nkpowapril 9

Newskupow! Nagsalita na rin ang clueless prez!!!

Written by

Saturday, 9 April 2016 - Last Updated on April 11, 2016
nkpowapril 9

nkpowapril 9

NANG MAGANAP ANG MAMASAPANO MASSACRE,

3.5 days tumagal ang nakakabinging katahimikan

mula sa ating Pangulo.

 

Nang finally ay magsalita siya,

binanatan niya ang “speculations” mula raw

sa mga walang magawa.

 

Ilang araw kang nanahimik,

so ano’ng ine-expect mo??

 

Hulaan namin ang nasa isip mo??

*****

 

APRIL 1 NANG MAGANAP ANG MADUGONG

Kidapawan dispersal ng mga magsasaka

kung saan ang mga ito ay pinaulanan ng bala.

 

APRIL 8 na nang magsailta ang pangulo

tungkol dito.

 

Bakit masyado yatang matagal

ang pagsusulat ng script this time, sir?

 

Marami ba ang butas na pagtatakpan?

*****

 

ANO ANG RASON NG PANGULO THIS TIME?

 

“Hindi ako na-inform.”

 

For ONE EFFIN’ WEEK???

Eh,  yung magtataho nga sa amin,

alam agad ito on the same day it happened,

ikaw pa na pangulo…. WALANG ALAM???

 

Saan ka po ba nakatira?

Sa ilalim ng bato???

 

Inuubos n’yo na naman question marks ko????

******

 

HANGGANG SA 6,000 NA MAGSASAKA

ang nagtipon at hinarangan ang isang busy highway

para iparating sa gobyerno na sila’y nagugutom.

 

CLUELESS KA PA RIN???

 

Ilang gusto mo, ser, isang milyon??

*****

 

So, sa Mamasapano you were MISINFORMED.

Sa Kidapawan, you were NOT INFORMED?

Sa NAIA blackout, you were BELATEDLY INFORMED.

 

Pangulo ka ba talaga?

O nagpapanggap lang?

*****

 

SABI NI PNOY, APRIL 1 LANG NG HAPON

niya nalaman ang tungkol sa madugong dispersal.

 

Ako, isang ordinaryong tao,

tanghali pa lang ay alam ko na

ang nangyayari sa Kidapawan.

 

Ano’ng ginagawa ng mga advisers ng pangulo??

Eh, di ba’t kalalaki ng sweldo ng mga ‘yan??

 

Binabayaran habang….

natutulog sa pansitan??
*****

 

SABI NI PNOY:

Alam po niyo, talagang 24/7, 365 days

ang trabaho ko po, paminsan-minsan po

nagrereklamo na rin ‘yung katawan ko.”
Weh?

Hindi po halata.

7 EFFIN’ DAYS???

BUSY KA PA NANG LAGAY NA ‘YUN???

*****

 

DAGDAG PA NI PNOY:

Kaya nung Biyernes ng gabi, bigla ho tayong

nagkaroon ng trangkaso. Giniginaw, naka-sweater,

balot na balot, walang aircon, walang electric fan,

pinilit nating matulog sabay nagkakonti pang problema

kinabukasan pati ‘yung ating sikmura

at talaga naman pong pinayuhan ng doktor

kailangan magpahinga raw maski konti.”
Sino ang nagsulat ng script nito?

Si Kris??

*****

 

SABI NI PNOY:

… paminsan-minsan po nagrereklamo na rin

‘yung katawan ko.”
Eh di pagpahingahin n’yo na po ‘yan.

Resign na po.

 

Now na.

*****

 

SA PAGSASALITANG ITO NI PNOY,

wala ni isang salita ng pakikiramay,

pangako ng tulong

o pangakong pananagutin ang maysala.

 

Waley.

 

Sinabi n’ya lang na…

WALA SIYANG ALAM.

 

Yun lang.

*****

 

6 DAYS AFTER THE KIDAPAWAN DISPERSAL:

 

Walang police official ang na-relieve sa pwesto.

Magihit 70 katao ang naka-detain pa rin.

