nwskpow sep28

NEWSKUPOW! Aba, aba, aba, Abaya!!! Aba, aba, aba, Aldub!!!

Written by

Monday, 28 September 2015 - Last Updated on September 29, 2015
nwskpow sep28

nwskpow sep28

2 PNP-HPG COPS BINUGBOG
ANG ISANG MMDA TRAFFIC ENFORCER.

Baka hindi kasi nag-share ng kotong.

o

Baka napagkamalan nilang si Chairman Francis Tolentino!

*****

SPEAKING OF TOLENTINO…

Eto ang sabi ng kagulang-gulang na MMDA chairman
tungkol sa babaeng nag-record ng pangongotong sa kanya
ng isang MMDA traffic constable:

“Sa ganung entrapment ay may violation din po
ang nag-entrap. Mayroon tayong Anti-Wiretapping Law.”

Entrapment???
Kinokotongan po siya, chairman!
At nakunan n’ya ng video ito!

Ano ba talaga ang hinihithit mo, ser??!!!

*****

TOLENTINO:
“Mayroon tayong Anti-Wiretapping Law.”

Ano po ang ni-wiretap?
Pakibigyan nga ng dictionary si ser!!!

*****

MR. CHAIRMAN, SINO PO BA TALAGA
ANG KINAKAMPIHAN N’YO —

Ang mga motorista o ang kotongerong tauhan n’yo?

Yung totoo lang po!

*****

YAN BA ANG TATAKBONG SENADOR SA 2016?

Eh utak-lamok eh!

*****

ETO PA ANG ISA…

DOTC SEC. JUN ABAYA (Oo, yung nagsabing traffic is not fatal)
ON GEN.ANTONIO LUNA’S DEATH:

“I’ve read enough books, there are other versions.
I don’t think he was assassinated.”

So, baka suicide, ser?
Talino mo naman!

Classmate mo ba si Francis Tolentino?

*****

SI SEC. ABAYA AY GREAT-GRANDSON NI EMILIO AGUINALDO.

Ah… kaya naman pala.

*****

30 WOUNDS FROM BOLOS AND GUNSHOTS, SIR!
At bakit ni hindi naparusahan ang mga pumatay sa kanya?

Malamang dahil inutos ito sa kanila ng great-lolo mo, di ba?

Pumasa ka ba sa Philippine History, ser?

*****

HINDI PO BA’’T MATAPOS PATAYIN SI HENERAL LUNA
ay narinig pa ang nanay ni Aguinaldo na nagtanong:

“Nagalaw pa ba iyan?”

So, hindi assassination, Sec. Abaya?

Puñeta!

*****

PUÑETA RIN ANG MGA NAGTATANONG KUNG BAKIT
LAGING NAKAUPO SI APOLINARIO MABINI SA PELIKULA.

Mga eng-eng!
Kasi po, si Epy Quizon na gumanap bilang Mabini
ay pinupulikat noong shooting.

Intiendes?
Malinaw na???

*wink* *wink*

*****

ISA SA PINAKASIKAT NA LINYA MULA SA PELIKULA ANG:

“Para kayong mga birhen na naniwala
sa pag-ibig ng isang puta!”

Sabay napa-“ouch” sina Kris at Vice Ganda.

*****

AT DAHIL KUMITA ANG PELIKULANG “HENERAL LUNA”
(P140 MILLION as of today),
sigurado na raw na gagawa rin sila
ng pelikula tungkol naman kay GREGORIO DEL PILAR.

At pag kumita rin, iyon, gagawa pa ng ibang pelkula
tungkol sa iba pang mga bayani.

At natuwa si Bayani Agbayani.

*****

MARAMING NAGANAP NOONG SEPTEMBER 26.

Inabangan ang pagdalaw ni Alden sa mansion,
at ang desperadong attempt ng Kapamilya Network
na tapatan ang ratings nito.

DABARKADS laban sa BUONG ANGKAN NG PAMILYA.

Ang saya-saya!

*****

OUT OF DESPERATION,
HINALIKAN PA NI VICE GANDA SI KARYLLE.

