Ikalawang bahay-bata: hospice ng mga sanggol sa Sta. Mesa

Written by

Sunday, 20 February 2011 - Last Updated on February 20, 2011

Maligaw ka minsan sa Santa Mesa, doon sa kagubatan ng mga budget motels. Sa gitna ng mga nagsisigawang signboard (359 pesos for 5 hours? VIP drive-through rooms? Ano raw?), medyo mahirap hanapin ang karatula ng Concordia Children’s Services Inc.

hospice2

Kapag nahanap mo na, pasok ka lang. Depende sa oras at sa araw ng iyong pagbisita, baka may mga batang naglalaro o naghahabulan sa garahe at maliit na playground. O kung wala naman sila, baka nasa eskwelahan pa. Pero palaging bukas ang pinto ng bahay na ito.

Ang bahay sa Concordia ay bahay ng mga bata. May iilang matatanda na nagbabantay o nangangalaga, pero sa unang limang minuto ko roon, napansin kong mga bata ang nagbibigay ng buhay sa bahay. Naroon sila, nagtatakbuhan, nagkwekwentuhan, naglalaro, nag-aagawan ng laruan, at iba pa. Kapansin-pansin na inangkin na ng mga bata ang espasyong ito bilang lugar kung saan ligtas at kumportable silang maging bata.

 

childrens_hospice_1

Dahil ang totoo, karamihan sa mga batang nakita ko roon ay walang ibang kilalang tahanan kundi ang Concordia.

Ayon kay Ms. Elizabeth Caces, executive director ng Concordia, kasalukuyang mayroon silang 17 na batang nakatira doon. Ginhawa na ito kung maituturing dahil kadalasan 22 ang mga batang pinangangalagaan nila sa Concordia.

Nagsimula noong 1983, layunin ng Concordia magbigay tulong sa mga batang inabandona, pinabayaan, at isinuko ng kanilang mga pamilya. Madalas silang tawagan ng iba’t ibang hospital—mga pampublikong hospital tulad ng Fabella at Philippine General Hospital, pero minsan pati rin mga pribadong tulad ng Manila Doctors at Lourdes—tuwing may mga batang iniwan o kaya walang balak iuwi ng mga magulang. Ang iba sa mga batang natataggap ng Concordia ay wala pang isang araw ang tanda.

Mayroong dalawang programa ang Concordia. Ang pangunahin dito ay ang pagiging tahanan para sa mga inabandonang mga bata. Sa Concordia namamalagi at pinangangalagaan ang mga bata habang inaasikaso ng mga social worker ang proseso ng kanilang adopsyon. Ang ikalawang programa naman ay para sa mga Street/ Urban poor children kung saan tinutulungan ng Concordia ang mga batang mula 7 hanggang 16 taong gulang na makapag-aral.

Palagay ko’y mas eksaktong tawagin ang Concordia na hospisyo ng mga bata kaysa sa bahay-ampunan. Ayon kay Ms. Caces, hindi sa kanila dapat dumiretso ang mga pamilyang nais mag-ampon. May takdang prosesong kailangan sundin, lalo na’t hindi dapat kunsintihin ang ‘baby shopping’ o ang pagdalaw ng mga tao sa bahay-ampunan para pumili ng bata.

Para makapag-ampon, kailangan mag-apply sa Department of Social Welfare and Development o iba pang institusyong lisensyado ng gobyerno. Mula doon, dadaan ang aplikasyon sa National Matching Committee kung saan ipinagtutugma ang mga aprubadong aplikante at mga batang ipapaampon. Upang makapag-ampon, sisiguraduhin muna ng mga social worker na mayroong financial capability ang aplikante na buhayin at pag-aralin ang batang aampunin, kailangan maayos ang marital relationship, at kailangan dumaan ang aplikante sa psychological evaluation. Maaari rin naman daw mag-ampon ang mga single, basta’t magkakaroon ng kaukulang father o mother figure ang mga bata.

Masigla ang mga bata sa Concordia noong araw na bumisita ako. Mayroon kasing IT company na nagdaos ng kanilang team building activity doon. Mayroon silang munting party para sa mga bata, may mga games pa. Itinuro sa akin ni Ms. Caces si Jay-jay, ang pinakamatandang bata na inaalagaan nila. Pitong taong gulang na siya at mahirap ipaampon dahil ipinanganak si Jay-jay na bulag at bingi. Pero sa tulong ng mga donasyon at sponsor, na-operahan na ang mga mata ni Jay-jay at nakabili sila ng hearing aid para sa kanya. Champion si Jay-jay, di matinag ang tuwa sa party. Kahit noong natanggal na siya sa trip-to-jerusalem, hindi siya magpaawat sa pagsayaw.

