Author Archives: Ben Bañares

nkpow july 9

NEWSKUPOW! Ninja cops: Patay kang adik ka!!!

Saturday, 9 July 2016 | Written by
nkpow july 9

nkpow july 9

LIBO-LIBONG DRUG USERS AND PUSHERS

ang sumuko nitong mga nakaraang linggo.

 

Sa Tagum City = around 4,000

Sa Quezon City = 1,090

Sa Mandaluyong = 75

Sa San Juan = mga 200

Sa South Cotabato = 3,146

Sa Sultan Kudarat = mga 2,000

Sa Cebu = 30

Sa Lapu-Lapu at Mandaue City = 84

Sa Taguig = at least 362

Sa Ilagan City = 142

Sa Lanao del Norte = 98

Sa North Cotabato = halos 1,000

Sa Imus City = 40

Sa Benguet = 70

Sa Rizal = 762

Sa Iligan City = 240

Sa Pangasinan = at least 218

Sa Cagayan de Oro City = halos 1,000

Sa Negros Oriental = 2,456

 

Partial list pa lang yan.

As of last week pa lang,

mahigit 10,000 na ang numero

ng mga adik na sumuko sa awtoridad.

 

IBIG SABIHIN NITO:

Talagang naging talamak ang droga

at napabayaang lumaganap

nitong mga nakaraang taon.

 

Alam n’yo na kung sino

ang nagpabaya.

 

*****

 

SUNOD-SUNOD RIN ANG MGA ITINUMBANG

suspected drug dealers

nitong mga nakaraang linggo.

Nang-agaw DAW lahat ng baril.

 

IBIG SABIHIN NITO:

Nagpapanic na ang mga tiwaling

law enforcers na sangkot sa drug trade.

Kailangang patahimikin

ang mga maaaring magsabit sa kanila.

 

Dead men tell no tales.

 

*****

 

IBIG DIN SABIHIN NITO:

Successful at matindi

ang chilling effect

ng campaign ni DU30 laban sa droga.

 

Sila-sila (na nasa illegal drug trade)

ang magtutumbahan.

 

Good!

 

Wait… good nga ba?!!

 

*****

 

INUMPISAHAN NA NGA

ang Oplan TUKHANG

(Operation Plan Tuktok-Hangyo)

kung saan kumakatok ang mga pulis

sa bahay ng mga pinaghihinalaang users

at KUKUMBINSIHIN silang sumuko

at magbagong-buhay.

 

Unfortunately, ang iba sa kanila

ay nanlaban DAW,

kaya napilitang silang barilin – sa ulo.

 

KUMBINSING nga!!!

 

*****

 

DUTERTE REVEALED THE NAMES

of 5 police generals

who are “drug syndicate protectors.”

 

DUTERTE:

“Imbestigahan ninyo ito

at ‘wag ninyo akong bigyan ng sarswela.”

 

Eh, yung mga nang-agaw daw ng baril…

considered ba ‘yun as sarswela?

 

*****

 

ISUSUNOD DAW NI DU30

ang mga kidnappers at hold-uppers.

 

Yes!!!

 

Tapos, isunod n’yo po

yung mga DAPat kasuhan, ha?

 

Ang saya-saya!!!

 

*****

 

SA SPEECH NI DUTERTE

noong Martes, July 5, napanganga ang lahat

nang banggitin niya  ang pangalan ng mga

police generals na

“protectors of drug syndicates.”

 

Bago ito, marami sa mga naysayers

ang nagsasabing DU30 was just bluffing.

At wala naman daw “big fish”

ang pinapangalanan.

 

Matapos ang revelation ni Digong,

ang mga naysayers na yan

ang parang “big fish” ang nganga.

 

*****

 

SINO NGA BA ANG LIMANG ITO?

 

1) ex-PNP Depudy Director Gen. MARCELO GARBO, JR.

2) Retired Chief Supt. VICENTE LOOT

(now mayor of Daanbantayan, Cebu)

3) Police Gen. Bernardo Diaz

4) Police Chief Supt. Edgardo Tinio

5) Police Chief Supt. Joel Pagdilao

 

Glad to know you, sirs!

 

*****

 

SI GARBO AY KILLALA NG MGA CLOSE SA KANYA

bilang BOGART.

Sa limang pinangalanan ni Digong,

siya ang pinakamataas ang ranggo: 3 stars.

 

Lalo pang nadiin si Garbo

nang sabihin ni Duterte at

Solicito General Jose Calida

noong makalawa na siya (Garbo) ang

“primary protector of the drug triad

operating in the country.”

 

“Level 5” protector daw ito

ng mga sumusunod na drug lords:

 

1) WU TUAN alias PETER CO (ng Luzon Triad)

2) PETER LIM alias JAGUAR (ng Visayan Triad)

3) HERBERT COLANGCO alias AMPANG

who is allied with the Parojinog drug syndicate

na mas kilala sa tawag na Kuratong Baleleng.

 

Wow!!!

 

Puro singkit?!!!

 

*****

 

SI PETER LIM ALIAS JAGUAR

ay nasa ibang bansa raw ngayon.

 

Ito ang warning sa kanya si Duterte:

 

Sabihin mo sa kanya,

the moment he lands at NAIA,

he will die.”

 

Ayyy…

 

SUMPA po ba ‘yan, ser???

 

*****

 

WARNING NIYA NAMAN SA NAKAPIIT

na si Herbert Colangco:

 

“Never try to go out of prison.

You will die.”

 

Ayyyy….

 

SUMPA NGA!!!

 

Parang  “avada kedavra!!!”

 

*****

 

PNP GEN. BATO WANTS TO MEET DRUG LORDS

who put a price on his and DU30’s heads.

 

Sabi niya, maghe-hello lang daw siya sa mga ito.

 

Alam n’yo kung ano ang isasagot

ng mga drug lords sa “hello” ni Bato?

 

“High!”

 

*****

 

SI MARCELO GARBO, JR. NA LANG

ang hindi pa lumulutang

at hindi pa nagsasalita tungkol sa

akusasyon sa kanya.

 

Baka…

the alleged protector now wants protection?!!

 

*****

 

SI Mayor VICENTE LOOT naman,

ilang beses nang nagpa-interview sa media.

 

Pati ang misis niya (na dating mayor din)

ay nagpa-interview na rin.

Pinakita pa nito ang kanilang

magarbong bahay.

 

Mahigit P100 MILLION ang yaman ni Loot.

 

Sabi ng misis niya,

pinaghirapan daw niya ito

mula noong dalaga pa siya.

Nagtitinda daw siya ng alahas

at signature bags.

 

Ahhh… akala ko…

lugaw.

 

*****

 

LOOT AMINADONG LUMOBO ANG YAMAN.

 

Baka naman balloons ang business siya.

 

Tsaka clowns.

 

*****

 

MAYOR LOOT TO PRES. DUTERTE:

“Before naming us,

know that we have families, too.”

 

And ex-VP Binay was like…

“I know, right???”

 

*****

 

AT PARA PATUNAYANG

galit din siya sa droga,

nag-offer si Mayor Loot

ng P50,000 sa sino mang pulis

ang makakapatay ng drug pushers

sa kanyang nasasakupan.

 

And PNP Gen. Bato was like,

“You’re nothing but a second-rate,

trying hard…. COPYCAT!!!

 

Meow!

 

*****

 

LUMUTANG NA RIN

SI GEN. BERNARDO DIAZ:

 

“Kung may isang opisyal po

na galit sa droga, isa na po ako doon

for personal reasons.

Ako mismo galit sa droga.”

 

Sure.  Why not?

 

Buti wala pang nagbabanggit kay God, ‘no??

 

*****

 

SI POLICE CHIEF SUPT. EDGARDO TINIO

naman ay mangiyak-ngiyak na humarap sa media:

 

Ang importante sa akin ngayon ay

malinis ko ang aking pangalan.

I still have one year and 6 months to go

sa serbisyo. Once na malinis ko

ang aking pangalan,

ako ay mag-e-early retirement na.” 

 

Use Zonrox po

Siguradong tanggal lahat ng matsa!

 

*****

 

SABI NAMAN NI CHIEF SUPT. JOEL PAGDILAO:

 

“Nakahanda kung ano man ang imbestigasyon.

Handa kong ipagtanggol ang aking sarili

at linisin ang pangalan ng Pagdilao.”

 

Pagdilao talaga, mahirap linisin ‘yan.

Kumapit na matsa na ‘yan Pagdilao.

 

Use Zonrox din po.

 

*****

 

MAR ROXAS KONEKTADO RAW

sa ilan sa mga “narco generals.”

 

Mar Roxas….

Mar Roxas…

 

Sino na nga ba ‘yon???

 

*****

 

PNP GEN. BATO MET WITH 3 OF THE “NARCO GENERALS”

 

Nakikita sa pictures noong meeting

na may 2 boxes of tissue paper

sa gitna ng long table.

 

Bakit kaya may tissue?

 

Ahh…

baka nakakaBATO ang pinag-uusapan nila.

 

*hikbi*

 

*****

 

SA AIR FORCE 69TH ANNIVERSARY RITES

(kung saan pinasabog ni Digong ang bombang ito),

dumating ang pangulo nang naka-barong

with sleeves folded —

at naka…. maong pants!!!

 

Parang may suspetsa ako

kung sino ang nag-advise nito.

 

ATTY. SAL PANELO, UMAMIN KA!!!

 

*****

 

DUTERTE ANNOUNCED THAT FOI EXECUTIVE ORDER

WILL BE RELEASED NEXT WEEK

 

Eh, kaya naman pala eh!

 

Bakit hindi ito ginawa

noong nakaraang pangulo???

 

Baka busy mag-level up.

You know.

 

*****

 

REACTION NI SEN. LEILA DE LIMA

sa “name and shame” tactic ni Digong:

 

“May violation dyan ng due process.

There is still presumption of innocence

and therefore, they are entitled to be heard.

They should not be put and subjected

to trial by publicity.”

 

Due process daw?

 

Two words for you, senadora:

GLORIA ARROYO.

