nkpow june 25

NEWSKUPOW! Good luck, good health, good riddance!!!

Written by

Saturday, 25 June 2016 - Last Updated on June 26, 2016
nkpow june 25

nkpow june 25

(NAGSIMULA SA PALPAK NA LUNETA HOSTAGE RESCUE, MAGTATAPOS SA PALPAK NA SULU HOSTAGE RESCUE)

 

*****

MAR ROXAS FINALY SUBMITTED HIS SOCE!

Isinubmit ito ng team niya

noong Miyerkules, June 22.

Palakpakan natin!!!

Teka… kelan nga ba yung deadline??

June 8.

 

Buti na lang talaga

hindi naging pangulo ito.

 

SOCE lang eh, feeling special pa!!

 

*****

ISANG TRUCK DAW NG PAPELES

ang sinubmit ng team ni Roxas eh!

Kahit kailan talaga,

OA  itong si Boy Epal, ‘no??

 

*****

BAKIT ANG IBA AY NAKA-SUBMIT NG SOCE ON TIME…

at si Mar Roxas ay hindi?

Baka nahirapang gumawa ng…

kwento.

 

*****

1,000+ DRUG USERS & SELLERS SURRENDERED

to the Quezon City Police Department.

Mahigit  352 ang sumuko noong Miyerkules

at nahigit 700 naman ang sumuko kahapon, Biyernes.

Nararamdaman na nila na

#ChangeIsComing.

Nangangatog na sila.

 

*****

BAKIT KAYA GANUN KARAMI ANG SUMUKO?

Ano kaya ang incentive na ibinigay sa kanila?

Free livelihood kaya?

Free housing?

Baka…

free shabu.

 

*****

ANG DAMI RING MANIAC SA PUVs LATELY.

May naglalabas ng dila,

may naglalabas ng jun-jun,

may nanghihipo,

may nangre-rape.

Bakit??

 

Nagpa-panic na rin ba sila?

Na baka hindi na sila makapag-manyak

pag-upo ng susunod na Pangulo???

Kung baga sa exams, and tawag d’yan ay…

CRAMMING.

 

*****

Ito pa ang isang nangangatog na…

PRES. BS AQUINO III DEFENDS DAP.

PNOY:

“Ang bottomline noon…

nakatulong sa kababayan natin…

Paano dapat magiging mali yun?”

Unang-una po,

mali ang construction ng sentence n’yo.

Kaya naging mali ‘yun.

 

*****

PNOY ON DAP

“Ang bottomline noon…

nakatulong sa kababayan natin.”

Oo nga naman.

Ito yung mga kababayan natin na natulungan:

Rep (now Sec.) Joseph Abaya – P408 MILLION

Sen. Teofisto Guingona – P360 MILLOIN

Sen. Francis Pangilinan – P311 MILLION

Speaker Sonny Belmonte Jr. – P297 MILLION

Rep. Neptali Gonzales – P263 MILLION

Sen. Aquilino Pimentel – P258 MILLION

Sen. Loren Legarda – P250 MILLION

Sen. Franklin Drilon – P100 MILLION

Lahat ‘yan kapartido o kaalyado

ni Pres. BS Aquino III

 

Nakatulong nga naman!

Kayo talaga, o!!!

Puro kayo batikos!!!

 

*****

AT MARAMI RING SENATORS

ang nabigyan ng DAP noong

impeachment trial para sa dating

Chief Justice Renato Corona (RIP).

 

Ahh…

TALAGANG NAKATULONG NGA!!!

 

*****

2015 SALN NG CABINETS SECS NI PNOY,

inilabas na.

Halos lahat sila ay yumaman noong 2015.

Magtataka pa ba tayo??

 

*****

ANG PINAKAMAYAMAN SA KANILA

ay si JOEL ROCAMORA,

ang head ng National ANTI-POVERTY Commission.

Effective nga siya!

Naiwasan niya talaga ang poverty!

 

*****

HALOS NA-DOUBLE  ANG YAMAN NI ROCAMORA

kumpara sa 2014 SALN niya.

Nadagdagan ito ng P12 MILLION

sa isang taon lang.

Palakpakan natin!!!

 

Pero…

naiangat n’yan man kaya

ang buhay ng mga “boss” niya??

Pakisagot po, Mr. Anti-Poverty Man.

