nkpow may 14

NEWSKUPOW! Ang kahol ng Punisher, ang hagulgol ng Mama’s Boy

Written by

Saturday, 14 May 2016 - Last Updated on May 15, 2016
nkpow may 14

nkpow may 14

PALASYO (SA MGA NAGSASABING dapat ipakulong si PNoy pagtapos ng term nito):

 

“Talking about PNoy arrest

is not good for unity of the nation.”

 

HAHAHA!!!

Bigla silang naging concerned

sa unity ng bansa?!!!

 

Kelan pa???

*****

PNOY TUTULUNGAN DAW SI DU30

para sa smooth transition of power.

At para mabulungan din si Digong na:

“Huwag mo ko ipakulong, ha, Daddy D?”

 

*****

“DADDY D” NGA ANG TAWAG

ng isang LGBT group kay DU30.

 

At kinilig naman si MOMMY D.

 

*****

KUNG SI NOYNOY, NAGING PNOY

(pinaiksing President Noy),

tatawagin din ba si Digong na PGong??

 

Ayaw ni Pong!!!

 

*****

ANG PAG-REACH OUT NI PNOY KAY DU30

ay pinagdududahan naman ni Atty. Oliver Lozano,

lawyer na kaalyado ng mga Marcos:

 

“Sa tindi ng galit ni PNoy kay Bongbong,

naniniwala kami na siya ang utak sa pandaraya.

Bakit bigla na lang nagpalit siya

ng attitude kay Digong?”

Baka nabighani lang.

 

*****

ABALA NGAYON SI PNOY.

Nag-eempake na pala siya.

Inuna n’ya syempre ang mga

pinakamahalaga sa buhay niya.

Ang mga ashtrays.

 

*****

SOUND SYSTEM DAW ANG MAINGAT N’YANG INI-EMPAKE.

Ito raw ang gamit niya na panlaban sa stress.

Ano kaya ang madalas n’yang patugtugin?

Baka “I Will Survive.”

(complete with choreography and kembots).

 

*****

KAHAPON SA DZMM, MAY ISANG DRUG PUSHER

na nag-apologize on air

kay presumptive president Rodrigo Duterte.

Noong makalawa naman,

may nag-surrender ng shabu.

Nabigla pati ang mga pulis.

Takot sila kay DU30 Harry!!

*****

 

BTW, KAHAPON AY…

Friday DU13th

 

*****

KWENTO NG ISANG RADIO REPORTER,

sa bayan nila ay walang bumoto DU30.

Bakit daw?

Takot daw kasi ang mga magulang doon.

Baka raw pag nanalo si Digong

ay ipakulong nito ang mga anak nilang…

ADIK.

Yown!

 

*****

BTW, SI DU30 ANG COVER NG TIME MAGAZINE

para sa May 23 issue nito.

Wha…..t ?

Di ba si Marimar daw ang

flavor of the month for May?

Baka sa May 2028 siya.

 

*****

“THE PUNISHER”

ang nakalagay sa tabi ng picture ni DU30.

Hindi na-impress si Wonder Woman Dilim-ah.

 

*****

DID YOU KNOW THAT DU30

declined several awards??

Wow!!

Ibang-iba sa credit grabbing yellow leaders! *

 

*****

 

MATAGAL NA RIN SIYANG DI NAGYOYOSI. *

At least, magiging maaliwalas na

ang hangin sa Malacañang!

 

_____

* Read 23 interesting facts

about our incoming president,

in this very interesting article.

*****

 

NOONG CAMPAIGN, IKINUMPARA SI DU30

kay Donald Trump ng America.

Bakit, naka-wig din ba si Digong???

 

*****

DU30 BALAK MAGPUNTA SA VATICAN

para mag-sorry kay Pope Francis personally.

Magastos pa ‘yan, Digong.

Sundin mo na lang ang payo ni Alma:

Dasal lang.

 

*****

SEAT OF VICTORY

Ang upuan na ginamit ni DU30

noong siya’y bumoto noong May 9

ay idi-display daw sa isang Davao museum.