 

*****

 

DE LIMA PAI-IMBESTIGAHAN ANG SUMMARY KILLINGS

 

I’m sure ito ang iniisip ng marami:

Sana mang-agaw din ng baril  si De Lima.

 

Pustahan?

 

*****

 

REACTION NAMAN NI GRINGO HONASAN:

 

“Kawawa naman sila.”

 

Eh ‘yun pong nabiktima at nalulong sa droga,

hindi n’yo po ba kakaawaan ‘yon?

 

Nagtatanong lang po.

 

*****

 

MGA SUMUKONG ADIKS PINAG-ZUMBA.

 

Para sumeksi???

 

*****
PNP GEN. BATO: BAWAL NA ANG GOLF,

BAWAL ANG NAKASIMANGOT

 

Narinig mo ‘yun, Ate Koring??

 

*****

 

DU30 OFFERED LENI HUDCC CABINET POST

Bakit nagbago isip ni Digong?

 

LENI:

“Siguro noong nakilala niya ako, ‘yun naman.

‘Yun ang nag-pave ng way kung bakit

may change of heart si Presidente.”

 

Haba ng hair!

 

Di kaya dahil naakit siya sa iyong amoy na….

lugaw??

 

*****

 

NEWS ITEM KAHAPON, JULY 8:

 

The Netherlands has a strange problem:

Empty prisons.

 

Nandito po sa Pilipinas ang solusyon

sa problema n’yo!!!

 

Paki-pickup na lang po sila.

Gen. Bato will assist you po.

 

Thanks!

 

*****

 

PHOTO CREDITS:

HAND AND GUN: bandera.inquirer.net

BERNARDO DIAZ:  www.aksyonradyoiloilo.com.ph

JOEL PAGDILAO:  twitter.com

MARCELO GARBO JR.:  newsinfo.inquirer.net

EDGARDO TINIO:  newsinfo.inquirer.net

VICENTE LOOT: www.sunstar.com.ph

PHOTO URLs:

HAND AND GUN:

http://bandera.inquirer.net/files/2015/07/gun16.jpg

BERNARDO DIAZ:

http://www.aksyonradyoiloilo.com.ph/wp-content/uploads/2016/07/Bernardo-Diaz-240×300.jpg

JOEL PAGDILAO:

https://pbs.twimg.com/profile_images/639070083722014720/aR7XqNcV.jpg

MARCELO GARBO JR.:

http://newsinfo.inquirer.net/files/2016/07/FILE_Garbo-620×693.jpg

EDGARDO TINIO:

http://newsinfo.inquirer.net/files/2016/07/edgardo-tinio.jpg

VICENTE LOOT:

http://www.sunstar.com.ph/sites/default/files/styles/medium/public/field/image/article/loot_1.jpg?itok=PJIyYKoy

 

nkpowjuly2

NEWSKUPOW! Sa Wakas!!! Buhay pa naman tayo, di ba? (Kaya nyo Bato?)

Saturday, 2 July 2016 | Written by
nkpowjuly2

 nkpowjuly2

PACMAN ABSENT SA ORIENTATION

Para ito sa mga baguhang senador.

Para malaman nila ang mga detalye

sa pagiging isang senador.

 

Akala ko ba, Pacman, seryoso ka na?

 

Ibi-break mo ba ang record mo

na pinamakaraming absences??

 

Congrats to you!

Knockout na naman ang mga PIlipino!!!

 

*****

KUNG MAGTUTULOY-TULOY PA ANG GANITO,

mabuti pang palitan na natin ang iyong monicker

from Pambasang Kamao to…

 

PAMBANSANG ABSENTEE.

 

*****

ABSENT DIN ANG ISA PANG BAGUHANG SENADOR.

 

CLUE: Ang future n’ya ay maDILIM ah!

 

*****

AT SINCE ABSENT ANG DALAWANG ITO,

may special course ba para sa kanila?

 

O forever na lang silang NGANGA sa Senado??

 

*****

PNP CHIEF BATO:

AFTER DROGA, JUETENG NAMAN ISUSUNOD.

 

Kumpleto na ang mga bisyo!

 

ALAK (proposed nationwide ban after 1am),

BISYO (crackdown on illegal drugs)

SUGAL (jueteng)!

 

Eh…

ang BABAE kaya???

 

Marami ang tatamaan!!!

 

(Sabi ni Digong, huwag daw siyang tularan!)

 

*****

PNOY ACHIEVEMENTS

 

A reader of Newskupow! suggested that

I mention PNoy’s achievements din naman.

 

To be fair, here they are

(according to him and his spinmasters)

and our reactions:

 

1) Natanggal niya raw ang corruption sa gobyerno

FIVE WORDS: DAP, Customs, LTO, DOTC, etc.

2) I-Google n’yo na lang.

Katamad eh!

(Tsaka hindi naman kayo maniniwala, di ba?)

*****

PNOY’S LAST SPEECH

(before the AFP):

“Kung meron man akong iiwanang habilin sa inyo,

ito ay huwag niyo sanang kalilimutan

ang laging itinatanong natin sa tuwing nalalagay tayo

sa isang sangandaan:

Paano ito nakakatulong sa sambayanang Pilipino?

Kapag nasagot ninyo dito ay oo, malamang po,

nasa tama kayo.”

Ano daw???

Oo ang sagot sa “paano”???

Sino ba nagsulat nito, elementary student??

*****

NEWS BANNER:

PNOY DI NAIWASANG PASARINGAN SI CGMA.

DI NAIWASAN?

Bakeeet?

 

Sakit na ba yan na parang epilepsy

na hindi n’ya makontrol?

 

Baka nga.

 

*****

PINASARINGAN NA NAMAN NI PNOY

SI ALING GLORIA.

 

Hanggang sa huli,

garantisadong Boy Sisi.

 

*****

ITO ANG UNANG ISSUE NG NEWSKUPOW

sa ilalim ng bagong pangulo.

 

Medyo makakahinga na

ang mga fans ni PNoy.

 

Medyo lang ha!!!

 

*****

JUNE 30, 2016 (12 NOON):

In-inaugurate na nga ang ating bagong pangulo:

RODRIGO ROA DUTERTE.

 

For a change, pangulong may…

bay*g.

 

*****

STOCKS JUMPED DURING  INAUGURATION

 

The Philippine Stock Exchange index (PSEi)

on June 30 noontime closed at 7,980.75 –

an all-time intraday high for the year.

 

Yan ang good news!!!

 

Na ayaw marinig ng mga anti-DU30!!

 

#BitterAmpalaya

 

*****

MAIGSI LANG ANG SPEECH NI DIGONG.

14 minutes lang ito tumagal.

 

Kakaiba ito sa mga naunang pangulo sa kanya.

 

Ito pa ang kakaiba:

Hindi benggador ang speech na ito,

hindi ito nanisi ng ibang tao

‘di tulad ng inaugural speech ni you-know-who.

 

*****

SO, NATULOY BA YUNG MARUYA AT BUKO JUICE?

 

Hmmm… hindi.

Pero, simple lang talaga ang handa:

 

Ginisang monggo with tinapa at alugbati

Pandesal with kesong puti and Vigan longganisa

Turon

Lumpiang ubod

Durian tartlet

 

Walang lugaw?!!

 

*****

BAKA NASA INAUGURATION NI VP LENI ANG LUGAW.

 

Tignan nga natin ang handa ni Aling Laylayan:

 

Pichi-pichi

Buchi with Choc-Nut filling

Turon

Sotanghon

Maja blanca

Pandesal

(choice of palaman: adobo, corned beef, tuna)

 

Nope, walang lugaw.

 

*****

INULAN ANG INAUGURATION VENUE NI LENI

(ang dating “Boracay Mansion” na ngayon ay

kilala na bilang Quezon City Reception House).

 

Lumuha ang langit.

 

Sinabayan siguro ang luha

ng mga BBM loyalists.

 

*****

MARAMING CELEBRITIES SA LENI INAUGURATION:

 

Kris Aquino, Dingdong Dantes, Marian Rivera,

Enchong Dee, Jim Paredes, Jaime Fabregas,

Bea Binene, atbp.

 

Sila ang mga ibo-boycott ng BBM loyalists.

 

*****

ZERO CRIME IN METRO MANILA

DURING DIGONG’S INAUGURATION

 

Eureka!!!

Ayun pala ang solusyon eh!!!

 

Mag-inauguration tayo araw-araw!!!

 

*****

AFTER THE INAUGURATION,

hinarap ni Digong ang mga militante

na nag-rally sa labas ng Malacanang

IN SUPPORT of his presidency.

 

Tumayo ang balahibo ko sa kwento

ni Renato Reyes Jr. ng Bayan tungkol dito:

 

“(Duterte) asked us if this was our first time

inside Malacanang. For most, it was.

We told him how we are usually barred

from crossing the barricades at Mendiola.

 

“He told us that he respects freedom of speech

and the right to peaceably assemble.

 

“I asked him if this meant that we can hold

our SONA rally closer to Batasan.

He said it shouldn’t be a problem.

Pwede raw makalapit.
.
“He wants peace and national unity

to be his legacy. He is serious about

finding a solution to the armed conflict.”

 

Dito pa lang sa kwento ni Ka Renato,

masasabi na nating…

 

Dumating na nga yata ang pagbabago.

*****

 

YUNG DATING PANGULO,

ni hindi man lang sinilip ang mga rallyista.

 

Baka kasi IBA ang mga “boss” niya.

 

*****

PERO SA TIMES STREET,

balik sa dati ang mga militante.

 

Lumusob sila doon

upang papanagutin si PNoy

sa mga kasalanan nito sa mga “boss” niya.

 

Sinisisi nila si…

Boy Sisi.

 

#KarmaChameleon

 

*****

TINUPAD BA NAMAN NI DIGONG

ang pangako niyang hindi siya magmumura

sa kanyang inaugural speech?

 

Tang  in a pack, OO NAMAN!!!

 

Behaved ang lolo n’yo!

 

Mas marami pang mura

ang mga anti-DU30 trolls

sa social media nung araw na ‘yon.

