Category Archives: Politi-ko Opinions

nkpowapril 9

Newskupow! Nagsalita na rin ang clueless prez!!!

Saturday, 9 April 2016 | Written by
nkpowapril 9

NANG MAGANAP ANG MAMASAPANO MASSACRE, 3.5 days tumagal ang nakakabinging katahimikan mula sa ating Pangulo.   Nang finally ay magsalita siya, binanatan niya ang “speculations” mula raw sa mga walang magawa.   Ilang araw kang nanahimik, so ano’ng ine-expect mo??   Hulaan namin ang nasa isip mo?? *****   APRIL 1 NANG MAGANAP ANG MADUGONG Kidapawan dispersal ng mga magsasaka…Read More »

lgbt39mannypacquiao

Anti-homophobe attacks homophobe

Tuesday, 5 April 2016 | Written by
lgbt39mannypacquiao

The Pastor Pacquiao saga, the story of his cruel outbursts against LGBT people is not over. The world boxing champion was attacked in Los Angeles yesterday by a Caucasian male shouting contempt for Pastor Pacquiao’s recent (but not the first) put-down of people who “go against the Bible.” HOLLYWOOD – Boxing superstar Manny Pacquiao was attacked by an unknown assailant…Read More »

NEWSKUPOW! Anak ng Jueteng at Santa-Santita ng Semana Santa

2016 03 26

2016 03 26KUMUSTA NAMAN HOLY WEEK N’YO SO FAR?

Sabado de Sisi na ngayon.
Oops,  Sabado de Gloria pala.
Sorry naman.

*****

HINDI PO TOTOO ANG TSISMIS
na ngayon ay idineklarang
Binay Saturday.

Black Saturday pa rin po ito.

*****

KUMUSTA ANG MUNDO NG PULITIKA?
Tahimik ba ngayong Holy Week?

Kasing tahimik nina Mommy D, Annabelle Rama
at Kris Aquino.

*****

TAHIMIK NA SANA, PERO… ANO ITO??
May political ads sa “religious” programs
ng ibang major stations!

Sayang nga naman ang datung.

#PeraPeraLangYan

*****

BALIKAN NATIN ANG MUNDO NG PULITIKA MAMAYA.

Tayo muna.
Sinunod mo ba ang mga bawal?
Bawal kumain ng karne? Check!
Bawal tumawa? Check!
Bawal ngumiti? Check!
Bawal mamasyal? Check na check!
Bawal maligo? Errr….

ANG SAMA-SAMA KO TALAGA!!!

*****

IKAW, HINDI KA BA MASAMA?

Kumusta naman amoy mo?
Buhay pa ba ‘yang katabi mo?

*****

BUKAS AY ARAW NG PAGKABUHAY.

Sa Lunes naman ang pagkabuhay muli
ng campaign sorties ng mga pulitiko natin.

Balik sa dating gawi.
Balik sa mga pangako.
Balik traffic.
Balik penitensiya.

Isang mahabang haaaaaayzzz.

*****

NITONG HOLY WEEK O SEMANA SANTA
may kumalat na mga pictures
ni Sen. Grace Poe habang nagdarasal
at napapalibutan ng photographers.

Bakit sobrang lapit nila kay Sen. Poe?
Baka kinukunan ang skin pores niya.

*****

SABI NG FANS AT DEFENDERS NI SEN. GRACE,
baka naman daw hindi niya alam
na napalibutan na pala siya ng photogs
dahil sa sobrang taimtim ang pagdarasal niya.

Oo nga naman.
Kayo talaga, mga mapanghusga!

*****

BUT WAIT…. THERE’S MORE!!!
Lumabas din ang pics na ALAM niya
na kukunan siya ng picture —-
at mukhang binigyan n’ya pa
ng instructions ang mga photogs
baka siya lumuhod
at bago magsimula ang “ACTION!”

Santa-santita ng Semana Santa.

*****

PINAGDASAL N’YA SIGURO
na sana’y maganda ang anggulo
ng mga pictures n’ya.

*****

BAKA NAMAN PINANININDIGAN N’YA
ang nauna na niyang sinabi na:
“Itutuloy ko ang sinimulan ni FPJ.”

Kaya hayan….
UMAARTE NA NGA!

*****

NOONG MAUNDY THURSDAY,
hinugasan ni CARDINAL TAGLE
ang paa ni COMELEC chairman Andres Bautista
at iba pang election officials.

Baka nangangamoy dayaan na kasi.

Ewww.

