nkpowjun30

NEWSKUPOW! “Palpak at Manhid” vs “Walang Utang na Loob”

Written by

Tuesday, 30 June 2015 - Last Updated on July 6, 2015
nkpowjun30

nkpowjun30

VP BINAY RESIGNS
FROM PNOY CABINET
June 22, 2015.

Bakit hindi pa as VP?

Ahh… baka nga naman masamid o mabulunan
ang nasa tuktok, eh di….
INSTANT PANGULO!

*****

VP BINAY RESIGNS
FROM PNOY CABINET
para daw magkaboses ang oposisyon.

Asuuus!
Eh di ba noong June 10 lang eh
umaasa pa siya sa endorsement ni PNoy?

*****

KUMAKALAT ANG MAIKSING
LETTER OF RESIGNATION NI BINAY:

“I hereby tender my irrevocable resignation
as a member of the Cabinet effective immediately. Bye!”

PERO MAS MAIGSI ANG SAGOT NI PNOY:
“K.”

*****

ACTUALLY, MAS MAKAHULUGAN (AT CONTROVERSIAL!)
KUNG ANG REPLY NI PNOY AY:

;) *wink*

*****

BINANATAN DIN NI BINAY ANG DAP/PDAF.
ILLEGAL DAW ANG MGA ITO.

Sandali lang po…
di ba’t merong kayong 11 BILLION na DAP?

So… umaamin ba kayong
sangkot kayo sa ilegal na gawain???

*****

BINANATAN DIN NI BINAY
ang pag masaker ng SAF 44 sa Mamasapano.

Ang tagal po naming hinintay
na mag-comment man lang kayo dito.

Sa dami na po ng nasabi namin tungkol DITO,
WALA na kayong maaaring sabihing BAGO.

Pwera na lang kung may alam kayong
INSIDE SECRET.
Kung ganun, isiwalat n’yo na A.S.A.P.
Kung wala, shut up na lang po.

*****

AQUINO GOVT: “PALPAK AT MANHID.”
— VP BINAY

Alam na po namin ‘yan eh.
Ang tanong:
Ngayon n’yo lang ba talaga nalaman ito??

*****

“HINDI AKO UMAATRAS SA LABAN.”
— VP Binay

Pero parang lumalabas na UMIIWAS naman kayo
sa mg isyung binabato sa inyo
ng mga yellow attack dogs.

Harapin n’yo kaya??

******

BINAY: OPPOSITION NOW HAS ONE VOICE.

I don’t think so.
Base sa nga nakikita ko, may oposisyon na
PRO-MARCOS, meron ding
PRO-MDS, meron ding
PRO-GLORIA, meron ding
PRO-IBA PA, pero ang higit sa lahat,
meron ding….

ANTI-BINAY!

*****

MAR ROXAS REACTION SA RESIGNATION NI BINAY:

♪ Natatawa ako,
HI HI HI HI ♪

*****

SIYEMPRE, ANG NUMERO UNONG ATTACK DOG
ng Aquino government na si
Sen. Sonny “Frog” Trillanes ay umeksena agad
matapos mag-resign ni VP Binay:

“Finally! This is a very positive political development.
More importantly, it (the Aquino administration)
can now go all-out against VP Binay.
Now, there is no more inconsistency in the ‘tuwid na daan’
slogan of the PNoy Administration,” sabi ni Trillanes.

Ganun?
More consistency in the “tuwid na daan” slogan?
Paano nangyari ‘yon, eh… nariyan ka pa???

******

TRILLANES REACTION:
“Traditional politics at its worst.”

Look who’s talking.

*****

TINAWAG DIN NI TRILLANES ANG UNA-LAKAS ALLIANCE
NA “UNION OF VILLAINS.”

Really?
Eh, bakit hindi s’ya kasali??

*****

PALACE REACTION:
“VP Binay attack vicious, unethical.”

Asuuuus!!! Nabigla ba talaga kayo?
Eh di ba vicious din ang mga banat
ng attack dogs ninyong sina
Trillanes-Pimentel-Cayetano?

Kagatan time na talaga!!!

*****

ANG REACTION NI PNOY:

“Hindi natin s’ya tinuring na `spare tire.’”

Ouch!
Gulong talaga ang comparison?
Wala namang laitan ng kulay!!!

*****

PNOY:
“Tinanong ko sa kanya (Binay) specifically
kung ano ang dahilan.
What is the immediate reason
(sa pagre-resign sa Cabinet).

“Sabi niya sa akin, marami daw.
Isusulat niya at ipapadala daw sa akin.”

Naku…
Ilang TONKA trucks kaya
ang magde-deliver ‘nun?
Palagay mo, Senator Pogi?

