nkpowjune11

NEWSKUPOW! Mga Usapang Lasheng!

Written by

Saturday, 11 June 2016 - Last Updated on June 16, 2016
nkpowjune11

nkpowjune11

TOTOO BA ANG BALITA

na walang nang durian ngayon sa Davao?

Off- season na raw kasi.

 

Ang marami raw ngayon ay…

BALIMBING.

 

Itanong mo pa kay Sonny Belmonte.

 

*****

MATATANDAANG DECEMBER 2015

nang pinagmalaki ng DOTC (yes, Sec. pABAYA po)

na tatakbo na ang mga bagong bagon ng MRT

sa katapusan ng March 2016.

 

Dumaan ang katapusan ng March.

Dumaan ang April.

June na ngayon.

May mga bago nang bagon!!!

Yeheyyyy!!!!

 

BUT WAIT…

there’s more (bad) news…

 

*****

NEW MRT BAGONS WEEKENDS LANG TATAKBO.

Huh?  Buck-etch???

Dahil kulang daw ang drivers.

Ang galing n’yo talaga, mga ser!!!

 

*****

DI AKMA ANG SIGNALLING SYSTEM.

Yan ang unang press release nila

kung bakit weekends lang patatakbuhin

ang mga bagong bagon.

 

Ngayon… drivers naman ang alibi???

 

Just when we thought

wala na kayong ibang kapalpakan…

may humabol pa talaga!!!!

 

*****

ETO PA’NG ISANG HUMABOL:

 

Bago umalis ang PNoy government,

nag-iwan pa ito ng isa pang “souvenir”

para sa mga “boss” nila:

 

Inaprubahan ng CHED na magtaas ng tuition

ang 304 private schools.

Halos doble ang increase na ito

kumpara last year.

 

Ngayon, sino talaga ang “boss” nila?

Ang mga mayayamang negosyante, sino pa?

 

*****

ASAHAN NA ANG KABI-KABILANG PROTESTA

sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

 

Sabi ng mga concerned groups,

ang Aquino government

ay laging anti-student at pro-business.

 

After 6 years,

ngayon n’yo lang nahalata?

 

*****

MAY ISINAGAWA BA NAMANG CONSULTATIONS,

gaya ng isinasaad ng batas?

 

Meron daw, pero…

hindi naman daw TUNAY na consultation.

Parang information dissemination na lang daw

ang nangyari dahil binulaga na lang sila

ng decision ng CHED na ipatutupad na

ang tuition fee increase.

 

Mautak!

 

*****

KAGABI, NAGPAALAM NA SI PNOY

sa TUNAY niyang mga boss…

ang mga businessmen.

 

*hikbi*

 

*****

ANO NGA BA ANG TOTOONG LEGACY NI PNOY?

 

“Kayo ang boss ko!

Kaya hindi maaaring hindi ako makinig

sa mga utos n’yo!!!”

 

At nagpalakpakan

ang mga businessmen.

 

*****

“KAYO ANG BOSS KO!”

Ganern??

Anyare sa FOI Bill?

Bakit dinedma mo gayong pinangako mo ito

noong nangangampanya ka pa?

 

Anyare sa P2k raise sa SSS pension?

Bakit matapos itong maaprubahan

ng kamara at ng senado…

bigla mong pinatay???

 

Anyare sa mga donasyon para sa Yolanda?

Anyare sa DAP at PDAF?

 

Sino nga ulit ang boss mo??

Yung totoo lang.

 

*****

PNOY:

“My friendship stops when

PH’s interest is at stake.”

 

Ahem.

Alcala.

Abad.

Abaya.

Drilon.

Petilla.

Soliman.

*****

 

ETO PA ISANG LEGACY NG PNOY GOVT:

Ang pagbenta at privatization

ng mga palengke, hospitals, at iba pang

dapat ay pinagbuti para makatulong

sa mga “boss” nila.

 

Ang latest victim nito ay ang FABELLA HOSPITAL.

Ang maternity hospital

na nakakatulong sa mga mahihirap na “boss”

ay sasaraduhan na.

 

Sabi ng DOH, dahil daw ito’y nabubulok na.

Ililipat daw ito sa DOH compound sa Manila rin,

at ang out-patient department ay mapupunta

sa Lung Center sa Quezon City.

 

Nangangamba ang

Alliance of Health Wokers (AHW),

na mawawalan na ng mura

(at madalas ay LIBRENG) pagpapaanak

ang ating mga kababayan.

 

Ano pa??

Ano pa’ng pasakit ang iiwan n’yo???