Wala pa rin ni isang sakong bigas mula sa gobyerno.

Wala pa ring pahayag ang pangulo.

 

Ang galing, ‘no?

*****

 

KASAMA PO SA MGA NA-DETAIN NA ITO

ay ang dalawang lola na sina

Lola Valentina, 78 at si Lola Jovita, 65.

 

Ang kaso nila?

Direct assualt.

 

Patawa.

*****

 

KASAMA RIN SA MGA DINETAIN NG PULIS

ay ilang buntis at iba pang senior citizens

at ilang nurses na nagdadala lang ng pagkain.

 

At bawal din silang interbyuhin ng media.

 

Bakit?

 

May itinatago ba kayo, mga ser???

*****

 

PERO ANG PINAKASIKAT NA PERSONALIDAD

sa Kidapawan incident na ito

ay si GOV. EMMYLOU “LALA” TALIÑO MENDOZA.

 

MaLALA lang, pero walang talino.

*****

 

MATAPOS MAG-RALLY SA KIDAPAWAN

ang mga nagugutom na mga magsasaka,

heto ang sabi ni Gov. Lala  matapos mag-donate

ang ilang politiko ng bigas

para sa mga constituents niya:

 

MENDOZA:

“Mayroong mga supporters ng ilang politiko

na namigay ng tulong dito. Nakakainsulto.

Hindi kami nagkulang ng tulong dito.”

 

Ganern?

Eh bakit nagra-rally ang mga magsasaka n’yo??

*****

 

SABI PA NI MENDOZA:

“Hindi isyu sa North Cotabato ang bigas.

Mayroon kaming bigas dito.

Wag kaming gamitin sa propaganda.”

 

Eh may bigas pala kayo eh.

Bakit n’yo tinatago???

 

Gaga rin talaga eh.

*****

 

GOV. LALA, HINDI PO NAKAKAIN ANG PRIDE.

 

At hindi rin po magandang katangian ang

katangahan.

*****

 

ILANG ARAW LANG MATAPOS ANG GULO…

 

GOV. LALA MENDOZA FACES GRAFT.

 

Yan, nasilip ka tuloy.

 

HAHAHAHA!!!

*****

 

ANG KASO NI GOV. LALA

ay nagmula sa maanomalyang transaksyon

between the provicial govt at ng isang kumpanya

na pag-aari ng nanay niya.

 

Mama Mia!!!

*****

 

BUMILI RAW SI GOV. LALA NG GASOLINA

na nagkakahalaga ng P2.4 MILLION

sa gasolinahan ni mommy.

 

Dami naman nun!

Nilalaklak n’ya ba ang gasolina??

*****

 

EH, YUNG BLACKOUT SA NAIA 3?

5 hours tumagal ‘yun

at naapektuhan ang mahigit 15,000 passengers,

82 flights were cancelled

and some were delayed.

 

Ilang bilyon din ang nawala

dahil sa kapalpakang ‘yon.

 

May mananagot ba dito?

 

Waley.

 

BFF ni Pnoy ang general manager ng MIAA

(Manila International Airport Authority)

na si Jose Angel Honrado.

 

At mas BFF nito si DOTC Sec. Joseph Emilio “Jun” Abaya.
Iyan po ang tuwid na daan.

*****

 

SATURDAY NIGHT NANGYARI ANG BLACKOUT.

Lunes, na hindi pa nila alam

Ang reason for the blackout.

 

Sunday po kasi.

Nagpapahinga ang “public servants.”

*****

 

HONRADO: “Sorry.”

 

SORRY LANG???

 

Oo naman.

Siguradong lusot naman ‘yan kay bossing eh.

*****

 

NOONG SIMULA AY NAGTURUAN ANG MIAA

at ang Meralco kung sino ang may sala.

 

Pero kalaunan ay napag-alamang walang sala

ang Meralco dahil ayos naman ang linya nila.

 

So, sino ang dapat sisihin?

 

Ang sabi ni Honrado ay…

 

MINALAS LANG DAW SILA.

 

Mukhang KAMI po ang minalas

sa mga appointments ng pangulo

gaya ninyo.

