Gusto ko maging printer ng tarpaulin

Written by

Sunday, 8 November 2009 - Last Updated on November 8, 2009

TarpaulinHabang nagmamaneho kanina sa Quezon City, di ko mabilang ilang beses ko nakita yung mga tarpaulin ng isang katerbang mga pulitiko na tatakbo sa darating na lokal na eleksyon sa 2010. Iba’t ibang mensahe ang mga nakalagay sa mga tarpaulin nila. Meron mga nagsasabi na “REGISTER AND VOTE” tapos meron din nagsasabi na “LIBRENG TRABAHO”, or kaya’t “BE SAFE”. Parang masarap na negosyo mag print ng tarpaulin noh?

Dahil sa pangarap ko maging isang “Tarpaulin Printer”, nag research ako kung magkano ba yung mga lintek na yan. Sabi ni kompareng Google, nasa P15 per square meter usually daw ang cost ng mga tarpaulin. Ipagpalagay na natin na naglalaro sa presyong P80-P100 yung mga tarpaulin na ginagamit ng mga pulitiko sa QC.

Ngunit di lang cost ng tarpaulin ang usapan dito. Mukhang magandang negosyo din yung tiga-install ng mga ganyan sa mga lamp posts! Magkano kaya yun noh? Parang di ko maisip sa ngayon pero malamang malaki-laki din kita dun.

Sa personal na bilang ko lang kanina mula Kalayaan avenue papuntang Kamuning hangang San Juan, nakakita ako ng mahigit na 50 tarpaulin. Kadamihan nito ay galing sa mga kapartido ni QC Mayor [[Sonny Belmonte]]. Yung pinakamadami kong nakita ay yung mga tarpaulin ng anak niya na si Joy Belmonte na tatakbo daw bilang Vice Mayor ng QC. Meron din mga tarpaulin yung dating pet puppy ni President Arroyo – si Mike Defensor. Pakiramdam ko tatakbong Mayor yun ng QC. Lalaban siya kay Herbert Bistek Bautista.

Anywayz, may naisip lang ako. Sino kaya nagbabayad sa mga tarpaulin na yun? Sa mga nabasa ko kasi kanina na mensahe, puro mga job programs ang theme ng mga ads… ngunit 80% ng ad ay pangalan at mukha nung mga pulitiko. Kung official program yan ng QC, eh di pera pala ng sambayanan ang pumupondo diyan.

In other words, yung withholding tax po na inaawas sa sweldo ninyo kada payroll. Oo… yung napakasakit na 20%-30% na nawawala. Yan ang nagpopondo sa mga lintek na tarpaulin na yan.

Ayaw ko na maging printer ng tarpaulin

More tarpaulinsNgayon na napag-isipan ko na ng mabuti, parang ayaw ko na maging printer ng tarpaulin. Sigurado ako milyones ang ginagastos  ng mga pulitiko na yan, pero mabuti sana kung pera nila ang ginagamit nila. Ngunit ang katotohanan dito ay yung mga tarpaulin na yan na nagyayabang ng mga programa nila ay napopondohan ng buwis ng taong bayan.

Buwis na sana ay pinambili ko na lang ng pagakin. O kaya’t naitabi para sa kasal ko, o kaya sa tuition fee ng magiging anak ko. Pero imbes na maipon ko ito, napupunta sa pag gawa ng tarpaulin na nagsasabi na meron job fair. Mabuti sana ay kung mabasa pa yung mensahe nung tarpaulin… wala na nga ako makita kungdi yung mukha at pangalan eh. Hay buhay nga naman talaga noh?

Gusto ko maging Congressman

Gusto ko maging Congressman. Isa lang ang ipapasa kong batas. Kung gagamit man ng pera ng taong bayan para gumawa ng mga hinayupak na tarpaulin na yan, pagbabawalin ko lagyan ng mga project of mayor blah blah or congressman blah blah.

Ang ilalagay ko dun, handog ng buwis ng taong bayan.

Politics and politicians are temporary but taxes are forever. Don’t credit the politician, credit the tax-payers.

Photos by author. Some rights reserved.

Administrator (18354 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>