2015 07 26

NEWSKUPOW! Daang Matuwid Issue

Written by

Sunday, 26 July 2015 - Last Updated on July 26, 2015
2015 07 26

2015 07 26HUWAD NA DAAN!

(SPECIAL TRIP ‘TO. SAKAY NA!)

 

*****

 

AYON  SA VERITAS TRUTH SURVEY

(conducted April to June 2015):

 

46% – BAGSAK si PNoy sa TUWID NA DAAN

41% – UNSURE

13% – PASADO

 

*****

 

SA GMA NEWS FB POLL, ITO ANG RESULTA:

 

BAGSAK = 3,226

PWEDE NA = 529

MAHUSAY = 367

KULANG PA = 328

DEDMA = 78

 

Kung hindi ka pa nakaboto, aba’y… BOTO NA!

 

https://www.facebook.com/questions/10153228159551977/?qa_ref=qd

 

*****

 

SABI NAMAN NG IBON FOUNDATION,

ang legacy ni PNoy sa nakaraang 5 taon ay:

MAS MARAMING MAHIRAP NA PINOY.

 

79.6% (wow!) ang nagsabing

hindi bumuti ang buhay nila.

 

Kung sa MRT sila nag-survey, siguradong…

100% yan!

 

*****

 

SABI NI PNOY SA SPEECH NIYA RECENTLY:

 

“Piliin n’yo ang lider na totoo sa inyo.

Hindi ‘yung magbibitiw ng mga pahayag

at pangakong walang laman.”

 

In short…

HUWAG IBOTO ‘YUNG TULAD NIYA.

 

*****

 

TAYO NGANG MAGLAKBAY PABALIK —

sa daang MATUWID DAW — sa special trip na ito

at pagmasdan ang mga lubak, kapalpakan

at mga pangakong hindi natupad…

 

*****

 

SINCE MADALAS NA NAMAN ANG PAGTIRIK NG MRT,

balikan muna natin ang isang natatanging pangako

na binitawan ng pangulo noong APRIL 4, 2013

kung saan nag-promise siya na matatapos IN 2 YEARS

ang LRT LINE 1 na biyaheng Baclaran to Bacoor:

 

“At pag hindi ho nangyari ito,  nandyan ho

si  Secretary Abaya na mangangasiwa ng proyektong ito,

dalawa na kaming magpapasagasa siguro sa train.”

 

Lumipas na po ang 2 YEARS noong April 4, 2015.

Ano, itali na ba natin ang dalawang ‘yan sa riles?

 

Game?

 

*****

 

GUSTO N’YO TALAGANG MATAWA?

 

Eto ang video ng pangakong ‘yon

(courtesy of  @Even Demata)…

 

NOTE: nakakatawa, pero huwag pansinin ang pagkabulol (lol).

Mas pansinin ang laman ng sinabi niya.

 

https://www.facebook.com/evendematafanpage/videos/901036936632084/

 

*****

 

ANG EFFICIENT MASS TRANSPORT SYSTEM SANA

ang  makakagaan sa worsening traffic situation.

Dahil kung efficient ito, mas marami ang maeengganyong

sumakay na lang dito kesa mag-kotse.

 

For now, tiis muna tayong maglakad sa tuwid na…

RILES.

 

Haizz.

 

*****

 

ANG MASS TRANSPORT, PARTIKULAR ANG MRT,

ang masasabi nating showcase ng KAPABAYAAN,

KAPALPAKAN at CORRUPTION sa PNoy government.

 

KAPABAYAAN dahil mula sa maraming train ng

STRONG REPUBLIC TRANSPORT SYSTEM ni Gloria,

wawalo na lang ang natitirang tren ngayon.

Tumitirik pa madalas ang mga ito.

 

KAPALPAKAN dahil sa mga maling decisions

ng mga namumuno rito —

magmula kay Mar Roxa hanggang kay Jun Abaya.

 

PAGKA-CORRUPT dahil sa mga maanomalyang

kontrata na pinasok ng pamunuan nito.

 

Ang resulta?

Mga “boss” na naglalakad sa riles – sa init ng araw,

o dilim ng gabi, o habang umuulan.

