witch

Maniwala o hindi: Mangkukulam, mambabarang at mananambal

Written by

Thursday, 29 May 2014 - Last Updated on June 4, 2014
witch

By: Ma. Rachel Yapchiongco

witchAng mangkukulam ay sinasabing katumbas ng banyagang “witch” o bruha kapag babae at bruho naman kapag lalaki.  Ang salitang kulamin ay ang pagpapataw ng sumpa (“hex”) sa isang tao.  Ang bawat mangkukulam ay may kanya-kanyang kakayanan o kapangyarihan na manakit o gumawa ng hindi kanais-nais sa isang tao.  Ang abilidad na mangkulam ay karaniwang pinapasa mula sa isang henerasyon hangang sa susunod.  Maaaring ipasa ng isang mangkukulam ang kanyang kaalaman sa isang kamag-anak.  Ayon sa mga sabi-sabi, hindi maaaring ibahagi ang kaalaman sa hindi kapamilya.

May nakapagkwento sa akin na may mga mangkukulam na ginagawang negosyo ang kanilang kakaibang kaalaman.  Nilalapitan sila ng mga taong nais magpakulam at tumatanggap sila ng bayad upang isagawa ang maitim na mithiin.  Aking napag-alaman na ang inggit sa kapwa ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pangkukulam.  May mga tao kasi na parang natatabunan ang bait dahil sa labis na inggit sa kapwa.

Parang mahirap isipin na mayroong mga tao na handang gawan ng masama ang kapwa dahil sa labis na inggit. Kung tutuusin, hindi naman kasalanan ng isang tao kung siya ay mayroon magandang trabaho, malakas na negosyo, o masayang pamilya. Ngunit sadyang may mga tao na nilalamon ng kanilang inggit na tumutulak sa kanila upang mag-isip ng masama laban sa kanilang kapwa.

Bukod sa inggit, ang pagnanais na maghiganti ay isa din sa mga pangunahing dahilan ng pangkukulam. May mga ilan na naghahangad na gantihan ang mga taong umapi o nag-agrabiyado sa kanila.

Ang mambabarang naman ay itinuturing mas mabagsik at mas nakakatakot kumpara sa mangkukulam dahil ang mambabarang ay may kapangyarihan na manakit ng kapwa sa pamamagitan lamang ng paghipo o paghawak sa isang bagay na may kaugnayan sa biktima.

Ang salitang “nabarang” ay may kinalaman sa sakit na pinapataw ng mambabarang sa kanyang biktima.  Ang sakit ay dulot ng mga insektong tinatawag na “barang”. Isinasailalim ng mambabarang ang mga insekto sa kanyang kapangyarihan at inuutusan itong pumasok sa katawan ng biktima upang magdulot ng iba’t ibang karamdaman.

Paghahagilap ng mga sangkap – Tuwang Mahal na Araw, nililibot ng mga manggagamot ang mga bundok, kweba, karagatan, simbahan, sementeryo at iba pang lugar upang maghagilap ng mga maaaring gamitin sa kanilang pagluto o tinatatawag na pangalap.  Ang mga kandila mula sa mga simbahan at mga buto sa sementeryo ay ilan lamang sa mga importanteng sangkap sa kanilang pagluluto ng “potion”.  May nagsasabi na ang Biyernes Santo at Sababo de Glorya ay importanteng mga araw sa pangalap. Ang mga taong binigyan nila ng anting-anting, medalya at iba pang pangontra sa kasamaan ay bumabalik sa kanila upang palakasin muli ang kanilang mga gamit. Dinadasalan ng manggagamot o albularyo ang mga ito at muling sinusubukan ang bisa.

Ito rin ang panahon kung kalian naghahanap ng mga talisman at iba pang mga sangkap ang mga mangkukulam at mambabarang na maaari nilang gamitin sa kanilang ritwal.

Personal na karanasan ni Mommy Dionisia – Noong taong 2012, ibinahagi ni Dionisia Pacquiao, mas kilala bilang Mommy D (nanay ng pambansang boxing champ na si Manny Pacquaio) na siya ay naging biktima ng kulam.  Maraming nagtaka sa kanyang pagkawala sa larangan ng show business.  Ikinuwento ni Mommy D na sa kanyang apat na buwang pananahimik siya ay nakaranas ng pamamaga ng iba’t ibang parte ng katawan mula sa tiyan hanggan sa paa ngunit hindi naman nanganib ang kanyang buhay.  Tinawag niya itong “spiritual” na sakit tulad ng naranasan niya noong taong 2000.  Siya ay nagpatingin sa isang manggagamot o albularyo at doon niya napag-alaman na siya ay kinukulam. Malaki ang hinala ni Mommy D na kagagawan ito ng mga taong naiingit sa kanya.  Sinabi din ng albularyo sa kanya na ang sobrang inggit ang motibo ng pangkukulam sa kanya.  Matagumpay na natanggal ng albularyo ang kulam at si Mommy D ay agad na bumalik sa dati niyang sigla.  Aktibo na siya muli sa show business.

