2015 09 09 (GREEN)

NEWSKUPOW! DUTERTE: “NOT RUNNING,” MOTORISTS: “NOT MOVING”

Written by

Wednesday, 9 September 2015 - Last Updated on October 5, 2015
2015 09 09 (GREEN)

PNOY NAGSALITA NA TUNGKOL SA INC RALLY.

Pong Pagong, ikaw ba yan???

 

*****

EH NATABUNAN NA NG TRAFFIC ANG ISSUE NG INC RALLY

tapos ngayon ka lang magsasalita??

Next item!!

#BahawAlways  #PanisAlways

 

*****

PNOY ON PRESIDENCY:

“Nakakatanda itong trabahong ito.”

Yeah.

Lalo na kung GINAGAWA MO TRABAHO MO!

#BabyfacePresident

 

*****

PNOY: “Nakakatanda itong trabahong ito.”

Oks lang. Nakakabata naman ang pasttime mo eh.

DOTA PA MORE!!!

 

*****

 

PNOY AND ALLIES NASA DAVAO NGAYON

para sa “Gathering of Friends.”

Para namang hindi namin alam na

“Early Campaigning of Friends” talaga ‘yan.

Break the law pa more!!!

 

*****

 

PNOY PINURI ANG PNP HIGHWAY PATROL GROUP (HPG)

SA DAY 1 NG EDSA TRAFFIC MANAGEMENT NILA.

Saan ba talaga nakatira ang mahal na pangulo?

#BoyClueless

 

*****

 

SABI RAW NI PNOY KAY PNP CHIEF MARQUEZ:

“Well done… and we go from one success

to another success.”

Nagbilang ng sisiw bago mapisa ang itlog.

Ayan tuloy…. NABUGOK!

 

****

 

SABI NI PNOY, LUMUWAG NA RAW

KAHIT KONTI ANG TRAFFIC SA EDSA.

Mukhang TURNILYO po yata ang lumuwag.

 

******

 

TOTOO BANG LUMUWAG NA RAW

ANG DALOY NG TRAFFIC SA EDSA NOONG HPG DAY 1?

Yan ang sabi ng Malacañang.

Iba naman ang sabi ng mga motorista at mananakay.

Bahala na kayo kung sino ang paniniwalaan n’yo.

 

*****

 

BUMILIS DAW NG 10 MINUTES ANG TRAVEL TIME.

Nino?

Ni Superman??

 

*****

 

TINANONG KO ANG ILANG MOTORISTA AT MANANAKAY.

Bumilis nga raw ng 10 minutes

ang pagsakit ng ulo nila.

 

*****

 

MMDA:

“THERE’S JUST TOO MANY CARS ON EDSA.”

And there’s just too many incompetent officials in the government

 

*****

 

MMDA:

“THERE’S JUST TOO MANY CARS ON EDSA.”

Matapos n’yong “PAG-ARALAN” ang problema

ng HIGIT SA LIMANG TAON…

yan pa rin ang sinasabi n’yo???

Lumapit-lapit nga kayo dito!!

 

*****

 

KUNG LUMUWAG TALAGA ANG EDSA

DAHIL SA TULONG NG HIGHWAY PATROL GROUP…

what does that say about MMDA chair

Francis Tolentino?

Eh di… miaow!

 

*****

 

SA DAY 1 NG HPG SA EDSA,

isang PULIS ang inaresto

matapos nitong tutukan ng baril

ang nakagitgitang ambulansya.

Makasuhan kaya siya?

Asa pa.

 

*****

 

ANO ANG RATING SA DAY 1 NG HPG SA EDSA?

PALASYO: “OK! Good job!!!”

MMDA: “Ganun pa rin eh.”

Ang asim ng ubas, ‘no?!

 

*****

 

DAHIL SA “SUCCESS” NG HPG SA UNANG ARAW,

lalong lumakas ang panawagan na magbitiw na

sa pwesto si MMDA chair Tolentino.

Di n’ya po maririnig ang panawagan n’yo.

Busy siya sa kampanya.

(Saang lupalop naman kaya siya ngayon?)

 

*****

 

DAY 1: HALO-HALO ANG REAKSYON SA HPG’S

TRAFFIC MANAGEMENT.

May nagsabing may konting improvement.

Sabi naman ng iba, walang pagbabago.

Meron naman nagsabing lalong lumala.

 

Kung halo-halo ang reaksyon noong Day 1,

sa Day 2 ay naging isa na lang ang sagot ng lahat:

 

#$%%^i(&*$%@%#$%()&#$@!!!!!!

 

*****

 

DAY 2 NG HPG SA EDSA, MORNING:

PNP CHIEF MARQUEZ NAIPIT SA EDSA TRAFFIC.