*****

 

WALANG BANG CRISIS MANAGEMENT PREPARATIONS

ang NAIA?

 

Tignan mo ang mukha ni Hondrado.

 

Ngayon, sabihin mo sa akin….

‘Yan bang mukhang iyan

ang may kakayahang magkaroon

ng CRISIS MANAGEMENT PREPARATIONS???

 

Sige nga.

*****

 

FROM ONE INCOMPETENCE TO ANOTHER:

 

NAIA UNDER HONRADO:

Laglag bala gang

Bukas maleta gang

CCTVS not working

Laglag kisame

5-hour blackout

 

DOTC UNDER ABAYA:

MRT breakdowns

Overcharging and non-delivery of car stickers

Late license plates

No available driver’s licenses

Abandoned license plates at Customs

Stolen plate sheets

atbp.

 

So… bakit nga nakaupo pa rin sila???

*****

 

AFTER NAIA “BAD LUCK,” FENG SHUI EXPERT EYED.

 

Hanubayan, bayan???

Ano susunod, horoscope???

 

O exorcist?

O mambabarang?

*****

 

TAGA QUEZON CITY KA BA?

SEXY KA BA?

 

Ngayon, pwede ka nang magdemanda

kung ikaw ay sinipulan

o tinawag na “sexy!”

 

Sa totoo lang, magdedemanda ka ba talaga?

 

O manlilibre?

*****

 

TANONG: PAANO NAMAN ANG MGA LALAKI?

Kung sipulan sila at tawagin na “Pogi!”

 

Sagot:

Mag-thank you kayo!

*****

 

MAS MAINSULTO DAPAT KAYO

kung tinawag kayong….

 

hipon.

 

Ouch.

*****

 

MAYOR BISTEK,

numero uno ang QC sa krimen.

Ang dami mong pagkakaabalahan,

ito pa talaga ang inaatupag mo???

 

Wala ka a na po sa showbiz.

 

*****

 

HEADLINE:

Only Roxas and Binay have electoral machinery

 

HEADLINE:

Roxas and Binay top survey of LEAST LIKED to win.

 

Ouch.

 

*****

 

SI MARIMAR ANG NAG-TOP

sa SWS survey kung saan ang tanong ay:

“Sino ang AYAW mong manalo bilang pangulo?”

 

At last nag-top din siya!

 

*****

 

MALAMANG TAMA ITO.

Dahil sa recent rally ni Mar sa Hong Kong,

DINUMOG siya.

 

Ng mga langaw.

 

*****

 

AYON SA BALITA NG MGA TAGA-HK,

pinagalitan daw ni Mar ang HK organizers

dahil kakaunti ang dumalo sa rally nila.

 

Baka naalala nila yung sinabi niyang,

“Hindi ko kailangan ang boto ng OFWs.”

 

Ang yabang kasi eh.

 

*****

 

IN CABADBARAN, PEOPLE STARTED TO LEAVE

AS MAR STARTED HIS SPEECH.

 

Kawawa naman.

Baka kasi hindi namigay si Ate Koring ng…

tsinelas.

 

*****

 

MANONOOD BA KAYO NG

SUNTUKAN SA ACE HARDWARE ON APRIL 15?

 

Meron ding Rambulan sa Ozine

Banatan sa Tondo

Group Study sa SOGO hotel

Landian sa Booksale

Gulpihan sa 711 Libertad

Englishan sa Starbucks Ayala,

 

Join na!!!

 

*****

 

BUKAS NA PO ANG  FIRST AND ONLY VP DEBATE.

 

Manood o makinig po tayo

para naman hindi tayo masabihan na…

bobotante.

 

Go!

 

*****

 

PHOTO CREDITS:

PRES. BS AQUINO III:  www.rappler.com

CATCALLS:  www.littlethings.com

GOV. EMMYLOU “LALA” MENDOZA:  www.choosetrends.com

LOLAS NABBED FOR ASSAULT:  www.gmanetwork.com

MAR IN HONG KONG: www.thesummitexpress.com

 

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>