nkpow dec 13

NEWSKUPOW! Ang siopao at hipon. Si Noynoy at #NonaPH

Written by

Sunday, 13 December 2015 - Last Updated on December 15, 2015
nkpow dec 13

nkpow dec 13PNOY DUMALO SA OPENING NG DIN TAI FUNG,
sikat na restaurant dahil sa kanilang xiao long bao.

Busy talaga ang pangulo natin, ‘no?

*****

SIKAT ANG DIN TAI FUNG SA KANILANG XIAO LONG BAO
at soup dumplings.

Q: Ano ba talaga yang xiao long bao
at pati ang pangulo ay napasugod d’yan?

A: Siopao.

Na mahal.

*****

INISNAB ANG SAF 44
PERO UMATEND SA SIOPAO RESTO OPENING?

Sino ba talaga nag-a-advise sa panggulo natin?
O MERON bang adviser ito?

*****

KAYO NAMAN O…
mayaman po ang may-ari ng Din Tai Fung.
Nandun din nga si Hans Sy ng SM eh.

Ang SAF 44 ba, mayaman???

*****

AT SAKA…
importante talaga ang SIOPAO
sa ating ekonomiya.

Magkano ba isang order n’yan?
P160 lang naman ang pinakamura.

So, isang order ng siopao…
budget na sa dalawang araw
ng mga “boss” ni PNoy.

Importante nga sa ekonomiya.

Siopao pa more, ser!!!

*****

EH, BAKA NAMAN KASI SPECIAL TALAGA
ang siopao ng Din Tai Fung.

Baka akala ni PNoy, may… booger wonderland?

Kaya siguro napasugod!

*****

NAHULAAN N’YO BA KUNG ANO
ANG DESSERT NI PNOY?

Walang iba kundi tulad niyang….
AMPAW.

*****

SUMAMA RIN KAY PNOY SA DIN TAI FUNG OPENING
ang Liberal Party prez candidate na si Mar Roxas.

Dalawang ampaw.

*****

SO, BAKIT NGA ULIT DUMALO SI PNOY DOON?

Two words:
Libre siopao.

*****

NATATANDAAN N’YO BA NANG
MAGING “COVER” NG NEWSKUPOW!
ITONG SI RAMON BAUTISTA?

Ang title ng Newskupow issue na iyon ay:
“ANG HIPON… BOW!”

Ang “hipon” ay “masarap” ang katawan,
pero patapon ang ulo.

Hindi po si Ramon Bautista ‘yon.
Lahat sa kanya, patapon.

*****

KAYA PO SIYA TINAWAG NA HIPON NOON
ay dahil sa joke niya nang mag-host ito sa Davao City
noong August 2014.

Sabi niya:
“Tama! Ang daming hipon dito sa Davao!
Alright!!!”

Baka naman may salamin sa harap n’ya noon.

*****

NAG-APOLOGIZE NAMAN SI BAUTISTA NOON:

“I’m here in front of you to say my apologies
because sinabi ko ang daming hipon dito.
Oo nga, NAHIHIYA po ako sa inyo because
you welcomed me in your beautiful city.”

Nahihiya pa po siya NOON.
Pero NGAYON, hindi na.

*****

NGAYON AY SIKAT NA NAMAN SI RAMON BAUTISTA.
Hindi na siya hipon this time,
isa na siyang BUWITRE.

*****

MATATANDAAN NA NAGING VIRAL
ang episode ng “Kontra Bando” sa TV 5
kung saan pinagtawanan ng mga hosts –
kasama na si Ramon Bautista —
ang “fist bump” video ni Mar Roxas,
kung saan pang-FAMAS ang acting nito
sa harap ng isang bata — at sa harap ng camera.

Mangiyak-ngiyak ang mga hosts ng show
dahil sa sobrang kaepalan at trying hard
ng dati’y DILG secretary.

I-click ang hyperlink ng episode na iyon (sa taas)
at basahin ang mga comments para kay Bautista.