 

*****

 

DALAWA  SA MGA PINANGAKO NI PNOY

ay ang FREEDOM OF INFORMATION (FOI) bill

at ang ANTI-DYNASTY bill.

 

FOI ang magbubuking ng mga tinatagong yaman

ng mga mambabatas.

 

ANTI-DYNASTY BILL ang papatay sa “business”

ng mga angkan nila.

 

So, aasa pa ba tayo?

 

Pinangakuan na nga kayo eh,

gusto n’yo pang tuparin nila ito???

 

*****

 

ANG SUPERTYPHOON NA YOLANDA

ang isa pang nag-expose ng KAHINAAN,

KAYABANGAN, and later, KAGAHAMAN

ng mga namumuno sa atin.

 

At kung gaano sila ka-INSENSITIVE

sa mga pangangailangan ng mga ‘boss” nila.

 

Natatandaan n’yo ba sino-sino

ang nagsabi ng mga famous lines na ito:

 

“Buhay ka pa naman, di ba?”

“Bahala kayo sa buhay n’yo!”

 

CLUE: Hindi sila artista. At kung naging artista man,

siguradong KONTRABIDA.

 

*****

 

YOLANDA RIN ANG NAG-EXPOSE NG KATIWALIAN

sa mga naghawak ng funds para dito

(DBM ni Sec. ABAD at DSWD ni Sec.SOLIMAN).

 

Sa P170 BILLION na dapat na mapunta sa victims,

P80 BILLION pa lang nag nagamit para sa kanila.

 

Nabiktima na ni Yolanda,

nabiktima pa ulit ng mga buwaya!!

 

*****

 

ANG PRESYO NG MGA BASIC GOODS,

partikular ang bigas, ay hindi na rin bumaba

gaya ng ipinangako ni Agri Sec. Alcala

mula pa noong 2012.

 

At ang kayamanan si secretary, tumaas din!

P91+ MILLION na ang kanyang net worth!!

 

Wow! Ang daming bigas nun, Sec.!

 

*****

 

PANGAKONG RICE SUFFICIENCY

nananatili pa ring pangako hanggang ngayon

 

Sa unang SONA ni PNoy, binabatan niya si Gloria

sa sobrang importation ng bigas.

Nagyabang pa ito hindi na raw tayo mag-aangkat ng bigas.

 

Ngayon, nilagpasan ni PNoy ang dati niyang binatikos

pagdating sa pag-aangkat ng bigas.

 

Ang apektado?

Ang mga boss niya na magsasaka.

 

Kung kalabaw lang ako, nasipa ko na ‘yan eh!

 

*****

 

SPEAKING OF ALCALA AND ABAD…

Ang dalawang ito plus TESDA’s JOEL VILLANUEVA

ay naisangkot sa JANET NAPOLES PORK BARREL SCAM…

 

na siyang pinakamabigat na rason kung bakit

masasabi nating HINDI TUWID ANG DAAN ni PNoy.

 

*****

 

ANG PDAF SCAM AY DINEKLARANG UNCONSTITUTIONAL

ng Supreme Court, pero alam naman nating lahat

na nandiyan pa rin ito sa 2015 budget —-

iba nga lang ang tawag.

 

Of course, by now ay alam n’yo na siguro kung bakit

ito sumabog sa mukha ng Aquino administration,

at kung paano at gaano kalaking halaga

ang pinamigay ng gobyerno para

1) ma-impeach si ex-Chief Justice Renato Corona

2) mabiyayaan ang mga KKKK ni PNoy

 

Kung hindi pa, mahiya naman kayo!

Heto’t mag-crash course kayo about PDAF:

 

https://en.wikipedia.org/wiki/Priority_Development_Assistance_Fund_scam

 

*****

 

KAILAN LANG, NAIREPORT NA 2 LP LAWMAKERS

ang nakakuha ng P462 MILLION  via budget insertions.

 

Sila sina Caloocan Rep. Recom Echiverri at

Caloocan Rep. Edgar Erice.

 

Boy Sipsip at Boy Higop.

 

*****

 

ANG PINAKA-LATEST NA MATINDING KAPALPAKAN

ng PNoy goverment ay ang MAMASAPANO INCIDENT

(Oplan Exodus) kung saan mahigit 70 ang namatay,

kasama na ang 44 SAF troopers ng PNP.

