nkpowaug31

NEWSKUPOW! Isang kembot na lang, Senado na!! Get down and macarena pa more!!

Written by

Monday, 31 August 2015 - Last Updated on September 2, 2015
nkpowaug31

 

nkpowaug31

BAGO ANG LAHAT… BATIIN MUNA NATIN SINA…

Bayani Casimiro (SLN)
Bayani Agbayani at
Bayani Fernando.

Araw n’yo po ngayon!!!

*****

TAPOS NA ANG RALLY NG INC!!!

Ngayon, maluwag na sa EDSA.

Pero bukas, may pasok na.
Siguradong balik na naman sa dati ang EDSA:
isang mahabang parking lot.

Hello, MMDA Chairman Tolentino!
Where na u?
Dito na us.
Waiting for u.

*****

BIRTHDAY NI SEC. LEILA DE LIMA NOONG AUGUST 27.
Sa DOJ, maraming bisita ang dumating
at umapaw din ang pagkain.

Umapaw ng…. PORK.

*****

SA SPEECH NI DE LIMA,
ito ang sinabi niya tungkol sa 2016 election plans niya:

“Sasabihin ko na ba?
Shall I make a categorical statement?”

Pa-cute din itong si De Lima, ‘no?!

Pabebe wave na lang ang kulang, eh,
kasing-cute na niya si…. MAHAL.

*****

DE LIMA:

“I think it’s time YOU AND I bring this journey
to the next level —- the next higher level —
like from point ‘J’ to point ‘S’.

YOU AND I?
Eh… no, thank you.
Ikaw na lang, ma’am!
Dito na lang me.

*****

FROM POINT ‘J’ TO POINT ‘S’.

Hmmm…. indirect but… obvious!

Mana sa boss n’ya.
Mahilig sa blind item.

*****

POINT ‘J’ TO POINT ‘S’ DAW.

J = justice department
S = suicide (the political kind)

*****

SO, KAHIT INDIRECTLY MAN, INAMIN NA NG KALIHIM
na talagang tatakbo siya sa 2016.

At dahil sa mga pangyayari
nitong mga nakaraang araw,
mukhang magiging
POINT ‘J’ to POINT ‘VP’ na.

Afraid.

*****

IN-INTRODUCE SI DE LIMA NI IMELDA PAPIN BILANG…

“The future Senator Leila de Lima!”

Si Ms. Papin naman, from POINT ‘S’ TO POINT ‘M’.

From Singer to Manghuhula.

*****

SUMAYAW DIN SI DE LIMA NG….. MACARENA!
at “Get Down” ng Backstreet Boys.

Tuwang-tuwa ang mga bisita.
Nagpasalamat sila at ito ang napiling sayawin ng kalihim
at hindi ito nag… TWERK.

Ewww.

*****

Kung nagkataon, sayang ang kinain nila.

BWAAARRRRK.

****

MERON DING SONG NUMBER SI DE LIMA:

♪ …. Kung liligaya ka…. sa piling ng iba…. ♪

Buti na lang at may payong ang mga bisita.

*****

KAHIT UMULAN NG MALAKAS, BINATI ANG KALIHIM
ng mga militante at binigyan siya ng regalo:
PROTESTA.

*****

UMAGA PA LANG AY NANDOON NA ANG GRUPONG BAYAN,
GABRIELA AT KARAPATAN.

Mensahe nila kay De Lima:
Unahin ang trabaho bago ang kampanya.

And MMDA Chairman Francis Tolentino was like…
“Ouch naman!’

*****

PINULAAN DIN NG MGA RALLYISTA
ang pagbuhos ng pagkain papasok ng DOJ compound.

Di man lang daw sila naambunan.
Hmmpfh!

*****

P100 MILLION COMPENSATION FUND
hindi raw ni-remit ng DOJ sa National Fund
at hindi rin daw nakarating ang pera
sa benefiiaries nito.

Hindi kaya ‘yun ang pinambili ng handa ni De Lima??

*****

HAPON NAMAN NG MAGSIMULANG MAGDATINGAN
ang mga kapatid mula sa Iglesia Ni Kristo sa DOJ.

Ang isyu naman nila ay ang kasong inihain sa DOJ
ng tiniwalag na INC minister na si Isaias Samson Jr.

Bakit daw minamadali ito at nauna pa sa kaso ng SAF 44
at iba pang mahalagang mga kaso ng katiwalian.

Kasi daw po, ayaw n’yong suportahan si Marimar.

