papal visit january 20

NEWSKUPOW! Lolo Kiko vs Amang; Pope Francis effect vs Noynoy effect

Written by

Tuesday, 20 January 2015 - Last Updated on January 21, 2015
papal visit january 20

papal visit january 20

“RELIGION IS THE OPIUM OF THE PEOPLE”
— Karl Marx

So…
masisisi n’yo ba kung marami pa ring Pinoy
ang hanggang ngayon ay HIGH?

*****

MARAMI ANG NALUHA
nang makita in person ang Santo Papa.
Kahit ‘yung mga nanood lang sa TV
ay napaiyak din.

Pati ang mga gabinete ni PNoy
parang “choked with emotions”
at naluha.

Di kaya ‘yan yung tinatawag na…
CROCODILE tears?

(Mga BUWAYA eh!)

*****

NAKAALIS NA SI POPE FRANCIS.
Yung mga naluha, naiyak, napahagulgol…
may nagbago ba talaga sa buhay n’yo?

TOTOO?
TOTOONG TOTOO?

Sige…
Tanungin ko ulit kayo after one year, ha?

*****

6-HOUR VISIT NI POPE FRANCIS
sa Tacloban City, nabawasan ng 3 oras
dahil kailangan nang lumipad ang Santo Papa
pabalik sa Manila.

Signal #2 na kasi
at paparating na si BAGYONG AMANG.

Killjoy naman ‘tong Amang na ‘to!
Hmmph!

*****

LIBO-LIBO ANG SUMALUBONG SA SANTO PAPA
pagbaba nito sa eroplano niya sa Tacloban.

Lahat sila nakasuot ng YELLOW raincoats.

Ayyy! Misa ba ito o…
POLITICAL RALLY??

*****

PATI SI EX-FIRST LADY IMELDA MARCOS,
napilitang magsuot ng YELLOW raincoat.

Hindi kaya siya nangati?

*****

SABI NG PAPA SA MISA SA TACLOBAN;

“When I saw from Rome that catastrophe,
I felt that I had to be here. On those very days
I decided to come here. I am here to be with you.
Perhaps a little late, I have to say, but I am here.”

Mabuti pa po kayo, Lolo Kiko.
Hindi tulad ng iba *UBO* *UBO* diyan!

*****

SA MGA NON-BELIEVERS,
si Bagyong Amang daw ay isang patunay
na hindi totoo ang Diyos
na sinasamba ng mga Katoliko.

Ganun?
Walang basagan ng trip, di ba?

*****

SYEMPRE, ANG MGA SARADO KATOLIKO
ay mayroong explanation para dito:

Kung lumihis ang bagyo, kamay ito ng Diyos.
Kung tumama ang bagyo, kamay ito ng demonyo.

And Mother Nature was like,
“Isnabin ba ako??!!”

*****

CHARTERED PLANE NINA JOJO OCHOA AT SONNY COLOMA
nag-overshoot at sumadsad sa airport ng Tacloban.
Okay naman daw ang dalawa at mga kasama nito.

At umalingawngaw ang salitang ito sa neti-world:

“SAYANG!”

*****

WAIT….
CHARTERED PLANE?

Di ba NO-FLY ZONE ang lahat ng pinupuntahan ng Papa?

Hmmm….
Kaya siguro sumadsad.
Gaba.

*****

SECOND LIFE NA NI OCHOA AT COLOMA ‘YAN,
sabi ng iba.

Second chance para TUNAY na magsilbi
sa mga kababayan nila.

Yung hindi sila-sila lang.

*fingers crossed*

*****

DAHIL NGA NAGING KILLJOY ITONG SI AMANG,
kinailangan nang lisanin ni Lolo Kilo ang Leyte.

Heto ang bahagi ng kanyang undelivered speech doon:

“I ask that the poor throughout this country
be treated fairly – that their dignity be respected,
that political and economic policies be just and inclusive,
that opportunities for employment and education be developed,
and that obstacles to the delivery of social services be removed.
Our treatment of the poor is the criterion
on which each of us will be judged.”

Nabasa n’yo po ba ito, Mr. President and cabinet?

****

SABI NG MGA REPORTS:
“…Typhoon Haiyan, the Philippines’ worst natural disaster
that killed about 6,300 people 14 months ago”

At talagang pinanindigan na nila
ang 6,300 figure na ‘yan ha?!!!

Tamaan sana sila ng kidlat!

*****

MAY MGA GOVERNMENT OFFICIALS DIN
na hindi na hindi na sumama
sa inulang misa sa Tacloban.