Wala ‘yan sa Lolo PNoy ko!!!

Yung upuang gamit niya gabi-gabi

sa paglalaro ng DOTA

ay ilalagay din sa Mental Museum!

 

*****

ANO ANG TAWAG NG MGA ANTI-DU30

sa followers niya?

DUTERTARDS.

Engk!!! Wrong answer!

Eto ang sabi ng study tungkol diyan:

“The more the schooling, the more the appeal of Duterte:

His lead over Roxas was 28 points among college graduates,

19 points over those with some college,

8 points among those with some high school,

and 7 points among others.”

Ngayon, sino nga ulit ang “TARDS”??

 

*****

DU30 BANTER

Duterte:

“Grant me this time to banter.

I have only a month left.

Pero pag presidente na, behaved talaga ako.

Yung problema yung barong.”

Lol.

Malaki ang problema ni ser.

 

******
DUTERTE:

“Cabinet members will use

commercial plane rides.

No junkets.

No P1-million lunches.

Isang ulam at sabaw lang ako.

Nagkakamay ako.”

And PNoy was like,

“So cheap!”

 

*****

MAKIKIPAG-AYOS DIN SI DU30

sa mga tao o grupong nakabanggaan niya

noong campaign period, kasama na ang:

US Embassy

Australian Embassy

Singaporean Embassy.

 

Ok po yan.

Wag lang si Trillanes.

Ipakulong n’yo yun!!!

 

*****

TEDDY CASIÑO:

If there’s going to be any “healing”

under the Duterte presidency,

I hope it’s a healing of social ills,

not a healing of petty rifts

among the ruling elites.

‪#‎Hopeful

I share your sentiment, sir.

 

*****

NAGVIRAL MULA NONG MAY 12

ang #DearPresidentDigong

Iba’t-ibang requests at sumbong

ang gustong ipaabot sa kanya

ng mga Pilipinong sabik sa kalinga.

 

SAMPLE WISHES:

Replace Honrado at MIAA

Remove airport tax for PH passport holders

Make livelihood programs for the poor

Make Sen. Miriam your adviser

Set up our own 911

Restore death penalty for heinous crimes

Make our streets safe again

Raise teachers’ and nurses’ salaries

No fireworks for the entire country on New Year’s Eve.

Give my father a job.

 

Pero ang pinakanakaka-touch

ay ang wish mula kay PNoy mismo:

Make my wheelchair yellow.

And polka dots.

 

*****

YUNG MGA TANIM-BALA DIYAN SA NAIA…

mag-practice na po kayong

kumain ng bala.

Nang walang kanin.

 

*****

ISANG ARAW MATAPOS ANG ELEKSYON,

binisita ni DU30 ang libingan

ng kanyang mga magulang

sa Davao City.

 

Madaling araw ‘yun. 3am.

 

At doon, siya ay humingi ng lakas

sa kanyang mga magulang,

sa pagitan ng pagluha at paghagulgol.

Yes, even strong men cry.

 

*****

SI PNOY? HINDI UMIIYAK ‘YON!

 

Sabi ko, even STRONG MEN cry.

 

*****

 

UNA KONG NAISIP NANG MAKITA KO ANG VIDEO

ng isang Digong na humahagulgol:

 

Unti-unti nang nagsi-seep in sa kamalayan niya

ang bigat ng responsibilidad

na nakaatang sa kanyang mga balikat ngayon.

 

Pangalawang pumasok sa isip ko:

Tama ang sabi niyang mama’s boy nga siya.

 

At tao rin.

 

*****

 

DU30 ON LENI ROBREDO:

“Maganda siya. Maganda talaga siya.”

 

Sabi ng kaibigan kong si Fernan:

“Pag nagkataon malalagay ang “laylayan”

sa history as the only First and Second Lady!”

 

*****

 

5-6 IBABAWAL NA.

 

Anak ng Bumbay naman o!!!

