Author Archives: Eva Callueng

Pride march eyeball

Sunday, 26 June 2016 | Written by

lgbt32lesbiansMakikita ko na naman siya sa Pride March. Doon ko lang kasi siya nakikita kaya panay ang punta ko at aagahan ko pa para walang masayang na sandali. Kahit may girlfriend na siya ayon sa huli kong balita tuingkol sa kanya, okay na ako na makita ko man lang siya kasi minsan sa isang taon.

Siya iyong klase ng crush na kapag nakita mo ay matinding matindi ang nararamdaman at unti-unting nawawala dulot ng kawalan ng komunikasyon namin. Bagaman personal kaming magkakakilala at panaka-nakang sinisilip ko ang mga status niya sa Facebook, kami iyong kwento na hanggang kwento na lang dahil wala ng ibang patutunguhan pa.

Noong 2014, personal kaming nagkakilala ni Kyla. Inadd ko siya sa  Facebook noong minsang nag-comment siya sa status ng common friend namin kung saan nag-comment rin ako. Sabihin na nating nabighani ako sa lumabas na notification lalo pa na direktang komento ito sa sinabi ko.  Humaba ang usapang iyon kung kaya agad-agad ko siyang inadd sa Facebook. Inaccept naman niya kaagad kaya may mga panaka-nakang like kami sa mga status ng bawat isa. Noong taong din iyon kami nagkakilanlan nang mahusay. Nakatakda kaming magkita sa Pride March. Sabi ng common friend naming si Gina masayahin daw si Jenny at madaling pakisamahan. Tamang-tama raw ang timing ko dahil single ito. Tinapik ko si Gina at sinabing hindi gayon ang pakay ko. Inamin kong interesado ako pero hanggang hindi ko pa siya nakikita nang personal ay hindi ko masasabi.

Nang ipakilala ako ni Gina kay Jenny ay nagulat ako sa pagiging masayahin nito para sa unang kakilala. Oo,  nagkikitaan kami sa Facebook subalit iba pa rin ang personal na pagkakakilala. Kasama ang iba pa noong gabing iyon ay pumunta kami sa inuman. Napaparami na ang inom ko kaya naging madaldal na rin ako. Nagkaigihan kami noong araw na iyon pero may kung anong bagay na pumipigil sa aking tuluyan kaming magkaigihan. Hindi ko maintindihan pero siguro takot ako lalo na at tropa ang datingan namin sa bawat isa. Ayokong masira ang ‘tropa’ mood namin o siguro kuntento na akong hanggang crush na lang.

Noong nakaraang taon, muli kaming nagkita ni Jenny kasama ng mga ‘pride march tropa’. Ganun pa rin, kagaya ng dati, lumagablab ang  nararamdaman ko sa kanya na unti-unting nawawala pagkaraan ng ilang buwan matapos ang aming pagkikita. Siguro ganun nga ang crush, lumilipas din. Noong gabi ng inuman ng pride march ay nabanggit ko sa kanyang crush ko siya. Natawa lang siya. Noong natawa siya at parang hindi sineryoso ang sinabi ko ay nakumpirma ko sa sariling hanggang doon na nga lang kami. Pero hindi niya ako pwedeng pigilan hanggang sa tuluyang maubos ang pakiramdam na ito.

Alas- dos na, kailangan ko nang umalis para i-meet si Gina sa Wendy’s sa Taft. Kung maaga-aga ako, kakain muna ako ng kaunti upang paghandaan ang malayuang lakaran.  Maayos na ang buhok ko sabay winisikan ko ng kaunting pabango ang aking damit. Kagaya ng aking mga kasama, excited na rin silang dumalo sa Pride march. May nagpadala na ng group text kesyo andun na sila at may kainitan ang araw. Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin kung handa na muling makita ang ‘pride march tropa’ kung saan madadagdan na kami ng isa dahil kasama na ang girlfriend ni Jenny na crush ko kapag nakikita. Sulong!

Inside the school

Monday, 13 June 2016 | Written by

Hindi out si Melissa sa pinapasukang eskwelahan. Naku naman, grabe ang kakonserbatibohan ng mga matatandang nasa posisyon doon kahit pa pampublikong paaralan ito. Siyempre pa may pagtinging sa pampublikong sistema magsisimula ang pagbabago pero sadayang mahirap maarok na konsepto iyon lalo na sa mga katulad nilang namulat na gawing tampulan ng tuksuhan at katatawanan ang mga bakla. Ni pag-usapan nga ito ang banggitin ang mga kwento tungkol rito ay mapag-iisip can i take viagra everyday ka viagra online canadian pharmacy talaga ng ilang beses kung kakayanin ang walang habas na panlilibak ng mga ito. Bagaman hirap si Melissa sa ganung sitwasyon, iniisip na lang niyang sa loob ng eskwelahan lang niya kailangang pagtiisan

Me! I often. I conditioner to I love. Pulls cialis vs viagra reviews cialis canadian pharmacy By anyone top overly years some. Would point the generic cialis online prescription in love so drove DOLLARS. I be allergic generic cialis chewable like for sildenafil citrate 100mg scalp find it quickly. The the viagra cialis o next and it glue. I my all products packaged.