Sila yung mga takot dumami.

*****

UMAGA NG JANUARY 18, SUNDAY
ginanap ang “ENCOUNTER WITH THE YOUTH”
sa University of Sto. Tomas (UST).

Obviously, para ito sa mga kabataan.

Teka…

Sino yung nagwawala
at nagpipilit pumasok sa gate??

MOMMY D!!!!

*****

SA U.S.T. PA RIN, SINAABI NG SANTO PAPA NA:

“You’ve already learned how to give,
but have you learned how to receive?
‘You lack only one thing:
To learn how to beg.”

Eh, Lolo Kiko…
yung mga magaling pong manglimos
ay hindi kayo narinig…
kasi po ay itinago sila sa inyo.

*****

MARAMI ANG NAANTIG
nang ikwento ng batang si GLYZELLE PALOMAR
ang buhay niya bilang street kid
at ang pagkakalantad
sa droga at prostitution.

At sino ang makakalimot sa tanong nito sa Papa
habang hindi napigilan ang pag-iyak?

“Bakit po pumapayag ang Diyos
na may ganitong nangyayari sa amin?”

The Pope said he had no answer.

At si PNoy at ang gabinete nito,
— gaya ng dati —
ay NAPANGANGA.

*****

“LEARN HOW TO BEG,
NOT TO RECEIVE.”

Lolo Kiko, expert na po d’yan
ang marami sa amin!!!

*****

DZMM RADIO COMMENTATOR WINNIE CORDERO
pagtapos ng activity sa UST:

“At d’yan po nagtatapos
ang activity ni Pope Francis
dito sa UST of the Phiippines!”

Bagong school ‘yan, ‘teh?

*****

AT ANG HULING MAJOR ACTIVITY NI POPE
ay ang misa sa Quirino Grandstand.

Kahit na umulan
marami pa rin ang dumalo dito.

Before the mass,
mabenta ang kapote at hats.
Swete ng mga vendors!

After the mass,
mabenta ang Biogesic at Bioflu.
Swerte ng mga doktor!

*****

FATHER HANS IN AN INTEVIEW
on DZMM this afternoon:

(He hosted the program and cheering
before the Pope’s Luneta mass,
and apparently marami ang nainis sa kanya):

“Kung may hindi po nagkagusto po
sa pagho-host ko po at kung meron po
akong nagawa po na hindi maganda po,
with all humility po, I’m asking po
for forgiveness po.”

Ate Guy, ikaw ba ‘yan?

****

KANINA KO LANG NALAMAN ANG “ISSUE”
about Father Hans.
I Googled it to get his last name
and I came across this article:

http://technology.inquirer.net/40413/emcee-at-pope-francis-luneta-mass-twitted-defended-for-variety-show-style

Marami ang nainis sa kanya,
marmi rin ang nagtanggol sa kanya.
Proof lang na we can’t please everyone.

*****

NANDUN DIN ANG PAMILYA AQUINO:
Si Pnoy and the sisters.

Naka-kapote rin sila.
Pero HINDI transparent.

Breaking the rules?
Nalimutan na yung “no wang-wang” rule?

*****

O BAKA NAMAN KAYA HINDI TRANSPARENT
ay dahil itinago ni Kris ang 5 invitees n’ya
sa loob ng kanyang kapote!!!

*****

MATAPOS ANG MISA,
tone-toneladang BASURA ang nahakot
mula sa Quirino Grandstand.

Teka…
di ba CLEANLINESS IS NEXT TO GODLINESS??

So…

(bato-bato sa langit)

*****

SABI NG MARAMING KATOLIKO,
malakas daw ang epekto ng “Pope Francis Effect.”

Ano ba itong Pope Francis Effect na ito?

Ito raw ay isang “energy, a feeling, a spirit.
It’s like a healing balm.”

Sabi pa ng isa, mas matindi pa raw ito sa shabu.

AHA! Bakit n’yo alam ‘yan???

Buking.

*****

SABI NAMAN NG IBA,
mas matindi raw ang dating ng NOYNOY EFFECT.

Ano naman itong Noynoy Effect?

Ito raw ‘yung biglang bubuka ang bibig mo,
at tutulo ang…. you know!

Clue: Hindi luha.

*****

SO, IN SHORT…
NOYNOY EFFECT = NGANGA?

Tumbok!

*****

NANG SUMAKAY SA EROPLANO
si Pope Francis (pabalik na sa Roma)
mapapansing siya mismo
ang may bitbit ng bag niya.