 

*****

METRO MANILA QUAKE DRILL

SUMALI BA KAYO SA LATEST QUAKE DRILL??

So, alam n’yo na yung duck, cover, hold and…

selfie?

 

*****

BALITA KO, SERYOSONG SUMALI RIN

sa earthquake drill yung mga nasa Palasyo eh.

Naghahanda na raw sila

sa mga kaso na

YAYANIG  sa kanila.

 

*****

PNOY NAKA-EMPAKE NA RAW.

Lilisanin daw ang Palasyo na taas ang noo.

Ingat po, ser.

Baka mahulog sana kayo sa hagdan!

Oops… sowee.

 

Ingat po sa paglakad nang taas ang noo,

Mr. President!

 

*****

KUNG BUHAY LANG DAW ANG KANYANG AMA,

magagalak daw ito dahil naibalik DAW niya

ang dangal sa bawat Pilipino.

 

Hahahaha!!!

May nagpapatawa na naman.

 

*****

KUNG BUHAY SI NINOY AQUINO,

siguradong nabatukan n’ya

si Noynoy Aquino.

 

Pustahan?

 

*****

PNOY TO HIS CABINET:

“If my dad could only see what we’ve done together,

maybe he would be a little less inclined to sing

‘The Impossible Dream.’”

 

Korek.

Dahil you’ll be more inclined to sing…

“What Have You Done?”

 

*****

DAHIL PAPAALIS NA NGA

ang present government (salamat naman!!!)…

balikan nga natin ang kauna-unahang

big news pagtuntong niya sa Malacañang….

 

ANG PALPAK NA LUNETA HOSTAGE RESCUE

(August 23, 2010):

* Ex-policeman ROLANDO MENDOZA ang hostage taker

* Tourist bus na may 25 pasahero ang hinostage nito

* 20 tourists from Hong Kong, 1 tour guide from HK, 4 Pinoys

* Walong turista ang napatay.

* Covered live on TV and the internet ang dramang ito.

* Nagsimula ng mga 10am, natapos around 8:45pm.

* Pinosasan daw ang driver sa manibela,

pero himalang nakalabas ito sa bintana.

 

Nasaan ang Pangulong BS Aquino III

habang nagaganap ito?

 

Kumakain ng giant siopao

sa isang malapit na sosyal na resto.

 

Ayos!

 

*****

NAGTUNGO SI PNOY SA CRIME SCENE MUCH LATER,

at nakunan ng photos na nakangiti sa harap mismo

ng ill-fated tourist bus.

 

Ayos ulit !!!

 

*****

MGA KAPALPAKAN NG HOSTAGE RESCUE EFFORT

AND THE AFTERMATH:

* Then Manila Mayor Alfredo Lim

did not activate his crisis management committee

 

* Dapat hindi sinali sa negotiation

ang kapatid ng hostage taker (Gregorio Mendoza).

 

* Mayor Lim nagpasyang dakpin si Gregorio

(tanga lang?)

 

* Pinakita sa news ang video (na napapanood sa bus)

ang pagdakip sa kapatid ng hostage taker

kaya nagsimula itong magwala

 

* Halatang walang training

ang mga naatasang magsagawa ng rescue

Kakatwa pa ang ibang paraang ginamit nila

(pinukpok ng sledgehammer ang bintana, e.g.)

 

* Nagturuan ang Manila govt at pulisya

kung sino ang mamumuno sa hostage rescue

 

* Walang effective crowd control.

Pinaligiran ng mga uzi-sero ang bus.

 

* Walang plano kung ano ang gagawin

matapos ang hostage taking.

 

* Hindi prineserve ang crime scene.

 

* Hong Kong asked for an apology,

but PNoy refused to say sorry.

 

FAST FORWARD TO PRESENT….

 

PNOY:

“As we leave office, we can do so

with our heads held high because

we’ve done right for the Filipino people.”

 

Haizz…

 

*****

NGAYONG PAALIS NAMAN SIYA,

isa pang palpak na hostage rescue

ang iiwanan niya

kung saan 2 Canadians na

ang pinugutan ng ulo.

 

Marami tuloy ang nagsasabi na

ang dapat pugutan ay si…

you know.

 

*****

PNOY WALANG PLANO NA MAKIALAM

sa Duterte government.

 

Hahaha!!!

Gobyerno niya nga, palpak…

mangengealam pa???

Naman!