*****

NATATANDAAN N’YO ANG VIRAL VIDEO
ng isang graduating student
habang tuwang-tuwa na kinukunan
ang bukas na pintuan ng Star City ride, este, LRT?

Nitong Holy Tuesday naman,
kumalat ang video ng — LRT pa rin!
Pero this time,
ayaw namang magbukas ang pintuan!
[Watch the video HERE]

Nagreklamo kasi kayo
na hindi nagsasara ang pinto, di ba?
‘Yan tuloy…
di na binuksan!

May angal pa rin?

*****

MAKIKITA SA VIDEO NA NAGPAPANIC NA
ang ma tao sa loob na dapat nang bumaba
sa station na ‘yon.

Ang iba ay sinisipa na ang pinto.

Wala ba silang dalang…
ABRE-LATA???

*****

DI BA’T MAY EMERGENCY LEVER
ang bawat pintuan ng MRT/LRT?
In case of emergency,
iiikot mo lang ang lever
para bumukas ang mga pintuan?

So, hindi pala gumagana ang mga’yun?

Sabagay…
may gumagana ba talaga
sa gobyernong ito?

Mukhang….
waley.

*****

MAKIKITA RIN ANG ISANG LRT OFFICER
na galit na galit sa mga pasaherong
pilit binubukasan ang pinto.

Pero nang makita niyang
kinukunan siya ng video,
biglang bumait ang lolo n’yo!

Aba’y… i-partner na ‘yan
doon sa santa-santita!!!

*****

SUGGESTION SA NAMUMUNO NG LRT AT MRT:
Para kumita naman kayo,
ibenta n’yo na lang ang mga lumang bagon
sa magbabakal.
Por kilo.

Para hindi na naabala ang mga “boss” n’yo.

******

NOONG HOLY TUESDAY,
nagbigay ng lenten message si Pres. BS Aquino III.

Ahh…. Lenten message pala ‘yun?
Akala ko campaign message.

*****

SABI NI PNOY SA LENTEN MESSAGE NA IYON:

“Sa pag-ikot po natin sa bansa, harapan kong nakikita
ang layo ng ating narating kumpara sa ating dinatnan.
Napakasarap pong gunitain ang dami ng ating
napagtagumpayan ng halos walang dagdag
na pabigat sa bawat isang nakiambag,”

Lenten message ba ‘yan??
O PAPURI SA SARILI message?!!

Parang magaan ‘yan bangko mo ser, ‘no?

*****

ETO PA ANG SABI NIYA:

“Sa pag-ibig natin sa kapwa…
buong loob nating isinulong ang DAANG MATUWID.
Nilaban natin ang korupsyon at kahirapan
upang maipamana ang mas maliwanag na bukas
sa mga susunod na salinlahi.”

At humaba na naman ang ikong ng lolo n’yo.

*****

PNOY:
“Lagi tayong pumanig sa TAMA AT MAKATWIRAN.”

Tapos, bigla mong maalala sina Abaya, Abad, Alcala,
Soliman, Roxas, Drilon, Sereno, atbp.

TAMA AT MAKATWIRAN MO NOO MO!!!

*****

NOONG NABUBUHAY PA SI JESSE ROBREDO,
isa sa mga nilabanan niya nang matindi
ay ang jueteng at at jueteng lords.

Ngayong wala na siya,
ang asawa niyang si Leni ay tumatakbo bilang VP —
at nakiki-BFF sa mga kilalang jueteng lords???

ANAK NG JUETENG NAMAN TALAGA, O!

*****

ANG DATING KAALYADO NI PRES. GLORIA
na si Pampanga Governor Baby Pineda
ay tuluyan na ngang umanib sa Kultong Dilaw.

Political survival ang tawag diyan.
Sa Tagalog?
BALIMBING.

Uso ‘yan ngayon.

*****

KILALA SA JUETENG SI BABY PINEDA
at ito pa nga ang paboritong punching bag
ng Liberal Party.

Ito raw ang epitome ng corruption.

Ngayon, si Pineda na ang boss ng LP
sa buong Pampanga.

Naniniwala pa rin ba kayo
na may prinsipyo ang mga dilawan?

*****

HUWAG N’YONG SABIHIN NA HINDI ALAM
ni Mar Roxas ang jueteng links ni Pineda!

Kung yung mga nagbebenta nga ng droga,
alam n’ya kung nasaan, di ba?

Ano nga sabi niya tungkol sa bentahan ng droga?

“Alam ko ‘yan eh!”