Kasuka-suka!

*****

HUWAG MABIGLA KUNG NEXT WEEK
ay kakain naman sila ng apoy at tutulay sa alambre.

*****

PATI SI LEA SALONGA AY BINATIKOS
dahil sa tweet niya na parinig sa Aldub:

“Okay lang sa akin ang kababawan,
pero hanggang doon na lamang ba tayo?
#NagtatanongLangPo.”

Sarcastic na sagot sa kanya ng netizens:

“Ang lalim kasi ng THE VOICE, no?!”

Boom!

*****

NATAPATAN BA NAMAN NILA ANG ALDUB?

25.6 MILLION TWEETS ANG ALDUB.
Eh, sila Vice at buong angkan?

Huwag n’yo nang tanungin.
Kawawa naman.

*****

NOONG SEPTEMBER 26 DIN GINANAP
ang malaking rally sa Quirino Grandstand
para hikayatin muli si Davao Mayor RODRIGO DUTERTE
na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2016.

Hindi ba’t nagpahayag na siya na HINDI siya tatakbo?

Digong, once and for all…
LABAN O BAWI???

*****

PERO HINDI NAKARATING SA QUIRINO GRANDSTAND
si Mayor Duterte dahil nasa Zamboanga City raw ito
at tumutulong sa paglutas sa nangyaring kidnapping
sa Samal Island noong September 21.

“Salamat sa lahat ng mga taong nagbigay ng suporta.
Tiniis daw ninyo ang init at ulan.
At ako ay humihingi ng paumanhin.”

And Sec. Abaya was like,
“Hindi naman fatal ang init at ulan.”

*****

ISANG ANONYMOUS NA GRUPO NG BUSINESSMEN
ang willing mag-ambag para sa kandidatura ni Duterte.

Tawagin na lang daw sila bilang Anonymous Patriots
for Peaceful and Progressive Philippines o AP4.

Magkano daw ang iaambag nila?
P1 BILLION lang naman.

At naglaway sina Mar, Grace at Jojo.

*****

WALA RAW HIHINGIING KAPALIT ANG BUSINESSMEN.
Gusto lang daw nila ng isang
“crime free, drug-free, corruption-free
and rebellion-free Philippines.”

Bakit, ayaw n’yo ba ng pamumuno ngayon?
Brain-free?

*****

NAPAKALAKING EVENT ANG NAGANAP SA QUIRINO GRANDSTAND
pero bakit hindi ito ni-cover ng major networks?

Baka gusto rin nila ng P1 BILLION?

*****

DAVAO MAYOR RODRIGO DUTERTE:

‘Sa konting panahon na lang po,
haharap ako sa bansa at sa inyong lahat.
At magdedesisyon ako ng buong kalooban
at mula sa puso. Pangako ko sa inyo –
hinding-hindi ko kayo pababayaan.”

Abangan ang susunod na kabanata — Part 2.

*****

ISA PANG MALAKING EVENT ANG NAGANAP NOONG SEPT 26:
ang pagtitipon ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo.

Pero don’t worry, hindi po sa EDSA ginanap ito
kundi sa Philippine Arena sa Bulacan.

At nanghinayang si MMDA Chairman Francis Tolentino.
Wala na naman siyang ibang masisisi.

*****

PATULOY NA PAGTAAS NG RATINGS NI PNOY
tanda raw ng patuloy na pagtitiwala sa TUWID NA DAAN.

Mali po.
Ibig lang sabihin niyan…
PATULOY ANG PAGBABAYAD NILA SA SURVEY FIRMS.

*****

272 % INCREASE IN PNOY’S POPULARITY?!!!

Talaga lang ha?!!!

Ano’ng fairy tale book ang source n’yan?

*****

SA LATEST SURVEY NG SWS,
nag-3-way tie na sina POE, BINAY at ROXAS.

Nakahabol agad si Mar???
Magkano?

*****

PNOY:
‘Overwhelming majority’ will say
We went beyond expectations.

