LIVING ALONE TIPS)

Living (alone) in the city

Written by

Wednesday, 2 December 2015 - Last Updated on December 10, 2015
LIVING ALONE TIPS)

LIVING ALONE TIPS)

Kung single ka at namumuhay mag-isa sa siyudad o malayo sa pamilya, para sa iyo ito. Alamin natin ang ilang tips kung paano makatipid, maging safe, umiwas sa sakit, maging healthy at maging self-reliant. I have lived alone for more than eight years, so you can say na may K na akong magpayo tungkol sa pamumuhay mag-isa.

THE BASICS
Kung may extra money ka, mag-invest sa mga sumusunod na appliances na makakatulong na maging madali at comfortable ang pamumuhay mag-isa. At saka in the long run, mas makakatipid ka dahil hindi ka laging bibili ng lutong ulam — at hindi ka laging masisiraan ng pagkain..

Butane-powered cooking stove
Since mag-isa ka naman at bihirang magluto, sapat na ang butane-powered cooking stove (nasa P700 to P1,200, depende sa model). Ito yung ginagamit sa camping. Isa sa mga advantages nito ay: ito ay napaka-portable at compact, kaya madaling isalpak kahit saang patungan. At ang refill nito (P75 ang average bawat isa sa anumang Ace Hardware o Handyman shops) ay pwede ring isalpak sa backpack pagkabili. Ang isang butane refill ay tumatagal ng 4-5 hours of continuous cooking. So, kung hindi ka naman madalas magluto tulad ko, tatagal ang ng isang refill mo nang kalahating buwan. Mag-stock na ng at least 3 refills para hindi ka bili ng bili, at para siguradong may gagamiting ka, just in case kailangang magluto ng matagalan.

Rice cooker
Malakas ka man sa kanin o hindi, mas mabuting mag-invest sa 7-cup rice cooker (5-cup is too small and 10-cup is too big). Tamang tama lang ito sa 3-5 days mong pagkain, kung hindi ka naman sa bahay kumakain 3 times a day. Ilagay lang sa ref ang tira, at i-microwave lang kapag kakain na. Tip sa pagbili ng rice: tangunin kung ano yung malambot (jasmine ay siguradong malambot), para kahit galing sa ref, malambot pa rin ito kapag ininit.

Refrigerator
Bumili ka ng personal ref (brand new ay nasa P4k; pero pwede rin magtingin sa internet ng used ref) para sa pag-store ng pagkaing binili o niluto mo. Nabuhay ako sa personal ref for more than 8 years bago ako nag-upgrade to a bigger ref now. Mahalaga ito para pwede ka rin mag-stock ng veggies and fruits, at hindi ka laging bili ng bili ng ulam.

Microwave oven or oven toaster
Very affordable na rin ngayon ang microwave ovens, so mag-invest ka rin dito. Ang mga ulam na nai-stock mo sa ref ay ready to eat in a few minutes kung meron ka nito. Magtingin din sa internet ng mga recipes na gumagamit lang ng microwave. Kung wala naman sa budget ang microwave oven, pwede na ring mag-invest sa isang oven toaster. Nasa P600 lang ang average price nito ngayon.

Laptop and internet connection
Mag-invest din sa isang reliable laptop at sa internet connection. Kung may internet service ang landlord o kapitbahay mo, pwede mong kausapin kung pwedeng maki-share ka sa monthly bill nito. Kung hindi ka naman mahilig sa TV, pwede nang source ng entertainment mo ang internet. Nandoon naman lahat ng maaring interests mo: movies, music, news, social media.

Cooking and eating needs
Kung bibili ka ng cookware, mas mabuti nang piliin ang teflon-coated wares. Mas madali itong linisin at mas matipid din sa mantika kung magpiprito ka. Magandang investment ito. Samahan mo na rin ng teflon-safe sandok at siyanse. Of course kailangan mo rin ng basic eating needs: plates, platito, kubyertos, baso, tasa. Bumili ka ng extra, para magamit kung sakaling may bisita ka. Bumili rin ng microwave-safe glass bowls (see cover). Maganda itong pang-stock ng tirang food dahil from the ref, pwede nang idiretso sa microwave para initin. Ang set of 5 ay nasa P125 lang. Kung oven toaster lang ang gagamitin mo, dapat meron kang stainless bowls o platito para gamitin sa pag-init ng pagkain.

Electric fan
Pumili ng sturdy fan na siguradong tatagal. Hindi bale na mas mahal ng konti, basta’t hindi ka titirikan matapos lang ang ilang buwan ng gamit.

COOKING VS EATING OUT
Kung lagi kang nasa labas at ginagawang tulugan lang ang bahay mo, at wala kang oras magluto, mas makakatipid ka kung bibili ka ng lutong ulam. Or — kung day off mo at wala ka namang gagawin, pwede ka ring mamili ng sahog sa palengke o grocery at lutuin ang isa hanggang tatlong ulam na pwede mong i-stock sa ref. Para sa buong five days of working, may dudukutin ka sa ref at iinitin sa microwave oven. Mag-stock din ng madaling ihandang ulam tulad ng de lata (sardines, mackerel, tuna, vienna sausage) para may bubuksan ka sakaling abutan ng gutom. Ang lutong ulam sa mga karinderya ay P20 (gulay tulad ng ginisang monggo, ampalaya o upo), P35 kung chicken or pork dishes (tinola, afritada), P40 kung beef dishes (nilaga, bulalo). Kwentahin mo rin kung saan ka mas makakatipid: kung magluluto ka o bibili ng luto. Siyempre, mas marami ang servings at sahog kung ikaw ang magluluto, pero mas convenient naman kung bibili ka na lang ng ulam na luto. Nasa iyo kung ano ang mas priority mo: savings o convenience.