 

*****

MAGALING NAMAN DAW ANG CABINET NIYA,

sabi ni Pres. BS Aquino III.

Pati si DOTC Sec. Jun Abaya???

 

Sabi sa balita ng Manila Bulletin:

 

“Abaya has been widely criticized for the lingering DOTC woes,

from heavy traffic in EDSA, slow Internet connection

and exorbitant mobile fees, poor airport facilities,

delays in release of license plates, and breakdowns

of the Metro Rail Transit (MRT).”

 

Aba’y…  magaling nga!!!

 

*****

BAKIT IPINAGTANGGOL PA RIN SIYA NI PNOY

itong nakaraang ilang araw lang?

 

Dahil ang dapat daw sisihin

sa kapalpakan ng MRT at LRT

ay ang Gloria Arroyo government.

 

Yown!

AFTER SIX EFFIN’ YEARS???

Si Aling Gloria pa rin ang punching bag n’yo???

For real???

 

*****

BTW, TUMIRIK NA NAMAN ANG MRT

noong Wednesday.

 

Naglakad na naman sa riles

ang mga “boss.”

 

Grabe talaga si Aling Gloria, ‘no?!!

 

*****

OUTGOING AGRI SEC. PROCESO ALCALA

GIVES HIMSELF HIGH RATING

 

Isa pa ito!!!

 

Eh kayo-kayo na lang ang pumupuri

sa sarili n’yo eh!!!

 

Sheez.

 

*****

PAALALA KAY SEC. ALCALA:

  1. P3.5 MILLION disbursed to fake NGOs.
  2. Ophelia Agawin, Antonio Fleta, Claron Alcantara

(i-Google n’yo na lang)

  1. Too many anomalies during his term.
  2. Failed rice self-sufficiency promise
  3. Failed promise to keep rice price low
  4. El Niño and Kidapawan Farmers
  5. Involvement in smuggled garlic racket.
  6. Used Agri funds for his son’s campaign
  7. Ang laki ng iniyaman habang nasa pwesto
  8. His department wasted P14 BILLION — COA
  9. At marami pang iba

 

Ayan, so….

High rating mo noo!!!

 

*****

BAKA NAKA-DROGA ‘YAN, KAYA…

“high” rating.

 

Isumbong na ‘yan kay Digong!!!

 

*****

 

LEAH NAVARRO’S POST:

I am a Filipino – disente, marangal,

 tapat sa bayan, hindi bastos.”

 

Pero… mambobola, magnanakaw,

palpak at mandarambong,

okay lang sa ‘yo, La Ocean Deep?

 

Doon na ‘ko sa bastos.

Pero medyo maginoo.

 

*****

 

JUNE 8:  DEADLINE NG PAG-SUBMIT NG SOCE

(Statement of Contributions and Expenditures)

para sa lahat ng tumakbo noong nakaraang eleksyon.

 

Lahat ng presidential at VP candiates naka-submit nito,

pwera lang si…

 

Marimar.

 

AWWW!!!

 

*****

INTINDIHIN NA LANG NATIN SI MAR.

Mahirap talagang gumawa ng kwento.

 

Mas AWWW!!!

 

*****

ANO BA ANG RULING NG COMELEC

sa submission ng SOCE?

 

“The 08 June 2016 deadline shall be

FINAL  and NON-EXTENDIBLE.

Submissions beyond this period

SHALL NOT BE ACCEPTED.”

 

Pero bakit ang Liberal Party,

binigyan ng 14-day extension???

 

Naninilaw na yata ang COMELEC, ‘no??

 

*****

SA SOCE NI LENI ROBREDO,

lumalabas na si KRIS AQUINO

ang top donor niya.

P30.8 MILLION lang naman

ang binigay ni Kris.

 

Ang takaw pala ni Kris sa…

lugaw???

 

*****

BASED ON THEIR SOCES, SEN. GRACE POE

spent the most in her campaign: P510.8 million.

 

Ang yaman talaga ni Lolo Danding!

 

*****

TOP 2 RICHEST CONGRESSMEN IN 2015:

1) Senator-elect Manny Pacquaio

2) Rep. Jules Ledesma

 

Aba!!

Sila rin ang TOP 2

na pinakamaraming absent, di ba?

 

Coincidence??

 

O baka akala nila pwedeng bayaran

ang attendance nila?

 

Nagtatanong lang po.

 

*****

 

LENI ROBREDO WANTS BARANGAY CAPTAIN

to administer her VP oath.

 

Yung balak ko sana ‘yung barangay captain

nung pinakamaliit, pinakamalayo,

pinakamahirap na barangay sa aking distrito.”