Sa ikalawang palapag ng bahay sa Concordia natutulog ang mga sanggol. May dalawang kwarto dahil kailangan ihiwalay ang mga baby na may sipon at lagnat para hindi sila magkahawaan.

Maliban sa staff ng Concordia, may nakilala akong dalawang estudyante ng Ateneo University doon. Mga miyembro umano sila ng organisasyong Tugon, at kasama sa kanilang mga aktibidad ang bumisita at magbigay-tulong sa mga inabandonang bata. Bagaman wala silang dalang donasyon sa Concordia, tulong na rin umano ang bumisita at hawakan ang mga bata.

Dahil mas marami ang mga batang nasa Concordia kaysa sa staff, hindi maiwasang uhaw sa hawak o touch therapy ang mga bata. Natutugunan man ang kanilang pinakamahalagang pangangailangan—pagkain, tahanan, mga damit—iba pa rin umano ang epekto ng paghawak at paglalaro sa mga bata.

Umiiyak si Mia tuwing ibinababa siya sa kanyang crib ng estudyante ng Ateneo. May sipon kasi siya pero naiinitan dahil tanghali na. Kwento sa akin ng estudyante, ulila na si Mia na wala pang isang taon ang tanda. Namatay daw ang nanay niya sa panganganak. “Nasaan ang tatay?” tanong ko. Nagkibit-balikat ang estudyante habang karga si Mia. “Nandyan lang,” at nagkaintindihan na kami.

Sa isang sulok, nilalaro ng isa pang Atenista ang palangiti na sanggol na si Marvin. “Mukhang Tsinito,” sabi ng Atenista. “Hindi ko alam kung Koreano o Chinese. Pogi,” tukso niya at napapasipa si Marvin.

Sa kabilang kwarto, tatlo-tatlo ang mga sanggol na binabantayan ng isang staff ng Concordia. Itinuro niya sa akin si Anabell, pitong buwan na pero kasing bigat lang ng apat-na-buwan na sanggol kaya kailangan patabain. Napadaan lang ako sa crib ni Anabell, bigla siyang napakapit sa daliri ko. Gusto umano ng mga bata iyon—mahawakan lang, i-tap ang mga daliri sa tiyan nila, o kaya mag-trace ng bilog sa ulo nila. Bihira lang daw kasi silang nahahawakan.

Tinanong ko kay Ms. Caces kung may nakukuha silang suporta mula sa gobyerno. “The government licenses us, certifies us,” sabi niya. Pero suportang pinansyal? “We get by through donations.” At gaano kadalas magbigay ng donasyon ang mga tao? “Once a year,” sabi ni Ms. Caces.

Binigyan ako ni Ms. Caces ng wish list ng Concordia bago ako umalis, pero nang binasa ko, parang listahan ito ng kanilang pinakamahalagang pangangailangan. Ang wish list, sabi ko sa sarili ko, ay para sa luho, mga bagay na sana magkaroon tayo—tulad ng kotse o bagong TV. Pero ilan sa mga nakasulat sa wish list na ito ay kasing halaga ng dugo at hangin sa tao.

 

hospice3

Heto ang wishlist, sakaling may mapadaan doon sa Santa Mesa, sa kagubatan ng mga motel, sa bahay ng mga bata sa Concordia:

 

Toiletries

Baby Shampoo

Baby Cologne

Alcohol 70% (isopropyl)

Petroleum Jelly (Vaseline)

Cotton

Baby Soap

Baby powder

Baby lotion

 

Milk Formula

Lactum 1+ (vanilla)

Lactum 3+ (vanilla)

Pediasure (vanilla)

Alactamil

Pre-Nan

 

Food

Cereals (oatmeal/ cerelac)

Hotcake mix

Juices/ Fruits

Sugar

Dairy products (cheese/ margarine)

Cookies/ Biscuits

Rice

 

Vitamins

Cherifer (syrup)

Ferlin (syrup)

Ceelin (syrup)

Ascorbic acis (syrup)

Haraclene

 

Medicines

Paracetamol (Tempra)

Synalar 10% Cream/ Elica cream

Ambroxol (syrup)

Cefalexin (syrup)

Amoxicillin (125mg/ 5ml or 250mg/ 5ml)

Salbutamol (Ventulin Nebule)

Bactroban Ointment 2%

Duavent Nebule

Asamvent Nebule

Montelukast (4mg)

Seretide (50mg)

Heraclene

 

Clothing

Diaper (cloth or disposable)

Toddler’s panties and briefs (s/ m)

Bath and face towel

Toddler’s shoes and slippers (boys/ girls)

Children’s dresses (0-3 years old)

T-shirt, shorts/ pants

Socks

 

Others

Curtain materials (for nursery/ play area)

Crib sheets/ toddler’s bed sheets

Kitchen utensils, kitchen towels

Crib mobile

Musical toys (for infants)

Heavy duty dryer

Nipples (for bottles)

CD/ DVD tapes for children

Laundry basket

Laundry soap

Fabric conditioner

Toddler’s bed mattresses

Crib mattresses

 

Matatagpuan ang Concordia Children’s Services sa No. 4600 Old Sta. Mesa street, Sta. Mesa, Manila. Pwede rin slang tawagan sa 716-0031 o 713-3462.

