newskupow june16

NEWSKUPOW! It-depends-dence Day!

Written by

Tuesday, 16 June 2015 - Last Updated on June 16, 2015
newskupow june16

 

newskupow june16

Mainit-init pa…

DECOMMISSIONING CEREMONIES NG MILF
(ang pagsuko ng kanilang armas)
ISINAGAWA KANINA.

75 high-powered weapons at 145 fighters
ang na-decommission sa ceremony
na ginawa sa Sultan Kudarat

75?
LANG???
BUONG MILF???
DI BA 7,000+ SILA?

Ahh… baka naman hindi DECOMMISSIONING ‘yan.
Baka….
PALABAS.

*****

SIMULA PA LANG DAW ITO.
Meaning?
May Part 2 pa?

Parang mahirap na paniwalaan ang Part 2
‘pag gobyerno ang nagsabi,
di ba, Pogi, Sexy, Tanda??

Nasaan na nga ba ang Part 2 ninyo??

*****

“DRY RUN” PA LANG DAW ITO PARA SA
“NORMALIZATION” NG MILF FIGHTERS,
sabi ni peace panel head Miriam Ferrer.

Hala!
Sinasabi mo ba ma’am… na dati, sila ay…
ABNORMAL??
Nakup!!!
Baka magalit si Honey, este, IQBAL!!!

*****

P25,000 KADA ARMAS ANG IBIBIGAY
PLUS PHILHEALTH CARD
PLUS OTHER BENEFITS.

Bukod pa ito sa P70 BILLION
na ibibigay sa unang taon ng Bangsamoro.
(P30 BILLION dito ay “block grant”
at ibibigay nang walang justification).

Yaman nila kung mamigay, ‘no??
Kaninong pera nga ulit ang pinamimigay nila??

*****

SABI NI PNOY SA PALABAS, ESTE, SEREMONYA:

“This is the truth: Our brothers in the Bangsamoro
are not asking for much. What they desire
is a decent and peaceful way of life,
like any other Filipino.”

Decent? Peaceful?
Pilipinas po ba talaga ang dine-describe n’yo, Ser?

*****

DAHIL DAW SA DECOMMISSIONING NA ITO,
pinapakita raw ng MILF ang sinseridad nila
sa peace process.

Weh?
Kwento n’yo ‘yan sa….

PONG!!!! HALIKA NGA ULIT DITO!!

*****

AT KUMUSTA NAMAN ANG MGA PAMILYA NG SAF44
na minasaker ng MILF at BIFF?

Hayun, nganga pa rin.
Hinihintay ang PANGAKO ng Pangulo na tulong.

Parang ang sarap mag huramentado, ‘no???!!!!

*****

DUMATING AT LUMIPAS NA ANG INDEPENDENCE DAY
pero ang alingasngas ng mga isyu ng araw na ‘yon
ay umaalingawngaw pa rin hanggang ngayon.

Simulan natin sa tweet ni Ms. LEA SALONGA:

“Our country is not yet debt-free, poverty-free,
crime-free, or corruption-free.
So what are we free from exactly
and why do we celebrate it?”

Dahil sa tweet na ito, marami ang bumatikos kay Lea.
Tinawag siyang utak-talangka
at minura pa ng mga bashers sa social media.

TO LEA’S BASHERS:
Naman!
It was a rhetorical question po, ‘no!!!

TO MS. SALONGA:
Huwag mo na lang pansinin ang mga bashers.
I’m sure hindi nga nila alam
kung ano ang rhetorical question, eh.
Pustahan?

*****

A LITTLE LESSON FOR THE BASHERS:

A RHETORICAL QUESTION is asked to make a point,
or to emphasize a point
and no real answer is expected.

Alam na nagtatanong ang sagot,
pero tinatanong n’ya pa rin ito para palutangin
o i-emphasize ang ibig niyang sabihin.
At hindi naman siya talaga nag-e-expect ng sagot.

Example:
“Bakit, binoto ko ba ‘yang presidenteng ‘yan??”