 

*****

MAY MGA KUMALAT NA MEMES

tungkol sa “mukha ng Diyos”

na nasa flag daw sa likod ni Digong

habang nag-ii-speech ito.

 

Tinignan ko ang picture.

 

Ganun ba ang mukha ni God?

 

Parang mukha yata ‘yun ni…

Babalu eh!

 

Nang-aano kayo eh!!!

 

*****

PAKINGGAN NGA NATIN ANG SOUND BYTES

mula sa bago nating pangulo sa kanyang

unang araw bilang pangulo

(sa speech man o sa cabinet meeting)…

 

*****

DUTERTE:

“Erosion of faith and trust in government –

that is the real problem that confronts us.

Resulting therefrom, I see the erosion

of the people’s trust in our country’s leaders;

the erosion of faith in our judicial system;

the erosion of confidence in the capacity

of our public servants to make

the people’s lives better, safer and healthier.”

 

Sisishin si Boy Sisi.

*****

 

NAG-BISAYA DIN SI DUTERTE:

“Tinud-anay nga kabag-uhan.

Mao kana ang tumong sa atong pang-gobyerno.

(Real change. This is the direction of our government).”

 

Pramis??

Sana nga totoo na ito, ser.

Sa daming pambobola naming narinig,

mahirap nang maniwala ulit.

 

Pero, umaasa pa rin kami.

Itong pag-asang ito na lang kasi

ang pinanghahawakan namin.

 

*****
NI-QUOTE DIN NI DIGONG

SI FRANKLIN D. ROOSEVELT:

 

“The test of government is not whether

we add more to the abundance

of those who have much;

it is whether we provide for those

who have little.”

 

Dito, siguradong bagsak

‘yung nakaraang pangulo.

 

*****

GUSTO NI DIGONG NA MAGKAROON NG HOTLINE

diretso sa kaniya mismo

para malaman daw niya

kung ano ang mga problema ng mga PInoy.

 

Ang sina-suggest niyang number: 8888.

 

Pwede pong mag-suggest ng jingle?

 

Pasok, Bayani!!!

 

♪  Tayo’y mag…  88… 88…   ♪

 

*****

DUTERTE:

“I don’t want to see Filipinos lining up.”

 

Eh…  paano kung pelikula ng Aldub??

 

*****

DUTERTE:

“I don’t want a proliferation

of gamblng activities in the country.

Mahirap iyan.”

 

Oo nga,  ma-ERAP ‘yan!

 

*****

AND AS IF TO ECHO DIGONG’S SPRONOUNCEMENTS,

ang bagong PNP Chief na si Ronald “Bato” Dela Rosa

ay parang katono rin ni Digong kung magsalita.

 

Sabi niya sa mga tiwaling pulis:

 

“I am giving you 48 hours to voluntarily surrender to me

at ilahad ninyo sa akin ang lahat.

Otherwise mag-AWOL na lang kayo,

mag-full time drug lord na lang at

makipag-gyera na lang kayo sa amin.”

 

At marami ang nangatog ang tuhod.

 

*****

BANTA PA NI BATO:

 

I will stop you from enjoying your evil life.

I promise you, change is coming,

including your birthday which will be changed

to November 2.”

 

Awooooo!!!

 

May future ito sa comedy bar.

 

*****

GEN. BATO DELA ROSA:

“I am your father.”

 

Darth Vader, kaw ba ‘yan???

 

*****

TO ALL OUR NEW GOV’T OFFICIALS,

we wish you all the best.

 

And good luck.,

 

You’ll need lots of that.

 

MABUHAY PO KAYO!

MABUHAY ANG PILIPINAS!!!

 

 

nkpow june 25

NEWSKUPOW! Good luck, good health, good riddance!!!

Saturday, 25 June 2016 | Written by
nkpow june 25

nkpow june 25

(NAGSIMULA SA PALPAK NA LUNETA HOSTAGE RESCUE, MAGTATAPOS SA PALPAK NA SULU HOSTAGE RESCUE)

 

*****

MAR ROXAS FINALY SUBMITTED HIS SOCE!

Isinubmit ito ng team niya

noong Miyerkules, June 22.

Palakpakan natin!!!

Teka… kelan nga ba yung deadline??

June 8.

 

Buti na lang talaga

hindi naging pangulo ito.

 

SOCE lang eh, feeling special pa!!

 

*****

ISANG TRUCK DAW NG PAPELES

ang sinubmit ng team ni Roxas eh!

Kahit kailan talaga,

OA  itong si Boy Epal, ‘no??

 

*****

BAKIT ANG IBA AY NAKA-SUBMIT NG SOCE ON TIME…

at si Mar Roxas ay hindi?

Baka nahirapang gumawa ng…

kwento.

 

*****

1,000+ DRUG USERS & SELLERS SURRENDERED

to the Quezon City Police Department.

Mahigit  352 ang sumuko noong Miyerkules

at nahigit 700 naman ang sumuko kahapon, Biyernes.

Nararamdaman na nila na

#ChangeIsComing.

Nangangatog na sila.

 

*****

BAKIT KAYA GANUN KARAMI ANG SUMUKO?

Ano kaya ang incentive na ibinigay sa kanila?

Free livelihood kaya?

Free housing?

Baka…

free shabu.

 

*****

ANG DAMI RING MANIAC SA PUVs LATELY.

May naglalabas ng dila,

may naglalabas ng jun-jun,

may nanghihipo,

may nangre-rape.

Bakit??

 

Nagpa-panic na rin ba sila?

Na baka hindi na sila makapag-manyak

pag-upo ng susunod na Pangulo???

Kung baga sa exams, and tawag d’yan ay…

CRAMMING.

 

*****

Ito pa ang isang nangangatog na…

PRES. BS AQUINO III DEFENDS DAP.

PNOY:

“Ang bottomline noon…

nakatulong sa kababayan natin…

Paano dapat magiging mali yun?”

Unang-una po,

mali ang construction ng sentence n’yo.

Kaya naging mali ‘yun.

 

*****

PNOY ON DAP

“Ang bottomline noon…

nakatulong sa kababayan natin.”

Oo nga naman.

Ito yung mga kababayan natin na natulungan:

Rep (now Sec.) Joseph Abaya – P408 MILLION

Sen. Teofisto Guingona – P360 MILLOIN

Sen. Francis Pangilinan – P311 MILLION

Speaker Sonny Belmonte Jr. – P297 MILLION

Rep. Neptali Gonzales – P263 MILLION

Sen. Aquilino Pimentel – P258 MILLION

Sen. Loren Legarda – P250 MILLION

Sen. Franklin Drilon – P100 MILLION

Lahat ‘yan kapartido o kaalyado

ni Pres. BS Aquino III

 

Nakatulong nga naman!

Kayo talaga, o!!!

Puro kayo batikos!!!

 

*****

AT MARAMI RING SENATORS

ang nabigyan ng DAP noong

impeachment trial para sa dating

Chief Justice Renato Corona (RIP).

 

Ahh…

TALAGANG NAKATULONG NGA!!!

 

*****

2015 SALN NG CABINETS SECS NI PNOY,

inilabas na.

Halos lahat sila ay yumaman noong 2015.

Magtataka pa ba tayo??

 

*****

ANG PINAKAMAYAMAN SA KANILA

ay si JOEL ROCAMORA,

ang head ng National ANTI-POVERTY Commission.

Effective nga siya!

Naiwasan niya talaga ang poverty!

 

*****

HALOS NA-DOUBLE  ANG YAMAN NI ROCAMORA

kumpara sa 2014 SALN niya.

Nadagdagan ito ng P12 MILLION

sa isang taon lang.

Palakpakan natin!!!

 

Pero…

naiangat n’yan man kaya

ang buhay ng mga “boss” niya??

Pakisagot po, Mr. Anti-Poverty Man.

 

*****

METRO MANILA QUAKE DRILL

SUMALI BA KAYO SA LATEST QUAKE DRILL??

So, alam n’yo na yung duck, cover, hold and…

selfie?

 

*****

BALITA KO, SERYOSONG SUMALI RIN

sa earthquake drill yung mga nasa Palasyo eh.

Naghahanda na raw sila

sa mga kaso na

YAYANIG  sa kanila.

 

*****

PNOY NAKA-EMPAKE NA RAW.

Lilisanin daw ang Palasyo na taas ang noo.

Ingat po, ser.

Baka mahulog sana kayo sa hagdan!

Oops… sowee.

 

Ingat po sa paglakad nang taas ang noo,

Mr. President!

 

*****

KUNG BUHAY LANG DAW ANG KANYANG AMA,

magagalak daw ito dahil naibalik DAW niya

ang dangal sa bawat Pilipino.

 

Hahahaha!!!

May nagpapatawa na naman.

 

*****

KUNG BUHAY SI NINOY AQUINO,

siguradong nabatukan n’ya

si Noynoy Aquino.

 

Pustahan?

 

*****

PNOY TO HIS CABINET:

“If my dad could only see what we’ve done together,

maybe he would be a little less inclined to sing

‘The Impossible Dream.’”

 

Korek.

Dahil you’ll be more inclined to sing…

“What Have You Done?”

 

*****

DAHIL PAPAALIS NA NGA

ang present government (salamat naman!!!)…

balikan nga natin ang kauna-unahang

big news pagtuntong niya sa Malacañang….

 

ANG PALPAK NA LUNETA HOSTAGE RESCUE

(August 23, 2010):

* Ex-policeman ROLANDO MENDOZA ang hostage taker

* Tourist bus na may 25 pasahero ang hinostage nito

* 20 tourists from Hong Kong, 1 tour guide from HK, 4 Pinoys

* Walong turista ang napatay.

* Covered live on TV and the internet ang dramang ito.

* Nagsimula ng mga 10am, natapos around 8:45pm.

* Pinosasan daw ang driver sa manibela,

pero himalang nakalabas ito sa bintana.

 

Nasaan ang Pangulong BS Aquino III

habang nagaganap ito?

 

Kumakain ng giant siopao

sa isang malapit na sosyal na resto.

