2015 12 30

NEWSKUPOW! May magpapasagasa sa tren, may sumakay sa hoverboard

Written by

Wednesday, 30 December 2015 - Last Updated on December 30, 2015
2015 12 30

2015 12 30
FAMOUS PNOY SPEECH OF 2013:

 

“Pagdating naman ng 2015, hindi lang natin mapapabilis

ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor

kundi madadagdagan din tayo ng tinatayang 250,000

na pasahero ang maisasakay kada araw dahil sa

LRT Line 1 extension. At pag hindi ho nangyari ito,

nandiyan po si Secretary Abaya na mangangasiwa

ng proyektong ito, dalawa na kaming magpapasagasa

siguro sa tren.”

 

DALAWANG TULOG NA LANG PO!!!

 

#ExcitedMuchAngMgaMananakayNgTren

 

*****

 

“AKO PO’Y HINDI MAKAPAL ANG MUKHA AT TINURUAN

na maging simpleng tao at totoo sa lahat ng kausap.

Turo po ng TATAY KO sa’kin ‘pag nagbitaw ka ng salita,

mahirap o madali, kailangan mangyari ito.”

 

So…

suwail ka palang anak!

 

******

 

WELL, MATATAPOS NA BA ANG PINAGYABANG

na proyekto ng mayabang na pangulo?

 

Matatapos na po.

Ang kayabangan ni Boy Sisi.

 

*****

 

ANO NGA ANG TAWAG SA GANYANG URI NG SPEECH?

 

Ampaw.

 

*****

 

“DYOK LANG!” – PNOY.

 

Dyoklang pangulo.

 

*****

 

HERMINIO “SONNY” COLOMA:

“The President was speaking with a sense of urgency
when he announced his desire to see the project

within two years.”

 

Eh, ser…

with sense of urgency din naming sinasabing

PANINDIGAN NIYA ‘YAN!!!

 

*****

 

PALASYO:

“DON’T TAKE PNOY’S WORDS LITERALLY.”

 

Oo naman po.

Yung pagpapasagasa eh joke nga.

Hindi naman kami tanga, ‘no!.

 

Pero yung PANGAKO na TUTUPARIN DAW

at gagawin ang proyektong LRT Line 1 project

(from Baclaran  to Bacoor) within TWO YEARS…

we wil take it no any other way but

LITERALLY.

 

Hindi po kami tanga, mga ser.

 

*****
HINDI RIN PO KAMI TANGA

dahil alam naming ipinagkanuno

ni JUN AGUINALDO ABAYA

ang mga mamayang Pilipino

nang pasukin nito ang kontrata

na magbibigay KITA sa mga AYALA at sa grupo ni MVP

(Manuel V. Pangilinan)

at nagbigay PASAKIT sa bulsa ng bayan

dahil tayo ang papasan ng gastusin

kapag may aberya dito.

Ganun tayo ginagago ng mga

“matatalinong” leaders natin.

 

Kaya, PLEASE LANG…

tama na ang hagayang pagsisinungaling

at pang-uuto sa inyong sinasabing “mga boss.”

 

To quote Heneral Luna:

“MGA TRAYDOR!!!

“PUNYETA!!!!”

 

*****

 

MATAGAL NA AT MARAMI NA ANG KASALANAN

NI JOSEPH EMILIO “JUN” AGUILNALDO ABAYA

SA SAMBAYAANG PILIPINO…

 

pero bakit kapit-tuko pa rin siya sa pwesto?

Ano’ng gayuma niya kay PNoy

at hindi masibak-sibak?

 

Hindi na ba talaga uso ang  ACCOUNTABILITY

sa gobyernong ito?

 

Sa susunod, pumili tayo ng mga lider

na magaling sa GAWA…

hindi PURO NGAWA.

 

*****

 

SO, GANUN NA LANG ‘YON, MR. PWESIDENT?

Joke lang?

Walang mananagot?

Walang masisibak?

 

Aba’y kung gayon…

GAWIN NA NATING LITERAL ‘YAN JOKE MO!!!

 

*****

 

LESSON:

Huwag kasing mayabang

kung wala namang kakayahan.

Magmumukha ka lang tanga.

 

Sabagay, dati na naman.