Okay na?
Move on na tayo?
May (rhetorical) question ba kayo??

*****

NAKIPAGTALO RIN SI LEA ISANG TWITTER USER
na may user name na REY PINYOKO.

Naman, Lea!
Bakit mo pinapatulan ang user
na gustong magpa-RAPE???

*****

MAS KAKAMPIHAN KO NA SI LEA
na marunong mag-isip at magtanong…

kesa ang mga bashers
na magaling lang maki-ride sa situation
nang hindi iniintindi ang isyu.

*****

SABI NG MGA BASHERS NI LEA,
sine-celebrate daw natin ang 117 years
ng kasarinlan (independence) from colonizers.

Bakit 117 years?
Kasi nga, ang June 12, 1898
ang tinuturing na Araw ng Kasarinlan.

Pero mula 1898 hanggang sa 1946
ay hindi naman talaga tayo TOTOONG malaya
dahil tayo ay isang colony pa rin noon.

At kahit naging Commonwealth tayo noon 1935,
ay nasa ilalim pa rin tayo ng Amerika.

Ibinigay lang sa atin ng Amerika
ang (huwad na)  kalayaan (“Break na tayo!”)
noong July 4, 1946.

At mula 1946 hanggang 1964
ay July 4 ang ating ipinagdiriwang na
Independence Day.

Born on the Fourth of July lang ang peg.
Pwede ring….
gaya-gaya.

*****

NOONG 1964, DAHIL SA ADVICE NG HISTORIANS
at ng mga nationalists, pinirmahan ni
PRES. DIOSDADO MACAPAGAL
ang Republic Act 4166 na nagtalagang
June 12, 1898 ang ating Independence Day.

Ayyy… oo!
Daddy siya ni Aling Gloria.

*****

BALIKAN NATIN ANG RHETORICAL QUESTION NI LEA
at gawin nating itong LITERAL na question…

“Bakit nga ba natin sine-celebrate (ang June 12, 1898)
bilang Independence Day?”

Hindi ba dapat July 4, 1946?

Yan ang assignment n’yo, kids!
It depends-dence Day sa inyo
kung ano sa palagay ninyo ang dapat.

Google na!!!

*****

PERO KUNG PHILIPPINE COLLEGIAN*
ANG TATANUNGIN, HETO ANG PAHAYAG NILA:

“HUWAD NA KALAYAAN”

Kabalintunaang maituturing ang pagdiriwang
ng ika-117 na Araw ng Kalayaan gayong nananatiling
nakagapos ang mamamayan sa lumalalang kalagayan
bunsod ng pananamantala, pandarahas at kahirapan.

Patuloy ang panawagan ng mga kabataan
na mabigyan ng pagkakataong makapag-aral.
Subalit pilit na sinisikil ang kanilang karapatan
ng implementasyon ng mga polisiya at programa
katulad ng K to 12 at ang walang habas
na pagtaas ng matrikula.

Anumang panggigipit, pilit na magpupumiglas
ang sambayanan at yayanigin ng panawagan
ang mga lansangan para sa kanilang karapatan
at upang makamit ang tunay na kalayaan.”

____
* UP Diliman’s official student publication

*****

SI PNOY NAMAN AY NAG-CELEBRATE
NG INDEPENDENCE DAY SA ILOILO CITY

Bongga ang lolo n’yo!
Sinalubong ng fireworks…. ooops…
RALLY pala!!! hehe…

Nagkatulakan, nagkapaluan, nagkamurahan.
At binomba pa sila ng tubig.

Baka naman pinapaliguan lang sila
para presentable sa kagalang-galang na pangulo!

*****

SABI NG MGA RALLYISTA, HINDI PA RAW
GANAP NA MALAYA ANG MGA PILIPINO
MULA SA KAHIRAPAN.

Tanging ang mga crony lang daw ni PNoy
ang nagtatampisaw sa kayamanan.

Hindi naman.
Bakit, crony ba ni PNoy si Mommy Dionisia??

