newskupowjan14

NEWSKUPOW! Parating na siya! (Who’s your Papa?)

Written by

Wednesday, 14 January 2015 - Last Updated on January 14, 2015
newskupowjan14

newskupowjan14

 

BAGO ANG PILIPINAS,
binisita muna ni Pope Francis
ang bansang Sri Lanka.

Tuwang-tuwa ang Santo Papa
nang sumalubong sa kanya
ang nakahilerang 40 elephants.

Wala ‘yan sa ‘Pinas!

Pagdating niya dito sa bukas,
mga BUWAYA naman ang nakahilera
na sasalubong sa kanya!

At naka-barong pa!!

Laban?!!!

*****

TUWANG-TUWA ANG SECURITY
na kasama ni Pope Francis
dahil hindi sila ni-require
ni MMDA Chairman Francis Tolentino
na magsuot ng… you know…

ADULT DIAPERS.

*****

POPE FRANCIS
FINDS ROCK STAR TREATMENT “OFFENSIVE.”

Naku, Lolo Kiko, dito sa amin…
gustung-gusto ng mga politico
ang ROCK STAR treatment na ‘yan!

Yung iba nga feeling rock star pa
at kumakanta ng…

♪ Ako ang nakikita, ako ang nasisisi…

*****

MGA KUBYERTOS NA NAISALBA
noong Yolanda, gagamitin ng Santo Papa
sa pananghalian kasama ang 30 survivors
ng bagyo at lindol.

Subukan mong ipagamit ‘yun kay Kris.
Makakarinig ka ng umaalingawngaw na…
EWWWWW!

*****

FINAL DRY RUN SA PAGDATING NI POPE FRANCIS,
isinagawa kaninang madaling araw.

Buti na lang hindi umulan,
kung nagkataon, hindi na ito DRY run!

*****

Sa mga activities ni Pope Francis…

ILAN SA MGA IPAGBABAWAL:
payong
backpack / bag
selfie stick
yosi

Ipagbawaa n’yo na rin kaya
ang mga tao
para wala kayong security problem?

*****

DAPAT TRANSPARENT DAW
ang lalagyan ninyo ng gamit
para madali itong masilip
ng security personnel.

At dahil pwedeng magtago
ng weapons sa damit,
dapat i-require din ninyo ang mga dadalo
na magsuot ng transparent clothes.

Para masaya!!

*****

SUGGESTION NG MGA ORGANIZERS
sa mga dadalo sa Luneta,
magsuot ng adult diapers
dahil malalayo daw ang location
ng portalets.

Ikaw, a-attend ka ba?
Meron akong binebentang adult diapers.
SALE!!! SALE!!! SALE!!!
Slightly used lang.
Half full pa lang.
U want? PM me, k?

*****

PNOY NAG-INSPECTION SA DRY RUN
ng arrival rites para kay Pope Francis.
Marami siyang napunang problema.

Ang galing, ‘no?
Sandali lang, marami nang napuna…
pero ang mga problema
na limang taon nang nariyan,
at mga sigaw ng boss niya…
dedma.

*****

PNOY NAKUKULANGAN PA
sa security preparations
na inilatag para sa pagdating ng Santo Papa.

Ahh… dapat siguro
lagyan ang mga kalyeng dadaanan ng…
PINK RIBBONS?

Yan!
Di na kulang.

*****

“PANGGIGIGIL SA PAPA
maaaring maging mitsa ng gulo.”
— Pres. BS Aquino III

Eh… panggigigil sa presidente kaya?

Hindi mangyayari ‘yan.
Kathang-isip lang ‘yan!

*****

NAKITA N’YO BA YUNG PAINTING
ni Pope Francis kasama ang mga artista?

Napamura din ba kayo?

*****

PAINTING OF POPE FRANCIS
features Filipino movie stars.

Nasa harap at pinaka-prominent
ang imahe ni Batangas Gov. Vilma Santos.

Obviously, hindi Noranian ang painter.

*****

SA PAINTING NA MAY TITLE NA “SALUBONG,”
kasama rin sina DongYan,Coco Martin,
Sen. Grace Poe, Gary Valenciano,
at…. mawawala ba naman si…

(drum rolls)

KRIS AQUINO?!