 

*****

 

SA KANYANG NEW YEAR MESSAGE,

NAGYABANG NA NAMAN SI PRES. BS AQUINO III:

 

“As I reflect on the developments of our country

this past year and those that came before it,

I am filled with pride by how far we have come

since we began our journey in 2010.”

 

Please don’t take him literally, folks.

 

*****

 

AND AS USUAL, SINISI NA NAMAN NITO SI ALING GLORIA.

 

Hard habit to break.

‘Di na nakakaaliw.

 

*****

 

SPEAKING OF YABANG:

Napanood n’yo na siguro yung pari

na nag-hoverboard habang kumakanta

sa loob ng simbahan — habang nagmimisa

at habang nakasutana?

 

Bawal po ‘yan, father!

Sa susunod — i-harness mo sarili mo

at “lumipad” ka nang mala-Darna o Regine Velasquez

habang nagmimisa.

 

Siguradong MAS bobongga ka.

 

*****

 

PARA BANG SINASABI NI FATHER:

“Look at me! I’m good at this!

And not only am I good at this —

I can sing well, too, while doing it!

And most of all —I can afford this, too!”

 

O siya!

Ikaw na talaga, father!

 

*****

 

PARA RING SINASABI NI FATHER:

“Pay attention to ME and MY talents!

Never mind the MESSAGE or

the SANCTITY of the church.

It’s all about MEEEEEE!!!!”

 

Parang alam ko na sino ang coach ni father.

Siya yung center of the universe.

Kapatid ni Boy Sisi.

 

*****

 

WELL, PINAGPAHINGA (SUSPENDED) MUNA SI FATHER

at ililipat daw ng parokya.

 

Baka gagawing lead singer ng Parokya…?

 

******

 

PINAGPAHINGA MUNA SI FATHER.

 

Dapat kasi sa mga mayayabang —-

pari man o presidente —

ay talagang pinagpapahinga.

 

Yung iba… dapat

FOREVER.

 

*****

 

SPEAKING OF PRIESTS…

 

Pinagbawal ni Cardinal Tagle

na magmisa ang mga pari

sa pagtitipon ng mga politiko

(campaign sorites).

 

Nakup!

Nadale ang sideline ni Father!

 

*****

 

SPEAKING OF HOVERBOARDS…

pinagbabawal na ito sa ibang bansa

dahil sa mga kaso ng pagliyab

at sa mga aksidenteng dulot nito.

 

Nakup!

Buti’t hindi nagliyab si Father!

Sayang ang gown!

 

Pero.. mas effect sana, ‘no?

Parang may fireworks sa simbahan!

 

*****

 

SASALUBUNGIN NA NATIN ANG BAGONG TAON.

At gaya ng dati,

may mga bagong usong paputok —

na may bagong mga pangalan din

na usually ay sinusunod sa mga recent events.

 

May HELLO, COLOMBIA.

Meron ding GOODBYE, BADING.

 

Walang AYAN NA ANG TREN!!! ?

 

*****

 

PAPUTOK NA “HELLO COLOMBIA” BANNED.

 

Kung may paputok na STEVE HARVEY…

siguradong banned din ‘yun.

 

Dito at sa Colombia.

 

*****

 

PAPUTOK NA “HELLO COLOMBIA” BANNED.

 

Ang harsh n’yo naman.

Palitan n’yo naman ang pangalan n’yan.

Gawin n’yo na lang na…

“HELLO, FIRST RUNNER-UP.”

 

*****

 

2 DAYS AFTER THE MISS UNIVERSE,

nag-post sa Instagram niya si Miss Colombia

na nagsasabing tanggap na niya

ang pagiging first runner-up lang.

 

May choice ba siya?

 

*****

 

SOFIA VERGARA, BIDA SA “MODERN FAMILY”

— at kamukhang-kamukha ni Miss Colombia —

kinuyog din ng pinoy netizens

dahil sa tweet nitong:

 

“La Reina de todos modos” #colombia

(The Queen either way)  #colombia.

 

Baka naman ibig niyang sabihin,

“La Reina de todos los santos.”

 

*****

 

TUWANG-TUWA ANG MGA PINOY

dahil after 42 years ay nakuha ulit natin

ang Miss Universe crown.

 

Pero, may isang celebrity

na naglulundag sa tuwa:

si RAMON BAUTISTA.