*****

SA KANYANG INDEPENDENCE DAY SPEECH,
pinuri ni PNoy si DILG SECRETARY MAR ROXAS:

“Kapag inatas nating pamunuan ng isang Mar Roxas
ang isang proyekto o programa, asahan mong
magtatagumpay po ito.”

Tama!
At kapag sinabi mong “Sit!”, uupo ito.

*****

PERO KAPAG SUMALUNGAT KA DITO, KAKAHOL ITO NG…
“Bahala ka sa buhay mo!”

*****

MATAPOS PURIHIN NI PNOY,
NAMIGAY NG TSEKE SI MAR ROXAS
sa mga biktima ng Bagyong Yolanda sa Region VI.

Magaling ang continuity ng script.

PURI, tapos PERA.
Pera o puri?

Parang hold-up, ‘no??

*****

MAR ROXAS GAVE P140 MILLION TO YOLANDA VICTIMS

Ayuuuun!!!!
Eh di lumabas din ang foreign cash donations!!!

Bakit kaya?
Kulelat kasi sa surveys…
at malapit na ang 2016 elections!

Alam na!

*****

HINDI NAMAN PALA NAWAWALA ANG CASH DONATIONS!
Tinago lang muna pala….
para pampapogi ni Boy Pick-Up
sa tamang panahon.

At pampabango na rin.
Nangangamoy basura na kasi eh!

*****

MAR ROXAS NAMAHAGI RIN NG TSEKE
sa Capiz, Aklan, at Antique.

Sabi niya tungkol sa Yolanda victims:

“Ang pinanghahawakan na lang niya (victim)
yung kanyang pag-asa na hindi siya nakalimutan
ng kanyang pamahalaan.
Kaya AKO naman ay todo-bigay.”

Todo-bigay KA talaga?
Pera MO?

Sobra naman kung maka-AKO!

*****

MAR ROXAS NGAYON:
“…hindi ka nalilimutan
ng iyong pamahalaan.”

MAR ROXAS NOON:
“Bahala kayo sa buhay n’yo!”

Tignan mo nga naman ang nagagawa ng eleksyon, no?!

*****

MAR ROXAS:
“Hindi naman lingid sa kaalaman
ng ating mga kababayan
na malayu-layo na ang narating natin.”

Oo nga eh.
Ang layo n’yo na!
Naiwan n’yo na ang mga boss n’yo!

*****

ANTI-DYANSTY BILL HINDI PUMASA
SA HOUSE OF REPRESENTA-THIEVES

Sabi ni Capiz Rep. Fredenil Castro,
nagbanta raw na magwo-walkout
ang mga congressmen na galing
sa malalaking political clans.

Eh, LASON sa lahi nila ang bill na ‘yan eh.
Bakit nila ipapasa?
Di para na rin silang uminom ng lason!

*****

KRIS IIWAN RAW ANG PILIPINAS NEXT YEAR?

Aww…. maraming malulungkot.

Pero mas marami ang MATUTUWA!!!

Partehhhh!!!!

*****

KRIS AALIS NA RAW PAPUNTANG AMERIKA NEXT YEAR??

Eh, sinabi na niya dati ‘yan di ba?

Nagpa-despedida na nga kami,
pero nandito pa rin!

Sana totoo na this time.

*****

TEKA, ANO’NG MERON NEXT YEAR
at bakit gustong umalis ni Kris sa Pilipinas??

Next year, hindi na president si Big Brother.
Ayaw n’ya siguro sumama sa bagong Bahay Ni Kuya….
ang Bilibid!

*****

KAKAYANIN KAYA NIYA ANG MGA GAWAING BAHAY?
Pagmamalaki ni Kris…

“Hello, magugulat kayo,
ang galing ko mag-washing machine!”

Tindi mo, ‘Teh!
Sarap mo paluin ng…. palu-palo!

*****

NAGBALIK-TANAW SI KRIS SA BUHAY NILA DATI SA BOSTON:

“Kinaya ko kaya dati and those were
the happiest years of my life.”

Happy pala siya sa Boston!!!
Sana doon na lang siya ulit.
Para ang happy niya….
may FOREVER!