 

Ayos!

 

*****

NAGTUNGO SI PNOY SA CRIME SCENE MUCH LATER,

at nakunan ng photos na nakangiti sa harap mismo

ng ill-fated tourist bus.

 

Ayos ulit !!!

 

*****

MGA KAPALPAKAN NG HOSTAGE RESCUE EFFORT

AND THE AFTERMATH:

* Then Manila Mayor Alfredo Lim

did not activate his crisis management committee

 

* Dapat hindi sinali sa negotiation

ang kapatid ng hostage taker (Gregorio Mendoza).

 

* Mayor Lim nagpasyang dakpin si Gregorio

(tanga lang?)

 

* Pinakita sa news ang video (na napapanood sa bus)

ang pagdakip sa kapatid ng hostage taker

kaya nagsimula itong magwala

 

* Halatang walang training

ang mga naatasang magsagawa ng rescue

Kakatwa pa ang ibang paraang ginamit nila

(pinukpok ng sledgehammer ang bintana, e.g.)

 

* Nagturuan ang Manila govt at pulisya

kung sino ang mamumuno sa hostage rescue

 

* Walang effective crowd control.

Pinaligiran ng mga uzi-sero ang bus.

 

* Walang plano kung ano ang gagawin

matapos ang hostage taking.

 

* Hindi prineserve ang crime scene.

 

* Hong Kong asked for an apology,

but PNoy refused to say sorry.

 

FAST FORWARD TO PRESENT….

 

PNOY:

“As we leave office, we can do so

with our heads held high because

we’ve done right for the Filipino people.”

 

Haizz…

 

*****

NGAYONG PAALIS NAMAN SIYA,

isa pang palpak na hostage rescue

ang iiwanan niya

kung saan 2 Canadians na

ang pinugutan ng ulo.

 

Marami tuloy ang nagsasabi na

ang dapat pugutan ay si…

you know.

 

*****

PNOY WALANG PLANO NA MAKIALAM

sa Duterte government.

 

Hahaha!!!

Gobyerno niya nga, palpak…

mangengealam pa???

Naman!

 

*****

PNOY:

“Lahat nang banat sa akin bago ako naupo,

habang nakaupo at siguro

pagtapos kong nakaupo,

yung nakaka-distract ito sa governance.”

 

Di ba dapat linya rin ‘yan ni Aling Gloria??

 

*****

PNOY TO FACE 1,997 CASES – THE MANILA TIMES

 

Ang dami naman!

Pwedeng tumawad?

1,996 na lang?

 

*****

MAGBALIK-TANAW TAYO SA 10 MEMORABLE PROTESTS

na hinarap ng BS Aquino III government:

 

  1. MILLION PEOPLE MARCH

August 22-26, 2013

GOALS: Scrap the pork barrel system,

account for all misused funds,

investigate and punish those who misused funds.

 

  1. PEOPLE SURGE

2014 and 2015

Manila, Samar, Leyte

GOAL: Justice and aid for Yolanda victims

 

  1. BARUG KATAWHAN

April 2013

Davao Oriental

DEMAND: Release rice and relief goods

for Typhoon Pablo survivors

 

  1. DROUGHT PROTESTS IN MINDANAO

(a.k.a.  “BIGAS, HINDI BALA”)

April 2016

North Cotabato, Bukidnon

DEMAND: Food aid for El Niño victims

 

  1. CAMPUS STRIKE VS EDUCATION BUDGET CUTS

November 2010, all state colleges and universities

PROTEST: Against budget cuts in the higher education sector

 

  1. PEOPLE POWER VERSUS MINING

Nationwide, especially Luzon

PROTEST: Against killing and large-scale mining

 

  1. STOP LUMAD KILLINGS

2015, Manila

WHAT: Lumad tribes from CARAGA and Davao regions

arrive in Manila to protest vs harassment and killing

of Lumad people.

 

  1. FISH HOLIDAY

September 2015, Nationwide, especially Metro Manila

PROTEST: Against fish ban on municipal waters.

 

  1. STOP K-12

2015-2016

DEMAND: Stop hasty implementation

of the poorly-designed K-12 education reform.

 

  1. ANTI-APEC

November 2015

PROTEST: Against further imposition

of unjust and onerous trade and economic policies.

 

May idadagdag pa ba kayo?

 

*****

HETO NAMAN ANG 10 SINS OF PNOY.

 

Panoorin n’yo ang video na ito para malaman.

 

****

DU3O TALKED TO BIZMEN

First time an incoming president did so.

 

This president is serious.

And hardworking.

And has a vision.

And balls.

 

Unlilke you-know-who.

 

*****

PRES-ELECT DUTERTE TO BUSINESSMEN:

“I really hate corruption.”

Hate n’ya ang nakaraang gobyerno.

 

*****

FB OFFERS TO HELP DU30’S COMM TEAM

Paano kaya?

Ah, baka sila ang gagawa ng memes.

 

*****

ONE LOVE, ONE NATION

THANKSGIVING CONCERT

Habang sinusulat ito, ginaganap (4pm-10pm)

ang isang concert sa Cebu City.

 

Nandito rin si Pres-elect Duterte

para magpasalamat sa mga Cebuanos

na nagbigay sa kanya ng higit

1 MILLION votes.

 

Daghang salamat, Cebu!

 

Ito ang hashtag na nasa poster ng concert:

#CAll4Change

 

*****

SALAMAT DIN SA ‘YO, DIGONG,

for giving us HOPE.

Sa ngayon, iyan lang

ang pinanghahawakan namin –

ang pag-asang magbago na sana

ang palpak na pamamahala

ng mga nakaupo sa gobyerno.

 

Sana’y huwag mo kaming biguin,

kundi —– TANG IN A PACK din

ang ibibigay namin sa ‘yo.

 

We wish you ALL THE BEST, though.

 

*****

SA PAPAALIS NA PANGULO,

we wish you all the best, too.

 

Huwag ka nang babalik, ha?!!!

 

******

ITO NA NGA PO ANG LAST ISSUE NG NEWSKUPOW

na lalabas sa panahon ng BS Aquino III government.

 

Siguradong mami-miss ko siya.

He’s such an easy target, di ba?

 

But don’t worry, mababanggit pa rin natin siya

every now and then, dahil…

gagawin din natin ang ginawa niya kay Aling Gloria:

ang sisihin ito sa lahat ng kapalpakan niya.

 

Ang saya-saya, noh???

 

*****

 

nkpowjune17

NEWSKUPOW! Bato vs Bato at ang Veto-Veto President

Friday, 17 June 2016 | Written by
nkpowjune17

nkpowjune17

 

SA INAUGURATION NI PRES-ELECT DIGONG DUTERTE,

street food daw ang ihahanda.

Pero ang bida raw ay ang

maruya at buko juice.

 

Wha…?

Walang lugaw???

 

Ayaw ni Aling Leni ng ganyan!!!

 

*****

 

EH HINDI NAMAN KASAMA SI ALING LENI EH.

 

Wha…?

 

Ayaw ni Jim Paredes ng ganyan!

 

*****

 

BAKIT NAMAN NAPAKA-CHEAP NG HANDA???

 

Eh kasi nga po,

di katulad ng pangulo ngayon,

ang papasok na pangulo ay…

WALANG PRETENSIONS.

 

Boom!!!

 

*****

 

UYY, SOBRA NAMAN KAYO!

Kumain din ng street food si PNoy, remember?

 

Ayyy, oo nga pala.

Sa New York City.

 

Hotdog.

 

Yum!!!

 

*****

 

SIYA LANG ANG PANGULONG

KUMAIN NG HOTDOG IN PUBLIC!!!

 

Wait…

parang mahalay yata ang dating, ‘no?

 

*****

 

NO LUNCHEON IN DIGONG’S INAUGURATION,

PERO MAY PRITONG SAGING.

 

Tama ‘yan.

Saging lang kasi ang may puso!!!

 

*****

 

BAWAL DIN DAW UMATTEND

ang mga asawa ng cabinet members.

 

Huh?

Pero pwede ba ang mga…

kabit?

 

*****

 

IN KEEPING WITH THE THEME OF SIMPLICITY,

wala ring magaganap na “fashion show”

sa kauna-unahang SONA ni Digong sa July 25.

 

At napahalakhak si Ate Koring.

 

Hindi lang pala siya ang naudlot

sa paggamit ng hinandang mamahaling gown.

 

Bwahahaha!!!

 

*****

 

BAWAL NA NGA ANG PAG-RAMPA SA SONA.

 

Natuwa naman si Sen. Nancy B.

 

Hindi na magiging viral ang pagtsugi

sa chaka gown n’ya.

 

*****

 

OYYY… PASUKAN NA NAMAN PO!!!

Traffic na naman!!!

Gulo na naman!!!

 

Kumusta naman kaya ang first week

ng first batch of Grade 11 students?

 

Hayun,  yung iba walang classrooms.

Yung iba naman, walang teachers.

 

Gulo nga.

 

*****

 

EDUC SEC. BROTHER ARMIN LUISTRO:

“It’s the best school opening so far.”

 

Huh???

 

Nagpapatawa si brader, o!!!

 

*****

 

O BULAG-BULAGAN LANG?

 

*****

 

PRES. BS AQUINO III CONDEMNS EXECUTION

OF CANADIAN HOSTAGE

by the terrorist group Abu Sayyaf.

 

PNOY:

“This latest heinous crime serves to strengthen

our government’s resolve to put an end

to this reign of terror and banditry.”

 

Wushuuu!!!

Sige nga, kung sincere ka talaga…

palitan mo ang isang hostage!

 

Dare??

 

*****

 

DESPITE THIS, NAGBIGAY PA NG TULONG

ang Canada sa Pilipinas!

 

A  friend indeed!!!

 

*****

 

NAGPATAWAG NG RALLY SI CYNTHIA PATAG

para patalsikin si pres-elect Digong Duterte.

 

Pwede bang patalsikin ang di pa nakaupo???

 

Sa Mental dapat nag-rally ang mga ‘to eh!