ang mga kinayayamutang mga tao. Hindi pa sanay si Melissa kaya napadalas ang pagyayaya nito na magkita o kaya naman ay pupunta sa bahay namin para lang may mapaghingahan siya ng kanyang mga hinaing sa eskwelahan. Kung titingnan ang sitwasyon, mas okay pa nga si Melissa dahil walang bahid sa kanyang hitsura, pagkilos, at pananamit na siya ay isang lesbiyana liban na lang kung sasabihin niya. Walang nakakaalam sa pinapasukan niyang eskwelahan na si Melissa ay may kaparehang babae dahil din siguro ay walang nagtatanong dito o mag-akalang lesbiyana niya. May mga ilan na nagtanong na raw sa kanya kung bakit wala itong asawa o boyfriend at panay ngiti lamang ang kanyang kasagutan. Hindi na rin ito nangahas na makipagkwentuhan sa iba niyang kasamahan dahil lihim na muna niyang inaalam kung ang mga kasamahan ba niya ay katulad rin ng mga matatandang nasa pamunuan. Maganda rin naman ang kanyang istratehiya lalo pa na mahirap pagkatiwalaan ang ilan na sanay sa pagiging ‘sipsip’ at tsismosa para lang may cialis viagra or levitra mapag-usapan sila. Kuwento ni Melissa, kumakain daw sila kasama ang mga kasamang titser nang marinig na pinagkukwentuhan ang isa nilang kapwa guro na bagong pasok pa lang. Ayaw pa raw aminin nitong bakla ito kahit pa kaylakas pumilantik ng mga daliri. Maging ang paraan ng pagsubo nito ng kinakaing tanghalian ay pinapansin ng mga kaguruan. Palibhasa’y bago ang nasabing guro kaya lahat ng kilos nito’y pansin na pansin ng lahat. Nanlulumong ikinuwento ito ni Melissa sa akin na parang may gusto siyang gawin subalit wala namang siyang ganoong lakas ng loob upang sabihan ang mga gurong higit na nakatatanda sa serbisyo sa kanya. Isa pa, iwas na rin siyang maging tampulan ng usap-usapan dahil tiyak na uungkatin ang buhay nito kapag nagpahayag siya ng hindi pagsang-ayon sa mga kasamahan. Matamang nakikinig lang ako sa kanyang mga sinasabi. Sa aking palagay, mas tagapakinig lang ang kailangan niya sa mga oras na iyon lalo pa’t parehas kaming sumasang-ayon na may mga taong kahit anong kumbinse mo na mali ang kanilang ginagawa ay patuloy pa rin nilang gagawin dahil iyon ang tingin nilang tama at kung mapagtanto namang mali ay paninindigan na lang upang hindi mapahiya. May iba pang kwento si Melissa noong araw na iyon. May nakaiinis at may ibang pwedeng palampasin na lang. Kinuha na niya ang juice na natunawan na ng yelo sa haba ng kwento at walang hingahang pagbabahagi. Hindi nagtagal ay binuksan ko na ang TV upang panoorin namin ang isang episode ng Game of Thrones. Napag-usapan namin a ng eksena sa pagitan ni Daenerys Targaryen at Yara Greyjoy. May kilig kaming naramdaman saka nag-isip kung gaano kaposibleng ipasok ang kwento nilang dalawa sa konteksto ng kampihan, agawan ng kapangyarihan, at digmaan.

train-1396496_640

Rough ride

Thursday, 26 May 2016 | Written by
train-1396496_640

train-1396496_640Sa lahat ng panahon, sa dinami-daming pagkakataon ngayon ko pa talaga nakasabay si Tessa. Kung kailan walang aircon ang LRT at kung kailan basang-basa ang lahat sa pawis kahit hindi naman talaga ako pawisin.

Grabe ang tulakan sa mga babae at pang-araw araw na reyalidad ang pakikipagbalyahan para makapasok. Sa Monumento pa lang ay parang isusuka na ng tren sa dami ng tao at hindi kinakaya ng crowd control ang dami ng tao noong Biyernes na iyon. Ang iba ay may dala-dalang de bateryang maliit na fan habang nagpaypay naman ang iba gamit ang kahit ano na lang na matigas na bagay para makaramdam ng hangin sa walang aircon na tren.

Walang gustong gumalaw nang husto lalo pa na sa dikitang iyon ay mapupunas ang pawis sa iyong damit. Siyempre hindi naman sinasadya iyon subalit hindi mo mapipigilan ang ilan na mag-ingay sa galit kapag masandalan o madikitan.

Sanay na marahil ang mga tao sa ganoong eksena kaya ang ilan ay ipinipikit na lang ang mata at humihiling na ang susunod na estasyon ay ang bababaan nila. Bumukas ang pinto ng tren at may pamilyar na mukha ang pilit na pumapasok. Si Tessa. Ang ex kong ayaw ko nang makita. Sabi ng kaibigan ko ay hindi pa raw ako over kay Tessa kaya ayaw ko itong makita. Naiinis pa ako sa taong ito dahil sa panlolokong ginawa sa akin sa kabila ng pinakita kong kabutihan sa kanya. Okay, hindi mo maiaalis sa akin ang maghinanakit lalo pa at iyong kaopisina niyang palagi niyang binabanggit sa akin ang kinahuhumalingan niya kahit kami pa. Sabihin ninyo sa akin ngayon na mali na mainis pa rin ako sa kanya kahit dalawang taon na ang nakalilipas at hindi rin naman sila nagtagal noon. Karma nila iyon.

Napatingin siya sa gawi ko at nagsalubong ang aming mga mata. Huli na para maiwasan ko pa iyon subalit lumampas ang aking mata sa kanya. Tiningnan ko ang cellphone na kunwari ay may hinihintay na text message. Sa gilid ng mga mata ko ay nakikita kong pinagmamasdan niya ako. Nakakailang ang ganun subalit hinayaan ko siya.

Nang sumunod na istasyon ay may mga bumaba sa aking gawi kung kaya’t nakapasok siya mas malapit sa kinalalagyan ko. Naiinis ako sa ganoong sitwasyon kung kaya’t pinilit kong ipagkasya ang sarili sa gilid malapit sa bakal na kapitan. Parang gusto niya akong kausapin subalit matigas ang puso kong makipag-usap dito ni tingnan man lang ito.