Sa lutong ng mga mura para sa kanya
(hindi po puwedeng magbigay ng sample dito),
magmumukhang santo si Mayor Digong.

*****

PERO HABANG VIRAL PA RIN ANG VDEO NA ‘YON…
biglang lumutang ang bagong video ni Mar Roxas
kasama ang mga KWARTISTA at si —–
RAMON BAUTISTA!!!!

Ano’ng ginagawa mo d’yan, ser???

Magkano ang nangyarI???!!!!

*****

KINUYOG SI RAMON BAUTISTA
dahil sa appearance niya sa video na iyon.

Obvious naman kasi na may kumita dito.
Kaya naduling.
Doble kita.

*****

PATI ANG MGA INI-ENDORSE NI BAUTISTA
na products, iboboykot din daw ng mga
dismayadong ex-fans.

Weno naman ngayon?
Sa laki ng kinita niya,
di na niya kailangan ng endo-endorsement
na ‘yan, ‘no!

Empi pa more!!!

*****

NGAYON, PANAY ANG PAPURI NI BAUTISTA
sa dati’y binabatikos niyang si Mar Roxas.

Mali si Ate Guy.
May himala!!!!

*****

DAHIL NGA NABUGBOG-SARADO SA SOCIAL MEDIA,
naglabas ng Episode 36 ang “Kontra Bando”
na pinamagatang “Husga Pa More.”

Napanood n’yo ba ang episode na ‘yon?

It was — to say the least —
VERY AWKWARD.

Pati mga fans ng “Kontra Bando”
tinawag itong “the worst episode.”

Kain na lang tayo ng…
sinampalukang hipon.

*****

SAYANG ANG “KONTRA BANDO”
dahil akala ng marami ay TOTOO ang mga banat dito.

Pero, dahil sa isang pangyayari,
biglang nawala ang credibility ng show.
Kahit ano pa ang sabihin nila,
may bahid na ito at may tatak na:
“KONTING PONDO.”

*****

SABI NG ISANG NETIZEN
(patungkol sa lutong ng pagbitiw ng mga hosts
ng salitang “MANGMANG”):

May gamot sa mangmang = Edukasyon.,
Pero sa HIPOKRITO, wala!

*****

SA KANYANG TWITTER ACCOUNT,
defensive si Ramon Bautista
at pinanindigan ang pagsuporta kay Mar.

Sabi niya:
“Daming nambabatikos at nanghuhusga
na walang batayan. Basta ito ang stand ko
bilang malayang Pilipino – ‘
kay Mar Roxas ang boto ko.”

Mukhang malaki nga ang nangyare.

*****

AND LATER, MAY POST SIYA NA MAS DEFENSIVE:

“Nabayaran nyo muka nyo. Mapanghusgang lipunan,
eto ang mga dahilan kung bakit Mar ang boto ko.”

Nakakatakot naman!
Kumakahol ang aso!
Ang asong puro kahol.

*****

SPEAKING OF THE “FAST FORWARD” AD NI MAR
na namumutiktik sa mga kumikinang na artista…

kumakalat ang balita na dito raw napunta
ang P10 BILLION na hindi pa natatagpuang
pondo na para dapat sa mga Yolanda victims.

Bakit?
Di ba biktima rin naman ang mga artistang ‘yan???
Biktima ng kaswapangan!!!

Intindihin na lang natin.

*****

MAR ROXAS:
“Wala ni isa sa mga artista sa Fast Forward video
ang binayaran.”

HAHAHAHAHAHAHA!!!!

Tawa naman kayo!!!!

*****

MAR ROXAS:
“Absolutely zero government funding was used
to produce the video, because we did not pay
any of the celebrities a single centavo.
Ito yung mga naniniwala na dapat
magpatuloy ang Daang Matuwid.”

Three words for you, sir:
Utut mong blue.

*****

CRISTY FERMIN:

“Ano’ng libre??
Malaking magbayad ang Liberal Party, no!”

Parang naririnig ko si Isko Moreno:’
“Alam ko po ‘yun.”

