nkpow july 9

NEWSKUPOW! Ninja cops: Patay kang adik ka!!!

Written by

Saturday, 9 July 2016 - Last Updated on August 17, 2016
nkpow july 9

nkpow july 9

LIBO-LIBONG DRUG USERS AND PUSHERS

ang sumuko nitong mga nakaraang linggo.

 

Sa Tagum City = around 4,000

Sa Quezon City = 1,090

Sa Mandaluyong = 75

Sa San Juan = mga 200

Sa South Cotabato = 3,146

Sa Sultan Kudarat = mga 2,000

Sa Cebu = 30

Sa Lapu-Lapu at Mandaue City = 84

Sa Taguig = at least 362

Sa Ilagan City = 142

Sa Lanao del Norte = 98

Sa North Cotabato = halos 1,000

Sa Imus City = 40

Sa Benguet = 70

Sa Rizal = 762

Sa Iligan City = 240

Sa Pangasinan = at least 218

Sa Cagayan de Oro City = halos 1,000

Sa Negros Oriental = 2,456

 

Partial list pa lang yan.

As of last week pa lang,

mahigit 10,000 na ang numero

ng mga adik na sumuko sa awtoridad.

 

IBIG SABIHIN NITO:

Talagang naging talamak ang droga

at napabayaang lumaganap

nitong mga nakaraang taon.

 

Alam n’yo na kung sino

ang nagpabaya.

 

*****

 

SUNOD-SUNOD RIN ANG MGA ITINUMBANG

suspected drug dealers

nitong mga nakaraang linggo.

Nang-agaw DAW lahat ng baril.

 

IBIG SABIHIN NITO:

Nagpapanic na ang mga tiwaling

law enforcers na sangkot sa drug trade.

Kailangang patahimikin

ang mga maaaring magsabit sa kanila.

 

Dead men tell no tales.

 

*****

 

IBIG DIN SABIHIN NITO:

Successful at matindi

ang chilling effect

ng campaign ni DU30 laban sa droga.

 

Sila-sila (na nasa illegal drug trade)

ang magtutumbahan.

 

Good!

 

Wait… good nga ba?!!

 

*****

 

INUMPISAHAN NA NGA

ang Oplan TUKHANG

(Operation Plan Tuktok-Hangyo)

kung saan kumakatok ang mga pulis

sa bahay ng mga pinaghihinalaang users

at KUKUMBINSIHIN silang sumuko

at magbagong-buhay.

 

Unfortunately, ang iba sa kanila

ay nanlaban DAW,

kaya napilitang silang barilin – sa ulo.

 

KUMBINSING nga!!!

 

*****

 

DUTERTE REVEALED THE NAMES

of 5 police generals

who are “drug syndicate protectors.”

 

DUTERTE:

“Imbestigahan ninyo ito

at ‘wag ninyo akong bigyan ng sarswela.”

 

Eh, yung mga nang-agaw daw ng baril…

considered ba ‘yun as sarswela?

 

*****

 

ISUSUNOD DAW NI DU30

ang mga kidnappers at hold-uppers.

 

Yes!!!

 

Tapos, isunod n’yo po

yung mga DAPat kasuhan, ha?

 

Ang saya-saya!!!

 

*****

 

SA SPEECH NI DUTERTE

noong Martes, July 5, napanganga ang lahat

nang banggitin niya  ang pangalan ng mga

police generals na

“protectors of drug syndicates.”

 

Bago ito, marami sa mga naysayers

ang nagsasabing DU30 was just bluffing.

At wala naman daw “big fish”

ang pinapangalanan.

 

Matapos ang revelation ni Digong,

ang mga naysayers na yan

ang parang “big fish” ang nganga.

 

*****

 

SINO NGA BA ANG LIMANG ITO?

 

1) ex-PNP Depudy Director Gen. MARCELO GARBO, JR.

2) Retired Chief Supt. VICENTE LOOT

(now mayor of Daanbantayan, Cebu)

3) Police Gen. Bernardo Diaz

4) Police Chief Supt. Edgardo Tinio

5) Police Chief Supt. Joel Pagdilao

 

Glad to know you, sirs!

 

*****

 

SI GARBO AY KILLALA NG MGA CLOSE SA KANYA

bilang BOGART.

Sa limang pinangalanan ni Digong,

siya ang pinakamataas ang ranggo: 3 stars.

