2015 11 29

NEWSKUPOW! Ang Labanan ng mga Tanga, Bobo at Mangmang (Their words, not mine)

Written by

Sunday, 29 November 2015 - Last Updated on November 29, 2015
2015 11 29

2015 11 292015 11 292015 11 29

2015 11 29PANGULONG PNOY TUMULAK NA PAPUNTANG EUROPE.

Yeheeeey!!!!

Babalik siya ng Pilipinas sa December 10.

Babalik?

Bakeeeet???

 

*****

HINDI TOTOONG NAKAPASOK NA SA PINAS ANG ISIS.

Ito ang sabi ng AFP matapos maglabasan

ang pictures ng ISIS flag na diumano’y  kinunan sa Pinas.

 

Pero totoo pong nakapasok na sa Malacañang ang

iSISI.

 

*****

AFP CHIEF GEN. HERNANDO IRIBERRI:

“We have no confirmed report pertaining to

the presence of the ISIS here.”

 

Are you Iriberri, berri sure, ser?

 

*****

ANG DAMING NAGSULPUTANG MAPANIRANG POSTS

laban kay Davao Mayor RODRIGO DUTERTE:

Berdugo, mamamatay, komunista, etc.

 

Ganun din kay VP JEJOMAR BINAY:

magnanakaw, sinungaling, nognog, etc.

 

Ganun din kay Sen. GRACE POE:

walang alam, hindi Pinoy, lasengga, pugon.

 

Ganun din kay Sen. MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO:

may titiling, hindi fit to run.

 

Eh kay MAR ROXAS?

Hindi na kailangang siraan.

Self-destructing na.

 

*****

SO, KUNG LAHAT AY AYAW N’YO…

sino na lang ang pag-asa ng Pilipinas?

Sino na lang ang walang kapintasan???

Si Archangel Lucifer.

Mabu-HEY!

 

*****

AT YUNG INTERGALACTIC AMBASSADOR.

May pag-asa na tayong makatakas

sa mundong malupit.

 

*****

SABI NG MGA ANTI-DIGONG…

TANGA raw ang mga fans nito.

Sabi naman ng mga anti-Binay,

BOBO raw ang boboto kay VP.

Sabi ng mga anti-Marcos,

MANGMANG daw ang mga loyalists.

Puro TANGA, BOBO, MANGMANG

pala ang mga boboto sa 2016 eh.

So, bakit pa tayo mag-e-eleksyon???

 

*****

PERO KUNG TITIGNAN MO ANG NAKAUPO NGAYON…

parang totoo nga, ‘no?

Napa-OUCH ka ba?

 

*****

KUMALAT DIN ANG VIDEO KUNG SAAN

naka-pout ang lips ng isang dalaga

at akmang hahalikan si Digong.

Ginaya ito ni Digong at akmang

makikipag-smack din sa dalaga.

 

Dahil sa video na ito, kinuyog din si Digong.

Sinabihang manyak.

Hindi raw ito gagawin ng isang tulad ni PNoy.

 

Oo naman.

Kung si PNoy ‘yun, tiyak na mapapa-EWWW

ang dalaga.

At si PNoy.

 

*****

KUNG PAPANSININ N’YO ANG BAKBAKAN

sa social media ngayon, ganito ang pattern:

1) Magpo-post ng mapanirang meme ang kampo

ni Candidate A laban kay Candidate B.

2) Sususugan ito ng iba pang fans ni Candidate A.

3) May maglalakas-loob na sumalungat dito,

si X, na fan ni Candidate B.

4) Kukuyugin si X ng fans ni Candidate A.

5) Kukuha sila ng pics mula sa account ni X,

pipintasan ito, gagawan ng memes,

at iinsultuhin pati mga anak/kamag-anak nito.

6) Uulan na ng mga insulto (bakla, mangmang,

tanga, atbp. salitang hindi pwedeng banggitin dito).

7) Darating ang reinforcement ni X, at aabot

ang thread sa mahigit 100 comments

na puro pagmumura at puro insulto.

 

Nawala na ang focus kina Candidates A and B.

 

Welcome to the Information Age!

Ang civilized na natin, ‘no?!!!

 

****

KUNG MAKA-MANGMANG NAMAN ANG IBA DIYAN!

Oo na, kayo na ang matalino!

Lahat ng hindi sang-ayon sa paniniwala n’yo…

bobo, tanga at mangmang.

 

In other words,

lahat po tayo ‘yon.

Kasama ang nagbitiw ng mga salitang ‘yan.

 

*****

SUSAN ROCES IPAPALIT DAW KAY GRACE POE

kung sakaling ma-disqualify ito.

Wha….???

Eh, kung ma-disqualify din si Susan Roces,

si ang papalit —

si Bantay o si Muning???

 

*****

KUNG PAYAGAN MAN NA MAG-SUBSTITUTE

si Aling Susan kay Grace Poe

at manalo ito bilang pangulo,

siya ang magiging pangalawang…

 

ACTING PRESIDENT.

Di ba, Erap?

 

*****

SI SUSAN ROCES AY JESUSA SONORA

sa totoong buhay.

 

Kung tatakbo si Jesusa,

lamang pa rin sa kanya si JeJoMar —

Jesus, Joseph at Maria.

 

Teka, ang Mar ba ay short din for…

MARIA???

HOLY SHHH!!!

 

*****

KUNG TATAKBO SI SUSAN,

eh di patakbuhin na rin natin si

AMALIA FUENTES!

