Makabagong paraan ng panliligaw

Written by

Sunday, 5 January 2014 - Last Updated on March 20, 2015

Ang laki na ng pinagbago ng panahon lalo na ng mga kabataan.  Ang aga na ng mga bata ngayon mamulat sa ideya ng pag-ibig. Alam na ng mga bata sa elementarya ang ibig sabihin ng “crush.”  Ang pamangkin ko nga na pitong taong gulang ay may “crush” na at marunong ng kiligin.  Sa murang edad na yun, nakatanggap na siya ng “love letter” mula sa isang niya kaklase na may kasamang tsokolate pa. Iba na talaga ang panahon!

Makalumang panliligaw

Noong sinauna, ang panliligaw ay isang ritwal na inuugnay sa daan patungo sa kasal. Kapag nanligaw ang isang lalaki sa isang babae, seryoso ang kanyang pakay sa dilag. Handa siyang gawin ang kahit anong mahirap na pagsubok para lamang makamtan ang matamis na oo ng dilag. May napanood ako na lumang sine, black and white pa nga, tungkol sa ligawan.  Nabilib ako sa lalaking karakter dahil ilang buwan siya nagsilbi sa pamilya ng babae para maipakita ang kanyang katapatan ng loob. Araw-araw siya na pumupunta sa bahay ng kanyang nililigawan upang mag-igib ng tubig, tulungan ang mag-ina sa pamamalengke, magsibak ng kahoy na pangatong, tumulong sa pagkumpuni ng anong man sira sa bahay, ku

muha ng mga bunga ng punong kahoy, magbitbit ng mga nilabhan, magsampay, at kung anu-ano pa. Madalas din mag-alay ng regalo ang lalaki sa babae. Ang lalaki noong unang panahon ay matiyagang nagsisilbi at nagaalay ng oras sa pamilya ng babae. Pero wala ka na sigurong makikitang ganyan ngayon. Hindi na kasi uso ang paninilbihan. Sa pelikula mo na lamang ito maaaring mapanood.

Makabagong panahon ng ligawan

Ang makabagong panliligaw (kung panliligaw nga na maituturin) ay ibang iba sa mga dating kaugalian na nakasanayan noong dating panahon.  Marahil dahil sa pagusad ng ekonomiya, siyensa at teknolohiya, nagkaroon na din ng malaking pagbabago sa mga patakaran, ritwal, at mga inaasahan sa isang pagliligawan.

Pagbabago sa dating mga nakaugalian. Sa pagunlad ng panahon, nagkaroon ng malaking pagbabago sa ugali at pananaw ng mga tao lalo na sa mga kabataan. Ang dating mga nakaugalian ay tinuturin ng makaluma at hindi na angkop sa modernong panahon.  Baduy, “old school” at korny na daw ang dating moda ng panliligaw.

Ligawan via text messaging, email, video calling, etc. Biruin mo, pwede na ngayon magligaw

an sa pamamagitan ng text messaging.  Aba! Ang sarap ng buhay ng mga lalaki ngayon, kasi di na sila kailangan umalis ng bahay at gumastos ng malaki para makapanligaw. Pindot-pindot lang makakapanligaw na ang isang lalaki.

Kahit torpe pwede manligaw ngayon. Dati nagpapaalam ang isang lalaki bago siya manligaw. Kailagan ng isang lalaki na tibayan ang kanyang loob upang lapitan ang isang napupusuan para tanungin kung maaari siyang ligawan.  Kaawa-awa ang mga torpeng lalaki noon dahil wala silang lakas ng loob upang harapin ang babaeng nais nila ligawan.  Kapag torpe ka dati, walang mangyayari sa iyo.  Tiyak mauunahin ka ng iba.

Ngayon, swerte ang mga torpe kasi hindi nila kailangan harapin agad-agad ang babaeng gusto nila.  Konting diskarte lamang ang kailangan para makuha ang cellphone number ng napupusuan at pagkatapos maaari na mag text ang lalaki sa babae. Konting palitan ng text lamang at nabubuo na ang pagkakaibigan sa telepono. Pwede pa dagdagan ang text ng sari-saring mga emoticon upang ipahiwatig ang nararamdaman. Yan na ang uso ngayon, ligawan sa text. Hindi nga kailangan tumawag, text text lang pwede na. Kapag magaling ka pala mambola sa text, malaki ang pag-asa mo na sagutin ka agad ng iyong nililigawan.

Kung iisipin mo, parang ang hirap ng panay text lamang kasi di mo nakikita ang expression ng mukha ng la

laki. Di ba sabi nila, makikita mo sa mga mata ng tao ang totoong nilalaman ng kanyang damdamin. Eh paano kung puro text lang? Ang hirap tuloy alamin kung seryoso ang lalaki sa iyo o pinagti-tripan ka lamang.