 

Lalo pang nadiin si Garbo

nang sabihin ni Duterte at

Solicito General Jose Calida

noong makalawa na siya (Garbo) ang

“primary protector of the drug triad

operating in the country.”

 

“Level 5” protector daw ito

ng mga sumusunod na drug lords:

 

1) WU TUAN alias PETER CO (ng Luzon Triad)

2) PETER LIM alias JAGUAR (ng Visayan Triad)

3) HERBERT COLANGCO alias AMPANG

who is allied with the Parojinog drug syndicate

na mas kilala sa tawag na Kuratong Baleleng.

 

Wow!!!

 

Puro singkit?!!!

 

*****

 

SI PETER LIM ALIAS JAGUAR

ay nasa ibang bansa raw ngayon.

 

Ito ang warning sa kanya si Duterte:

 

Sabihin mo sa kanya,

the moment he lands at NAIA,

he will die.”

 

Ayyy…

 

SUMPA po ba ‘yan, ser???

 

*****

 

WARNING NIYA NAMAN SA NAKAPIIT

na si Herbert Colangco:

 

“Never try to go out of prison.

You will die.”

 

Ayyyy….

 

SUMPA NGA!!!

 

Parang  “avada kedavra!!!”

 

*****

 

PNP GEN. BATO WANTS TO MEET DRUG LORDS

who put a price on his and DU30’s heads.

 

Sabi niya, maghe-hello lang daw siya sa mga ito.

 

Alam n’yo kung ano ang isasagot

ng mga drug lords sa “hello” ni Bato?

 

“High!”

 

*****

 

SI MARCELO GARBO, JR. NA LANG

ang hindi pa lumulutang

at hindi pa nagsasalita tungkol sa

akusasyon sa kanya.

 

Baka…

the alleged protector now wants protection?!!

 

*****

 

SI Mayor VICENTE LOOT naman,

ilang beses nang nagpa-interview sa media.

 

Pati ang misis niya (na dating mayor din)

ay nagpa-interview na rin.

Pinakita pa nito ang kanilang

magarbong bahay.

 

Mahigit P100 MILLION ang yaman ni Loot.

 

Sabi ng misis niya,

pinaghirapan daw niya ito

mula noong dalaga pa siya.

Nagtitinda daw siya ng alahas

at signature bags.

 

Ahhh… akala ko…

lugaw.

 

*****

 

LOOT AMINADONG LUMOBO ANG YAMAN.

 

Baka naman balloons ang business siya.

 

Tsaka clowns.

 

*****

 

MAYOR LOOT TO PRES. DUTERTE:

“Before naming us,

know that we have families, too.”

 

And ex-VP Binay was like…

“I know, right???”

 

*****

 

AT PARA PATUNAYANG

galit din siya sa droga,

nag-offer si Mayor Loot

ng P50,000 sa sino mang pulis

ang makakapatay ng drug pushers

sa kanyang nasasakupan.

 

And PNP Gen. Bato was like,

“You’re nothing but a second-rate,

trying hard…. COPYCAT!!!

 

Meow!

 

*****

 

LUMUTANG NA RIN

SI GEN. BERNARDO DIAZ:

 

“Kung may isang opisyal po

na galit sa droga, isa na po ako doon

for personal reasons.

Ako mismo galit sa droga.”

 

Sure.  Why not?

 

Buti wala pang nagbabanggit kay God, ‘no??

 

*****

 

SI POLICE CHIEF SUPT. EDGARDO TINIO

naman ay mangiyak-ngiyak na humarap sa media:

 

Ang importante sa akin ngayon ay

malinis ko ang aking pangalan.

I still have one year and 6 months to go

sa serbisyo. Once na malinis ko

ang aking pangalan,

ako ay mag-e-early retirement na.” 

 

Use Zonrox po

Siguradong tanggal lahat ng matsa!

 

*****

 

SABI NAMAN NI CHIEF SUPT. JOEL PAGDILAO:

 

“Nakahanda kung ano man ang imbestigasyon.

Handa kong ipagtanggol ang aking sarili

at linisin ang pangalan ng Pagdilao.”

 

Pagdilao talaga, mahirap linisin ‘yan.

Kumapit na matsa na ‘yan Pagdilao.

 

Use Zonrox din po.

 

*****

 

MAR ROXAS KONEKTADO RAW

sa ilan sa mga “narco generals.”

