nkpow nov13

NEWSKUPOW! APEC-tado and lahat!

Written by

Friday, 13 November 2015 - Last Updated on November 15, 2015
nkpow nov13

nkpow nov13

DITO SA MANILA GAGAWIN ANG 2015 APEC SUMMIT
mula November 18 hanggang 19.

Dalawang araw lang, pero…
malaking kalbaryo sa mga taga-siyudad.

Okay lang ‘yan.
Hayaan mong magtiis and mga “boss.”
At itago mo ang mga pangit nilang tirahan.

*****

LAST WEEK PA LANG,
itinago na ni PNoy
ang mga informal settlers at iba pang
hindi kaaya-ayang tanawin —
sa likod ng mga yero.

Tinatago ang mga pangit?
Eh di Itago ang buong gabinete ni PNoy!

*****

SI KRIS DAW AY MAGSISILBING APEC HOSTESS.

In fairness, bagay ang title!

*****

SEN. LOREN LEGARDA ON APEC PREPARATIONS:
“Why are we pretentious? Let’s show the leaders
how filthy Metro Manila is.”

Pretentious. Filthy.
Si Kris din ba ang tinutukoy mo, ma’m?

*****

SEN. LOREN LEGARDA:
“We are pretentious when we say
there’s no traffic when people die from traffic.”

Naku!
Hindi mag-a-agree sa ‘yo si Sec. Jun Abaya!
Hindi raw nakamamatay ang traffic, ma’m!!

*****

AQUINO SISTERS TO ASSIST APEC FIRST LADIES
sa kanilang pagsa-shopping sa Metro Manila.

Billions ang budget ng APEC.
Magkano kaya ang bayad sa mga sisterakas?

Nagtatanong lang po..

*****

EX-PRES. FIDEL V. RAMOS:
“Noong 1996, ginawa namin sa Subic ang APEC Summit.
Hindi dapat ginagawa ito sa mataong siyudad.
Maraming mapeperwisyo na wala namang
kinalaman sa APEC.”

Buti pa si Tabako, nag-iisip!

*****

DSWD SEC. DINKY SOLIMAN:
WE ARE NOT HIDING STREET PEOPLE

Yan din ang sinabi mo nang itago mo sila
noong dumalaw dito si Pope Francis, di ba?

Nagkataon lang?

TANGA pa rin talaga ang tingin mo
sa mga Pilipino, Dinky Doo???

*****

SINGIT NEWS:
PAGPAPAKULAY NG BUHOK MASAMA SA KALUSUGAN.

Wala lang.
Concerned lang sa katinuan ng pag-iisip ni Dinky Doo.
Para kasing laging wala sa wisyo eh.

*****

SABI NI ABIGAIL VALTE NG PALASYO:
“Hindi po hidden from view.
Naipaliwanag po natin na ’yung modified CCT
(conditional cash transfer) ay isang programang
matagal nang ginagawa ng DSWD.”

Oo nga naman.
Matagal nang ginagawa kapag
gusto nilang itago ang mga mahihirap.
Klaro na?

*****

PALACE SPOKESMAN HERMINIO COLOMA:
“Kailangan nating patunayan sa mundo
na kaya nating mag-host ng international event
tulad ng APEC Summit.”

Hello???
Ilang beses na po nating napatunayan ito!
Alam mo ba bakit may PICC?
Alam mo ba ibig sabihin ng acronym na ‘yan?
Nakatira ka ba sa ilalim ng bato, ser?
O sadyang bulag lang?

*****

PNOY: “APEC, DAPAT WALANG SABLAY!”

Dapat daw, hindi tulad n’ya.

*****

KUNG MAGING MATAGUMPAY ANG APEC SUMMIT,
isang tao ang dapat bigyan ng recognition.
Ito ay si AMBASSADOR MARIANO “JUN” PAYNOR,
ang director general ng national organizing council
ng Apec 2015.

Siya rin ang namahala sa Apec 1996
at sa pagbisita ni Pope Francis early this year.

Pero bakit parang matipid o walang papuri sa kanya?
Si Paynor kasi ay “bata” ni Ramos at Gloria.