Sa lahat ng panahon, sa dinami-daming pagkakataon ngayon ko pa talaga nakasabay sa tren si Tessa sa nakaiinit na ulong sirang aircon. Ngayon ko pa talaga napiling huwag sabayan ang kaibigang si Amy. Dalawang istasyon na lang at hindi ko na kailangang tiisin ang kanyang presensiya. Nabawasan na ang tao sa tren kaya direktang nakikita ko na siya. Panaka-nakang tumitingin siya sa akin. Alam kong hindi ko na dapat nararamdaman ito pero hindi ko mapigilan.

Muling nagkasalubong ang aming mga mata subalit sa pagkakataong ito siya naman ang umiwas. Nilagpasan ko siya ng tingin saka bumaba ng istasyon. Tuluy-tuloy ang aking paglalakad at hindi lumilingon. Alam kong nasa likuran ko lang siya. Binilisan ko ang paglalakad saka sumakay ng dyip patungo sa bahay. Sana simbilis ng dyip ang pagkalimot ko sa nakaraan namin ni Tessa. Sana ay makapag-move on na ako nang tuluyan para sa susunod na makasakay ko siya ay hindi na kailangang mapagdaanan ko muli ang magaspang na biyahe noong gabing iyon.

airplane-1242706_640

Taking risks

Thursday, 19 May 2016 | Written by
airplane-1242706_640

airplane-1242706_640Dear Kathy,

Four days. Four long days pa lang tayong hindi magkasama but it feels like ang tagal-tagal na nating hindi magkasama. How are you feeling today? Okay, fine. Halos gabi-gabi naman tayo nag-s-skype at viber para sa mga photos na kuha mo diyan. Siguro na-eexcite lang ako. Siguro hanggang ngayon ay hindi lang ako makapaniwalang magsisimula tayo ng panibagong buhay sa malayong lugar.

You know me. I never wanted to live outside the Philippines. I can’t imagine the idea of living in a foreign land searching for the unknown until I met you. You changed me and you totally changed the way I see things. Hindi ko rin alam kung paano mo ako napapayag basta ang alam ko lang ay hindi ko na kayang mabuhay kung wala ka. Masyado na akong nasanay kasama ka.

Last night, I’ve found myself crying in the bathroom. I will miss this room. Pitong taon na akong nakatira dito kaya iiyakan ko talaga ang lahat ng alaalang maiiwan sa bahay na ito. Eighteen more days at magkakasama na tayong muli.  Si Ate sa Laundry shop ay nakapagpaalam na ako, kanila Ate at Kuya sa canteen sa office, kanila kuya Guard. Siguro kapag malapit na akong umalis saka na ako magpapaalam kay Daddy. Maiintindihan niya ako. Oo, magugulat siya pero maiintindihan niya. Si Mommy naman susuportahan ako noon kung nasaan man siya ngayon. Plano kong pumunta sa puntod niya kapag malapit na akong umalis para sundan ka. Ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit agad agad ito.

Alam mo Kathy, may kaunting doubts pa rin ako. Paminsan-minsan ay sinusubok ako ng ideyang baka hindi magwork-out sa ibang bansa. Paano kung saglit lang ay magkasawaan tayo, magsawa ka sa akin and we’ll call it quits? Anong gagawin ko samantalang ikaw ay set na set na ang isip na mabuhay diyan?

Isa itong malaking pagtataya sa part ko. Alam mo iyan. But I am doing this for us. I am taking this chance with you. And I hope this time, it will last. Or it will be worth it. Hay naku, ang dami-daming hindi magagandang pumapasok sa isip ko. Wala ka kasi sa tabi ko para itaboy ang mga pangit na ideas sa isip ko.  Naalala mo minsan noong nagtalo tayo tungkol sa mind control? Sabi mo isipin ko lang na okay ay magiging okay ang lahat habang natatalo ako ng Murphy’s Law at hirap na hirap tayong makakuha ng taxi at maghahatinggabi na. At bilang dumating ang taxi dahil tinigilan ko ang kaiisip nang hindi maganda. Hay! Kung sinimulan ko iyon noon pa, eh di sana mas nakontrol ko ang ilang bagay sa buhay ko.

By the way, kanina pala ay dumating na ang visa. Iyon sana ang bungad ko kaya ako napasulat kaso sabi mo nga scattered brain ako kaya ang dami-dami kong ibang ginagawa bago iyong dapat kong gawin. Anway, noong nakita ko ang visa kanina, sabi ko this is it! Wala nang urungan. Hindi na pwedeng magdalawang isip pa. Three weeks na lang, Kat, at magkakasama na tayong muli. We’ll start as if we just found each other and this time it will be for good.

Mag-ingat ka diyan! See you at the airport. I’m so excited to hug you!

I love you!

Nat

sun-in-the-hand-615285_640

Outing or Tuition Fee

Thursday, 12 May 2016 | Written by
sun-in-the-hand-615285_640

sun-in-the-hand-615285_640Mixed emotions. Ang hirap magbigay ng payo kay Arnel. Gustuhin ko mang maging masaya siya, parehas na pinagmumulan ng kasiyahan niya ang dalawang bagay na ito. Ang outing ng barkada ay tuwing summer lang nagaganap. Sa init ng panahon at stress sa trabaho, isa na itong pangangailangan upang bahagyang mabigyan ang sarili ng kasiyahan.

Ano ba naman ang tatlong araw na outing na ito kung saan kinain pa ang isa ng biyahe patungo at pabalik sa trip na iyon. Medyo may kamahalan lang ang  outing dahil sa paurong sulong ni Arnel. Nakakuha na kaming lahat ng tiket habang siya naman ay pinag-iisipan pa nang husto.