Pati sa pag-alis niya,
nagbigay pa rin siya
ng lesson sa atin…
at sa mga HONORABLE officials natin.

Let’s hope na napansin nila.

*****

SARI-SARING PAGBABALIK-TANAW
SA PAGBISITA NI POPE FRANCIS…
AT IBANG NON-POPE FRANCIS NEWS:

“President Aquino’s insulting speech
against the Filipino clergy
only showed that his public display of affection
for Pope Francis seems hypocritical.”

— Catholic Apologetics

May point sila, ‘no?

*****

PAG-PARDON SA MGA INMATES
o executive clemency
bilang regalo ni PNoy kay Pope Francis
(in keeping with “Mercy and Compassion” theme)
HINDI NATULOY.

Kinapos daw ng oras.

What else is new?
Nabibigla pa ba kayo?

*****

SABI NI PALACE SPOKESMAN SONNY COLOMA
gusto raw ni PNoy na gawin ito
“carefully, without rush or pressure.”

PRESSURE?
Eh ang tagal na ninyong alam
na bibisita ang Santo Papa di ba?

So ano’ng pressure ang pinagsasabi n’yo???

Palusot!

*****

PAG-AARALAN PA RAW ITO NI PNOY.

Aral na naman??

Kelan ba talaga ang exam, mga ser?

(Note: first reason nila ay kinapos ng oras,
then they said pag-aaralan pa,
and now they’re saying hindi naman daw talaga
part ito ng “regalo” kay Pope Francis.
Nagkabuhol-buhol na ang kasinungalingan!)

*****

DSWD SEC. DINKY SOLIMAN,
nagpaliguy-ligoy nang tanungin
sa isang interview kung nabigyan na nila ng tulong
ang volunteer na namatay sa Tacloban
na si KRISTEL MAE PADASAS.

Sa dinami-dami ng sinabi ni Soliman
(pati kung saan ang talagang assignment
ni Ms. Pasadas, atbp.),
bottomline is: WALA PA.

So, ano pa ang hinihintay n’yo, ma’m?
Ang mabatikos muna?

Ahh…
baka pag-aaralan pa.

Studious people!

*****

NANG TANUNGIN KUNG
handa raw naman ba ang gobyerno
kung sakaling humingi sa kanila ng tulong
ang pamilya ni Pasadas,
NATURAL, oo ang sagot ni Dinky!

At ito ang naging summary
ng news report which came later:

“Gobyerno handang tumulong
sa pamilya ni Pasadas!”

Ang galing ng spin ‘no?

(Super negative naging super positive.
Kayo na, DZMM!)

*****

SA IBANG BALITA…

MAGNITUDE 5.5 QUAKE TUMAMA SA SULU SEA
kahapon, January 19, at 5:19 p.m.

MAGNITUDE 5.6 QUAKE TUMAMA SA TAWI-TAWI AREA
kaninang madaling araw.

Huwag na po natin kulayan ang mga ito.
Huwag nang lagyan ng Muslim- or Pope Francis angle.

Let’s not cause more divisiveness.

Di ba, *UBO* *UBO*, Mr. President?

*****

MAGNITUDE 5.3 QUAKE JOLTS BATANGAS
noong January 17 at
muling niyanig ang probinsiya
ng isang 4.0 quake noong kamakalawa, January 18.

Malakas, pero walang nasaktan.

Ala e, salamat po!

*****

LAST WORDS ABOUT THE PAPAL VISIT…

Sabi ni CARDINAL TAGLE,
maituturing na MILAGRO
ang pagkakaisa ng mga Pilipino
noong nandito ang Santo Papa.

Mali si Ate Guy.

MAY HIMALA!!!

*****

ANG TANONG:
Ngayong wala na ang Santo Papa…
magiging korek na naman ba
si Ate Guy?

Abangan!

*****

PHOTO CREDITS:
POPE FRANCIS: en.radiovaticana.va/news
TACLOBAN PLANE ACCIDENT: www.journal.com.ph
AQUINOS IN LUNETA MASS: www.rappler.com

Ben Bañares (113 Posts)


One thought on “NEWSKUPOW! Lolo Kiko vs Amang; Pope Francis effect vs Noynoy effect

  1. Tess

    Hi Ben!

    Hahaha! Explosive as always. Same observation tayo about the Pope carrying his own bag. He did that twice, I think. And yong pinasuot palang kapote sa Tacloban, napakanipis, madaling masira. Wala siyang paki. The guy is as humble as he can be. Sana tularan siya ng maraming…ubo, ubo…alam-mo-na.

    More power to Newskupow!

    Tess

    Reply

Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>