions:

 

1) Natanggal niya raw ang corruption sa gobyerno

FIVE WORDS: DAP, Customs, LTO, DOTC, etc.

2) I-Google n’yo na lang.

Katamad eh!

(Tsaka hindi naman kayo maniniwala, di ba?)

*****

PNOY’S LAST SPEECH

(before the AFP):

“Kung meron man akong iiwanang habilin sa inyo,

ito ay huwag niyo sanang kalilimutan

ang laging itinatanong natin sa tuwing nalalagay tayo

sa isang sangandaan:

Paano ito nakakatulong sa sambayanang Pilipino?

Kapag nasagot ninyo dito ay oo, malamang po,

nasa tama kayo.”

Ano daw???

Oo ang sagot sa “paano”???

Sino ba nagsulat nito, elementary student??

*****

NEWS BANNER:

PNOY DI NAIWASANG PASARINGAN SI CGMA.

DI NAIWASAN?

Bakeeet?

 

Sakit na ba yan na parang epilepsy

na hindi n’ya makontrol?

 

Baka nga.

 

*****

PINASARINGAN NA NAMAN NI PNOY

SI ALING GLORIA.

 

Hanggang sa huli,

garantisadong Boy Sisi.

 

*****

ITO ANG UNANG ISSUE NG NEWSKUPOW

sa ilalim ng bagong pangulo.

 

Medyo makakahinga na

ang mga fans ni PNoy.

 

Medyo lang ha!!!

 

*****

JUNE 30, 2016 (12 NOON):

In-inaugurate na nga ang ating bagong pangulo:

RODRIGO ROA DUTERTE.

 

For a change, pangulong may…

bay*g.

 

*****

STOCKS JUMPED DURING  INAUGURATION

 

The Philippine Stock Exchange index (PSEi)

on June 30 noontime closed at 7,980.75 –

an all-time intraday high for the year.

 

Yan ang good news!!!

 

Na ayaw marinig ng mga anti-DU30!!

 

#BitterAmpalaya

 

*****

MAIGSI LANG ANG SPEECH NI DIGONG.

14 minutes lang ito tumagal.

 

Kakaiba ito sa mga naunang pangulo sa kanya.

 

Ito pa ang kakaiba:

Hindi benggador ang speech na ito,

hindi ito nanisi ng ibang tao

‘di tulad ng inaugural speech ni you-know-who.

 

*****

SO, NATULOY BA YUNG MARUYA AT BUKO JUICE?

 

Hmmm… hindi.

Pero, simple lang talaga ang handa:

 

Ginisang monggo with tinapa at alugbati

Pandesal with kesong puti and Vigan longganisa

Turon

Lumpiang ubod

Durian tartlet

 

Walang lugaw?!!

 

*****

BAKA NASA INAUGURATION NI VP LENI ANG LUGAW.

 

Tignan nga natin ang handa ni Aling Laylayan:

 

Pichi-pichi

Buchi with Choc-Nut filling

Turon

Sotanghon

Maja blanca

Pandesal

(choice of palaman: adobo, corned beef, tuna)

 

Nope, walang lugaw.

 

*****

INULAN ANG INAUGURATION VENUE NI LENI

(ang dating “Boracay Mansion” na ngayon ay

kilala na bilang Quezon City Reception House).

 

Lumuha ang langit.

 

Sinabayan siguro ang luha

ng mga BBM loyalists.

 

*****

MARAMING CELEBRITIES SA LENI INAUGURATION:

 

Kris Aquino, Dingdong Dantes, Marian Rivera,

Enchong Dee, Jim Paredes, Jaime Fabregas,

Bea Binene, atbp.

 

Sila ang mga ibo-boycott ng BBM loyalists.

 

*****

ZERO CRIME IN METRO MANILA

DURING DIGONG’S INAUGURATION

 

Eureka!!!

Ayun pala ang solusyon eh!!!

 

Mag-inauguration tayo araw-araw!!!

 

*****

AFTER THE INAUGURATION,

hinarap ni Digong ang mga militante

na nag-rally sa labas ng Malacanang

IN SUPPORT of his presidency.

 

Tumayo ang balahibo ko sa kwento

ni Renato Reyes Jr. ng Bayan tungkol dito:

 

“(Duterte) asked us if this was our first time

inside Malacanang. For most, it was.

We told him how we are usually barred

from crossing the barricades at Mendiola.

 

“He told us that he respects freedom of speech

and the right to peaceably assemble.

 

“I asked him if this meant that we can hold

our SONA rally closer to Batasan.

He said it shouldn’t be a problem.

Pwede raw makalapit.
.
“He wants peace and national unity

to be his legacy. He is serious about

finding a solution to the armed conflict.”