Tama po.
Beyond belief and beyond expectations
ang FAILURE ng pamumuno mo, ser!

Pang-Guinness Book of World Records.

You na talaga!!!

*****

PNOY:
“And when we say bulk, talagang overwhelming majority.”

At napa-ouch si Sen. Drilon sa “bulk.”

****

SA SURVEY NAMAN NG PULSE ASIA NA NILABAS KANINA LANG,
nanguna si Sen. Grace Poe (26%).
Sinundan siya ni Mar Roxas (20%),
Jojo Binay (19%) at Rody Duterte (P16%).

Patuloy pa rin ang mind conditioning
gamit ang mga survey-survey na ito.

*****

PATULOY DIN ANG PANLILIGAW NI MAR AT NG LP
kay Camarines Sur Rep. LENI ROBREDO.

Out of desperation, kung anu-anong gimik na
ang ginagawa nila ngayon.

Si Presidential Spokesman EDWIN LACIERDA
ay nagpauso ng #JumpForLeni.
Nagpakuha ng photos na tumatalon.

Pero siya lang po ang nagtatalon sa tuwa.

#EpicFail

*****

SABI NI LACIERDA SA FACEBOOK:
“Please take a photo of your jump and do the hashtag.
Let’s all jump with her.”

Tumalon kaya ang mga frogs na sina
Trillanes, Cayetano at Pimentel?

Itanong natin ‘yan kay Kermit.

*****

ISA NA NAMANG KABARILAN NI PNOY ANG NASANGKOT
sa kontrobersya.

Si VIRGINIA TORRES (dating LTO chief na nahuling nagka-casino)
ay nakita raw sa CCTV na nang-a-“arbor” ng smuggled sugar
mula sa Thailand.

Nakikiusap daw ito na palusutin ang asukal
at ginamit pa raw ang pangalan ni PNoy.

REACTION NI PNOY:
Handang i-unfriend si Torres KUNG totoo daw ang balita.
Pero, at the same time, pinagtanggol din niya ito:
Bakit daw mag-ii-smuggle ng asukal si Torres
ganung bumili raw ito ng sugar cane plantation lately?

Hello!!!
Eh di lalong swak nga – COVER UP lang ang plantation
pero ang totoo ay smuggler!

Shunga lang?!!

*****

PERO SA TONO NG PANGULO,
mukhang makakalusot dito ang kabarilan niyang si Torres.

Tuwid na daan pa more!

*****

SA CUSTOMS PA RIN…

“LAGLAG BALA” VICTIMIZING PASSENGERS IN NAIA!

May ilang buwaya daw sa Customs ang “nagtatanim” ng bala
sa mga bagahe ng mga pasahero para gamitin sa pangingikil.
Siguro kasi, naniniwala sila sa kasabihang:

“Kapag may itinanim,
may aanihin.”

Plant evidence pa more!!!

*****

ANOTHER BUANG NEWS:
VP BINAY WANTS ALDEN RICHARDS TO PORTRAY HIM.

Nagbibiro lang naman .
Pero nakakakilabot pa rin.
hehehe.

*****

CONGRATULATIONS TO GILAS PILIPINAS
for their impressive win against powerhouse IRAN,
87-73 in the 2015 FIBA Asia Championship.

Pakitang gilas pa more!!!

*****

PHOTO CREDITS:
DOTC SEC. JUN ABAYA: www.mb.com.ph
EMILIO AGUINALDO: www.flickr.com
HENERAL LUNA POSTER: en.wikipedia.org
HENERAL LUNA POSTER (FLAG): www.facebook.com/Heneral.Luna
VIRGINIA TORRES: www.rappler.com
RUN DUTERTE RALLY: www.rappler.com
ALDUB: www.gmanetwork.com
ALDUB AT MANSION: www.rappler.com
FRANCIS TOLENTINO: sowhatsnews.wordpress.com
VICE GANDA KISSING KARYLLE: www.filipinoscribe.com
LEA SALONGA: www.rappler.com
LACIERDA JUMPING: www.interaksyon.com

 

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>