benta part1_4

Bentang bente: Ano ang benta at hindi bilang LGBTQ sa 2014 (1 of 2)

Written by

Monday, 22 December 2014 - Last Updated on December 30, 2014
benta part1_4

benta part1_1Sa pagsasara ng taon, maraming muni-muni ang mararating mo patukoy sa pagiging LGBTQ, sa pagiging Pilipinong LGBTQ, at sa pagtrato sa iyo bilang isang Pilipinong LGBT sa Pilipinas mismo.

Lalo na sa taong ito, masaya ang 2014 at malungkot din kahit papaano. Sa mga personal na lebel man o sa pangkalahatang lebel sa lipunan, marami kang mapupulot na mga balitang di kaaya-aya at may mga balita din namang nakatutuwa. Sadyang  ganyan naman yata talaga ang pagiging Pilipino, na ang buhay ay laging may kahalong tuwa-lungkot. At sadyang ganyan din ang mabuhay sa Pilipinas, na laging may pinagbiyak na halong tamis at hinagpis, sa iisang bunga, na lagi mong kailangang kagatin nang sabay. Depende na siguro sa iyo kung anong lasa ang nais mong mamayani sa panlasa mo, doon na sa pakiramdam na iyon iikot at iinog ang mundo mo.

Sa ganang akin, may mga bagay na maayos naman sa panlasa ko pero, tulad ng inaasahan, may mga nakakadismaya pa ring malasahan. At talagang may mga makalumang mito pa ring namamayani sa lipunan natin pagdating sa pag-iintindi ng mga tao di lamang sa mga identidad at kalagayan ng mga LGBTQ kundi sa pag-iintindi mismo sa mga konseptong kaakibat ng equality, sex, sexuality, at oo, love na rin.

benta part1_2Narito ang ilang mga napansin ko at napagmuni-munihan din sa personal kong larangan habang papasarado na ang taong 2014.

Hindi pa rin naiintindihan ng karamihan ang uri ng pag-ibig natin.

It’s all about love, ‘ika nga ng 20th anniversary theme ng LGBT Pride March nitong Disyembre. Biro mo, nakaraan na ang dalawang buong dekada, pero di pa rin nakikita ng mga mamamayang nakakanood ng ating martsa na tayo ay nabubuhay nang ganito dahil sa pag-ibig.

News flash: Hindi po namin sadyang piniling maging kadiri, abnormal o kakaiba sa lipunan para lamang sadyang parusahan ng aming pamilya, kutyain ng simbahan, ligwakin ng limitadong proteksiyon ng ospital at batas, at isawalangbahala ng gobyerno at ng kanilang interpretayson ng Saligang Batas na para dapat sa lahat.

In short mga ate, koya, tito, tita at iba pa: Hindi po ako palamunin ng girlfriend ko kaya ako sumisiping sa kanya. Hindi po ako pineperahan ng girlfriend ko kaya siya “pumatol” sa akin. Mga ati at koya na ganito lang ang tingin sa amin, pakitingnan naman po na sa aspeto ng relasyon namin ay pag-ibig ang namamayani. Kasi kung ganyan ang tanong ninyo sa amin — kung kami ay nakikipagrelasyon sa kapwa babae dahil lamang sa pera — aba’y ganyan po ba ang ibig sabihin ng relasyon sa inyo?

Tsk tsk tsk you poor souls. Come over here and let me tell you about love…

Masyado pa ring binary-gendered ang pagtingin ng tao sa pagkatao.