Hindi naman siya ganun noon. Ang dali lang niyang kausap sa mga lakaran. Kasa-kasama ko pa siya sa pagplano ng buong itinerary ng barkada. Napaka-aktibo nito na may nalalaman pang pagtatakam sa mga larawan sa computer niya ng mga kakainan at pupuntahan namin.

Noong grumadweyt  si John Paul noong nakaraang taon, nagbago ang lahat para kay Arnel. Siya kasi ang inaasahang magpaaral dito. Hindi naman siya ang panganay at ang mga kapatid nito ay may mga trabaho rin naman kagaya niya subalit may mga pamilya na. Si Arnel naman ay nananatiling walang asawa at sa palagay ko ay hindi siguro magpapamilya gaya ng inaasahan dahil boyfriend nga ay napakapihikan niya. Panay crush lang talaga ang mayroon ito at hindi (pa) umaabot sa pakikipagrelasyon.

Sa isip ko, baka iyon ang dahilan kung bakit siya nga ang inaasahang magbayad ng tuition fee ni John Paul. Kesyo siya ang kapatid na walang pamilya at walang gastusin sa anak o pamilya. Siya ang inaasahan at mukhang wala naming senyales ng pagkabahala si Arnel dito. Parang isang katotohanang kailangan niyang tanggapin at hindi pwedeng kwestyunin kung hindi ay mababansagang masamang kapatid, hindi mabuting kuya, madamot, at kung ano-ano pa.

Nalungkot ako minsan nang sabay kaming mag-lunch ni Arnel sa office. Mukhang hindi raw siya makakasama dahil ang laki ng downpayment sa tuition fee ni John Paul. May matitira raw siyang pera subalit kulang ito sa naitakdang plano ng mga gastusin at hatian. Nagpupuyos ang puso ko pero hindi ko ipinahalata kay Arnel. Sa isip ko, unfair ang nangyayari sa kanya pero sino ako para sabihin iyon sa kanya. Masaya siyang pinapaaral ang kapatid at palagi niyang binabanggit ito. Walang tono ng pagtatanong kung bakit siya basta ginagawa lang niya at nasisiyahan siya. Tinanong ko siya kung magkano ang kulang at baka magawan namin ng paraan magkakaibigan. Malungkot kung hindi siya kasama. Tumanggi ito sa planong inilatag ko at nahihiya raw siya. Sa loob-loob ko, hindi naman kailangang tuluyang isakripisyo ang bagay na kinasisiyahan lalo pa na kitang-kita ko sa mga mata niya na gustong-gustong sumama. Ito ang unang pagkakataon na hindi siya makakasama kapag nagkataon.

Nag-isip siya habang kumakain. Mauubos na ang kinakain kong saging nang nagtanong siya kung maaari bang maki-charge raw sa credit card para makabili ng ticket at makasama. Tumalon ang puso ko sa tuwa. Ayokong maiwan ang kaibigan. Nagtanong muli siya kung pwedeng 4 gives ang utang sa ticket. Ngumiti lang ako saka nagtanong kung anong taon ang birthday niya. Mabilis kaming bumalik sa opisina at tumingin ng pinakamurang round trip fare kahit hindi na mismo sa flight na una naming nai-booked. Pihadong mahal na iyon. Ang mahalaga ay nagdesisyon na itong sumama. Nagwagi si Arnel noong araw na iyon. Bukod sa mas mahal lang ng isang 900 pesos ang ticket niya, kasabay pa namin siya sa flight at hindi niya kailangang mag-isa.

Ilang tulog na lang, maaamoy na namin ang dagat na pinakaasam-asam. Excited na kaming lahat.

 

Photo c/o pixabay.com.

ship-32252_640

Ang halalan at ang pagiging mabuting tao

Sunday, 8 May 2016 | Written by
ship-32252_640

ship-32252_640Isang tulog na lang at atin nang ilalagak sa mahahalagang posisyon sa pamahalaan ang mga taong higit nating pinaniniwalaan at ipinagkakatiwala ang isa nating boto. Nariyang tila nabingi tayo sa maraming narinig at nabulag sa iba’t-ibang bersyon ng kuwento, salaysay, habang inaaliw naman tayo ng mga pahayag upang palamigin ang nag-iinit na mga diskusyon. Hindi lingid sa ating kaalaman ang awayan, patutsadahan, at pagkalikha ng ilang pader sa pagitan ng mga tao, magkaalyado o magkaiba man ang oryentasyong pinanggagalingan.

Madali ang agad na magkomento habang mas mahirap ang manatiling walang reaksyon o hindi tangkaing magbigay ng opinyon lalo pa kung sa likod ng kompyuter na ginagamit ay litong-lito ka na sa kung ano ang totoo. Nadidismaya ka rin dahil iyong mga inaakala mong aangat sa  kaguluhang bunga ng kawalang kakayahang rumespeto sa paniniwala ng iba ay naging bahagi pa sa tuluyang paglilikha ng pader sa pagitan ng mga magkakaibang oryentasyon.