Palakpakan!
Now na!

*****

SA PAINTING, SI KRIS AQUINO
ay isang farmer.

HAHAHAHA!!!
Talk about irony!

*****

PARA KO NANG NARIRINIG SI KRIS:

“Ewww!!! Why naman farmer?
Change it please. Now na!

“Pero, in fairness…
ang ganda ng fez ko d’yan ha!
Ang bata!!!

“Sige na nga, keri na rin!”

*****

OBVIOUSLY, GUSTONG MAIBA NG PAINTER.
Kasi sa dinami-rami ng paintings
na nagsusulputan,
mahirap mapansin kung hindi ka kakaiba.

Eh, since Noranian ako,
HINDI ko babanggitin
ang pangalan ng painter…
para HINDI SIYA SUMIKAT!!!

Hmmpfh!!!
Di man lang isiningit si Ate Guy
kahit nakasabit man lang
sa puno dun sa background!!! :P

Walang himala!!!

*****

UNANG DEPENSA NG ARTIST…
“artistic interpretation” daw ‘yon.

Hindi po.
Vilmanian’s interpretation ‘yon!
(galit pa rin).

*****

NANG MULING INTERBYUHIN, SABI NG ARTIST…
ang wife n’ya raw ang nag-request
na isali sa painting
ang mga paboritong nitong artista.

Ahhh…
si wifey pala ang Vilmanian!

At si painter pala ay..
MACHO-nurin!

*****

OKAY, FORGIVEN KA NA, ARTIST.

We admire men who show their love
for their wives.

Pero di ko pa rin babanggitin pangalan mo, ‘no!!

*****

PALACE: NO “EPAL” AT PAPAL VISIT, PLEASE!

Ganun?
Kawawa naman si Mar.

I’m sure gusto n’ya rin namng
makita ang Santao Papa.

*****

DPWH TO REMOVE “EPAL” TARPAULINS.

PAPAL VISIT nga naman kasi ito.
Hindi EPAL VISIT, ‘no!

*****

MAY MGA MAMBABATAS
na hindi dadalo sa mga activities
kaugnay ng Papal visit
dahil baka raw tawagin silang “EPAL.”

Yung iba naman ay takot
dahil baka sila biglang magliyab!

*****

PALACE SPOKESMAN SONNY COLOMA
sa mga nagsasamantala sa pagbisita ng Santo Papa:

“Yung ibang mga naghahangad
na maging prominente rin
ang pagkakakilala sa kanila,
mas mainam sigurong
pumili na lang sila ng ibang okasyon.”

Kaya nga po EPAL eh…
WALANG pinipiling okasyon.

Di ba, Mar Roxas?

*****

3 POPEMOBILES ANG GAGAMITIN
sa pagbisita ni Pope Francis.

Ang isa ay ang Kia popemobile
na hiniram mula sa South Korea,
isang Isuzu popemobile,
at ang isa ay jeepney-type popemobile
a.k.a. Chakamobile.

*****

ANG ISUZU POPEMOBIE
ang gagamitin sa pagsalubong kay Pope Francis
sa Villamor Airbase bukas.
Ito rin ang gagamitin sa Malacanang,
sa Manila Cathedral,
at sa SM Mall of Asia Arena sa January 16.

So, hindi rin type ng Malacanang
ang Chakamobile!

*****

ANG KIA POPEMOBILE NAMAN
(na ginamit sa 2014 visit ng Pope sa South Korea)
ang sasakyan niya
sa pagbisita sa Tacloban City
sa January 17.

Ang Jeepney Popemobile a.k.a. Chakamobile
ang gagamitin sa Quirino Grandstand
sa January 18.

Bakit parang laging malas
ang Quirino Grandstand recently, ‘no?

*****

ANG 3 POPEMOBILES
ay “open type” vehicles
sa kahilingan na rin ni Pope Francis.

Ito ay dahil kilala ang Papa
mahilig lumapit sa mga tao,
lalo na sa mga bata at maysakit.

Sana ganu’n din ang mga politiko natin, ‘no?
Wish ko lang.
Libre naman mangarap, di ba?