 

*****

 

CYNTHIA PATAG ININDIAN ANG SARILING RALLY.

 

Baka hindi pinalabas sa Mental.

 

*****

 

IKINAGALIT PA NG NETIZENS

ang paggamit ni Patag sa Diyos:

 

“Let’s do this! God is on our side!”

 

And God was like,

“Ikaw na naman??!!!”

 

*****

 

NAG-VIRAL NAMAN ANG OPEN LETTER

ng Showbiz Government  addressed to Cynthia Patag.

 

Ang last part nito ay nagsasabing:

 

“Because your favorite presidential candidate lost,

you keep eating ampalaya everyday.

Eat more, Cynthia.  F. U.”

 

Awts.

Baka naman diabetic si Patag

kaya matakaw sa ampalaya.

 

*****

 

PATAWA NAMAN ANG SAGOT

NI ARNELL IGNACIO SA POST NIYA:

 

“Cynthia, ilan na ba mga rallyista?

Ingat ha, baka magka-stampede.

Eh 12 na raw kayo.”

 

Boom!

 

******

 

SI JIM PAREDES NAMAN,

binanatan ng netizens

dahil sa pagdawit at pambabastos nito

sa nanay ni Digong Duterte.

 

Walang ganyanan, Jim!

Anak ka rin ng ina mo!!!

 

*****

 

GALIT NA GALIT DIN SI PAREDES

dahil sa decision na hiwalay na inauguration

nina Digong at ni Aling Leni.

 

“Is Duterte serious?  Why?

Afraid Leni will shine more?

BBM will have an emotional breakdown?

Ano? Is he President of ALL

or only his friends?”

 

Ehem,  Mr. Paredes,

Tinanong mo ba yan

sa BFF mong si PNoy???

 

*****

 

DAGDAG PA NI PAREDES:

“He is not the President of Davao alone.

He is everyone’s President.

Where is the unity?

He continues to divide the nation.”

 

TWO WORDS FOR YOU, PAREDES:

Yellow ribbon.

 

*****

 

BITTER KA PA RIN TALAGA, JIM PAREDES???

 

Humingi ka kaya ng ampalaya kay Patag.

Marami s’ya nun.

 

*****

 

TO COMPLETE THE LA OCEAN DEEP TRIO, HERE’S…

 

LEAH NAVARRO!!!

 

Galit din siya sa desisyon ni Digong

for separate inaugurals:

 

“They (DU30 and Leni) have nothing in common.

Duterte doesn’t want to hurt BBM’s feelings.”

 

And YOU don’t want to hurt PNoy’s feelings, di ba?

 

Quits.

 

*****

 

FULL WAR VS DRUG LORDS AND PUSHERS,

ito ang pahayag ni incoming PNP chief

Ronald Dela Rosa,

na gustong tawagin na lang siya ng “Bato.”

 

Hinamon pa nito ang mga drug lords

sa gun duel.

 

Afraid.

 

*****

 

HINAMON NI BATO ANG MGA DRUG LORDS

dahil diumano ay magbibigay ang mga ito

ng pabuyang P1 BILLION sa sino mang

makakapatay sa kanya at kay Digong.

 

BATO:

“I challenge all of you to a gun duel, man to man.

This will be 20 rounds of the gun duel.

Let’s do it one after another.”
Bato laban sa bato!!!

 

*****

 

MENSAHE NAMAN NI DIGONG SA 25 MAYORS

na involved diumano sa drug trade:

 

“We will treat you like ordinary criminals.

You committed a crime.

I don’t care if you’re a mayor.

You were elected using your drug money.”

 

Pangalanan na ‘yang mga ‘yan!!!

 

*****

 

EH, SIR BATO… PWEDE N’YO PO BA ISAMA D’YAN

yung tatlong La Ocean Deep?

 

Please???

 

*****

 

BATO NAGBIGAY NG CLUE

sa corrupt na PNP official.

 

Ayyy…. blind item time ulit???

Parang si PNoy lang???

 

*****

 

AY, HINDI NGA PALA BLIND ITEMS YUNG KAY PNOY.

 

PASARING nga pala ‘yung mga ‘yun.

 

Ang pagkakaiba:

Blind item = “Da who???”

Pasaring = “Tse!”

 

*****

 

SA ANIM NA TAON NI PNOY SA TRONO,

80 bills ang ni-veto o tsinugi nito.

 

Siya na ang presidenteng

may pinakamaraming na-veto na batas

mula 1986.

 

Mataray!

 

*****

 

MATATANDAANG VINETO NI PNOY

ang bill na magbibigay ng P2,000

monthly increase sa SSS pensioners.

 

Ngayon naman, papaalis na lang,

vineto naman nito bill na magtataas ng sahod

ng mga nars.

 

Mga nars sa buong mundo!

Kapag napunta sa kamay n’yo

ang isang ito…

 

Alam n’yo na gagawin, ha?

 

*****
ANG IBA PANG VINETO NI PNOY

AY ANG MGA SUMUSUNOD:

 

Magna Carta for the Poor

Centenarians Act

Right of Internally Displaced Persons Ace

Bill removing height requirements

for police, fire service and jail guards

 

Sino nga ulit ang “boss” niya??

 

*****

 

DU30’S NEW SPOKESPERSON

 

Si Ernie Abella na ang bagong

spokesperson ni pres-elect Digong.

 

Hindi na si Sal Panelo????

 

Celebration na ‘to!!!

 

*****

 

78 MMDA TAUHAN SA TOWING SERVICE

POSITIVE SA SHABU!

 

Pakibato po ang info kay Bato!

 

*****

 

TRILLANES BIGLANG BUMAIT

 

Hindi na raw itutuloy ang ill-gotten weath case

laban kay Duterte.

 

Hindi rin daw siya magiging sanhi

ng anumang distraction.

 

Naka-drugs ba ito???

 

*****

 

OMBUDSMAN AFFIRMS GRAFT CASE

versus Purisima and Napeñas.

 

Ganern?

Eh yung boss na nag-appoint kay Purisima

na pamunuan ang failed Mamasapano operation

kahit na suspended ito??

 

Ganern na lang ‘yun???

 

*****

 

NAKITA N’YO BA YUNG POSING NI PNOY

sa nakaraang Independence Day?

 

Nakatingala na naman sa langit

at para bang may kinatatakutan?

 

Ahh…

baka nagpa-practice lang

para sa haharaping mga kaso.

 

At sa plea of…

insanity.

 

Kombinsing!!!

 

*****

 

MASS KILLINGS

 

50 dead in Orlando, Florida shooting.

29 dead in mass stabbing in China.

 

Di na nakakatawa ito ha!

 

*****

 

“ZUMA” STAR MAX LAUREL

passed away at 71.

 

Sumikat si Max Laurel

sa mga pelikulang “Zuma” (1985)

at “Anak Ni Zuma” (1987).

 

Zuma-langit nawa.

 

*****

 

BIG NEWS: UV DRIVER, ISA PA

NI-RAPE ANG 2 PASSENGERS

 

Hinalay, ninakawan, sinuntok.

 

Grabe naman ‘yang hayup na ‘yan .

‘Yan ba ang karinyo brutal???

 

*****

 

KASAMA NI RAPIST WILFREDO LORENZO

na kinilala bilang “Alyas Buddy,”

nahuli na kaninang madaling araw.

 

Pustahan, mang-aagaw ‘yan ng baril

tapos mapapatay?

 

Bingo.

 

Nangyari na nga.

 

Move over, Madam Auring!

 

*****

 

PHOTO CREDITS:

RONALD DELA ROSA: newsinfo.inquirer.net

CYNTHIA PATAG: globalnews.favradio.fm

JIM PAREDES: enwikipedia.org

LEAH NAVARRO:  www.livephilippines.com

RODRIGO DUTERTE: www.youtube.com

NOYNOY AQUINO:  www.scmp.com

 

Top of Form

PHOTO URLs:

RONALD DELA ROSA:

http://newsinfo.inquirer.net/files/2016/05/19_Chief-Bato2.jpg

CYNTHIA PATAG:

http://img.iwantv.com.ph/images/1213020456001/201411/3787/1213020456001_3903149956001_20141121-palibhasalalake-vs.jpg?pubid=1213020456001

JIM PAREDES:

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/e/e8/Jim_Paredes.jpg/220px-Jim_Paredes.jpg

LEAH NAVARRO:

http://www.livephilippines.com/wp-content/uploads/2015/11/leah-navarro.jpg

RODRIGO DUTERTE:

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcR8Of5xg1PwQ9tHk1Aut0C3AalDd1kZyF2VUX_WjdttWZ3-YADpsw

NOYNOY AQUINO:

http://cdn2.i-scmp.com/sites/default/files/styles/980×551/public/images/methode/2016/06/12/9dccbf22-3069-11e6-8fea-29444b868b1c_1280x720.JPG?itok=8hFfrSQu

independence day

Handa…awit!!! (With feelings, ha?!)

Sunday, 12 June 2016 | Written by
independence day

independence day

Kapag sinabing Independence Day o Araw ng Kasarinlan o Araw ng Kalayaan, ano ang mga pumapasok sa isip mo?  Malamang ang watawat o bandila,  sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Emilio Aguinaldo, atbp., ang Katipunan, ang Cry of Pugad Lawin,  ang Pact of Biak-na-Bato,  and Malolos Congress, atbp.  Pero ano ang unang ginagamit para ituro  sa atin ang nationalism – mula sa pagkabata?

 

ANG FLAG CEREMONY

 

Bata pa lang tayo, pinapa-memorize na sa atin ang Pambasang Awit (“Lupang Hinirang,” pero hanggang ngayon ay marami pa rin ang nag-aakalang ang title nito ay “Bayang Magiliw”).   Noong araw, sa flag ceremony ay tatlo ang kailangan mong i-memorize:  ang “Lupang Hinirang,” ang “Panatang Makabayan” at ang “Pilipinas Kong Mahal.”  Sa ganitong pagkakasunod-sunod din ito kinakanta at nire-recite.