And while we’re at it…

isama na rin natin si TESSIE AGANA.

Amy, Susie and Tessie.

VP sina Romeo, Juancho and Jose Mari!

 

*****

PERO SINABI NG COMELEC NA HINDI PWEDENG

mag-substitute ang sinuman kay Grace Poe

dahil independent candidate ito.

Ang pwede lang magkaroon ng substitute

ay ang isang kandidatong kasali sa isang

registered political party.

 

Baka si Bantay o Muning, may political party.

 

*****

SPEAKING OF GRACE POE,

binanatan nito ang pagtakbo ni Mar Roxas

noong ito ay pinuno pa ng DOTC.

 

“I think more could have been done.

I think that our people deserve better and I think

that it’s really a matter of vision, planning

and execution and leadership that could have

spelled the difference,” aniya.

 

In short, PALPAK.

At palpak din ang kasalukuyang DOTC head.

 

Di ba, Jun Abaya?

Nandiyan ka pa pala!!!

 

*****

POE ON MAR’S DOTC STINT:

“We deserve better.”

 

Ibabalik pa namin sa iyo ang

sinabi n’yong ‘yan, ma’m.

 

*****

SPEAKING OF MAR….

Nang hingian ito ng comment

sa pagtakbo ni Mayor Duterte sa 2016,

ito ang nasabi niya:

 

“Do I look worried?”

Eh bakit basa ang pantalon mo, ser?

 

*****

MAR ROXAS ON MAYOR DUTERTE:

“Welcome to the campaign.

It would be great if those who seek to serve

or present their platform

become part of this CONTEST.”

 

At nagpaalam na siya para maghanda

sa swimsuit competition.

 

*****

MAR HINALIKAN SI ATE KORING

SA ISANG CAMPAIGN RALLY.

 

May mga kinilig,

pero mas marami ang

tumayo ang balahibo.

 

*****

KUMALAT DIN ANG PICTURE NI MAR

na kumukuha ng kanin at nilalagay sa coffee cup.

Pa-masa effect daw ito. Paawa.

At walang naniniwala na ang isang Mar Roxas

ay mauubusan ng ISANG plato.

 

Ibang klase talaga epal moves mo, Marimar.

Sino ba scriptwriter mo?

Pwedeng mag-apply?

 

*****

PINOY BINANATAN SI BONGBONG MARCOS

dahil hindi raw ito nag-a-apologize

para sa Martial Law.

 

Sagot ng kampo ni Bongbong:

Fine!  Pero mag-apologize ka rin sa mga sumusunod:

Luneta hostage crisis

Mamasapano incident

Tanim-bala

DAP/PDAF

MRT/LRT

Traffic!

NAIA being the worst airport

Opening of balikbayan boxes

Yolanda rehab effort and missing funds

Zamboanga siege

Bohol earthquake relief

Hacienda Luisita Massacre

Mendiola Massacre

Malampaya fund scam

At marami pang iba!

Sige nga!

 

*****

O BAKA NAMAN GUSTO MO,

ang mga Boss mo pa ang mag-sorry sa ‘yo, ser?!!

 

*****

BINAY VOWS TO FIX ELECTRICITY CRISIS

Baka naman KURYENTE ‘yang balitang ‘yan, ha!!

 

*****

BINAY VOWS TO FIX ELECTRICITY CRISIS

Ingat lang, ser, baka makuryente ka at…

masunog.

Sayang ang flawless skin.

Di ba, Kris?

 

*****

SEN. MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

binanatan ang “bloated, ambitious 2016 budget.”

Eh, bloated and ambitious din po

ang gumawa ng budget na ‘yan, di ba?

 

*****

SEN. MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO:

“Last year, I warned about excesses

in pork barrel spending,  abuses in the utilization

of lump-sum appropriations

and unprogrammed expenditures.

I repeat the same warning on the 2016 budget;

only the portents are more grave

and the threats to our financial stability more serious.”

 

In short, hayup daw kayo, mga buwaya!

 

*****

NEW ZEALAND CONTESTANT QUITS BEAUTY PAGEANT.

Umangal ito dahil pinangakuan daw sila

ng all-expense paid five-star hotel accommodation

sa Cagayan de Oro…

pero manipis na kutson ang ibinigay sa kanila

at ang kwarto ay “crawling with bugs.”

 

Baka naman ang organizer niyan ay si…

Dinky Doo Soliman!!!

 

*****

SINABI RAW NG ISANG GOVT OFFICIAL SA KANILA:

“Where we were (CDO), they kidnap people

and use them as sex slaves,

it’s the number one place for human trafficking

and we needed to get these girls out of here.”

 

Sino namang eng-eng na govt. officer

ang magda-dialogue ng ganyan???

 

Teka….

Nasa CDO ba si Mar Roxas?

 

*****

BULKANG KANLAON BUMUGA NG ABO

Alert Level 1 raised after minor explosion.

 

Bago ito, sumabog ang Bulkang Telica sa Nicaragua.

At hanggang ngayon ay patuloy na

sumasabog ang bulkang Copahue sa Chile.

Sunod-sunod, no?

Nagsimula ‘yan last week ng sumabog

ang Bulkang Kristeta sa social media.

Mas matindi pagsabog nun!

Kasi yun ang center of the universe, eh!

 

*****

PHOTO CREDITS:

RODRIGO DUTERTE

GRACE POE

SUSAN ROCES

JEJOMAR BINAY

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>