Administrator (18354 Posts)


50 thoughts on “Ikalawang bahay-bata: hospice ng mga sanggol sa Sta. Mesa

  1. jocelyn cally

    Ang sya nman ng buo ang pamilia,
    Gosto ko rin maranasan un pero paano mukhang d nman kmi mag kaka anak, 10years n kmi mag asawa wla p kmi anak, gosto ko mag adop pero paano at gano tagal ang proseso,

    Reply
      1. Fevelyn_laguisma

        Hello post gusto po naming mg adopt ng baby yung bagong panganak… ofw po kmi dito po kmi ng asawa ko sa hongkong 14years na po kming kasal but until now wala po kming anak… we are longging to have a baby.. we try our best but we can’t… we are normal couple happy and responsible…
        Hope you give one little angle to complete our family..
        Thank you
        May GOD bless all of us…

        Sincerely yours
        Fevelyn laguisma
        Email lynpotlaguisma@yahoo.com
        Phone +852 61414886

        Reply
  2. pen

    Gusto po namin mag adopt ng baby san po ba kami pwede ma i recommend na bahay ampunan eto po cp # ko 09428078091

    Salamat po

    Reply
  3. ritchelle mae

    gusto po namin mag adopt ng babygirl mga 2months old sana.. papano poba ??
    may bayad po ba ??
    anu2x po ang mga requirements ???
    please po reply ??
    please contact us..
    09463726555/09463757728

    Reply
  4. jo perez

    baby girl gusto ng girlfriend ko kahit ung mag 1 year old na okei lang samen masaya kase xa pag my nakikita baby sa labas ng bahay namen or kahit na lumalabas kame nakikita ko kase sa mga mata nya na gusto nya ng magka anak.. saan po kame pupunta magbabayad pa po ba kame ?

    Reply
  5. Virghie

    Hello.. good day po saan po kya kame pwde mg adopt ng baby ng asawa ko ? Bka po mtulungan nyo po kame .. eto po ang contct nmber ko 0949-496-4943 tnx and godbless ,

    Reply
  6. Virghie

    Saan po pwde kme mairecomend n bhay ampunan ? Gusto po kc nmen ng aswa ko mg ampon ng baby , eto po contct nmber ko 0949-4964-943 xlamat po ..

    Reply
  7. jhemima

    pki pm po aq nais po nmin mg ampon ung as in baby pagkapanganak smin na sya khit boy o girl pki pm nlng poh sa ibng katanungan ko # 09302935898/09301597214
    tnx po

    Reply
  8. Iza

    yung baby po sa tiyan ko now gusto ko po ipaampon di ko siya kayang bgyang ng mga pangangailangan nya eh. kkatapos ko lang po sa pag aaral kapos din kami ng mama ko. pde po ba sa concordia ?

    Reply
  9. imee chris mair

    4 years na kaming kasal ng asawa ko at 7years na rin kaming nagsasama. hanggang ngayun wala parin kaming anak sa kadahilanang me sakit ang asawa ko at di na kami mag kaka anak pa. Nakaraang taon pa kaming nagbabalak na maghanap ng mga batang aampunin pero Hindi ganun kadali maghanap at magtanung tanung… merun pobang taong pwedeng tumulong sa Amin para makapag ampon ng mga batang sabik at nangangailangan ng magulang?

    Reply
      1. shaira tansengco

        hi miss loulou. gusto ko po sana mag adopt ng new born baby girl. nakunan ako last year at hindi na ako pwedeng magbuntis pa. sana po matulungan nyo kaming mag asawa. gusto na po talaga namin magka anak. eto po ang email address ko. sana po ay matulungan nyo kami. salamat po.
        juniors.shaira@yahoo.com

        Reply
  10. Chello012831

    Hello po i want 2 put my unborn baby 4 adaption i’m 5 months pregnant, juz call me chello though that\’s not my real name, but pls 4give me if i had to used that name, i hope u guys understand me. I am luking 4 a loving & caring family or some couples who wants to adopt a baby since i am residing here in Kuwait now as a DH ( i was born and raised here in Philippines). Dis coming october i’ll be in pinas na para manganak.. Den i should go back here in kuwait. Dahil Kaylangan ko tapusin yung Contrata ko… But however, i am still hoping that there would be sum1 who would still be interested 2 adopting a baby.. It was an unplanned pregnancy, everything gets harder I don\’t even know what to do..
    VIBERno:+96596947534
    ROAMING#09273532831

    Reply
    1. Rose

      kmi po ng asawa ko want mag adopt ng baby kc po 4 yrs n kming ngssama dpa po kmi mgkaanak..
      sino po at san po pwede mag ampon ng baby po 0 to 12 months po hnap nmin baby girl/boy po willing kmi mg adopt..