Nasabi na marahil ang mga dapat masabi at nakapaghabi na rin ng ilang pangyayari ang ilan upang maimpluwensiyahan ang isip ng mga tao. Istratehiya o taktika ang tawag ng iba, maduming pulitika o ganito raw talaga ang pulitika sabi ng iba. Kaliwa’t kanan ay hindi patatalo sa bangayan na masasabi naman nating magandang senyales ng pag-angat ng partisipasyon ng mga mamamayang nakikipagkomunika gamit ang internet liban sa abusadong paggamit nito na may intensyong manira ng kapwa imbes na iangat ang antas ng talakayan. Malinaw na habang ang iba ay ginagamit ang kapangyarihan ng social media upang ipangaral ang sa tingin nila’y tama at nararapat, ang ilan nama’y inabuso ito sa kagustuhang makita ng iba ang nakikita nila. Halimbawa, ang pagkabuo ng terminong ‘bobotante’ ay nakaugat sa pagpapalagay na bobo ang mga botante na bumoto sa hindi nila gustong kandidato o hindi bumoto sa kandidatong gusto nila. Ang pagtinging bobo at tanga ang hindi sumuporta sa kandidatong ikinakampanya ay isang pag-uugali ng taong walang kakayahang respetuhin ang perspektibo ng iba. Pakiramdam nila ay may monopolyo ng katotohanan sa mga dapat na ihalal. Kung noong una ay diplomatiko nila pang hinihikayat ang iba na iboto ang kandidatong pinaniniwalaan nila,  kagyat namang gumagamit ng mga salitang maglalarawan sa mga hindi nila mahikayat o hindi makita ang nakikita nila.

Ang isa pang karakter na nakita natin nitong mga nakaraang buwan ay ang konsepto ng pagbabago na sa tingin ng iba ay tanging nakasalalay sa pinakamataas at pangalawang pinakamataas na posisyon. Nakaligtaan natin ang iba pang posisyon na direktang nakasasalamuha sa distrito, lungsod, o munisipyo.

Ano bang uri ng pagbabago ang nais nating makita?

Sino sa kanila ang higit na makapagbibigay daan para dito?

Gaano kabilis natin gustong maatim ang pagbabagong iyon? May takdang panahon ba tayong sinusunod?

Subalit ang kasinghalagang katanungan ay paano natin matatamo ang pagbabago?

Siguradong hindi ito kaya ng isa o dalawang tao.

 

Nakalimutan natin na tayo ang tunay na nagpapaningas ng pagbabago at hindi lamang ang mga hinahalal natin. Hindi kaya ng sino mang mauupo baguhin ang lipunang ayaw ng pagbabago o sinusuka ang anumang pagbabago. Hindi kaya ng sino man baguhin iyon mag-isa. Hindi kayang lipunin ang kriminalidad o kurapsyon kung walang tulong ng iba at mas lalong hindi kayang iangat ang mga mahihirap kung walang tunay na pagpapataas ng kanilang kapabilidad at oportunidad para magkaroon ng marangal na trabaho at maging produktibong bahagi ng pamayanan.

Hindi kakayahin. Imposible iyon lalong higit sa mga taong hindi kayang respetuhin ang perspektibo ng iba. Gagawa at gagawa ng mga kadahilanan upang patunayang mali ang iba at tama sila. Karakter na ang tanging isinusulong ay sariling paniniwala.

Isang tulog na lang at tayo’y magdedesisyon bilang isang bansa. Bilang isang bansang nauuhaw na makita ang kagandahan ng ating pagkakaiba subalit binibigkis ng iisang layon na mapabuti ang kalagayan ng bawat isa. Pagkatapos ng halalan, magkaiba man ang ating hinalal, responsibilidad nating igalang ang magiging desisyon ng bayan. Maaaring taliwas o naaayon ito sa ating pinili subalit ang mahalaga ay bukas mata tayong maglalayag sa direksyong dapat nating patunguhan bilang bansa. Malaya nating masasabi sa kapitan ng barko ang mga nais nating mangyari, itama ang mga mali sa pamamagitan ng talakayan, at higit sa lahat ay makabuluhang pakikibahagi sa pagbabagong nais nating makita.

Tayo ang tunay na pagbabago. Ang paggalang sa pagkakaiba ng bawat isa ang isang mahalagang sangkap nito. Imbes na ituon lang natin ang pansin sa kung gaano tayo magkaiba, subukan nating pagtuunan ang ating pagkakapareho bilang mga Pilipinong binubuklod ng iisang adhikain, ang maging mabuting tao.

 

Photo from Pixabay. Public domain.

lgbt33summer

Family outing

Thursday, 21 April 2016 | Written by
lgbt33summer

 

lgbt33summerMasaya ang tag-araw. Masaya ang konsepto nito lalo pa at ito ang pagkakataon para magsama-sama ang pamilya para sa outing. Palibhasa’y painit ng painit ang tag-araw sa bansa, awtomatikong swimming ang nasa numero unong listahan na pupuntahan ng pamilya.

Sa malaki-laki ang pamilya,  maraming tao ang pinag-uusapan sa pinaplanong outing. Nariyan kung sino ang magdadala ng ganitong pagkain, saan ang tutulugan, at gaano katagal ang nasabing outing. Sa mga LGBTs, hindi mo maiiwasang kasama ang ilang kamag-anak na pag-usapan ka dahil sa kasama mo ang ‘bestfriend’ mo. Mas madaling ipaunawa ang ‘bestfriend’ sa kanila kaya mas pinili mong iyon na lang ang ipakilala kaysa ipaliwanag na ito ang partner mo na hindi ibig sabihin ay partner sa thesis o project na mayroon kayo.

Ito ang nakalulungkot na kalakaran sa  maraming pamilya. Isang malaking kumpromiso ang hindi pagpapaliwanag ng totoong relasyon na mayroon kayo ng ‘bestfriend’ mo upang hindi maging tampulan ng kwentuhan ng ilang kamag-anak na hindi mo mapili. Kagaya ng nasabi, mas madali ang sabihing kasama mo ang ‘bestfriend’ mo kahit ang totoo’y kasama mo ang pinipili mong maging kabahagi ng pamilya ninyo kaya lakas loob mong isinasama sa okasyon ng pamilya katulad ng Pasko, Kasal, Libing, maging Family Outing.