Kaya mo ‘yan, Kris!!
Go, Go, Go, gurl !!!

*****

Sa kanya pa rin…

UMAMIN SI KRIS NA NAGPA-ENHANCE SIYA NG ILONG.

Gagawin ang lahat
mapag-usapan lang talaga!

Next topic!!!

*****

PURISIMA PENSION

P91,125 / month (panghabambuhay).
Yan ang matatanggap ni ex-PNP chief Alan Purisima
sa pagreretiro niya sa November 2015.

Makukuha pa rin niya ito
kahit may pending cases laban sa kanya.

Aba’y….
ang sarap ng buhay no?!!!
Babayaran pa rin nating mga “boss”
ang pangunguyakoy niya after November 2015??

*****

MALAKING PENSION NI PURISIMA
IKINATAMPO NG MGA RETIRADONG PULIS

Marami sa mga retiradong pulis ang hindi pa rin
nakakatanggap ng pension differential
(bunga ng standardization law)
na umaabot na sa P8 BILLION.

Sorry po mga ser, eh…
hindi naman po kayo BFF, eh.

*****

BAGO MAG-INDEPENDENCE DAY,
tinuldukan na ni PNoy ang tanong
kung ii-endorse ba nito si VP Binay bilang pangulo
sa 2016 elections.

“Was he (Binay) expecting my support?
We were from different parties in 2010
and he also led a different group in 2013.
Was he expecting we would work together come 2016?
He seems to be waiting for an endorsement
from me that he did not request.”

Taray!

At diyan nagsimula ang drawing of lines
para sa 2016.

*****

ERAP WALANG BALAK TUMAKBO BILANG VP
ni Jejomar Binay sa 2016.

Bakit parang umiiwas ang lahat kay Binay?

Kung wala nang choice,
kunin n’ya na lang n’yang vice si…
VICE!
GANDA pa!
Sikat pa!
Magaling pang mang-insulto!!

*****

MAY UGONG NAMAN NA SI VILMA SANTOS
ang kukuning running mate ni Binay.

BI-VI??

*****

AT MERON DING BINAY – JINGGOY.

BIN-GGOY?

*****

7 HULIDAP POLICE NAKATAKAS!

Parang mas bagay yata ang…
PINATAKAS.

*****

PANUKALANG BATAS PARA SA LIBRENG WIFI
SA PAMPUBLIKONG LUGAR, LUSOT NA SA KAMARA.

Kung ang MAY BAYAD na wifi ay napakabagal,
kumusta naman kaya ang… LIBRE???

*****

Ang sabi LIBRE, hindi….
GUMAGANA!

*****

DUTERTE-MARCOS TANDEM
UMUUGONG SA DAVAO CITY!

Digong at Bongbong.
GONG-BONG?

*****

CHIEF JUSTICE SERENO’S 2014 SALN
DID NOT STATE HER P37 MILLION FEES

Di ba si ex-CJ CORONA ay napatalsik dahil sa SALN n’ya?
Mapatalsik din kaya si Sereno?
Si PNoy ang nag-appoint sa kanya, so….
ASA PA KAYO!!!

*****

NEWS ITEM:
GWARDYANG NANGHOLDAP SA ISANG RESTO,
NANGGAHASA PA NG WAITRESS.

Paano tayo makakampante
kung ang mismong dapat
ay nagpoprotekta sa atin
ay siya pang gumagawa ng masama?

Parang pamilyar, ‘no?
Parang….
MAMBABATAS!

*****

SA BANSANG GEORGIA…
Tigers, lions, a hippopotamus gumagala sa capital
matapos nakawala sa zoo dahil sa pagbaha.

SA PILIPINAS…
Mga buwaya gumagala pa rin sa Batasan at Palasyo
kahit walang pagbaha.

*****

PHOTO CREDITS:
LEA SALONGA:  www.bakitwhy.com
KRIS AQUINO:  www.rebyu101.blogspot.com
MAR ROXAS:  www.philstar.com
PHILIPPINE FLAG: www.dahongpilipino.ca

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>