Kaya hayun! Pinakagat kayo kay Fulgoso, este, De Lima.

*****

TANONG NG MGA KAPATID SA INC KAY SEC. DE LIMA:

♪ Why, why, why….. De Lima? ♪

Sagot ni Delima:
“Wiz ko type ‘yan. Next song please!”

At inulit patugtugin ang Macarena.

*****

PNOY HINDI NA TUMULOY SA DOJ
para sana bumati kay Sec. De Lima.

Baka nga naman nabunton pa sa kanya
ang galit ng mga INC members.

Iwas-pusoy ang lolo n’yo.

*****

NAG-VIGIL ANG MGA INC MEMBERS SA DOJ AREA
at kinabukasan, Friday, ay lumipat sila sa EDSA.

Dito na naihi sa pantalon niya si PNoy
at sinimulan ang apat na araw na pagtatago.

*****

FRIDAY EVENING WAS THE START OF A LONG WEEKEND
pero sa mga motorista at mga mananakay sa EDSA,
it was the start of a hellish journey.

The usual 1-2 hours travel to most of them
became 4-6 tortuous hours.

Payday kasi. Maraming mall sales. Umulan. May rally.
At higit sa lahat, wala ang chairman ng MMDA
na si Francis Tolentino.

Nasa Legazpi City sa Bicol — namimigay ng
traffic lights.

Talk about irony.

*****

SIGAW NG INC MEMBERS:
SEPARATION OF CHURCH AND STATE.

Umani ito ng batikos mula sa mga Katoliko sa social media.

May mga mala-Mar Roxas kung magmura.
May mga nagsabing tanga ang mga INC at sunud-sunuran.

Opo, mga Kristiano po ang mga ito.

Hindi halata, ‘no?

*****

SIGAW NG INC MEMBERS:
SEPARATION OF CHURCH AND STATE.

Ibig kaya sabihin nito ay hindi na sila
mag-e-endorse ng kandidato sa 2016??

Nagtatanong lang po.

*****

“HUSTISYA TO HOSTESS SIYA”:
INC PROTESTERS RIDICULE DE LIMA

Sa mga kapatid sa INC:
Ingat lang po kayo at baka
lumabas na UNDERDOG si DELIMAW
at maging senador pa ito sa 2016!

O Vice-President.

*goosebumps*

*****

DE LIMA NAGING SANTA PA TULOY!
Kinampihan daw ng netizens.

Fine!
Pero huwag n’yong ipaabot sa 2016
ang pagkampi na ‘yan ha??

If you do, we’ll get another DANCING SENATOR.
(Remember her?)

*****

NEWS ITEM:
“DE LIMA GAINS POGI POINTS.”

Talagang pogi dapat?
Wala ba talagang ganda???

*****

NAGSULPUTAN SA SOCIAL MEDIA
ang mga PRO-DE LIMA memes.

At na-realize ni justice secretary
na hindi na niya kailangang sumayaw at kumanta.

Mas effective pala ang ganitong style.

Memes pa more!!!
Goodbye, Macarena!

*****

HINDI MAN KAYO SANG-AYON SA INC,
huwag sanang kalimutan ang mga kasong
mistulang pinabayaan na ni De Lima:
Ang SAF 44, ang mga dilawang sangkot
sa PDAF SCAM (wala pa rin sa kanila ang nakalaboso).

Fine, agree with De Lima in this case if you want.
Pero huwag OA at huwag madaling makalimot.

At huwag padadala sa song and dance numbers.

Di ba, Pia Moran?

*****

NATAPOS NA KANINA ANG 5-DAY ASSEMBLY NG INC.

INC General Evangelist Bro. Bienvenido Santiago
announced the end of the 5-day peaceful assembly,
saying that the Iglesia Ni Cristo and the government
have come into peaceful agreement.

Nakup!
Wag naman sana endorsement ni Mar ang kapalit!

Say it isn’t so, mga kapatid!

*****

PERO SABI NAMAN NG PALASYO
AY WALA SILANG NAGING DEAL WITH INC.

Weh?

So, nag-iimbento lang ang INC minster??

Tumatangos na naman yata ang ilong ng pangulo.

*****

SALAMAT NAMAN AT NATAPOS NA ANG RALLY
NG INC SA EDSA.

Dahil ngayon, wala nang ibang masisisi
si MMDA Chairman Francis Tolentino kundi… siya!

Akala mo, ligtas ka na, ha!

*****

MATAPOS MAWALA NG ILANG ARAW,
walang choice si PNoy kundi ang lumabas sa lungga niya
para mag-deliver ng obligatory speech kanina,
Araw ng mga Bayani.