 

Dito pa lang sa kwento ni Ka Renato,

masasabi na nating…

 

Dumating na nga yata ang pagbabago.

*****

 

YUNG DATING PANGULO,

ni hindi man lang sinilip ang mga rallyista.

 

Baka kasi IBA ang mga “boss” niya.

 

*****

PERO SA TIMES STREET,

balik sa dati ang mga militante.

 

Lumusob sila doon

upang papanagutin si PNoy

sa mga kasalanan nito sa mga “boss” niya.

 

Sinisisi nila si…

Boy Sisi.

 

#KarmaChameleon

 

*****

TINUPAD BA NAMAN NI DIGONG

ang pangako niyang hindi siya magmumura

sa kanyang inaugural speech?

 

Tang  in a pack, OO NAMAN!!!

 

Behaved ang lolo n’yo!

 

Mas marami pang mura

ang mga anti-DU30 trolls

sa social media nung araw na ‘yon.

 

*****

MAY MGA KUMALAT NA MEMES

tungkol sa “mukha ng Diyos”

na nasa flag daw sa likod ni Digong

habang nag-ii-speech ito.

 

Tinignan ko ang picture.

 

Ganun ba ang mukha ni God?

 

Parang mukha yata ‘yun ni…

Babalu eh!

 

Nang-aano kayo eh!!!

 

*****

PAKINGGAN NGA NATIN ANG SOUND BYTES

mula sa bago nating pangulo sa kanyang

unang araw bilang pangulo

(sa speech man o sa cabinet meeting)…

 

*****

DUTERTE:

“Erosion of faith and trust in government –

that is the real problem that confronts us.

Resulting therefrom, I see the erosion

of the people’s trust in our country’s leaders;

the erosion of faith in our judicial system;

the erosion of confidence in the capacity

of our public servants to make

the people’s lives better, safer and healthier.”

 

Sisishin si Boy Sisi.

*****

 

NAG-BISAYA DIN SI DUTERTE:

“Tinud-anay nga kabag-uhan.

Mao kana ang tumong sa atong pang-gobyerno.

(Real change. This is the direction of our government).”

 

Pramis??

Sana nga totoo na ito, ser.

Sa daming pambobola naming narinig,

mahirap nang maniwala ulit.

 

Pero, umaasa pa rin kami.

Itong pag-asang ito na lang kasi

ang pinanghahawakan namin.

 

*****
NI-QUOTE DIN NI DIGONG

SI FRANKLIN D. ROOSEVELT:

 

“The test of government is not whether

we add more to the abundance

of those who have much;

it is whether we provide for those

who have little.”

 

Dito, siguradong bagsak

‘yung nakaraang pangulo.

 

*****

GUSTO NI DIGONG NA MAGKAROON NG HOTLINE

diretso sa kaniya mismo

para malaman daw niya

kung ano ang mga problema ng mga PInoy.

 

Ang sina-suggest niyang number: 8888.

 

Pwede pong mag-suggest ng jingle?

 

Pasok, Bayani!!!

 

♪  Tayo’y mag…  88… 88…   ♪

 

*****

DUTERTE:

“I don’t want to see Filipinos lining up.”

 

Eh…  paano kung pelikula ng Aldub??

 

*****

DUTERTE:

“I don’t want a proliferation

of gamblng activities in the country.

Mahirap iyan.”

 

Oo nga,  ma-ERAP ‘yan!

 

*****

AND AS IF TO ECHO DIGONG’S SPRONOUNCEMENTS,

ang bagong PNP Chief na si Ronald “Bato” Dela Rosa

ay parang katono rin ni Digong kung magsalita.

 

Sabi niya sa mga tiwaling pulis:

 

“I am giving you 48 hours to voluntarily surrender to me

at ilahad ninyo sa akin ang lahat.

Otherwise mag-AWOL na lang kayo,

mag-full time drug lord na lang at

makipag-gyera na lang kayo sa amin.”

 

At marami ang nangatog ang tuhod.

 

*****

BANTA PA NI BATO:

 

I will stop you from enjoying your evil life.

I promise you, change is coming,

including your birthday which will be changed

to November 2.”

 

Awooooo!!!

 

May future ito sa comedy bar.

 

*****

GEN. BATO DELA ROSA:

“I am your father.”

 

Darth Vader, kaw ba ‘yan???

 

*****

TO ALL OUR NEW GOV’T OFFICIALS,

we wish you all the best.

 

And good luck.,

 

You’ll need lots of that.

 

MABUHAY PO KAYO!

MABUHAY ANG PILIPINAS!!!

 

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>