 

Natabuaan kasi ang fist bump video niya

kasama si Boy Padyak.

 

*****

 

NAGING DARLING OF PINOYS NAMAN

si Miss Bulgaria.

 

Sabi ng isang viral post:

 

“We all need a friend who says ‘GO’ if we are

in the state of doubt and confusion.

WE ALL NEED SOMEONE LIKE MISS BULGARIA,

RADOST TODOROVA.”

 

‘Yan ang hindi bulgar na Bulgarian.

 

*****

 

MMFF 2015 NIYANIG NA NAMAN NG ISKANDALO.

 

Hindi po MMFF ‘yun kung walang ganyan.

 

*****

 

“HONOR THY FATHER”

HINDI ISINALI SA BEST PICTURE CATEGORY

dahil sa non-disclosure daw ng producers nito.

 

Hindi raw pinaalam ng producers na ito

ang opening movie sa Cinema One Originals Festival 2015.

 

Honor thy contract daw kasi.

 

*****

 

SA LOWER HOUSE, IIMBESTIGAHAN DAW

ang nangyaring disqualification ng movie.

 

Huh? May congressional inquiry pa talaga???

Sino ang nagpanukala n’yang imbestigasyon na ‘yan?

 

Si Laguna Congressman DAN FERNANDEZ,

isa sa cast ng “Honor Thy Father.”

 

Onli in da Pilipins.

 

*****

 

SA ISANG COMMENT SA FACEBOOK,

sinabi ni Dan Fernandez na:

 

“Discovered something. So many anomalies

sa MMFF/MMDA and need to dig it [sic] more.

Its not d awards anymore but what it is for the industry.”

 

Eh, ser, marami rin pong MAS IMPORTANTENG

anomalies sa bansa.

Pwede bang first come, first served?

 

******

 

“FREEDOM VOYAGE” TO WEST PHILIPPINE SEA

isinagawa ng ilang kabataang Pinoy.

 

Nagawa nila ang hindi nagawa ni PNoy.

 

Mabuhay kayo, mga kolokoys and kolokays!!!

 

*****

 

THE 47 PARTICIPANTS IN THIS “FREEDOM VOYAGE”

represented all 81 provinces of the Philippines.

 

Sabi ni ex-Marine Capt. Nicanor Faeldon,

and tumayong leader ng voyage na ito:

“We are not doing this to make China see our efforts.

We are doing this to make the whole world

see the unity of our nation.”

 

Unity?

The President did not support them.

 

Alam na.

 

*****

 

POE SUPPORTERS CALL SEN. ESCUDERO

“CHIZ AHASCUDERO” AT “BOY LAGLAG.”

 

Matapos ma-DQ ng Comelec en banc si Poe,

iniwanan daw ito ni Sen. Chiz Escudero.

 

Sabi ng leader ng isang support group ni Poe:

“Dati sumasama iyang si Chiz lagi kay Sen. Poe.

Pero lately, laging wala na siya. Siya ang isa sa

dating naghikayat kay Sen. Poe na tumakbo,

pero ngayon iniwan niya sa ere.”

 

Baka naman may hangover lang.

 

*****

 

TSISMIS: MAY NABUBUONG ALYANSA RAW

BETWEEN CHIZ AND VP BINAY.

 

Nabubuo?

Bakit, naghiwalay ba?

 

*****

 

BALIK TAYO SA MGA PARI AT SIMBAHAN.

Ginugunita natin ngayong araw na ito

ang pagkamatay ni Gat Jose Rizal.

 

Pinarusahan ng kamatayan si Rizal

sa kasong  rebellionsedition, and conspiracy –

sa tulong na rin ng panggigiit sa kanya

mga paring Kastila.

 

Matagal nang panahon iyon…

nang hindi pa marunong ang mga pari na gumamit ng…

hoverboard.

 

*****

 

PINANGUNAHAN NI PRES. BS AQUINO III

ANG PAGGUNITA SA RIZAL DAY KANINA

 

Walang speech.

Simpleng seremonyas lang.

 

At hindi n’ya po ni-recite ang

MI ULTIMO ADIOS.

 

Sayang.

 

*****

 

PHOTO CREDITS:

PNOY & COLOMA MEME

PNOY SA RILES (CARTOON)

2015 YEAR END SAGASA TICKET

 

*****

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>