“So, sino sa inyo ang lalaki? Sino ang nagdadala ng relasyon?” Lagi pa rin itong naitatanong sa mga magkasintahang babae, lalo na’t kung di naman masyadong masculine ang dating o bihis ng isa sa kanila. Ang kinagisnan nating gender roles sa lipunan, kung saan may mga bagay na “pambabae lamang” at may mga bagay na “panlalaki lamang” ay buhay na buhay na ina-apply sa aming mga relasyong walang gender role na pinatatakbo.

benta part1_3News flash: Pareho kaming babae. Pareho kaming nagdadala ng relasyon. Kung may gender role man kaming gagampanan, ito ay ang role ng gender namin — role ng babae. Sino ang nagluluto? Kung sino ang marunong at may gusto. Sino ang nagtatrabaho? Aba’y pareho kami. Sa hirap ng buhay ngayon, bakit iisa lang ang kailangang magtrabaho sa bahay? Sino ang naglalaba? Wala, kasi ayaw namin iyon kaya nagpapa-laundry kami o tumatawag ng labandera.

In short mga ate, koya, tito, tita at iba pa: Ang relasyon ng isang babae sa kapwa babae ay base po sa equality na tinatawag. Walang isang dominante at isang mas mababa. Hindi po utusan o alila ang hanap namin kundi katuwang sa buhay na katulong namin sa lahat ng gawain sa pang-araw-araw. Kasi kung bibigyan natin ng gender ang gawaing bahay at gawain sa buhay, wala yatang magagawa at mararating, maliban sa away at pagiging dominante nang may sama sa loob. O ganyan po ba ang nais ninyo sa mga relasyon ninyo?

Tsk tsk tsk you poor souls. Come over here and let me tell you about equality in relationships…

Ang babaeng nagmamahal ng kapwa babae ay hindi naghahanap ng tit* sa sex.

Minsan, mahirap ipaliwanag sa mga tao na hindi ako transman, na isa akong babae pa rin sa pananaw na nagmamahal ng kapwa babae. Iba-iba po kasi ang uri ng lesbiyana. May lesbiyanang ayaw niyang maramdamang babae siya. May lesbiyanang gusto niyang maramdaman ang pagkababae niya. Kaya nangyayari din ‘yan sa sex practices namin. Para din ‘yang heterosexual sex: hindi lahat ng straight na lalaki ay gustong mag-cunnilingus sa babae, di po ba? At di lahat ng straight na babae ay gustong magbigay ng blow job. Kanya-kanya tayo ng trip sa kama. Pero sana ay huwag niyo kaming lahating mga lesbiyana — dahil hindi lahat ng babae ay tit* ang hanap.

benta part1_4News flash: Kahit minsan ay medyo masculine ang aking hitsura, hindi ibig sabihin nito ay nais kong magpakabit ng titi. Mahal na mahal ko ang tinggil ko, at mahal na mahal din ‘yan ng jowa ko. Masayang-masaya kami pareho sa estado ng aming mga suso. Kaya sa sex po namin, may nagaganap ding equality of pleasure, kahit pareho kami ng mga ginagamit na “gamit” sa sex, meaning body parts.

In short mga ate, koya, tito, tita at iba pa: Ang tit* ay di lamang para sa puk*. Ganoon din ang puk*, hindi siya para sa tit* lamang. Minsan, ang tit* ay tit* rin ang hanap, at ang puk* ay puk* rin ang hanap. Kaya huwag niyo nang ipilit na kaming dalawang puk* ay kailangan pa rin ng props na tit* sa kama. Kasi kung naniniwala kayong hindi magkakaroon ang babae ng orgasm o di mararating ng babae ang climax nang walang tit*, mukhang marami-rami pa kayong kailangang matutunan sa mundo.

Tsk tsk tsk you poor souls. Come over here and let me tell you about sensual and sexual pleasures…

Iyan na muna. Sa susunod, mga eksenang panglipunan naman ang aking pagmumuni-munihan ng ganito.

 
Libay Linsangan Cantor is an award-winning Manila-based queer writer, media practitioner and gender advocate. Email her at leaflens@gmail.com. She blogs at Culture Popper Leaflens and tweets as @Leaflens. She answers queer-related queries at her Askfm leaflens site.

 

Photos by the author. Some rights reserved.

Libay Linsangan Cantor (106 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>