 

Dito nabuking na kahit na suspendido na

si Gen. Alan Purisima noong panahong iyon,

ay siya pa rin ang itinalaga ni PNoy

na mamuno sa pumalpak na operasyon.

 

Unang naging sacrificial lamb si SAF chief Gen. Napeñas,

and lately ay si BFF Gen. Purisima mismo —

para maabswelto ang untouchable na si…

Super PNoy!

 

Di na nakapagtataka.

Sino ba nag-appoint sa Ombudsman?

 

*****

 

SA ADMINISTRASYON DIN NI PNOY

nakuha ng Pilipinas ang award na

WORST AIRPORT para sa NAIA-1.

 

Di ba nagmayabang siya sa third SONA niya

na maaayos niya ito?

At saan napunta ang limpak-limpak na budget nito?

 

Anyare, ser?

Parang lahat yata ng pinangako mo.

imbes na matupad ay…  LUMALA!

 

*****

 

Sabi ng isang FB post:

THE BEST ACHIEVEMENT OF PNOY IS

RENAMING INSTITUTIONS AND ESTABLISHMENTS

IN HONOR OF HIS FAMILY MEMBERS.

 

The post enumerated these changes.

Some were serious, some were not.

 

The best is this:

Kris Aquino South Expressway (KASEX).

 

*****

 

JUETENG IS STILL ALIVE AND KICKING.

Dahil ito ang source ng malaking pera

para sa local officials and local police.

 

Sa TUNAY na tuwid na daan,

hindi mabubuhay ang sugal na ito.

 

Hindi po ako sugarol

pero sigurado akong meron pang jueteng.

 

Pustahan?

 

*****

 

PALASYO:

“UNDER PNOY’S TUWID NA DAAN,

NO BRIBERY IS POSSIBLE.”

 

Marami akong gustong sabihin para pabulaanan ito,

pero heto na lang ang 2 words for you, Palasyo:

 

PORK BARREL.

 

Yun na!

 

*****

 

ANG NADAANAN NATING MGA LUBAK

ay ang mga MAJOR, MAJOR lubak lang

na naalala ko lang habang sinusulat ito.

 

Dahil kung isusulat ko ang LAHAT ng lubak

ng nakaraang limang taon

ay aabutin ako ng…

LIMANG TAON.

 

*****

 

SO… TUWID NGA BA TALAGA ANG DAAN

na tinahak ng Aquino administration?

 

Sa aking mga pagbabasa at research mula 2010,

masasabi kong:

 

Ang daan ay puno ng butas,

maraming bahagi ang hanggang leeg ang baha,

may part na matirik ang pabulusok,

at marami ding liko — karamihan, pakaliwa.

Marami ring fake checkpoints.

 

Kung ganyan ang TUWID, aba eh…

TUWID NA TUWID NGA!!!

 

Siya!

 

*****

 

PALASYO:

“PNOY TO MARK HIS PLACE IN HISTORY

IN HIS FINAL SONA.”

 

Korek.

Doon ang place n’ya sa ROW 4.

Tabi ng basurahan.

Na may lamang toxic waste.

From Canada.

 

*****

 

OH, HANDA NA BA KAYONG MAKINIG

sa bagong fairy tale ni PNoy sa Lunes?

 

Kitakits uli tayo pagtapos niyang basahin

ang latest masterpiece ng fiction writers niya.

 

Bye!

 

*****

 

PHOTO CREDITS:

DAANG MATUWID PROTEST: thepinoyreality.blogspot.com

PRES. BS AQUINO III:  www.telegraph.co.uk

.

*****

.

FOR EDITOR’S USE ONLY:

.

PHOTO URLs:

DAANG MATUWID PROTEST: http://1.bp.blogspot.com/-RyQXmJgFtJI/UbvDo1GQr8I/AAAAAAAAAEo/34T1tP59eKM/s1600/4839740902_e279fdbb4b_z.jpg

PRES. BS AQUINO III:  http://i.telegraph.co.uk/multimedia/archive/02362/Benigno-Aquino_2362352b.jpg

.

(end)

 

 

 

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>