*****

PNOY:
“Paano ko ba siya tinrato na mali?
Tapos ito pa ang isusukli niya?”

Kulang po ba ang sukli, ser?

Sheez.
Parang teleserye talaga ang politika sa atin, ‘no?!

*****

PNOY NAILSULTO SA BANSAG
NA MAGNANAKAW AT TANGA.

Mali nga naman.
Sa laki ng ninakaw nila so far,
hindi mo sila maaaring tawaging TANGA, ‘no!

WAIS pa, pwede!

*****

PNOY NAILSULTO SA BANSAG
NA MAGNANAKAW AT TANGA.
Hindi raw totoo ito.

Of course!
Meron ba namang nagnakaw sa gobyerno na….
umamin??

*****

ILANG BESES DIN BINANATAN NI VP BINAY
SI DOTC SEC. ABAYA AT ANG PALPAK NA MRT OPERATIONS.

Reaction ni Abaya:
“VP Binay never approached us to convey his comments,
recommendations, and solutions to rail issues.”

Huh?? Kailangan ba ‘yun?
Hindi pa ba sapat ang mga comments and
recommendations at batikos na natatanggap n’yo araw-araw?

Hindi pa rin ba sapat ang ILANG BESES NANG
PAGTIRIK NG MGA TREN NINYO
para gumawa KAYO ng SOLUSYON???

Sheez.

*****

AT BAKIT HINDI KA PA RIN NAGRE-RESIGN, SEC. pABAYA?

*****

MMDA CHAIR TOLENTINO:

Nagkakampanya ka na sa buong bansa
gamit ang pondo ng MMDA
pero ang sitwasyon ng traffic sa Metro Manila
hindi mo pa rin ma-improve man lang
hanggang ngayon?!

ANG KAPAL NAMAN TALAGA!!!

*****

COMELEC ILANG ULIT NA NANAWAGAN
NA MAGPA-BIOMETRICS NA ANG MGA BOTANTE
para makaboto sa 2016.

JUNE 26 HEADLINE:
ILANG BIOMETRICS DATA NG MGA BOTANTE, NABURA.

JUNE 28 HEADLINE:
2 MILLION VOTERS’ BIOMETRIC RECORDS
“CORRUPTED” — COMELEC

Pwede pong magmura?
Nang MALAKAS?
AT PAULIT-ULIT???

@#$^&%&^$@#$!@f$%$#

*****

TESDA CHIEF JOEL VILLANUEVA
NA PINAULANAN NG PURI NI PNOY,
sinasabing tatakbo bilang senador.

Di ba isa ito sa pinangalanan ni Janet Napoles
na sangkot sa anomalyang PDAF??

Lahat ba sila talagang pangarap na maging…
MAMBUBUTAS?

*****

OVER 30 LIBERAL PARTY ALLIES
LINKED TO PORK SCANDAL

3 senators na ang nakulong.
Ang tanong: may makakasuhan ba
o makukulong din na kaalyado ng pangulo?

Alam n’yo na sagot d’yan.

*****

P8 BILLION TO P21 BILLION DAP FUNDS MISSING

Sinilip n’yo na ba ang bulsa ni Budget Sec. Abad?

*****

ETO PA:
P19 billion of the P68 billion fund
for the DSDW’s Pantawid Pamilya Pilipino Program
ay napupunta lang sa bulsa ng mga kawatan.

Parang alam ko pangalan n’yang kawatan na ‘yan…
Sounds like…
PINKY?

*****

ETO MALALA:

P130 BILLION MISSING FROM MALAMPAYA FUND

BILLIONS??
NAWAWALA???

Ano ba’ng nangyayari sa gobyerno natin?
BURARA GOVERNMENT??!!!

Parang ang sarap tuloy i-quote si Mar Roxas:
“PUT*** IN**************!!!!!!!!”

*****

LARUANG BARIL GAMIT NG MGA PINOY SOLDIERS
DURING TRAINING WITH AMERICAN COUNTERPARTS!!!

Binabagayan lang po.
Tau-tauhan sila, di ba?

*****

DPWH PINAULANAN NG PURI NI PNOY
noong anniversary nito.

Habang pinupuri niya ito,
nagkanda-buhol-buhol ang traffic
sa Metro Manila dahil sa mga nakatiwangwang
na road projects ng naturang ahensya.

Onli in da Pilipins.

*****

NON-NEWS FOR SALE?

Umiikot ang balitang ito sa loob ng Camp Crame.
P5,000 lang ang katapat ng mga reporters
para HUWAG BANGGITIN ang pangalan
ni GEN. ALAN PURISIMA sa mga news stories nila.