Drug lord na, magnanakaw pa
(ng slogan ni Isko Moreno).

*****

SABI NAMAN NI LENI ROBREDO:

“Naniniwala tayo kay Gov. Pineda
bilang mahusay na lingkod bayan.
Hindi naman tayo nakipag-alyansa
dahil sa links niya sa jueteng.”

So, inaamin mong may links siya sa jueteng!
Eh ano’ng ginagawa mo d’yan???

*****

DAGDAG PA NI LENI,
kinikilala daw ang kakayanan ni Pineda
at sumasang-ayon daw dito pati ang mga experts.

Experts sa jueteng?

*****

WALA RAW MAIPIPINTAS KAY LENI ROBREDO?
Kung wala man noon,
meron na ngayon:

Walang sariling prinsipyo.
Kakainin ang hiya at reputasyon
para sa kapakanan ng partidong mapagsamantala.

Ang aga mong nasunog, ma’m!

*****

SPEAKING OF LENI…

Nilangaw daw ang recent campaign sortie niya
sa Ilocos.

Hindi naman kaya nabayaran ang mga langaw?

*****

NAGSIMULA ANG HOLY WEEK
na puno ng reactions mula sa katatapos lang
na Plipinas Debate (Cebu leg).

Sabi ng kampo ni Mar Roxas,
siya raw ang nanalo sa debateng iyon.

Weh?
Baka naman nanalo bilang…
pinakapikon.

*****

OF COURSE, HINDI MALILIMUTAN ANG LEG NA ITO
dahil sa 1.5 hours na delay.

Tatlo ang causes ng delay:

1) Ang pagdala ni Binay ng “papers” (SALN, etc)
2) Ang pagpayag ni Luchi Cruz ng Channel 5 dito
3) Ang pag-angal ni Roxas na “unfair” daw ito.

Siyempre, hindi magpapatalo si Marimar, no!
Pwedeng SIYA ang manlamang,
pero hindi siya pwedeng malamangan.

Manang-mana.

******

ISA PANG MEMORABLE LINE SA DEBATE:

“Ibalik natin ang Piipinas
sa mga disenteng Pilipino.”
— Mar Roxas

Yan.
Galing na mismo sa bibig niya.
Hindi disente ang nakaupo ngayon.

Boom!
Boomerang!

*****

PINUNA RIN NG MGA CRITICS
ang mali-maling facts nina Roxas at Poe.

Kayo naman.
Hindi pa ba kayo nasanay sa mga
PRAISE RELEASE nila??

*****

NAPUNA RIN ANG GALING NI GRACE POE
na magpaliguy-ligoy papunta sa…
wala.

Turo ‘yan ni Chiz Whiz.

*****

SUMIKAT DIN SI JOSEPH GOEBBELS
dahil paulit-ulit na binanggit ito ni VP Binay.

Sino ba si Goebbels?
I-Google n’yo na lang.

Gusto ko lang sabihin
na hindi GO-BELS ang pronounciation nito
kundi GE-BELS.

Yun lang.

*****

PATAPOS NA ANG HOLY WEEK.
Nagpenitensya ba kayo?
Kung hindi, oks lang.
Balik-trabaho na ulit sa Lunes.
Balik-penitensya.

Salamat sa mga Hudas sa gobyerno.

*****

O SIYA, HAYAN MUNA FOR NOW.
Magkakasala lang muna ulit ako.

ANG INIT KAYA!!!

2016 03 19a

NEWSKUPOW! 2nd debate na! May fireworks daw!!!

Saturday, 19 March 2016 | Written by
2016 03 19a

NEWSKUPOW! 2ND DEBATE NA! MAY FIREWORKS DAW!!!   *****   BUKAS NA ANG SECOND PRESIDENTIAL DEBATE. Sa University of the Philippines Cebu gagawin this time. Kung ang first debate (na hindi naman talaga debate) ay ginawa sa pakikipagtulungan ng GMA-7 at Inquirer, ang media partners naman ngayon ay ang TV5, Philippine Star at BusinessWorld.   Pangako ng COMELEC na mas konti na raw ang commercials this time.   At napangiti ang mga taga-GMA 7 at Inquirer.   *****   NOONG UNANG PILIPINAS DEBATES, 48 minutes ng 2 hours ay naubos sa commercials. Ngayon ay hinabaan na nila ito: 3 hours na.   3 hours na ang commercial.   DYOWK!   *****   DI TULAD NG NAUNANG DEBATE, ang second debate ay mayroong “panel format” kung saan isang panel ng journalists ang magtatanong sa mga candidates.   Itanong kaya nila  kung ano ang “essence of being a president”?   Susmio, Sushmita!   *****   COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA: “There will be two parts—the first segment will involve a panel of journalists who will be throwing questions at the candidates, while the second part will give candidates the opportunity to ask each other questions.”   Ayyy.. ito ang masayang part! Dito nila babatuhin ang isa’t-isa with questions like:   “Saan n’yo gustong mag-dinner mamaya?”   *****   SERIOUSLY… Dito na siguro papasok yung mga tanong gaya ng: “Ikaw, ano ba ang nagawa mo doon sa blah blah?”…Read More »