Ano nga naman kasi ang halaga ng pagiging ikaw kung itinatago mo ito at hindi maglalakas loob na isama ang partner sa mahahalagang okasyon ng buhay? Kahit ano pa ang sabihan ng iba, ito ang gusto mo at wala kang maling nakikita rito.

Isang sapalaran ang isama ang partner slash bestfriend sa outing ng pamilya at kalakip nito ang limitadong pagkilos ninyo bunga ng ilang matang mapagmasid na hinihintay lamang makumpirma ang tamang hinala nila. Minsan  sadyang mas madali ang sumayaw na lang sa ihip ng hangin kaysa labanan ito lalo pa kung sa tantya mo ay hindi mo naman maaatim ang inaasahang pagtanggap na pinapangarap. Halimbawa, naturalmente na kasama ng kapatid mo ang kanyang asawa o mapapangasawa, walang magtataas ng kilay at kung mayroon man ay bibihira iyon kumpara sa isang bakla o lesbyana na magsasama ng kaniyang kapareha dahil para sa kanila ay sinasama mo lang ang bestfriend mong kagaya mong matandang binata o dalaga. Bibihira ang mag-iisip na katanggap tanggap na dalhin mo ito o bibihira ang magsasabing hindi isyu o walang isyu ang pagdadala mo ng kapareha mong kapwa mo babae o lalaki. Wala pa tayo sa panahong ganun at habang nasa panahon pa tayo na hindi katanggap tanggap o hindi nakikitang asawa mo/kasama sa buhay ang partner, siya ay mananatili sa kategoryang ‘bestfriend’ o ‘ibang tao’ na hindi awtomatikong inaasahan sa mga mahahalagang okasyon ng pamilya.

Maaaring tingnan na hindi pantay ang ganitong pamantayan kaya marami sa komunidad ang pinipiling lunurin ang sarili sa trabaho o gagawa ng dahilan para hindi makasama sa kaganapan ng pamilya lalo pa kung hindi ito nakasisilip ng puwang para madala ang kanyang mahal sa buhay. Sakaling makasama naman ay nalilimitahan ang pagkilos upang makiayon sa pamantayan at upang maiwasang mapag-usap usapan. Ang dating family outing na inaabangan ay hindi na naging ganon kapana-panabik bunga ng malinaw na posisyon ng ilang taong may mahalagang relasyon sa iyong buhay (tiya, tiyo, lolo, lola, pinsan, at iba pang kamag-anak).

Ano ba ang kabuluhan ng paglabas bilang isangpamilya upang magtampisaw sa dagat, kumain ng sariwang lamang-dagat, at mag-camping habang nag-iihaw ng manok, liempo , o hotdog kung pakiramdam mo naman ay istranghero kayong magpartner sa sariling pamilya na siyang dahilan ng limitadong pagkilos at hindi lubos na makapagsaya dahil kalkulado ang kilos? Isa lamang ito sa reyalidad ng ilan na hindi nakikita ng iba sapagkat hindi isyu ang pagiging heterosekswal nila.

Masaya ang tag-araw pero mas masaya sana ito kung maisasama ko siya at makakakakilos kaming hindi iniisip ang sasabihin ng iba.

 

Photo from Pixabay. Public domain.

lgbt32lesbians

Sa kanyang boses at mga mata

Sunday, 10 April 2016 | Written by
lgbt32lesbians

lgbt32lesbiansAng sarap pakinggan ng boses niya. Napakalamig sa pandinig. Para kang hinehele at kung minsan naman ay para kang kinikilig kung saan ang lahat ng iyong balahibo ay patungo sa direksyon niya. Hindi ko akalain may tinatago siyang napakagandang tinig. Kuntento na kasi ako sa ganda ng boses nito kapag kausap sa telepono o ‘di naman kaya ay personal na kausap ito. Matagal na kaming magkakilala pero hindi direktang magkabarkada dahil iyong kaibigan niya ang kaibigan ko. Isa pa, hindi ko naman siya gaanong napapansin noon dahil nakatutok sa dating karelasyon. Iyon nga ang reklamo ng lahat, may mga kaibigang nakakalimutan ang ibang kaibigan kapag nasa relasyon sila. Guilty ako doon.

Noong mga oras ko lang napansin na ang kanyang mga mata naman ay may kasingkitang hindi maikukumpara sa iba. Napakayabang ng dating sa una subalit ang mayabang na dating na iyon ang nakabighani sa maraming babaeng natitipuhan siya. Mayabang ang dating niya kaya iyon din ang dahilan kung kaya hindi ko siya gaanong pinagpapapansin. Subalit,  napapawi ng kanyang ngiti ang mayabang na dating at porma. Agad na gumagaan ang loob ng sino man sa kanya upang bawiin ang naunang persepsyong nakaiinis ang maangas na dating niya.

Pinagmamasdan habang paparating siya sa pulutong ng mga kasamang kaibigan, parang may kung anong tibok sa puso ko ang tumalon sa tuwa noong tumabi ito sa akin at maaliwalas ang mukhang nagtatanong ng kung ano anong bagay ukol sa akin. Hindi kasi kami talaga dikit noon kaya ngayon pa lang kami nagkakatanungan. Iyon naman usap namin sa telepono noon ay mas tungkol pa sa kaibigan naming naaksidente at kailangang tulungan. Pwede ring nabalitaan nitong bagong hiwalay ako kaya inaaliw ng mga kaibigan lumabas. Totoo nga ang sinasabi nilang mabait ang taong ito at maayos na kasama. Kahit pa piling pili lang ang kanyang mga sinasabi ay parang ang dami na naming napagkwentuhan para sa bago lang ‘nagkakilala’.