 

*****

PNOY:

“Lahat nang banat sa akin bago ako naupo,

habang nakaupo at siguro

pagtapos kong nakaupo,

yung nakaka-distract ito sa governance.”

 

Di ba dapat linya rin ‘yan ni Aling Gloria??

 

*****

PNOY TO FACE 1,997 CASES – THE MANILA TIMES

 

Ang dami naman!

Pwedeng tumawad?

1,996 na lang?

 

*****

MAGBALIK-TANAW TAYO SA 10 MEMORABLE PROTESTS

na hinarap ng BS Aquino III government:

 

  1. MILLION PEOPLE MARCH

August 22-26, 2013

GOALS: Scrap the pork barrel system,

account for all misused funds,

investigate and punish those who misused funds.

 

  1. PEOPLE SURGE

2014 and 2015

Manila, Samar, Leyte

GOAL: Justice and aid for Yolanda victims

 

  1. BARUG KATAWHAN

April 2013

Davao Oriental

DEMAND: Release rice and relief goods

for Typhoon Pablo survivors

 

  1. DROUGHT PROTESTS IN MINDANAO

(a.k.a.  “BIGAS, HINDI BALA”)

April 2016

North Cotabato, Bukidnon

DEMAND: Food aid for El Niño victims

 

  1. CAMPUS STRIKE VS EDUCATION BUDGET CUTS

November 2010, all state colleges and universities

PROTEST: Against budget cuts in the higher education sector

 

  1. PEOPLE POWER VERSUS MINING

Nationwide, especially Luzon

PROTEST: Against killing and large-scale mining

 

  1. STOP LUMAD KILLINGS

2015, Manila

WHAT: Lumad tribes from CARAGA and Davao regions

arrive in Manila to protest vs harassment and killing

of Lumad people.

 

  1. FISH HOLIDAY

September 2015, Nationwide, especially Metro Manila

PROTEST: Against fish ban on municipal waters.

 

  1. STOP K-12

2015-2016

DEMAND: Stop hasty implementation

of the poorly-designed K-12 education reform.

 

  1. ANTI-APEC

November 2015

PROTEST: Against further imposition

of unjust and onerous trade and economic policies.

 

May idadagdag pa ba kayo?

 

*****

HETO NAMAN ANG 10 SINS OF PNOY.

 

Panoorin n’yo ang video na ito para malaman.

 

****

DU3O TALKED TO BIZMEN

First time an incoming president did so.

 

This president is serious.

And hardworking.

And has a vision.

And balls.

 

Unlilke you-know-who.

 

*****

PRES-ELECT DUTERTE TO BUSINESSMEN:

“I really hate corruption.”

Hate n’ya ang nakaraang gobyerno.

 

*****

FB OFFERS TO HELP DU30’S COMM TEAM

Paano kaya?

Ah, baka sila ang gagawa ng memes.

 

*****

ONE LOVE, ONE NATION

THANKSGIVING CONCERT

Habang sinusulat ito, ginaganap (4pm-10pm)

ang isang concert sa Cebu City.

 

Nandito rin si Pres-elect Duterte

para magpasalamat sa mga Cebuanos

na nagbigay sa kanya ng higit

1 MILLION votes.

 

Daghang salamat, Cebu!

 

Ito ang hashtag na nasa poster ng concert:

#CAll4Change

 

*****

SALAMAT DIN SA ‘YO, DIGONG,

for giving us HOPE.

Sa ngayon, iyan lang

ang pinanghahawakan namin –

ang pag-asang magbago na sana

ang palpak na pamamahala

ng mga nakaupo sa gobyerno.

 

Sana’y huwag mo kaming biguin,

kundi —– TANG IN A PACK din

ang ibibigay namin sa ‘yo.

 

We wish you ALL THE BEST, though.

 

*****

SA PAPAALIS NA PANGULO,

we wish you all the best, too.

 

Huwag ka nang babalik, ha?!!!

 

******

ITO NA NGA PO ANG LAST ISSUE NG NEWSKUPOW

na lalabas sa panahon ng BS Aquino III government.

 

Siguradong mami-miss ko siya.

He’s such an easy target, di ba?

 

But don’t worry, mababanggit pa rin natin siya

every now and then, dahil…

gagawin din natin ang ginawa niya kay Aling Gloria:

ang sisihin ito sa lahat ng kapalpakan niya.

 

Ang saya-saya, noh???

 

*****

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>