Eh, bakit siya pa rin ang kinuha ni PNoy?
Kasi nga, puro nganga ang mga nakapaligid sa kanya.

Boom!

*****

INDONESIAN PRES. WIDODO
AND RUSSIAN PRES. PUTIN WON’T ATTEND APEC.

Natakot sa tanim-bala.
Baka raw ma-PUT-IN bullet.

*****

PINAGMAMALAKI NG PNOY GOVT ANG UMENTO
SA SWELDO NG MGA GOVERNMENT WORKERS
(SALARY STANDARDIZATION 4)

Pero kung sisiliping mabuti, ito ang makikita n’yo:

POSITION / INCREASE:
President / P268,096 increase (223.41%)
Mambabatas / P100,000 increase (150%)
Teacher 1 / P2,205 increase (11.89%)

Nasaan ang katarungan??

*****

ANG INCREASE SA MGA GURO
AY IBIBIGAY PA SA LOOB NG APAT NA TAON.

So, nag-iingay lang ngayon dahil may eleksyon?
Gano’n???

*****

P2.000 increase? I-divide mo ‘yan by 30 days =
P66.6666.

Mga demonyo talaga!!!

*****

MAR ROXAS, WHEN ASKED IF BULACAN MEDIA
could interview him (on Nov. 10, 2015):

“Dinumog ako ng tao, di ba ‘yun ang istorya?”

Tangek!
Dinumog ang pinamumudmod mong giveaways!

Magkaiba ‘yun!

*****

MAR ROXAS:
“Dinumog ako ng tao, di ba ‘yun ang istorya?”

11 katao lang, dinumog ka na kamo?

Eh, dami lang ‘yang ng tagahawak
ng ashtray ni Pnoy, di ba?

*****

PNOY NO SHOW AT TACLOBAN ON NOV. 8, 2015,
SECOND ANNIVERSARY OF YOLANDA TRAGEDY.

Hindi na niya tinatago ngayon na…
wala siyang pakialam sa mga “boss” niya.

Walanghiyaan na talaga ang uso ngayon.

*****

NAALALA N’YO YUNG ARRIVAL HONORS
PARA SA MGA NASAWING SAF 44?

Di ba’t hindi rin siya um-attend doon
dahil mas importante sa kanya
ang inauguration ng planta ng Mitsubishi?

Ito ang pangulong ayaw humarap
sa mga kapalpakan niya.

A consummate escape artist!

Takas pa more, ser!

*****

PALACE: TACLOBAN DID NOT INVITE PNOY
TO YOLANDA ANNIVERSARY

Kailangan pa talaga ng imbitasyon???
Presidente ka ng Pilipinas, ser!
Mga Pilipino ang namatay doon.

Ano sa tingin mo doon, KASAL???

*****

PALACE CONFIRMS PNOY SKIPPED YOLANDA ANNIV
FOR WEDDING OF A BILLIONAIRE’S SON

Ayun naman pala!
Anak po ng billionaire ang kinasal!
Mayaman ‘yun!
May konek siya dun!
Ano nga naman mapapala niya sa Yolanda anniv?

*****

WALA RAW IMBITASYON?
Eh ano itong email na ito
na pinadala sa Malacañang
ng mayor ng Tacloban City?

Buking na naman.

Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.

*****

PALACE CONFIRMS BUREAU OF CUSTOM’S
125% TAX HIKE ON BALIKBAYAN BOXES.

125% TAX HIKE?
Ano po ba talaga ang galit n’yo
sa mga OFWS, mga ser???

Nakakahalata na kami eh!

*****

SA HEARING SA SENATE KAHAPON
TUNGKOL SA TANIM-BALA SCAM,
dumating ang umano’y biktimang Amerikanong
si LANE MICHAEL WHITE kasama
ang tatay niyang si RYAN WHITE
at stepmother niyang Pinay na si ELOISA ZOLETA.

Sa testimoniya niya, sinabi ni Eloisa na
ganito ang dialogue sa kanya ni SPO2 ROLANDO CLARIN:

“Usually naman pinapalampas namin
ang mga nagdadala ng ganyan, sinasabi naming
anting-anting pero dito kasi pag inareglo natin yan dito,
P30,000, pero ‘pag napasa sa headquarters P80,000.”