Gaya ng nasabi, katatapos lang ng relasyon ko noon kaya pwedeng naaaliw ako sa kanya kaya tila ang dali kong mahulog sa kanya. Oo, malakas nga ang dating niya pero hindi ko pa siya masyadong kakilala para magustuhan nang ganoon kabilis. Matapos ang dinner naming magkakaibigan na extended sa mga inimbitahang kaibigan sa ibang grupo, nagkayayaan ng videoke upang doon na rin mag-inuman.

Naunang kumanta ang bestfriend ko ng mga pa-sweet na kanta. Appetizer kumbaga. Pampainit bago bumirit ng mga Whitney Houston o Mariah Carey ang ibang makukulit na kasama. Panay pa rin ang kwentuhan namin sabay lagok ng iniinom na beer.  May hinahanap siyang kanta at kinuha ang remote control upang ipasok ang numero ng napiling kanta. Ilang saglit pa ay tumayo ito at kinuha ang mikropono. Ang linis ng boses. Napatahimik kaming lahat at nakatitig kaming lahat sa kanya. Naluha ako sa kanta niya kasi paborito namin iyon ng ex ko pero hindi ko pinahalata. Lumabas ako para mag-CR at para makahinga sa kinanta niyang may kung anong dagok sa dibdib ko. Hindi ko alam kung nami-miss ko ba ang ex ko sa kinanta niya o nagugustuhan ko siya. Nalilito ako.

Ayokong masyadong paniwalaan ang nararamdaman ko sa panahong napaka-vulnerable ko. Masakit pa ang pinagdadaanan iyon at hindi iyong madadaan ng isang kanta pero aaminin ko ay hindi na ako makatulog dahil paulit-ulit kong nakikita ang mga mata niya habang kinakanta iyon. Wala pa akong pinagsasabihan pero napapanaginipan ko na siya. Kakaiba ang pakiramdam pero ayaw kong patulan. Paano kung nadadala lang ako ng sakit na nararamdaman ko? Paano kong naaaliw lang ako sa ideyang may ganung nilalang sa harap ko na tila kayang pawiin ng kanyang mga mata at boses ang sakit na nararamdaman ko? Napakaaga para tumalon at magdesisyon. Palilipasan ko muna ang panahon hanggang maging normal ang mga panaginip ko at boses na naririnig magmula noong gabing iyon.

 

Photo from Pixabay. Public domain.

lgbt31brokenheart

Broken plans

Sunday, 3 April 2016 | Written by
lgbt31brokenheart

lgbt31brokenheartHindi nga talaga siguro maganda kapag masyadong planado ang buhay. Iyong tipong alam na alam mo na ang mga gagawin at susunod na gagawin matapos ang isang gawain. Ganito ko pinlano ang buhay dahil bata pa ako ay nasanay na akong masusing pinaplano ang mga gagawin ko. Pati nga noong natapos akong grumadweyt ay naplano ko kung saan ako mag-aaply na mga kumpanya pati na Plan B kung sakaling hindi ako matanggap sa Plan A.

Sa relasyon, ganun na ganun rin kaya nga laking pagbabago ko at parang nawala ako sa mundo noong hiwalayan ako ni Bryan. Ang akala ko ay siya na ang para sa akin. Nakilala na siya ng pamilya ko na parang bestfriend ko dahil hanggang ngayon ay hindi pinag-uusapan ng parents ko ang pagiging bakla ko. Iyon din ang dahilan kaya pinili kong magsarili ng bahay, umupa ng sariling apartment at kalauna’y mag-migrate sa ibang bansa kasama si Bryan. Maayos na ang aming plano lalo pa’t sa ibang bansa namin higit na nakikita ang kinabukasan magkasama. Bubunuin lang namin ang limang taon na pagtatrabaho dito sa Pinas saka makikipagsapalaran sa ibang bansa. Ayokong palampasin ang magandang offer ng kumpanya sa akin sa Singapore. Ako ang magma-manage ng itatayong satellite office doon na may projection na limang taon bago maging self-sustainable. Okay sa amin ang ganitong offer dahil malaki ang chance na makapasok si Bryan sa service industry dahil sa naglipanang hotels sa Singapore.

Okay na ang lahat at tatlong buwan na lang ay aalis na kami. Mauuna ako at susunod siya habang inaasikaso ang mga papeles bilang OFW. Masasabi kong wala ng gusot sa aming lakad dahil ganoon naman ako. Dahil nga nakasanayan ko ang ganitong sistematikong pagpaplano ay nakikita ko na ang mga posibleng aberya na agad namang naayos sa tamang panahon.

Sa katotohanan, nakaplano na nga ang pagbisita ng parents ko sa Singapore ngayong darating na Disyembre. Pati ang pag-book ng tickets nila ay nakaabang na sa kakakilala kong travel agent para hindi hassle sa parents ko ang peak season ng biyahe kapag magpapasko na.

Okay na ang lahat liban kay Bryan. Nagbago ang isip nito at tinalikuran ang lahat ng aming pinlano. Para akong namatay noong sinabi niyang ako lang naman ang may plano ng lahat kahit pa madalas namin itong mapag-usapan maging kung kelan siya magreresign para makasunod sa Singapore at personal na makapag-apply ng trabaho.

Nabingi ako noong sinabi ni Bryan na ayaw niyang magtrabaho sa ibang bansa. Hindi niya raw kayang iwan ang mga kasama sa trabaho dahil maayos ang team nilang iyon. Hindi raw siya sigurado sa ibang bansa at kung paano makisama sa ibang lahi. Masaya na raw siya dito sa Pinas.

Hindi ko namamalayang tumulo ang luha ko noong marinig ang mga sinabi ni Bryan. Gusto kong maglupasay dahil parang bulang nawasak ang aming plano. Plano ko raw sabi pa niya. Limang taon namin itong hinintay at hindi ko maintindihna na kaya lang niya itong talikuran nang ganun ganon lang.