Walang bago sa speech niya; puro blah-blah, at…
wala ring mention sa katatapos lang na INC rally.

Playing safe, as usual.

******

PNOY:
“Kaya nating iangat at paunlarin ang ating bansa.
Ang kailangan lang, isang bayan tayong magkapit-bisig,
kumilos…”

Eh, ser… pakisabi po ‘yan sa mga tauhan n’yo.
Huwag muna kamo atupagin ang 2016 elections.

Pwede?

*****

SEGUE TAYO SA ISANG TAO NA WALANG INATUPAG LATELY
kundi ang mangampanya…

*****

MATAPOS MAG-ALA EPAL TRAFFIC ENFORCER,
sa Legazpi City, Albay naman nagpa-epal
si Francis Tolentino.

Inimbitahan daw siya ng Vice-Mayors League.
Vice-Mayor ba si Tolentino ngayon?
Huli kong alam, eh MMDA chairman siya, di ba?

*****

CHURCH OFFICIAL CALLS TOLENTINO “EPAL”
Ang dapat daw na ginagawa ni Tolentino
ay mag-isip ng solusyon sa lumalalang traffic,
hindi ang magpa-epal.

LIMANG TAON na po siyang nakaupo sa MMDA.
Ngayon lang siya mag-iisip?

Ang dapat pong gawin ni Tolentino ay….
MAG-RESIGN!!!

*****

PNOY GOVT PAG-AARALAN DAW KUNG PAANO
masusulusyonan ang matinding traffic sa Metro Manila.

Isa pa ito!

*****

“MORE PATIENCE PLEASE” — PNOY

Palagay mo, ser, kung hindi kami patient, eh…
BUHAY KA PA KAYA???

****

PINALUTANG DIN NI PNOY ANG PAGPAPATUPAD
NG ODD-EVEN SCHEME.

Sarap n’yang palutangin!!!
@#$&*u$%#@

*****

PURO BAND-AID SOLUTIONS NA LANG BA
ang naiisip ng gobyerno ni PNoy?

Odd-even scheme ay pabor lang sa mayayaman
na kayang bumili ng maraming sasakyan.

Sino ba talaga ang BOSS ni PNoy??

Ayyy… oo nga pala…
yung mayayaman.

*****

“KAYO ANG BOSS KO”:

Ang pinakamalaking CHAROT ni PNoy.

*****

AUGUST 28 DIN GINANAP SA DAVAO CITY
ang “Run Duterte Run” caravan.
Dinaluhan ito ng kanyang supporters
from all over the country.

Marami ang umasa na ide-declare na niya
ang kanyang 2016 presidential bid
noong gabing iyon.

Pero sa kanyang ginawang announcement,
sinabi ng mayor kailangan pa niyang kausapin
ang pamilya niya tungkol dito.

Mukhang tagilid.

*****

“I NEED TIME TO TALK TO MY FAMILY BECAUSE
they are the ones who know about my health condition.
Maybe if they saw this (pointing to supporters),
they will change their minds,” Duterte said.

PERO KUNG SIYA LANG ANG TATANUNGIN…

“I want to run, 22 years akong mayor
and I want to serve the people even in my old age
but I have been talking about retirement last time
because I am in constant pain with my spinal condition.”

Mukhang tagilid nga.

*****

MATAPOS ANG 5 MASALIMUOT NA MGA ARAW…
pabalik na sa Metro Manila ang mga nag-out-of-town.
At para sa mga nakisali sa rally sa EDSA,
simula na ngayon ng pagpapahinga.

Sa atin namang mga Katoliko…
panahon na para maghunos-dili
at namnamin na lang ang paborito n’yong…
DINUGUAN.

*****

PANAHON NA RIN PARA HILUMIN ANG MGA SUGAT
na sanhi ng maaanghang at mapanirang salita.

At i-focus muli ang ating lakas at oras
sa ating common enemy:
ang mga walang-kwentang suwelduhan
na NAGPAPANGGAP na PUBLIC SERVANTS.

Peace!

*****

ISA SA NAPATUNAYAN NG RECENT EVENTS:
Takot ang mga politiko na mawala
ang malaking boto ng INC.

Aminin!

*****

PHOTO CREDITS:
SEC. LEILA DE LIMA:  screengrabbed from www.abs-cbnnews.com
INC RALLY:  www.rappler.com
MAYOR RODRIGO DUTERTE:  www.mindanews.com

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>