FOOD & NUTRITION
Kung maiiwasan mo, huwag kumain ng processed food tulad ng hotdog, ham, corned beef. Kung hindi naman maiiwasan, limitahan lang ang pagkain ng mga ito. Iwasan din ang instant noodles. Kung hindi rin maiwasan, laging maghanda ng steamed or boiled cut vegetables (carrots, cabbages, bell peppers, onions, o kung anong type mong gulay) at ihalo ito sa instant noodles. Samahan rin ng isang itlog na maluluto kapag nilagyan ng mainit na tubig. Sikaping laging may gulay at prutas sa iyong kinakain. Laging isipin na sa pagluluto, mas okay ang tubig kesa mantika, therefore: poached egg kesa estrellado o sunny-side-up, microwaved hotdogs kesa fried hotdogs, plain rice kesa fried rice, atbp.

HYGIENE
Bumili ka rin ng plate rack na may cover at utensils drawer or covered container — para hindi ipisin o dagain. Para sa mga tirang pagkain, ilagay ang tira (buto-buto, tinik, etc.) sa isang container na may sapin na plastic at may takip (see cover). Pwedeng gamitin para sa purpose na ito ang chips canister. At bago ilagay ang tira sa canister na ito, maiging hugasan muna ang tira para matanggal ang sauce, oil, o ano pa mang maaaring bumaho o mag-amoy panis. Maging ang mga plastik na pinaglagyan ng lutong ulam, o lata ng canned food, ay hugasan din bago ilagay sa canister. Mabuti ang ganitong sistema, lalo na’t kung twice a week lang dumaraan sa lugar ninyo ang truck ng basura. Para sa mga papel, plastic at iba pang basurang hindi naman lalanggamin o dadagain, maglaan ng hiwalay na trash can para dito. Huwag mag-iiwan ng anumang tirang pagkain – o kahit isang butil ng kanin — na maaaring maka-attract sa pests. Pwede ring gamitin ang balot ng chips (see cover) para sa tirang pagkain. Hugasan lang ang loob nito at pwede nang gamitin. Itiklop lang ang open part at i-seal gamit ang sipit. Kapag puno na, pwede mo na itong i-staple.

EXERCISE
Mag-invest din sa light exercise equipment (dumbells, barbells, halimbawa). Kung walang budget para dito, mag-improvise na lang at gumamit ng lumang bottles. Punuin lang ng tubig at may instant dumbbells ka na! Tignan sa internet ang exercises na maaari mong gawin. Sikaping gumawa ng ilang exercises para sa mga sumusunod na muscle groups: ARMS (biceps, triceps), SHOULDERS (front, back, and side deltoids), CHEST (upper and lower), LEGS (upper legs, calves).

SAVINGS
Maglaan ang 15% na kita mo buwan-buwan para kahit papaano ay may bubunutin ka kapag nangangailangan. At para makatipid sa kuryente, gumamit ng LED lights o CFLs. Kung nasa bahay lang at nag-iinternet lang, pwedeng corner lamp lang ang buksan mong ilaw, gamit ang pinakamababang wattage (nasa P25 lang ito). Para makatipid naman sa tubig, maglagay ng palanggana sa may paanan habang naliligo, at gamitin ang tubig na pinagliguan sa pag-flush ng toilet bowl o paglinis sa banyo. Alisin din sa saksak ang mga kasangkapan kung hindi ginagamit o kung aalis ka.

SAFETY
Laging siguraduhing nakasarado ang mga pintuan bago ka matulog o sa iyong pag-alis. I learned this lesson in a very costly fashion. Dahil sa pagod, nalimutan kong i-chain at i-lock ang main door. Paggising ko, bukas na ang pinto at wala na ang celphone, wallet, at ilang gamit ko. Nang mangyari ulit ito (second costly lesson), natangay naman ang laptop. At kung ikaw ang tipo na laging nag-aalala kung na-lock niya ba ang pinto o hindi – o na-off niya ba ang electric fan — bago siya umalis ng bahay, makabubuting gawing habit ito: Bago umalis, kunan ng picture (lahat naman ng celphone ngayon ay may carema na, di ba?) ang lahat ng saksakan, at pagka-lock ng pinto, kunan din ito ng picture. That way, hindi ka laging nag-aalala kung nagawa mo ba ang mga bagay na ‘yon. Doing that will take less than two minutes, pero ang kapalit naman noon ay peace of mind habang wala ka sa bahay.

Ilan lang iyan sa mga dapat tandaan kung ikaw ay naninirahang mag-isa. Sana’y may napulot ka kahit papaano. Hanggang sa susunod na mga tips! Always stay safe, comfortable and healthy!

Ben Bañares (113 Posts)


One thought on “Living (alone) in the city

  1. Oliv

    Salamat sa tips. May napulot akong idea dito. Pero naisip ko kung Personal Mini Fridge kaya ang gamitin ko? Pwede naman yun pang-store ng pagkain for 1 week diba? May naka-experience na ba dito gumamit nun pan-store ng pagkain for 1 week?

    More tips on living alone please. :-)

    Reply

Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>