 

Ang tatlong ito ay pinapa-memorize para i-instill sa ating murang utak ang nationalism o patriotism.  Pero, sa totoo lang, dahil robotic o rote ang memorization natin, hindi naman talaga natin nauuwaan ang ating sinasabi o kinatanta.  Hindi ko matandaan kung inanalyze o hinimay namin sa klase ang ibig sabihin ng panata at mga kanta.  Kung itinuro man ito,  obviously ay hindi tumatak sa isip ko.

 

At palibhasa’y alam ng teachers ko na ako ay nag-aaral ng piano noon (mula 7 taong gulang), ako lagi ang tinatawag para magkumpas.  Kailangan kasing alam mo ang iba’t-ibang klaseng tempo: 2/4, 3/4 o 4/4.   Ang “Lupang Hinirang,” bagama’t ang original tempo nito ay 2/4 o martsa, ay inaawit noon sa 4/4 na tempo.  Ang “Pilipinas Kong Mahal” naman ay 3/4  o waltz tempo.

 

Sa pag-lead naman ng “Panatang Makabayan” ay hindi nangangailangan ng musical ability. Kailangan lang magaling kang mag-memorize.  At nag-iba na rin ang wordings nito mula noong 2001.

 

So, limang estudyante ang pupunta sa may flag pole area para sa flag ceremony.  Ang dalawa ay siyang magtataas ng watawat habang kinakanta ang “Lupang Hinirang,”   Isa ang magkukumpas.  Isa ang magli-lead ng recitation ng “Panatang Makabayan,” at ang huli ay siyang kukumpas para sa “Pilipinas Kong Mahal.”

 

Ngayon daw, hindi na pinagkukumpas ang mga mag-aaral.  Ang mga guro na ang nagrerelyebo para gumawa nito.  At kadalasan, meron nang background (recorded) music silang sinasabayan.  Hindi na rin 4/4 ang tempo nito kundi  2/4, dahil ang Pambansang Awit natin ay sinulat gamit ang march tempo, o 2/4 beat.

 

At bukod sa “Panatang Makabayan,” nire-recite na rin ngayon ang “Panunumpa sa Watawat.”

 

Pero ngayon, ang pagtutuunan natin ng pansin ay ang pinakabida sa lahat — ang Pambansang Awit at ang kontrobersiya sa TAMANG pagkanta nito.  Ikaw ba, tama ang pagkanta mo nito?

 

For contrast lang, saglitan muna natin ang national anthem ng U.S. of A.

 

STAR SPANGLED BANNER

 

Sa Amerika, pwedeng-pwede i-interpret ang kanilang “Star Spangled Banner” sa kung ano mang genre o style nila gustuhin — pwedeng gawing jazzy, bluesy, rap, pop, country, o kung ano naman ang gustuhin ng kumakanta.  Matatandaang nag-Top 40 pa ang version ni Whitney Houston noong 1991 (nag-peak ito sa #20).  Noong 1968, nag-#50 naman ang recorded version ni Jose Feliciano noong 1968.  Recently naman ay pinuri at nilikbak (mixed kasi ang reaction) ang madamdaming live interpretation ni Lady Gaga.

 

NO ROOM FOR INTERPRETATION

 

Dito naman tayo sa Pilipinas. Hindi pwede ang mga ganyan!!!

 

Kung natatandaan ninyo, recently ay nagkaroon ng ilang controversy sa pagkanta o pag-interpret ng “Lupang Hinirang” – lalo na kapag kinakanta ito ng mga sikat ng singers bago nagsimula ang laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.  Pinuna ng National Historical Institute (NHI) ang tempo ng pagkanta nila.  Dapat daw kasi ay 2/4 ang tempo. Ibig sabihin, hindi pwede ang mabagal o stylized rendition. Hindi pwedeng lumihis sa “tamang version.”

 

Sabi sa Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines,  dapat daw tugtugin o kantahin ang Pambansang Awit “in accordance with the musical arrangement of its composer, Julian Felipe.  Pwedeng makulong ang sino mang hindi wasto ang pagkanta.  Sinasaad din sa batas na ito na dapat ay “with fervor”  (maalab, madamdamin) ang pagkanta ng Pambansang Awit.  Paano kaya nila susukatin o malalaman kung ang pagkanta ay “with fervor” o wala?  Hmmm.

 

At kung susundin nang literally ang batas na ito,  dapat ang Pambansang Awit ay ipe-perform sa salin ng isang pianista o isang brass band, dahil yun lang ang mga versions na ginawa ni Julian Felipe.  Isa pa, ang original version ay nasa 2/4 tempo, kumpara sa makabagong 4/4 tempo.  Kung susundin ang original tempo, at sasamahan ng lyrics, siguradong magkakabulol-bulol ang kakanta.

 

MARTIN NIEVERA AND JOEY AYALA

 

Noong 2009, binalak idemanda ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr.  si Martin Nievera dahil daw sa maling pagkanta nito ng Pambansang Awit sa Pacquiao-Hatton bout sa Las Vegas.  At kahit na raw sa Las Vegas siya kumanta, ito raw ay ipinalabas ng live sa Pilipinas, kaya liable pa rin daw si Martin.  Pinag-apologize ng NHI si Martin dahil sa pangyayaring ito, pero sabi ni Martin, wala siyang dapat ihingi ng apology dahil nagustuhan naman daw ni Manny Pacquiao (ang kumuha sa kanya para kumanta) ang rendition niya.  At “in good faith” naman daw ang pagkanta niya.  Sagot naman Barzaga:  “good faith” is not a valid defense in such a case because the only question is whether there has been a violation of the law.

 

Marami pang singers ang nalagay din sa alanganin dahil sa “maling interpretation” ng Pambansang Awit.

 

Noong 2013  sa live performance ng folk singer na si Joey Ayala sa TEDxDiliman, kinanta niya ang Pambansang Awit nang paputol-putol, habang nagbibigay ng suggestions sa pagbabago ng ibang elemento nito dahil sa iba’t ibang dahilan:  maling bigkas o syllabication, pag-angkop ng lyrics sa mga nota ng piyesa, atbp.  Kumalat din sa internet ang video ng live performance na ito.  Maganda naman ang intention ni Ayala at kilala siya sa kanyang pagkamakabayan, kaya siguro hindi naman siya pinarusahan ng NHI.

 

PENALTIES

 

Kapag napatunayang nagkasala ka, ang  multa mo ay P5,000 hanggang P20,000 at pwede pang makulong nang mahigit sa isang taon.

 

Nang pumutok ang Martin Nievera controversy noong 2009, nag-suggest sina Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel na i-amend na ang batas na ito para naman hindi na maparusahan ang mga artists kung “mali” ang kanilang interpretation.

 

At dahil sa napaka-strict at masasabing unreasonable rule na ito, minsan tuloy, mapapaisip ka:  Eh bakit pa sila pinakanta ng live? Bakit hindi na lang pinatugtog ang plaka o recording ng Pambansang Awit?  At paano kung inaantok pa ang mag-aaral at dahil dito ay mabagal ang pagkanta niya ng Pambansang Awit, pwede ba siyang dakpin ng NHI?

 

Kaya mga kids, huwag aantok-antok habang inaantok, ha? Dapat bibo (hindi bibe ha?). At dapat… with feelings.

 

PHOTO CREDIT:  newsinfo.inquirer.net

nkpowjune11

NEWSKUPOW! Mga Usapang Lasheng!

Saturday, 11 June 2016 | Written by
nkpowjune11

nkpowjune11

TOTOO BA ANG BALITA

na walang nang durian ngayon sa Davao?

Off- season na raw kasi.

 

Ang marami raw ngayon ay…

BALIMBING.

 

Itanong mo pa kay Sonny Belmonte.

 

*****

MATATANDAANG DECEMBER 2015

nang pinagmalaki ng DOTC (yes, Sec. pABAYA po)

na tatakbo na ang mga bagong bagon ng MRT

sa katapusan ng March 2016.

 

Dumaan ang katapusan ng March.

Dumaan ang April.

June na ngayon.

May mga bago nang bagon!!!

Yeheyyyy!!!!

 

BUT WAIT…

there’s more (bad) news…

 

*****

NEW MRT BAGONS WEEKENDS LANG TATAKBO.

Huh?  Buck-etch???

Dahil kulang daw ang drivers.

Ang galing n’yo talaga, mga ser!!!

 

*****

DI AKMA ANG SIGNALLING SYSTEM.

Yan ang unang press release nila

kung bakit weekends lang patatakbuhin

ang mga bagong bagon.

 

Ngayon… drivers naman ang alibi???

 

Just when we thought

wala na kayong ibang kapalpakan…

may humabol pa talaga!!!!

 

*****

ETO PA’NG ISANG HUMABOL:

 

Bago umalis ang PNoy government,

nag-iwan pa ito ng isa pang “souvenir”

para sa mga “boss” nila:

 

Inaprubahan ng CHED na magtaas ng tuition

ang 304 private schools.

Halos doble ang increase na ito

kumpara last year.

 

Ngayon, sino talaga ang “boss” nila?

Ang mga mayayamang negosyante, sino pa?

 

*****

ASAHAN NA ANG KABI-KABILANG PROTESTA

sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

 

Sabi ng mga concerned groups,

ang Aquino government

ay laging anti-student at pro-business.

 

After 6 years,

ngayon n’yo lang nahalata?

 

*****

MAY ISINAGAWA BA NAMANG CONSULTATIONS,

gaya ng isinasaad ng batas?

 

Meron daw, pero…

hindi naman daw TUNAY na consultation.

Parang information dissemination na lang daw

ang nangyari dahil binulaga na lang sila

ng decision ng CHED na ipatutupad na

ang tuition fee increase.

 

Mautak!

 

*****

KAGABI, NAGPAALAM NA SI PNOY

sa TUNAY niyang mga boss…

ang mga businessmen.

 

*hikbi*

 

*****

ANO NGA BA ANG TOTOONG LEGACY NI PNOY?

 

“Kayo ang boss ko!

Kaya hindi maaaring hindi ako makinig

sa mga utos n’yo!!!”