 

Mar Roxas….

Mar Roxas…

 

Sino na nga ba ‘yon???

 

*****

 

PNP GEN. BATO MET WITH 3 OF THE “NARCO GENERALS”

 

Nakikita sa pictures noong meeting

na may 2 boxes of tissue paper

sa gitna ng long table.

 

Bakit kaya may tissue?

 

Ahh…

baka nakakaBATO ang pinag-uusapan nila.

 

*hikbi*

 

*****

 

SA AIR FORCE 69TH ANNIVERSARY RITES

(kung saan pinasabog ni Digong ang bombang ito),

dumating ang pangulo nang naka-barong

with sleeves folded —

at naka…. maong pants!!!

 

Parang may suspetsa ako

kung sino ang nag-advise nito.

 

ATTY. SAL PANELO, UMAMIN KA!!!

 

*****

 

DUTERTE ANNOUNCED THAT FOI EXECUTIVE ORDER

WILL BE RELEASED NEXT WEEK

 

Eh, kaya naman pala eh!

 

Bakit hindi ito ginawa

noong nakaraang pangulo???

 

Baka busy mag-level up.

You know.

 

*****

 

REACTION NI SEN. LEILA DE LIMA

sa “name and shame” tactic ni Digong:

 

“May violation dyan ng due process.

There is still presumption of innocence

and therefore, they are entitled to be heard.

They should not be put and subjected

to trial by publicity.”

 

Due process daw?

 

Two words for you, senadora:

GLORIA ARROYO.

 

*****

 

DE LIMA PAI-IMBESTIGAHAN ANG SUMMARY KILLINGS

 

I’m sure ito ang iniisip ng marami:

Sana mang-agaw din ng baril  si De Lima.

 

Pustahan?

 

*****

 

REACTION NAMAN NI GRINGO HONASAN:

 

“Kawawa naman sila.”

 

Eh ‘yun pong nabiktima at nalulong sa droga,

hindi n’yo po ba kakaawaan ‘yon?

 

Nagtatanong lang po.

 

*****

 

MGA SUMUKONG ADIKS PINAG-ZUMBA.

 

Para sumeksi???

 

*****
PNP GEN. BATO: BAWAL NA ANG GOLF,

BAWAL ANG NAKASIMANGOT

 

Narinig mo ‘yun, Ate Koring??

 

*****

 

DU30 OFFERED LENI HUDCC CABINET POST

Bakit nagbago isip ni Digong?

 

LENI:

“Siguro noong nakilala niya ako, ‘yun naman.

‘Yun ang nag-pave ng way kung bakit

may change of heart si Presidente.”

 

Haba ng hair!

 

Di kaya dahil naakit siya sa iyong amoy na….

lugaw??

 

*****

 

NEWS ITEM KAHAPON, JULY 8:

 

The Netherlands has a strange problem:

Empty prisons.

 

Nandito po sa Pilipinas ang solusyon

sa problema n’yo!!!

 

Paki-pickup na lang po sila.

Gen. Bato will assist you po.

 

Thanks!

 

*****

 

PHOTO CREDITS:

HAND AND GUN: bandera.inquirer.net

BERNARDO DIAZ:  www.aksyonradyoiloilo.com.ph

JOEL PAGDILAO:  twitter.com

MARCELO GARBO JR.:  newsinfo.inquirer.net

EDGARDO TINIO:  newsinfo.inquirer.net

VICENTE LOOT: www.sunstar.com.ph

PHOTO URLs:

HAND AND GUN:

http://bandera.inquirer.net/files/2015/07/gun16.jpg

BERNARDO DIAZ:

http://www.aksyonradyoiloilo.com.ph/wp-content/uploads/2016/07/Bernardo-Diaz-240×300.jpg

JOEL PAGDILAO:

https://pbs.twimg.com/profile_images/639070083722014720/aR7XqNcV.jpg

MARCELO GARBO JR.:

http://newsinfo.inquirer.net/files/2016/07/FILE_Garbo-620×693.jpg

EDGARDO TINIO:

http://newsinfo.inquirer.net/files/2016/07/edgardo-tinio.jpg

VICENTE LOOT:

http://www.sunstar.com.ph/sites/default/files/styles/medium/public/field/image/article/loot_1.jpg?itok=PJIyYKoy

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>