2016 03 05

NEWSKUPOW! ANG EKSPERTO SA PANLILIGAW. CHOZ!

Saturday, 5 March 2016 | Written by
2016 03 05

PANATAG SHOAL O BAJO DE MASINLOC sinakop na rin ng Tsina! Ang mga Pinoy na laging nangingisda doon ay itinaboy ng limang Chinese vessels. Mr. Pwesident, pwede bang pakiligawan ang mga Chinese vessels para hindi itaboy ang fishermen natin? Pwetty Pwease??? ***** PRES. BS AQUINO III: “Hindi po water cannon kundi fire hose lang ang ginamit para itaboy ang Pinoy…Read More »

nkpow feb20

NEWSKUPOW! Karumaldumal na … missiles!!!

Saturday, 20 February 2016 | Written by
nkpow feb20

I   HABANG ABALA TAYO SA BANGAYAN kung tama ba o hindi ang “karumal-dumal” quote ni Manny Pacquiao, tahimik na tinututukan na pala tayo ng China ng kanilang mga…. MISSILES!!! ‘YUN ang karumal-dumal! ***** pinupulong ni US Pres. Barack Obama ang mga leaders ng 10 Southeast Asian nations, kasama na si Pres. BS Aquino III. Natalakay ba ang China? BASA!…Read More »

nkpowjan30

NEWSKUPOW! Si Mar, si Mar na walang drama!!!

Saturday, 30 January 2016 | Written by
nkpowjan30

SABI NG LATEST SWS SURVEY, 45% daw ng mga Pilipino ay nagsasabing gaganda ang buhay nila ngayong 2016. All-time high daw ito. Tama. Kasi nga, alam nilang mapapalitan na ‘yung PALPAK na nakaupo ngayon. Kaya marami ang excited. Kasali na kami doon. ***** SABI NG POLITICAL AD NI MAR ROXAS: “Wala akong madramang kwento.” And Isko Moreno was like, “Ano…Read More »

sonaPNoy

HRW: Aquino’s Doubtful Legacy on Rights, No Real Progress on Justice for Serious Abuses

Thursday, 28 January 2016 | Written by
sonaPNoy

Philippine President Benigno Aquino III’s six-year term in office will end in mid-2016 without achieving his promised goal to significantly improve human rights in the country, Human Rights Watch said today in its World Report 2016. There has been little accountability for the killings of indigenous leaders, activists, and journalists, and other serious abuses during his administration.   In the…Read More »

2016 01 11

NEWSKUPOW! Walang tulugan… sa pansitan, Sec. Abaya!!!

Monday, 11 January 2016 | Written by
2016 01 11

SA WAKAS, NAG-TOP DIN SI MAR ROXAS!!!   Sa surveys?   Hindi. Top sa paggastos sa campaign ads.   *****   ANG TANONG: Nag-improve ba naman ang popularidad niya dahil sa milyon-milyon na ginastos niya?   Asa pa.   *****   HUWAG BASTA MANINIWALA SA MGA SURVEY.   Malamang si Mar Roxas ang nagsabi nito.   Always cool eh. Always…Read More »

2015 12 30

NEWSKUPOW! May magpapasagasa sa tren, may sumakay sa hoverboard

Wednesday, 30 December 2015 | Written by
2015 12 30

FAMOUS PNOY SPEECH OF 2013:   “Pagdating naman ng 2015, hindi lang natin mapapabilis ang biyahe mula Baclaran hanggang Bacoor kundi madadagdagan din tayo ng tinatayang 250,000 na pasahero ang maisasakay kada araw dahil sa LRT Line 1 extension. At pag hindi ho nangyari ito, nandiyan po si Secretary Abaya na mangangasiwa ng proyektong ito, dalawa na kaming magpapasagasa siguro…Read More »

Page 2 of 912345...Last »