 

In short… yung barangay na nasa…

laylayan.

 

*****

 

NAPANSIN N’YO BA?

Ang reports ng mga major news network ngayon

ay puno ng “DIUMANO”?

 

“Sinabi DIUMANO ni Duterte…”

 

Eh  kasi nga, ayaw na silang kausapin ni Digong,

kaya – puro second-hand quotes ang makukuha nila.

 

Ayan kasi…

ang daming DIUMANO’Y

impertinenteng reporters eh!

 

Diumano lang ha?!!

 

*****

 

“SHABU QUEEN” IN QUIRINO

apologizes to Duterte.

 

Teka…

 

Di siya na-inform

na si PNoy pa ang pangulo??

 

*****

 

DUTERTE NAGBIGAY NG PABUYA

sa bawat mahuhulng drug lord

o drug pusher.

 

DRUG LORDS NAGBIGAY NG PABUYA

para sa ulo nina Duterte at incoming-PNP chief

Ronald “:Bato” de la Rosa.

 

Welcome to Wild, Wild, West!!

 

*****

 

WALANG PABUYA SA PDAF FOLKS???

 

Patak-patak na lang tayo!

Go!!!

 

*****

 

NGAYON TULOY, LAHAT NG REPORTS AY GANITO:

“Sinabi DIUMANO ni Duterte…”

 

Puro na lang DIUMANO.

Kasi nga, may mga DIUMANO’Y

impertenenteng members ng media.

 

DIUMANO lang naman po.

 

*****

 

NAALALA N’YO YUNG PAGSIPOL NI DIGONG

kay GMA reporter MARIZ UMALI?

 

Marami ang nagalit kay Digong

dahil sa insidenteng ‘yon.

Pero isa lang ang sumikat nang husto:

si Jopseh Robert B. Lu.

 

Sabi kasi niya sa tweet:

 

Don’t worry mam [Mariz],

 I will try to kill him, anyway…

Bastos na presidente!

 Just kill him anyway…

The president-elect is stupid and arrogant!

Suntukan na lang kami!

Calling URCC…”

 

Atapang a-tao ito!!!

 

*****

 

PERO, DI NAGTAGAL, NAG-SORRY DIN SIYA.

 

Nakiusap din siya na huwag nang i-share

ang nanggagalaiti niyang posts / tweets

dahil apektado na raw ang pamilya niya.

 

A-duwag a-tao ito!!!

 

*****

 

USAPANG LASHENG

 

LASING NAGPAPUTOK, NAGHAMON KAY DU30.

Sa presinto, sabi ng lasing na si Jun Calumpiano:

 

Duterte mag-draw tayo.

Bigyan mo ako ng baril.

Put*** in*

Sige, walang problema.

Ba’t ako matatakot?

 

Atapang a-tao rin ito!!

 

*****

 

PINAGMALAKI PA NIYA

na walang lisensya

ang baril na pinaputok niya

at galing ito “sa illegal.”

 

Tindi mo, ser!!!

 

Bigyan nga ng jacket ‘yan!

‘Yung  may tatak na MUNTI, ha!!

 

*****

 

ISANG PANG LASING NAGWALA SA ISANG BAR

at pinakita ang kanyang jun-jun

sa harap ng lahat ng naroon.

 

Proud daw siya kahit MALIIT si jun-jun

dahil yun daw ang bigay sa kanya ng Diyos.

 

Nakakulong na siya ngayon.

 

So, ikukulong na pala ngayong

‘pag maliit ang jun-jun?!!!

 

Aba’y…

kukulangin ang kulungan!

 

****

 

LASING NA UKRANIAN NAGWALA SA AIRPORT

nang hindi pinasakay sa flight niya.

 

Pagdating sa police station,

nilabas nito si jun-jun at….

jumingle!

 

Ahh…  baka naman kasi…

amoy  C.R. yung police station.

 

*****

Pasok, Ate Vi !!!

 

SI JUN-JUN!

SI JUN-JUN!

LAGI NA LANG SI JUN-JUN!!!!

 

*****

 

HETO PA ISANG STRANGE NEWS:

 

Arestado ang Isang 25-year-old na ina

na nang-iwan sa kanyang anak

sa loob ng kotse

habang siya ay nag-o-audition

para maging prostitute.

 

Huh???

 

May audition talaga??

 

Pwede manuod???

 

*****

 

ARESTADO BA SIYA DAHIL INIWAN ANG ANAK

o dahil pasado siya sa audition?

 

Ayy, ambot!

 

*****

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>