Galing ang convoy ni Marquez sa Balintawak.

Mula Quezon Avenue hanggang Cubao (5 kilometers)

inabot sila ng 45 minutes.

May 2 motorcycle escorts (hagad) pa siya!

 

Kung mismong ang PNP chief, naging helpless,

imagine kung ano ang dinanas ng ordinaryong “boss”

ARAW. ARAW. ARAW. ARAW.

 

*****

 

DAY 2 NG HPG SA EDSA: TANGHALI & EARLY AFTERNOON

Napansin ng maraming motorista at mananakay

ang ang mga dating hindi nata-traffic na lugar

ay biglang nagka-traffic na!

 

Ulitin ko lang ang sabi ni PNoy nung Day 1:

“Well done… and we go from one success

to another success.”

 

Boom!

 

*****

 

DAY 2 NG HPG SA EDSA: LATE AFTERNOON

Nagsimula nang umulan.

As expected, hindi na naman gumalaw ang traffic.

And as expected, nawala rin ang mga MMDA peeps

— pati na ang HPG.

 

Takot mabasa.

Baka dumami.

 

*****

 

HINDI LANG ANG EDSA ANG NAGMISTULANG

PARKING LOT KAGABI.

Pati South Superhighway, Buendia, atbp.

ay walang galawan.

 

Habang mahimbing na natutulog

si MMDA Chair Francis Tolentino.

 

*****

 

DAHIL SA TINDI NG TRAFFIC AT BAHA…

SINGIL NG UBER TAXIS, NAGING 4 TIMES THAN USUAL.

 

Yung dating P300, naging P1,200.

 

Ganun???

Sige, lakad na lang me.

 

*****

 

EDSA NEEDS MORE BUSES

—- LTFRB CHIEF

 

Nagpapatawa ba ‘to??

Pwede ba, ayusin n’yo muna ang MRT???

 

*****

 

SUGGESTION NI SEN. PING LACSON:

MMDA ang mangagasiwa sa flow ng traffic

at ang HPG ang bahala sa

PANGHUHULI AT PAG-TICKET sa violators.

Sa madaling salita…

Solo na nila ang KOTONG ngayon.

 

*****

 

DAY 3 (KANINA)

SINISISI NG GOBYERNO ANG BAHA.

Pero kanina, wala nang baha,

pero hindi pa rin gumagalaw ang traffic

sa maraming bahagi ng metro.

 

Tsaka, teka….

SINO PO BA ANG DAPAT SISIHIN SA PAGBABAHA??

Pakisagot po ang mga “boss n’yo.”

 

*****

 

MARAMING KWENTO SA SOCIAL MEDIA KAGABI

tungkol sa karanasan nila sa mala-impyernong traffic

sa Metro Manila.

 

Kung iisa-isahin natin ang mga kwento,

aabutin tayo hanggang sa panahon ni

PRESIDENT BIMBY AQUINO.

 

*****

 

GOV’T PROPOSES A SOLUTION:

BAN CARS WITH LESS THAN 3 PASSENGERS

ON EDSA DURING RUSH HOURS.

 

Tanga lang talaga?

Okay… 3 kami sa sasakyan.

Hindi kami nakatira sa iisang lugar.

Ihahatid ko muna ang dalawa.

Syempre, magiging SOLO ako at some point.

Huhulihin n’yo ko??!!!

 

Eng-eng!

 

*****

 

HPG TINULUNGAN NA RIN NG SAF.

Giyera na talaga sa EDSA!

 

*****

 

ANO ANG SUSUNOD, ARMY?

 

Hindi.

Dahil baha, eh di….

 

NAVY!

 

*****

 

MRT3  TUMIRIK NA NAMAN KAGABI.

Mula raw Ayala hanggang North Ave.

 

Imagine this:

Rush hour. Umulan.

Walang traffic enforcers.

 

Wala na talagang pag-asa.

Tirik na ang gobyerno.

 

*****

 

MARAMI ANG NAGLAKAD PAUWI,

bitbig ang mga sapatos.

Ang iba, may bitbit ding bata.

 

By the time na nakauwi ang marami,

pasado ala-una na ng madaling-araw.

Naghihilik na si Tolentino.

 

*****

 

Speaking of MRT-3…

 

SENATORS GRACE POE AND NANCY BINAY

ININSPECT ANG MRT3.

 

Tinignan nila ang mga prototype

ng mga bagon na Made in China.

 

Baka nga naman fake.

 

*****

 

LIBERAL PARTY OFFICER MEL SENEN SARMIENTO

pinangalanang ipapalit kay Roxas bilang DILG Sec.

 

May papalit na pala eh!

So… bakit hindi pa rin umaalis si Mar sa DILG???