 

At nagpalakpakan

ang mga businessmen.

 

*****

“KAYO ANG BOSS KO!”

Ganern??

Anyare sa FOI Bill?

Bakit dinedma mo gayong pinangako mo ito

noong nangangampanya ka pa?

 

Anyare sa P2k raise sa SSS pension?

Bakit matapos itong maaprubahan

ng kamara at ng senado…

bigla mong pinatay???

 

Anyare sa mga donasyon para sa Yolanda?

Anyare sa DAP at PDAF?

 

Sino nga ulit ang boss mo??

Yung totoo lang.

 

*****

PNOY:

“My friendship stops when

PH’s interest is at stake.”

 

Ahem.

Alcala.

Abad.

Abaya.

Drilon.

Petilla.

Soliman.

*****

 

ETO PA ISANG LEGACY NG PNOY GOVT:

Ang pagbenta at privatization

ng mga palengke, hospitals, at iba pang

dapat ay pinagbuti para makatulong

sa mga “boss” nila.

 

Ang latest victim nito ay ang FABELLA HOSPITAL.

Ang maternity hospital

na nakakatulong sa mga mahihirap na “boss”

ay sasaraduhan na.

 

Sabi ng DOH, dahil daw ito’y nabubulok na.

Ililipat daw ito sa DOH compound sa Manila rin,

at ang out-patient department ay mapupunta

sa Lung Center sa Quezon City.

 

Nangangamba ang

Alliance of Health Wokers (AHW),

na mawawalan na ng mura

(at madalas ay LIBRENG) pagpapaanak

ang ating mga kababayan.

 

Ano pa??

Ano pa’ng pasakit ang iiwan n’yo???

 

*****

MAGALING NAMAN DAW ANG CABINET NIYA,

sabi ni Pres. BS Aquino III.

Pati si DOTC Sec. Jun Abaya???

 

Sabi sa balita ng Manila Bulletin:

 

“Abaya has been widely criticized for the lingering DOTC woes,

from heavy traffic in EDSA, slow Internet connection

and exorbitant mobile fees, poor airport facilities,

delays in release of license plates, and breakdowns

of the Metro Rail Transit (MRT).”

 

Aba’y…  magaling nga!!!

 

*****

BAKIT IPINAGTANGGOL PA RIN SIYA NI PNOY

itong nakaraang ilang araw lang?

 

Dahil ang dapat daw sisihin

sa kapalpakan ng MRT at LRT

ay ang Gloria Arroyo government.

 

Yown!

AFTER SIX EFFIN’ YEARS???

Si Aling Gloria pa rin ang punching bag n’yo???

For real???

 

*****

BTW, TUMIRIK NA NAMAN ANG MRT

noong Wednesday.

 

Naglakad na naman sa riles

ang mga “boss.”

 

Grabe talaga si Aling Gloria, ‘no?!!

 

*****

OUTGOING AGRI SEC. PROCESO ALCALA

GIVES HIMSELF HIGH RATING

 

Isa pa ito!!!

 

Eh kayo-kayo na lang ang pumupuri

sa sarili n’yo eh!!!

 

Sheez.

 

*****

PAALALA KAY SEC. ALCALA:

  1. P3.5 MILLION disbursed to fake NGOs.
  2. Ophelia Agawin, Antonio Fleta, Claron Alcantara

(i-Google n’yo na lang)

  1. Too many anomalies during his term.
  2. Failed rice self-sufficiency promise
  3. Failed promise to keep rice price low
  4. El Niño and Kidapawan Farmers
  5. Involvement in smuggled garlic racket.
  6. Used Agri funds for his son’s campaign
  7. Ang laki ng iniyaman habang nasa pwesto
  8. His department wasted P14 BILLION — COA
  9. At marami pang iba

 

Ayan, so….

High rating mo noo!!!

 

*****

BAKA NAKA-DROGA ‘YAN, KAYA…

“high” rating.

 

Isumbong na ‘yan kay Digong!!!

 

*****

 

LEAH NAVARRO’S POST:

I am a Filipino – disente, marangal,

 tapat sa bayan, hindi bastos.”

 

Pero… mambobola, magnanakaw,

palpak at mandarambong,

okay lang sa ‘yo, La Ocean Deep?

 

Doon na ‘ko sa bastos.

Pero medyo maginoo.

 

*****

 

JUNE 8:  DEADLINE NG PAG-SUBMIT NG SOCE

(Statement of Contributions and Expenditures)

para sa lahat ng tumakbo noong nakaraang eleksyon.

 

Lahat ng presidential at VP candiates naka-submit nito,

pwera lang si…

 

Marimar.

 

AWWW!!!

 

*****

INTINDIHIN NA LANG NATIN SI MAR.

Mahirap talagang gumawa ng kwento.

 

Mas AWWW!!!

 

*****

ANO BA ANG RULING NG COMELEC

sa submission ng SOCE?

 

“The 08 June 2016 deadline shall be

FINAL  and NON-EXTENDIBLE.

Submissions beyond this period

SHALL NOT BE ACCEPTED.”

 

Pero bakit ang Liberal Party,

binigyan ng 14-day extension???

 

Naninilaw na yata ang COMELEC, ‘no??

 

*****

SA SOCE NI LENI ROBREDO,

lumalabas na si KRIS AQUINO

ang top donor niya.

P30.8 MILLION lang naman

ang binigay ni Kris.

 

Ang takaw pala ni Kris sa…

lugaw???

 

*****

BASED ON THEIR SOCES, SEN. GRACE POE

spent the most in her campaign: P510.8 million.

 

Ang yaman talaga ni Lolo Danding!

 

*****

TOP 2 RICHEST CONGRESSMEN IN 2015:

1) Senator-elect Manny Pacquaio

2) Rep. Jules Ledesma

 

Aba!!

Sila rin ang TOP 2

na pinakamaraming absent, di ba?

 

Coincidence??

 

O baka akala nila pwedeng bayaran

ang attendance nila?

 

Nagtatanong lang po.

 

*****

 

LENI ROBREDO WANTS BARANGAY CAPTAIN

to administer her VP oath.

 

Yung balak ko sana ‘yung barangay captain

nung pinakamaliit, pinakamalayo,

pinakamahirap na barangay sa aking distrito.”

 

In short… yung barangay na nasa…

laylayan.

 

*****

 

NAPANSIN N’YO BA?

Ang reports ng mga major news network ngayon

ay puno ng “DIUMANO”?

 

“Sinabi DIUMANO ni Duterte…”

 

Eh  kasi nga, ayaw na silang kausapin ni Digong,

kaya – puro second-hand quotes ang makukuha nila.

 

Ayan kasi…

ang daming DIUMANO’Y

impertinenteng reporters eh!

 

Diumano lang ha?!!

 

*****

 

“SHABU QUEEN” IN QUIRINO

apologizes to Duterte.

 

Teka…

 

Di siya na-inform

na si PNoy pa ang pangulo??

 

*****

 

DUTERTE NAGBIGAY NG PABUYA

sa bawat mahuhulng drug lord

o drug pusher.

 

DRUG LORDS NAGBIGAY NG PABUYA

para sa ulo nina Duterte at incoming-PNP chief

Ronald “:Bato” de la Rosa.

 

Welcome to Wild, Wild, West!!

 

*****

 

WALANG PABUYA SA PDAF FOLKS???

 

Patak-patak na lang tayo!

Go!!!

 

*****

 

NGAYON TULOY, LAHAT NG REPORTS AY GANITO:

“Sinabi DIUMANO ni Duterte…”

 

Puro na lang DIUMANO.

Kasi nga, may mga DIUMANO’Y

impertenenteng members ng media.

 

DIUMANO lang naman po.

 

*****

 

NAALALA N’YO YUNG PAGSIPOL NI DIGONG

kay GMA reporter MARIZ UMALI?

 

Marami ang nagalit kay Digong

dahil sa insidenteng ‘yon.

Pero isa lang ang sumikat nang husto:

si Jopseh Robert B. Lu.

 

Sabi kasi niya sa tweet:

 

Don’t worry mam [Mariz],

 I will try to kill him, anyway…

Bastos na presidente!

 Just kill him anyway…

The president-elect is stupid and arrogant!

Suntukan na lang kami!

Calling URCC…”

 

Atapang a-tao ito!!!

 

*****

 

PERO, DI NAGTAGAL, NAG-SORRY DIN SIYA.

 

Nakiusap din siya na huwag nang i-share

ang nanggagalaiti niyang posts / tweets

dahil apektado na raw ang pamilya niya.

 

A-duwag a-tao ito!!!

 

*****

 

USAPANG LASHENG

 

LASING NAGPAPUTOK, NAGHAMON KAY DU30.

Sa presinto, sabi ng lasing na si Jun Calumpiano:

 

Duterte mag-draw tayo.

Bigyan mo ako ng baril.

Put*** in*

Sige, walang problema.

Ba’t ako matatakot?

 

Atapang a-tao rin ito!!

 

*****

 

PINAGMALAKI PA NIYA

na walang lisensya

ang baril na pinaputok niya

at galing ito “sa illegal.”

 

Tindi mo, ser!!!

 

Bigyan nga ng jacket ‘yan!

‘Yung  may tatak na MUNTI, ha!!

 

*****

 

ISANG PANG LASING NAGWALA SA ISANG BAR

at pinakita ang kanyang jun-jun

sa harap ng lahat ng naroon.

 

Proud daw siya kahit MALIIT si jun-jun

dahil yun daw ang bigay sa kanya ng Diyos.

 

Nakakulong na siya ngayon.

 

So, ikukulong na pala ngayong

‘pag maliit ang jun-jun?!!!

 

Aba’y…

kukulangin ang kulungan!

 

****

 

LASING NA UKRANIAN NAGWALA SA AIRPORT

nang hindi pinasakay sa flight niya.

 

Pagdating sa police station,

nilabas nito si jun-jun at….

jumingle!

 

Ahh…  baka naman kasi…

amoy  C.R. yung police station.

 

*****

Pasok, Ate Vi !!!

 

SI JUN-JUN!