Wow.
Kaya naman pala umuulan ng bala sa NAIA.
Easy money!
BANG BANG!!!

*****

NAGTURUAN SA SENATE HEARING:

Nang tanungin kung nakanino ang CCTV footage
nang makuha ang bala sa bagahe ni White,
nagturuan ang Office for Transportation Security (OTS)
at Manila International Airport Authority (MIAA).

SEN. GUINGONA:
“Naku, ito na nga ba ang sinasabi kong kapalpakan eh.
Nagtuturuan na eh!”

Hawa-hawa na talaga sila sa gobyernong ito.

*****

SABI NAMAN NI MIAA GENERAL MANAGER HONRADO,
di niya raw kontrolado ang 20+ agencies sa NAIA.

SEN. MARCOS:
“If you have no control over the agencies at the airport,
what’s your job?”

Ah eh, di… ngumanga?

*****

NANG TANUNGIN KUNG ANO
ANG TRABAHO NG ISANG GENERAL MANAGER,
sagot ni Honrado ay:

“To ensure SMOOTH FLOW” po.”

Ah, tagapunas ng sahig.

*****

KUMALAT SA SOCIAL MEDIA ANG MEME
NA NAGSASABING:

Ginisa sa Senado sina MIAA Mgr. Jose Hondrado
at DOTC Sec. Jun Abaya tungkol sa tanim-bala.
Nabuking tuloy na ang mga appointees ni PNoy
ay mana sa kanya na ang utak ay
parang ref namin —
WALANG LAMAN.

Ouch.
Ganyan din ang ref ko!!

*****

HINDI LANG LAGLAG-BALA
LAGLAG-UTAK DIN PALA!!!

*****

HONRADO AMINADONG WALANG GINAGAWA
PARA IMBESTIGAHAN ANG TANIM-BALA SCAM.

Bakit ba kasi nakapuwesto yang si Honrado
diyan sa NAIA? Ano ba ang qualifications niya?

Security aide dati ni Tita Cory
at distant cousin ni PNoy —
na tinuturing niyang “big brother —
kaya nilagay ‘yan diyan.

So, sino ang may kasalanan?
EH DI… ANG MGA BUMOTO KAY PNOY!

*****

NANG TANUNGIN SI SEC. JUN ABAYA
kung ano ang grado niya kay Honrado (1 to 10),
sinabi nito na “7” daw o satisfactory.

Talaga lang ha, ser?!!!
Palpak na nga, 7 pa rin???

Parang ikaw lang ah!

NOTE: Si Abaya rin po yung nagsabing
hindi nakamamatay ang traffic.

*****

WHAT INVESTIGATION?
NO GOVT AGENCY HAS TALKED TO US — LAGLAG BALA VICTIMS

Nag-iimbento lang po.
Baka sakaling makalusot.
Hehe.

*****

SA TAONG ITO:
1,403 ang naka-record sa OTS na live ammunition interception.
1,403 cases ay ipinasa sa AVSECOM for proper action.
PERO… only 75 incidents ang naka-record sa AVSECOM.

Anyare sa 1,328 cases?
or… MAGKANO ANG NANGYARI???

*****

TANIM-BALA SCAM:
MAY MGA GUSTONG MASIRA LANG DAW
SA IMAHE NG PNOY GOVERNMENT.

Eh, mga ser… no need for that po.
The govt is doing a great job self-destructing.

*****

HONRADO HINDI MAGRE-RESIGN,
PALASYO HINDI SIYA SISIPAIN.

Parang si Abaya lang.

*****

PHOTO CREDITS:
GI SHEETS ALONG PASONG TAMO: manilacoconuts.com
KRIS AQUINO:  biz-entertainment.blogspot.com
PRESIDENT AQUINO AT WEDDING:  politics.com.ph
LANE MICHAEL WHITE, ELOISA ZOLETA, RYAN WHITE: newsinfo.inquirer.net
JOSE HONDRADO AND JUN ABAYA: cnnphilippines.com

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>