Huwag din daw banggitin ang tungkol
sa suspension nito at iba pang controveries
na kinasasangkutan nito.

Ayuun!
Kaya pala walang balita lately tungkol kay BFF!
P5,000 lang ang katapat!

*****

BREAKING!!!
(kanina lang, late afternoon)

OMBUDSMAN DISMISSES PURISIMA, 10 OTHERS
OVER ANOMALOUS PNP CONTRACT.

Obviously, kung sino man ang nag-report nito,
hindi nakatanggap ng P5,000.

******

AQUINO LED THE GROUNDBREAKING
OF NEW TERMINAL AT MACTAN AIRPORT IN CEBU.

P14.4 BILLION ang binayad na premium
ng GMR-Megawide para dito.

Sinabi diumano ni ex-Cebu Gov. Lito Osmeña
na ang malaking halaga ay gagamitin ng Liberal Party
para sa 2016 elections.

Nagpantig ang tenga ng lolo n’yo at sinabihan si Osmeña na:
“Maghanap ka ng kausap!”

Kaya dumating si Pong Pagong.

*****

OMBUDSMAN ISSUES 2ND SUSPENSON ORDER
VS MAYOR JUNJUN BINAY

Puno ng tension ngayon sa Makati City Hall
dahil nilalabanan ni Mayor Junjun Binay
ang pangalawang suspension order mula sa Ombudsman.

Parang napanood ko na itong teleseryeng ito.
Parang replay ito noong March 2015 episode, ‘no?

*****

VP BINAY ASSAULTED, THREATENED POLICEMEN
Ito ang sabi ng kampo ni DILG Sec. Mar Roxas.

Pero kanina lang ay hinamon ni Mayor Junjun si Roxas
na paimbistigahan kung may katotohanan ang akusasyon.

Ayyy… napanood ko na nga ito!
Same cast eh!

*****

MAKATI CITY, DALAWA ULIT ANG MAYOR.

Ganyan sila sa Makati.
World-class.

*****

MAR ROXAS TO BINAYS:

“Makati is not yours.
HI HI HI HI” ♪

*****

TIFFANY GRACE UY.
Graduated SUMMA CUM LAUDE.
Got a near-perfect weighted average grade of 1.004.
Binatikos ng netizens at kinwestyong ang citizenship niya,
at kesyo masyado raw grade-conscious, at walang social life.

Binatikos din na “siguro hindi ito uma-attend ng rallies”
dahil puro aral ang ginawa.

TEKA LANG!!!
Kelan pa naging kabati-batikos ang pagiging studious???

Can’t we just be happy for her and her family?

Sheez talaga!!!

*****

AT ANO’NG MASAMA KUNG FILIPINO-CHINESE SIYA??

2015 na po, hindi na dapat uso ang RACISM.
Bakit pinapairal n’yo pa rin??

*****

SA SPEECH NI TIFFANY, NABANGGIT NIYA
ANG NAKAKALUNGKOT NA SITWASYON SA BANSA NATIN:

“The state of our nation is rough. A quarter of our population
fall below the poverty line. And this is with the adjusted standards
to bolster the ratings of politicians. Several million people
are unemployed, making us a country that’s among the lowest
in the ASEAN. Deep inequities exist between access to public resources
that leave many of our brethren to succumb to illness
and die without ever having received healthcare.”

Bravo for speaking the truth.
And boo for those bashers na hindi nag-iisip.

*****

PURO RAINBOW ANG FB LATELY.
Ang nakakatawa, marami ang gumamit ng rainbow filter
without knowing the issues.

Makiuso lang!
Iba ka talaga, Pinoy!!!

*****

SAME-SEX MARRIAGE PASSED IN THE UNITED STATES.
HINDI dito sa Pilipinas. Hindi kayo dapat affected.
Pero bakit ganun ang reaction?

Gaya ni Tiffany Grace Uy,
can’t we just be happy for our American kapatids?

*****

KID WHO STUDIES ON A SIDEWALK
inuulan ngayon ng tulong mula sa anonymous donors.

Matapos maging viral ang picture
ni Daniel Cabrera, 9 years old, from Cebu City,
habang nag-aaral sa sidewalk,
inulan ito ng mga regalo at tulong.

So glad for him.
You deserve it, kid!

Nga pala, may picture din ako
na nagsusulat ng “Newskupow!” sa sidewalk.

Pakikalat din please.

Tenks!

*****

PHOTO CREDITS:
RAINBOW WORLD: www.facebook.com/georgehtakei/
MAYOR JUNJUN BINAY: www.snoopnest.com
TIFFANY GRACE UY: page2rss.com
VP BINAY AND PNOY: www.arabnews.com
.

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>