*****

SPEAKING OF THE FAST FORWARD VIDEO…

Good news: 2k na ang nag-like nito!!!
Bad news: 26k na ang nag-dislike nito.

Boom!

*****

BINANATAN DIN YUNG 3 SINGERS SA VIDEO
dahil hindi naman daw eligible bumoto ang mga ito
dahil hindi naman Filipino ang citizenship nila.

Weno naman ngayon?
Ano’ng ginagawa ng HOCUS PCOS??

*****

NEWS ITEM:
PNOY OFFICIALS MUST ANSWER MISSING P10.1 BILLION.

Kung sino man ang nagsulat nito,
obviously hindi pa napanood ang Fast Forward video.

*****

SA 30TH ANNIVERSARY NG PHILIPINE DAILY INQUIRER,
nag-lecture si PNoy sa mga writers nito
how they should write and treat stories.

In short, he said:
Purihin n’yo ako.

*****

PNOY:
“PART OF ME WANTS TO STAY ON AS PRESIDENT.”

Parang manananggal.

Ng lakas.

******

PNOY NAKIISA SA INT’L HUMAN RIGHTS DAY.

One word for you, sir: Gloria.

*****

SEN. GRACE POE
(PATAMA KAY MAYOR DUTERTE):
“Mga pumapatay ng kriminal
hindi dapat mamuno.”

Di ba ‘yan ang roles ni FPJ sa movies niya dati?
Di ba ‘yan ang gusto mong ipagpatuloy?

*****

POE DISQUALIFIED BY COMELEC 1ST DIVISION,
AND EARLIER BY THE 2ND DIVISION
0-2 FOR POE

POE BEFORE:
“Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ.”

CHIZ NOW?
“Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni Grace.”

Say Chiz!

*****

SEN. GRACE POE:
MY VERY IDENTITY IS BEING TAKEN AWAY FROM ME.

Which one po, the local or the foreign identity?

*****

MAR ROXAS, MOCKING MAYOR DUTERTE:
“Hindi safe ang Davao.”

Pero nito lang August 2015 ay binigyan mo —-
bilang head ng DILG —-
ng “Seal of Good Local Governance”
ang Davao City.

Di na mabilang ang kaeng-engan mo, ser.

*****

MAYOR DUTERTE MOCKS MAR ROXAS:

“Mar (Roxas) gave the victims (of “Yolanda”)
uncooked rice. Why will you give them rice
when they don’t have pot and water to cook them?”

Naku, hindi n’ya po alam ang sagot diyan!
Hindi n’ya nga alam na sa plato dapat
nilalagay ang kanin… at hindi sa tasa eh!

*****

KWENTO PA NI DIGONG ON YOLANDA AFTERMATH:

“This was what I told him, ‘Mar, can I talk to you privately?
You are looking for men connected to the city government.
Do not look for those people. For all you know
they are already dead. All of them are victims.’”

Hindi n’ya po alam ‘yon.
Common sense ‘yun eh.

*****

COMELEC FEARS NO ELECTION SCENARIO IN 2016

PALACE: TULOY ANG 2016 ELECTIONS.

Ah, baka ang Palasyo na ang bagong COMELEC.
O baka sila ang magbibilang ng boto.

Hocus PCOS pa more!

*****

BAGYONG NONOY GINAWANG NONA

Masyado raw kasing malapit sa palayaw ng pangulo.

Oo nga naman.
Baka mag-tantrum.
Signal No. 5 aabutin natin.

*****

INGAT PO TAYONG LAHAT KAY NONA…
at kay Noynoy na rin.

*****

PHOTO CREDITS:
MAR ROXAS & RAMON BAUTISTA: www.flippish.com
GRACE POE: www.philstar.com
MAYOR DUTERTE: www.philstar.com
PRES. AQUINO AT DIN TAI FUNG OPENING: news.pia.gov.ph
PRES. AQUINO AT DIN TAI FUNG OPENING 2: www.shootfirsteatlater.com

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>