*****

ANG LEYTE ANG ANG PRIORITY NI POPE
sa kanyang pagbisita sa bansa.

Buti pa ang Santo Papa.
Di tulad ng iba d’yan, di ba, *ubo* *ubo*?

*****

SABI NI POPE FRANCIS:
“The corrupt should be tied to a rock
and thrown into the sea!”

At naihi sa pantalon nila
ang buong gabinete ni Pnoy.

*****

ALAM N’YO BANG…
IISA NA LANG ANG BAGA NI POPE FRANCIS?
Noong teenager pa siya, nagka-infection siya
at kinailangang tanggalin ang isang baga.

Wow!
Pero mas kamangha-mangha ang
marami nating government officials…
nabubuhay nang… walang utak!

*****

JANET LIM NAPOLES
umattend sa hearing niya kanina
sa Sandiganbayan
na suot ang isang YELLOW shirt
na may picture ni POPE FRANCIS.

Ikaw na, ma’am!

DOUBLE EPAL!!!

*****

Speaking of Napoles…

CASH, CHECKS TRACED
from NAPOLES to SEN. JINGGOY.

Ayy…
di pa pala nila alam ito?
Eh, bakit nakakakulong na si Sen. Jinggoy?

*****

SABI NG ANTI-MONEY LAUNDERING COUNCIL,
3 raw ang bank accounts ni Sen. Jinggoy
na nakapangalan sa alias na “JUAN NG.”

JUAN NG Ina naman o!!$%^*#

*****

BIG TIME DRUG LORDS
na nakakulong,
tuwang-tuwa daw nang mapanood
ang pagsabog sa loob ng Bilibid.

Aba’y…
PASABUGIN NA ANG MGA ‘YAN
nang maging lubusan na ang tuwa nila!!!

*****

CHIZ TO PNOY:
NO NEED TO ATTEND MY WEDDING

Baka raw kasi bumuntot si Kris.
At mang-agaw ulit ng eksena.

Di ba, DongYan?

*****

KILALA N’YO BA SI TITO COSEJO JR.?
HINDI???
Saang bato ba kayo nakatira??

Siya yung may video na “Beast Mode”
(link sa baba)

https://www.facebook.com/video.php?v=948397058526604&fref=nf

Nag-apologize na ang kups
matapos siyang mahambalos ng mga batikos
ng mga netizens.

Pero ang apology,
sinimulan n’ya rin sa isang kasinungalingan.
Sinabi niya na ang “video was taken years ago”
when netizens pointed out
maoobserbahan na Dec 2014 lang ito kinunan.

Tsk. tsk.

*****

65% OF FILIPINOS SATISTIFED WITH BINAY
— SWS Survey.

Yung 35% aysina Trillanes, Escudero at Pimentel.

*****

CEBU PACIFIC FINED P52 MILLION
for flight DELAYS
and CANCELLATIONS during the holidays.

Siguradong DELAYED din
ang pagbayad nila ng fine,
pustahan?

(Okay lang delayed, ‘wag lang CANCELLED!)

*****

BIMBY (meron pa bang iba?)
kinagat ng aso nilang si PRADA.

PRADA TALAGA??
Pati aso, branded???

*****

LET ME GUESS KUNG SINO
ang nagpangalan sa aso.

Meron pa bang iba?

*****

LET ME GUESS KUNG ANO ANG PANGALAN
ng pusa nila.

Hermes?

*****

BIMBY kinagat ng aso nilang si PRADA.
Pero okay na siya ngayon.

Pero ang mommy Kris niya, hindi pa rin okay.
Maarte pa rin.

*****

A PINOY NURSE IN SINGAPORE
was fired because of remarks
on Facebook and Google Plus.

Shocking!
May Google Plus pa pala???

*****

QUOTE, UNQUOTE

“I ask you to ensure
that humanity is served by wealth
and not ruled by it.”

— Pope Francis

*****

PHOTO CREDITS:
POPE FRANCIS WITH PINOY STARS: www.rappler.com
POPEMOBILE: www.rappler.com
EPAL TARPAULIN: Bayan Mo, iPatrol Mo: Ako ang Simula (Facebook account)

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>