      Reply
      1. kim

        hello po one year old na po ang baby boy ko sa dec.30 .. Gusto ko po syang ipaampon kasi hindi ko n po syng kayang suporthn, nangangayayat na sya sa kawalan namin. Single mother po ako ng dlwang boy. Ito po # ko 09064833477

        Reply
  11. ROSALIE

    Your comment is awaiting moderation.

    GUSTO KO PONG MAG AMPON NG NEW BORN BABY GIRL 9 YEARS NPO KMI NANG ASAWA KO DI PARIN KMI NAG KAKA BABY KASI DUMAAN DIN AKO SA OPERATION .PANU PO BA?
    PARA MAKUMPLETO ANG PAMILYA NAMIN

    0908 444 3037 pki txt nlang po ako o pakitawagan sana ito na ang sagot.

    Reply
  12. Gina

    Good day po, I would like to adopt a baby from your institution,me and my husband were married for 15 years and never given a chance to conceived .WE tried IVF twice but it was both failed.WE decided to adopt a baby.IF it’s okay with you may we know the process of adopting a baby? How long will it take ? I am hoping that you can help us to have a family.THank you so much and looking forward for your favorable response.

    Reply
  13. lyn

    Good day po, gsto ko po sana ipaampon ang aking magiging baby hnd ko po kc kaya ibigay ang mga pangangailangan nya 3months pregnant po ako

    Reply
    1. khriss Acuña

      Gusto ko sanang amponin yung baby mo. Pwd ko ba sya makita? May nakaampon nb sa knya? Txt mo ako please 09095323849

      Reply
    1. julie ann tana

      hi..ako po si julie ann..pwede po ba ako mag ask may 3 anak po ako puro babae..hindi ko po balak sila ipaampon..gusto ko lang po sana na may matuluyan sila habang naghahanap po ako ng trabaho..single mother po ako…mahirap po para sa akin na maghiwalay kami pero kailangan ko po gawin para sa mga anak ko..pwede po ba kaya na ipaalaga ko po sa inyo.?

      Reply
  14. Melanie

    Hello, pwede po bang dumalaw dito anytime? Or kailangan Ng appointment? Gusto Ko snang mag dala Ng mga gamit para sa mga bata gaya Ng laruan, crib bed sheets, damit Ng mga pang bata. Gusto Ko rin po sanang dalhin si jollibee dyan at mag pakain sa mga bata pra sa birthday Ng anak Ko. Laki Ako sa bandang NDC dyan sa sta Mesa pro Di Nko don nakatira ngayon. Please let me know if my plan is ok and if I need to contact anyone first. I would really love to do this for the kids and make them happy. Hoping to hear from you all soon.thank you!

    Reply
  15. Janice m bautista

    Gusto ko po mag adop paano po May isang anak ako lalaki 14yrs old nah gusto ko sana baby girl eto po no ko 09054234043

    Reply
  16. khriss Acuña

    Hi, I’m Khriss.. Gusto namin mag ampon ng asawa ko, financially stable kaming asawa.. Seaman sya at government employee po ako, bata pa kaming mag asawa. Namatayan kami ng anak last April 16, 40 minutes lang syang nabuhay. Gustong gusto na namin magka anak, please help us. We prefer to adopt a new born baby.. Yun kasi ang gusto ng asawa ko. Contact me please 09095323849 or send me a msg thru my husband’s email markleo.092495@yahoo.com

    THANK YOU!!! PLEASE HELP US!!

    Reply
  17. Diamon Batog

    Gud day,gusto ko po namin mag ampon ng bata kaya lang di namin alam piano. 10yrs na po kami kasal ng asawa ko dipa kami nabibiyayaan kaya aampon na lang po kami para mabuo po kami pamilya. . Gusto ko sana jan sa Concordia eto po number ko 09091110084

    Reply
  18. glory

    gusto ko po mag adopt ng baby..new born sana any gender…pag my money involved magbibigay po ako basta sure na my ma aampon ako..heres my number 09460408050..thanks..

    Reply

Leave a Reply to jhemima Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>