Mga instrumentong gamit sa pangkukulam – Maraming paraan ng kulam. Kadalasan gumagamit ang mangkukulam ng larawan o di kaya ay isang bagay mula mismo sa biktima tulad ng damit, buhok o ginupit na kuko.  May mga nagsasabi na mas malakas ang epekto ng kulam kapag personal na gamit ng biktima ang gagamitin sa pangkukulam.

May iba’t ibang mga paraphernalia ang mga mangkukulam. Mayroon mga mangkukulam na gumagamit ng athame o “double-edged” na lanseta na ginagamit sa ritwal ng pangkukulam.  Ang mangkukulam mismo ang gumagawa ng kanyang athame upang maging akma sa kanyang kamay.  Inuukitan ang athame ng mga simbolo ng okultism at iba pang may kaugnayan sa personal na buhay.

Madalas na mapanood natin sa mga pelikula na gumagamit ng mga manyika (voodoo dolls) ang mga mangkukulam.  Ginagamit ang mga manyika bilang representasyon ng katawan ng biktima na nais saktan. Upang tumalab ang kulam, ang manyika ay nilalagyan ng personal na bagay mula sa biktima tulad ng buhok.    Ang manyika ay dinadasalan at tinutusok ng karayom upang magdulot ng sakit sa biktima. Tatanungin ng mangkukulam ang taong nagsadya sa kanya kung ano ang gusto niyang mangyari sa biktima.  Maaaring pagsaktan ng tiyan ang isang tao o di kaya ay mamaga ang ilang parte ng katawan nito. Mayroon din klase ng kulam na ang hangad ay sirain ang relasyon ng dalawang tao tulad ng magkasintahan o mag-asawa.  Gumagamit ang mangkukulam ng dalawang manyika na nilalagyan ng gamit ng mga biktima.  May orasyon na dinadasal ang mangkukulam upang ang dalawang tao ay paghiwalayin o pagawayin. May mga lumalapit din sa mga mangkukulam upang humiling ng gayuma o orasyon upang paglapitin ang dalawang tao.  May katumbas din na orasyon ang paglalapit ng dalawang tao o pagbabalik ng nasirang relasyon.

Kontra kulam at barang – Ang pamilya ng biktima ng kulam ay maaari humingi ng tulong sa isang mananambal. Ito ang bansag sa taong may kakayanan na tanggalin ang kulam at alisin ang sumpa. Isang karaniwang uri ng pang-kontra sa kulam ay ang bolo-bolo kung saan ang mananambal ay gumagamit ng isang baso na may kalahating tubig.  Isang itim na bato ang hinuhulog sa baso at ito ay hinihipan ng mananambal gamit ang isang straw. Ang baso ay pinapadaan sa katawan ng biktima habang isinasagawa ang proseso.  Kapag bumula ang tubig, may mapapansin na mga hugis na namumuo sa baso.  Ang itim na bato ay nagsisilbing isang magnet na humihigop sa mga masasamang elemento na inilagay ng mangkukulam o mambabarang sa katawan ng biktima.

Ang mananambal ay maaari din magsagawa ng ibang ritwal tulad ng paghaplos ng lana sa katawan ng biktima at pagpagong kung saan nagsusunog ng mga bagay hanggang sa ito ay maging abo.

Photo: “Witches Whirl Waltzes” by M Ryan Taylor, c/o Flickr. Some Rights Reserved

Ma. Rachel Yapchiongco (389 Posts)


6 thoughts on “Maniwala o hindi: Mangkukulam, mambabarang at mananambal

  1. johnpatrick

    HA..YAN PALA NGAYON KAHIT KAILAN DI AKO MABABARANG NG KAHIT CNO WALA CLANG MAGAGAWA KUNDI BAWA

    Reply
  2. johnny laneta

    AKO PO AY GUSTONG NG KULAM O MAMBABARANG PERO WLA AKONG PWEDE LAPITAN NA MAKAPAGTURO SA AKIN NG GANYANG ABILIDAD NAKA HANDA PO AKONG MAGBAYAD KONG MAGKANO ANG TUITION FEE PARA AKO MATOTO. SALAMAT PO

    Reply
  3. Alex

    Anyone can help me please…saan apo ako pwede makahanap ng isang mangkuulam? Kailangan at importante lang po talaga. Bago po mahuli ang lahat.

    Reply
  4. Nessie

    ako po ay humihingi ng tulong na sa pamamagitan ng isang kulam , ako po ay naniniwala na kaya po ninyo itong gawin sa kanila gusto ko po sana na alisin nyo ang lahat ng ala-ala nila . Na wala sana silang maalala kahit anong bagay na mga nangyari at lumipas . Contact me on 09069353549 or send me an email . Thank you .

    Reply

Leave a Reply to johnny laneta Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>