Impluwensiya ng teknolohiya sa ligawan. Dahil hi-tech na ngayon ang mga telepono, hindi na uso ang pag-akyat ng lalaki sa bahay upang manligaw ng pormal. Pwede na daw manligaw gamit ang Facetime o Skype.  Hindi na kailangan mamasahe ng lalaki o manghiram ng auto sa kanyang mga magulang upang makadalaw sa babae.  Swerte ng mga lalaki ngayon dahil nakakatipid sila ng husto. Pero di kaya parang lugi naman ang mga babae ngayon?

Napakalaki talaga ng impluwensiya ng teknolohiya sa henerasyon ngayon.  Marami na kasing paraan ng interaksyon ngayon na wala pa noong nakaraang dekada. Bukod sa telepono o smart phones, nandiyan din ang social networking, instant messaging at video calling.

Hindi na uso ang harana. Dati nagpupunta ang lalaki sa bahay ng babae na may dalang gitara upang siya ay haranahin. Pero di na din daw uso ang harana ngayon.  Malaki pa rin ang impluwensiya ng musika sa panliligaw ngunit nabago na ang moda sa pagdaan ng panahon. Ang ginagawa ng karamihang mga lalaki ngayon ay nag-“download” ng mga kanta at nilalagay sa isang CD o USB upang iregalo sa babae.  Yung iba naman na walang tiyaga mag-“download” ay nagpo-“post” na lamang ng music video sa social networking site tulad ng Facebook at tina-“tag” na lamang ang babae.  Para na din daw itong panghaharana kasi dine-dedicate ng lalaki ang kanta para sa babae.

Online love letters. Dati nagsusumikap ang mga lalaki na gumawa ng sulat o love letters para sa kanilang nililigawan. Sulat kamay pa ang mga love letters dati. Madalas din bumibili ng mga greeting cards ang mga lalaki sa bookstore para ipadala sa kanilang mga nililigawan. Pero karamihan sa mga lalaki ngayon, tamad na sumulat ng love letter. Nag e-mail na lamang sila o nagpapadala ng message sa social networking site. Katwiran nila, mas mabilis daw makarating. Di na din masyadong bumibili ng card ang mga lalaki ngayon. Sayang lang daw ang pera eh pwede naman daw magpadala ng libreng e-card na may kasamang music pa.

Hinahanap-hanap pa din ang lumang paraan ng panliligaw. Hindi lahat ng babae ay sangayon sa makabagong paraan ng panliligaw. Sabi ni Pia, isang estudyante sa kolehiyo, ilang beses na siya nakatangap ng mga text na nagyayaya  na mag-date pero tinangihan niya ang mga ito. Gusto niya kasi na anyayaan siya ng personal. Na turn-off daw siya sa mga lalaki na walang lakas ng loob na yayain siya harap-harapan.  Wala daw siyang panahon sa mga lalaking nais manligaw sa text. Baka daw ang mga ganung lalaki ay hindi seryoso. Kung sa text sila nanliligaw, baka daw sa text din sila kung makipaghiwalay.

Iba naman ang pananaw ng kaklase ni Pia na si Jasmine. OK lang daw sa kanya na tanungin siya ng isang lalaki kung interesado siya makipag-date sa pamamagitan ng text message o e-mail. Mas madal

i din daw kasi na tumanggi. Nakakailang daw kasi na sabihin sa harap ng isang lalaki na hindi siya interesado o wala siyang pag-asa.

 

Photo: “Texting Emoji” by Intel Free Press, c/o Flickr. Some Rights Reserved

—————————–

Rachel Yapchiongco, also known as Rach to her friends, is a Psychology and Marketing Management graduate of De La Salle University.  Rachel is a full-time mom to a charming young boy and married to an entrepreneur who has a passion for cooking. She shares parenting experiences and slices of everyday life on her personal blog

calledHeart of Rachel.

Ma. Rachel Yapchiongco (389 Posts)


2 thoughts on “Makabagong paraan ng panliligaw

  1. jethro

    Admin pwede ko pang hingin yung pangalan mo kasi gagamitin ko itong article mo sa thesis ko, wala kasi ako mailagay na AYON KAY … gusto ko sana maacknowledge ka sa thesis ko imbis na ilagay ko lamang ay AYON KAY ADMINISTRATOR.. Salamat po :)

    Reply
  2. anna

    The name of the author of this article is Ma. Rachel R. Yapchiongco. Kindly also acknowledge that the piece was published in the Philippine Online Chronicles. Thanks. – Myrna Co (editor)

    Reply

Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>