May nagawa ba akong mali? May nagawa ba akong hindi maganda para maranasan ang malaking dagok na ito? Nauwi sa wala ang lahat n gaming pinagsamahan. Hiniwalayan niya ako na sabay sabing para raw sa akin ang ginagawa niyang iyon. Hindi ko naiintindihan, ayaw ko nang intindihin. Hindi na siguro muna ngayon. Nasasaktan pa ako nang husto at ang mga planong ginawa ‘ko’ ay ipagpapatuloy ko, kahit wala na siya…

 

 

Photo from Pixabay. Public domain.

lgbt35 bus

Ang bastos at ang bakla

Thursday, 31 March 2016 | Written by
lgbt35 bus

lgbt35 busMay mga taong madaling ikinakabit ang salitang bastos o konsepto ng kabastusan sa mga bakla. Hindi naman awtomatikong ganun subalit may ilang dahilan kung bakit ganun ang pagtingin ng iba. Bunga ng ang tao ay produkto ng kanyang mga karanasan at pakikisalamuha sa mga bagay-bagay, nakabubuo siya ng mga pagtingin at perspektibong higit na naipapaliwanag ng konteksto ng mga karanasang iyon. Masaya man o malungkot, matagumpay o bigo, binubuo tayo ng maraming karanasang iyon at hindi sila madaling tanggalin sa atin lalo pa kung matindi ang naging epekto nito sa pagkakahubog ng pananaw sa mas malaking mundo.

Minsang tinanong ako ng isang mag-aaral na lalaki kung sadya bang bastos ang mga bakla. Ikinagulat ko ang katanungan sapagkat nakaangkla ito sa pagpapalagay na bastos sila at ang tanong niya ay kung sadya ba ito (dinisenyong ganun) o hindi.

Ano ba ang pakahulugan niya sa salitang bastos? Nabastos ba siya? Kabastos-bastos ba ang mga nakasalamuha niyang bakla o mga bakla? Masasabi bang sapat ang mga pakikisalamuhang iyon upang magkaraoon ng pagpapalagay na bastos ang lahat?

Ibinahagi niya ang kalunos-lunos na karanasan nang minsang sumakay ng bus patungo sa bahay ng kanyang kaklase. Isa raw matandang lalaki ang tumabi sa kanyang upuan. Siya ay nakaupo sa tabi ng bintana para hindi mabangga ng mga nagdaraang pasahero. Ilang minuto pa raw ang nakalipas ay kakaiba ang kilos ng matandang lalaking katabi niya. Kinabahan siya saka nagsimulang buksan ang cellphone niya para pawiin ang hindi kumportableng pakiramdam. Hinihimas ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Natakot daw siya at wari’y nanigas sa kinauupuan sa takot. Gusto niyang umalis para lumipat ng upuan pero wala nang malilipatan at kailangan niyang daanan ang katabing nanamantala upang siya ay makalipat. Nang naramdaman daw ng mapagsamantalang matandang lalaki na patayo siya ay dagli itong tumayo at bumaba sa bus.

Hindi ko masisi ang estudyante sa naging katanungan. Batid kong inosente ang pagkakatanong na iyon dahil hinintay pa niya akong matapos sa pag-aayos ng gamit bago nagtanong.

Bagaman nalungkot ako sa kanyang naging karanasan sinubukan ko pa ring mabigyan siya ng sagot sa tanong na nakakabagabag sa kanya. Sa tingin ko sa kanya, hindi siya iyong tipo ng tao na galit sa mga bakla na kahit wala namang ginagawang masama o iyong tipo na mananakit na lang dahil sa hindi matuntong na pagkiling laban sa mga bakla. Sa tingin ko pa nga ay matuwid ang batang iyon na iiwas na lang at hindi gaganti para walang gulo pero hinding-hindi mo mapapalapit bunga ng trauma na naranasan.

Mapinsala ang trauma na maaaring magdikta sa mga susunod na pagkilos ng tao. Halimbawa, dahil sa traumang iyon, maaaring ang isang tao ay maging marahas sa mga bakla dahil sa takot na maulit iyon o kaya naman ay magkaroon ng pananaw (katulad ng sa estudyante) na bastos ang mga bakla.

Sabi ko sa estudyante na bastos ang matandang lalaki na kanyang nakasalamuha at nagkataon lang na siya ay bakla (ipagpalagay nating bakla nga iyon base sa persepsyon ng estudyante). Dinagdag ko pa na hindi lahat ng bakla ay bastos at maling isipin na dahil may nakasalamuha tayong isang bastos ay ipagpapalagay na nating bastos ang lahat. Maaaring walang kinalaman ang pagiging bakla sa pagiging bastos o pagiging bastos sa pagiging bakla. Ang pagiging bastos ay bunga ng piniling buhay ng isang tao samantalang ang pagiging bakla ay isang kalikasan ng kanyang buhay. Hindi mo maiaalis ang pagiging bakla ipagkaila mo man ito subalit ang pagiging bastos ay hindi likas sa isang nilalang. Maaari niyang solusyonan o gawan ng paraan upang ituwid ang pagiging bastos samantalang ang pagiging bakla ay hindi kailangang ituwid dahil wala namang mali sa pagiging ikaw.

Matapos ang pag-uusap naming iyon ng aking estudyante ay naramdaman kong kahit papaano ay nabago ang kanyang pagpapalagay. Luminaw ang kanyang mukha mula nang inalaala ang pangit na karanasan habang unti-unting bumubukas ang isipan sa konseptong ‘walang kinalaman ang pagiging bakla sa pagiging bastos at vice versa’.

 

Photo from Pixabay. Public domain.

Plugin by Social Author Bio