 

Sinasagad ang paggamit sa pondo.

Sinasagad ang pasensya ng mga Pilipino!

 

*****

 

SEP. 7: POE, BINAY, MAR MEETS WITH CARDINAL TAGLE

 

Ang tawag yata dito eh…

EXORCISM.

 

Tama?

 

*****

 

ANG PULONG AY IN-ORGANIZE NG PPCRV

(Parish Pastoral Council for Responsible Voting)

 

POLITICS AND RELIGION.

No separation here.

 

*****

 

SABI NI PPRCV CHAIR TITA DE VILLA:

“It was just plain moment, providing them

with some kind of spiritual rest, spiritual openness.”

 

So, walang…. block voting?

 

*****

 

HUMINGI SI SEN. POE KAY CARDINAL TAGLE

NG PRAYERS PARA SA “2016 CHALLENGE”

 

Eh,  si Binay at Roxas?

 

Baka humingi ng campaign contribution.

 

*****

 

SABI NI CARDINAL TAGLE SA TATLO:

 

“Keep your campaign friendly, dignified.”

 

With due respect, Cardinal…

para n’yo na rin sinabing pakamatay na lang sila!

 

*****

 

TEKA… BAKIT NGA PALA WALA SA PULONG

SI DAVAO MAYOR RODRIGO DUTERTE??

 

SAGOT:

SEPTEMBER 7 DIN PO NANG TULDUKAN NI DIGONG

ang mga haka-hakang tatakbo siya sa 2016.

 

Kaya pala dinig dito sa Metro Manila

ang hiyaw ng pagkadismaya ng mga supporters niya!

 

*****

 

SA ISANG PRESS CONFERENCE SA DAVAO CITY,

sinabi ni Mayor Duterte na:

 

“I would like to categorically state now…

na ‘di ako tatakbong president.

Wala akong ambisyon mag-presidente.”
At naihi sa excitement sina Poe, Roxas at Binay.

 

*****

 

SINABI RIN NI DIGONG NA:

“In 2016, I will retire from public life.

I believe it’s no longer my time.

I will retire after my term.”

 

Ang Sen. Juan Ponce Enrile was like,

“Bagets ka pa, magre-retire na??”

 

*****

 

REACTION NG NETIZENS:

DUTERTE WAS OUR LAST HOPE FOR A BETTER COUNTRY.

 

May mga umiyak.

Pero may nagsabi rin na,

“Wow… he is so paasa in a whole new level!”

 

Kris, ikaw ba yan??

 

*****

 

DUTERTE’S DIE-HARD FANS REFUSE TO LOSE HOPE.

 

May mga naniniwalang hindi raw talaga nag-quit si Digong.

Na “marketing strategy” daw ito.

 

Sabi ni Atty. Romulo Macalintal:

“Sa ngayon hindi pa rin ako naniniwala na hindi siya tatakbo.
Maaaring magbago pa rin yan.

Bakit biglang biglang may lumabas na (campaign) ads

sa mga radyo at telebisyon.”

 

May point siya.

 

*****

 

DUTERTE SUPPORTERS LAUNCH MILLION PEOPLE MARCH

 

Gagawin daw ang “Million March: Run Duterte Run”

sa Quirino Grandstand on September 19.

 

Magtagumpay kaya sila?

Abangan!

 

*****

 

UNA, LP, NANINIWALANG SA KAMPO NILA

LILIPAT ANG SUPPORTERS NI DUTERTE

 

Tumigil kayo!!! Buhay pa yung tao,

pinag-aagawan n’yo na ang mamanahin n’yo!

 

Para kayong taga-Customs!!!

 

*****

 

PERO KUNG SI DUTERTE RAW ANG TATANUNGIN,

kay Binay daw mapupunta ang boto para sa kanya.

Hindi niya naman sinabi kung bakit.

 

At nangitim sa tuwa si VP.

 

*****

 

VANDOLPH QUIZON TATAKBONG COUNCILOR

SA ILALIM NG LIBERAL PARTY.

 

Eh di wow talaga!

 

*****

RP READY TO ACCEPT MIDEAST REFUGEES

 

Alam n’yo po ba ang kalagayan ng mga

kapatid nating Lumad sa Mindanao?

 

Pwede po bang unahin muna natin sila

bago tayo magbait-baitan sa mga dayuhan???

 

Sheez.

 

*****

CONGRATS TO THE U.P. FIGHTING MAROONS!!!

Tinalo nila ang UE noong opening day (Saturday)

at kanina naman ay ang La Salle Green Archers

sa UAAP Season 78.

 

Mali ka, Ate Guy!

MAY HIMALA!!!!!

 

Bonfire na tayo sa EDSA!

Habang naghihintay gumalaw ang traffic!

 

*****

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>