 

*****

 

CURFEW FOR MINORS AT 10PM,

LIQUOR BAN AT 1AM.

 

Tapos na ang maliligayang araw

ng mga sunog-baga!

 

*****

 

HANGGANG 12MN NA LANG

ang mga pesteng kapitbahay

na mahilig mag-videoke.

 

Marami po akong ipapakulong!!!

 

*****

 

GENERALLY FAVORABLE NAMAN

ang reactions ng netizens sa mga

proposed restrictions na ito.

 

Eh, uhaw nga kasi sa TUNAY na leadership.

 

******

PERSONALLY, ANG WISH KO AY

i-ban ni Digong NATIONWIDE

ang fireworks tuwing New Year’s Eve.

 

Eto nga ako’t iwas ng iwas

sa second-hand smoke,

tapos, pag New Year’s Eve —

sagap  ko naman

ang one-year supply

ng second-hand smoke!

Pistingyawa!

 

*****

 

MAIBA LANG AKO…

 

Paano na nga pala yung hinandang

inauguration speech ni VP Binay???

 

Pwede n’ya pa naman basahin ‘yun eh…

sa panaginip.

 

******

KASAMA NI SEN. MIRIAM DEFRENSOR-SANTIAGO

sa list ng “best presidents we never had”

ay si GILBERT “GIBO” TEODORO

na tumakbo sa pagkapangulo

laban kay PNoy noong 2010.

 

ANG GOOD NEWS:

Magiging parte raw siya ng cabinet ni DU30!!!

 

Hindi mangyayari ‘yan

kung ang ibang kandidato ang nanalo.

 

Siya ang kandidato ko noon.

 

Kung siya ang nanalo noong 2010…

Sana’y hindi tayo nalugmok

sa anim na taon na pamumuno

ni Boy Sisi.

 

*****

LIMANG BAGITO,  PASOK SA SENADO:

Risa Hontiveros

Leila De Lima

Win Gatchalian

Joel Villanueva

and

you know.

 

*****

NUMBER ONE SA MGA SENATORIABLES

si Porklin Driloink.

BAKIT????

Masokista na ba talaga tayo??

 

*****

SABI NI SENATORIABLE GRECO BELGICA:

“I’d rather have the Pacman in the senate ‘

than Drillon who got the BIGGEST DAP

and the rest of the DAP/Pork Barrel Senators!

At least yun hindi kurakot

at pinaghirapan ang perang yaman.”

You’re right,

you know.

 

*****

ANYARE KAY ISKO?

Late 2015, binaha ni Isko Moreno

ang airwaves ng kanyang ad na

“Alam ko po ‘yun.”

Sure na ang lahat na pasok siya.

That ad was genius!!!

Kaso, parang naubusan yata siya ng bala

pagpasok ng April 2016.

Mali ang strategy.

Baligtad.

Di n’ya po alam ‘yun.

 

*****

TALO SI ISKO.

Talo si Alma.

Ngayon, alam na natin

kung bakit hindi tumakbo sa senado

noon si Kuya Germs  (SLN).

 

*****

SA MGA SENATORIABLES,

ang pinamalaking campaign spending

from February 9 to March 31, 2016

ay si…

(drum roll here)

EX-MMDA CHAIR FRANCIS TOLENTINO.

Nasa top 12 ba siya ngayon?

Waley.

Kung nakikita n’yo lang sana

ang ngiti ko ngayon.

 

*****

PANGAKO NI PACMAN,

full-time mambabatas na raw siya ngayon.

Parang narinig na namin ‘yan.

 

*****

PASOK NA SI PACMAN AT SI DICK SA SENADO!

 

Talo naman sa Cebu bilang councilor si…

Titing Tumulak!

 

Parang mahalay ang eleksyon ngayon, ‘no?

*****

 

PHOTO CREDITS:

RODRIGO DUTERTE ON TIME MAGAZINE

RODRIGO DUTERTE’S VISIT PARENTS’ TOMBS

PRES. BS AQUINO III

GIBO TEODORO

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>