SI JUN-JUN!

LAGI NA LANG SI JUN-JUN!!!!

 

*****

 

HETO PA ISANG STRANGE NEWS:

 

Arestado ang Isang 25-year-old na ina

na nang-iwan sa kanyang anak

sa loob ng kotse

habang siya ay nag-o-audition

para maging prostitute.

 

Huh???

 

May audition talaga??

 

Pwede manuod???

 

*****

 

ARESTADO BA SIYA DAHIL INIWAN ANG ANAK

o dahil pasado siya sa audition?

 

Ayy, ambot!

 

*****

NKPOW2016 06 04

NEWSKUPOW! Pssst…Bawal mag-tweet-tweet!

Saturday, 4 June 2016 | Written by
NKPOW2016 06 04

NKPOW2016 06 04

NGAYONG ARAW NA ITO GAGANAPIN

ang engradeng 12-hour victory party

para kay incoming president Rody Duterte.

 

Gagawin ito sa Crocodile Park sa Davao City.

 

Bakit naman doon pa, of all places??

 

Baka kasi maraming buwayang darating.

 

*****

 

“DU31: ONE LOVE, ONE NATION”

ang title ng thanksgiving party na ito.

Mahigit 100,000 ang tinatayang dadalo.

 

Sabi ng reports:

“Duterte and his family are expected

to make an appearance at the event.”

 

EXPECTED TO…?

Hindi “WILL attend”?

So, hindi sure??

 

One word for you:

PROCLAMATION.

 

*****

 

UIPDATE:

Siigurado na raw na darating si Digong

sa  thanksgiving party.

Ang di lang tiyak ay kung ano ang gagawin niya:

Kung mag-ii-speech, kakanta, o ano pa man.

 

Baka…

sisipol?

 

*****

 

BAWAL DAW ANG INHALERS SA PARTY.

ito kasi ang ginagamit ng mga “rollers”

(party drug users)

na pampa-enhance ng “tama.”

 

Ayun!

Kaya pala nagkalat ang inhalers

noong CloseUp Forever Summer concert.

 

Akala ko, marami lang ang may sipon.

 

*singhot*

 

*****

 

VICE GANDA:  “DUTERTE’S VICTORY PARTY

IS A CELEBRATION OF HOPE”

 

Teka… bakit may umeepal na naman??

 

Eh kasi…

Hindi pwedeng umepal d’yan si Kris.

So, ‘yung proxy na lang.

 

*****

 

NAG-USAP NA NAMAN SINA ME1 AT ME2:

 

ME1: Ano ba yang Digong na yan???

May topak yata yan eh!

Napanood mo ba yung latest presscons n’ya?

Panay na naman ang mura.

Nagpapalusot pa sa mga kabastusan niya!!!

 

ME2: Pero bumawi naman siya sa huli, di ba?

Sabi niya, pagdating ng June 30,

magkakaroon daw ng “metamorphosis.”

Ibig sabihin, magbabago siya.

At least, may acknowledgment

ng kamalian niya, di ba?

Aware siya na may mga taong ayaw

sa choice of words at gawi niya.

Di tulad ng iba d’yan, di ba?

Ayaw umamin?

 

ME3  to  ME9:   BOOM PAN**!!!

 

******

 

METAMORPHOSIS BA KAMO?

 

Eh, di isama na rin natin ang

PHOTOSYNTHESIS

para kumpleto na ang biology lesson!

 

*****

 

ANG MGA INAWAY NI DIGONG LATELY:

Drug lords

Leila De Lima

Mexico

United States

Australia

Singapore

Commission on Human Rights

Catholics

Journalists

United Nations

atbp.

 

Sabi tuloy ng isang netizen:

Ang pusa ko na lang

ang hindi niya inaaway.

 

Baka naman takot lang

magsumbong si Muning.

 

Miao!

 

*****

 

MUCH ADO ABOUT NOTHING?

 

During a presscon in Davao,

when GMA-7 reporter Mariz Umali

was asking incoming president

Rody Duterte a question…

sumipol si Digong

at kumanta pa ng…

“Malayo ang tingin…”

 

Naging war zone na naman ang social media.

May mga nagalit kay Digong

for violating an ordinance of his own city.

Meron namang nagtanggol sa kanya

at sinabing palabiro lang talaga ito.

 

Nagkamurahan na naman sa internet.

 

Ang civilized natin, ‘no?

 

*****

 

NAG-REACT SIYEMPRE ANG HUSBAND

ni Mariz Umali na si Raffy Tima.

 

Sabi nito sa FB account niya:

 

“Catcalling my wife is wrong in so many levels.
I expected that from a Mayor Duterte.

I know his reputation well enough

not to be shocked by it, but that does not make it right.

For someone who espouses leadership by example,

catcalling anyone in a press conference

with all cameras trained on him defies logic.

Then again, thats Mayor Duterte.”

 

Masama rin ang loob niya sa mga naroon

dahil nagtawanan pa sila

imbes na sitahin daw ang maling asal ni Digong.

 

Masama rin ang loob ng ibang reporters dahil…

hindi sila nasipulan.

 

May favoritism??

 

*****

ANO NGA BA YANG DAVAO ORDINANCE NA “YAN?

 

“Davao City Ordinance No. 5004

penalizes sexual harassment on women,

which includes kissing or embracing someone

against her will  and  cursing, whistling

or calling a woman in public with words

having dirty connotations or implications

which tend to ridicule, humiliate or embarrass

the woman such as ‘puta’, ‘boring,’ ‘peste’, etc.”

 

Yown!!

 

So… kasali ang whistling!

 

*****

 

ANO ANG DEFENSE NI DIGONG DITO?

 

“Do not presume that you are the one

[who I catcalled].

It belongs to the person. I may look at you (whistles)

but I would look at that woman there.

Because if you do that, especially if I whistle in public,

you are speculating whether you are the one.

It needs to be a cajole, cajole in, (whistles)

‘Mare, ang ganda mo.’

There has to be something like, really, inviting the…

sexual undertones.

Kung mag-whistling lang ako,

[preventing] that kind of thing is intruding

into constitutional grounds.

Freedom of expression.”

 

So, lusot na ba?

 

Depende ‘yan sa inyo.

Kung anti-DU30 kayo,

eh hindi lusot ‘yan — EVER.

 

Kung pro-DU30 naman kayo,

maliit na bagay ‘yan.

Hindi na dapat pinalalaki pa.

 

Away ulit kayo!

Para civilized ulit kayo!!!

 

*****

 

ANO NAMAN ANG REACTION

ng tagapagtanggol ng mga kababaihan —-

ang GABRIELA?

 

Sabi ni Gabriela party-list Rep. Luzviminda Ilagan:

 

“If you are calling the attention of this reporter,

you could have used the other way…

We have to accept that our President is different

and he is working under a

cultural way of communicating.

Ganoon naman talaga ang mga Bisaya.

They are sarcastic. We exaggerate.

We make fun, pero accepted naman talaga.

It’s just a manner of speaking

but not the thought, it’s not the content.”

 

Ahhh.. I see.

 

Teka… bakit parang nagbago ang tono

ng taga-GABRIELA???

 

Errr…. si Ilagan po kasi ay tumakbo

bilang councilor sa Davao City

sa ilalim ng partido

na itinatag ni Digong noong 2001.

 

Yown.

 

*****
TANUNGIN NGA NATIN

ang mismong sinipulan na si MARIZ UMALI.

 

Ano ba ang reaction niya dito?

 

“Inisip ko na lang na I must understand

na baka palabiro lang itong si

President-elect Duterte based from how I know him

o kung ano yung alam ko doon sa mga coverages

sa kanya ng ibang reporters.”

 

She is not expecting an apology daw.

 

So…

sino ulit ang na-hurt sa pagsipol??

 

*****

 

LESSON:

Para sigurado, huwag na sumipol.

 

Mag-PSSSST na lang kayo.

Hindi bawal sa batas ‘yan.

 

Psssst!

 

(Yan ang tawag sa baby pusit).

 

*****

 

KA PAENG MARIANO OF ANAKPAWIS

was named Agrarian Reform Secretary

by incoming president Duterte.

 

At nalaglag ang panga ni PNoy.

 

Paktay na ang Hacienda Luisita!

 

*****

 

9 NA MAGULANG IKINULONG

sa pinaigting na “Oplan RODY”

o “Rid the Streets of Drinkers and Youth.”

 

ME1:  OA naman! Di pa nga nakakaupo si Digong eh!

At saka bakit ngayon n’yo lang ginawa ‘yan?

Eh matagal nang ordinansa sa siyudad n’yo yan??

 

ME2: Ok yan! Ngayon, ginaganahan na

ang mga awtoridad na ipatupad ang ordinances

dahil inspired sila sa pagbabagong darating

at sa pagdating ng lider na may political will.

 

Sabihin n’yo yan dun sa 9 na magulang!

 

*****

 

SLOGANS NG PAST AND FUTURE PRESIDENTS:

 

FERDINAND MARCOS:

Sa ikauunlad ng Bayan, disiplina ang kailangan.

 

CORY AQUINO:

Tama na! Sobra na! Palitan na!

 

FIDEL RAMOS:

Philippines 2000

 

JOSEPH ESTRADA:

Erap para sa mahirap

 

GLORIA ARROYO:

Strong Republic

 

BENIGNO AQUINO III:

Kung walang kurap, walang mahirap

Tuwid na Daan

 

RODRIGO DUTERTE:

Tunay na pagbabago

Change is coming.

 

EMMANUEL PACQUIAO:

You know.

 

*****

 

QUOTES OF THE WEEK

FROM TWO SMART LADIES

 

This one’s from Chiqui Ortiz Dingcong:

 

“The anti-Duterte groups are itching to say ‘I told you so.’

I think what shocks and irritates them is that

we now have a President who talks straight to them,

instead of effin’ with them like all the past presidents.

He’s not apologetic, and tells it as it is.

Sure he lacks GMRC and sometimes make me cringe

with his crassness, but as long as he is doing his job

to improve our nation and our lives better,

then i will keep my mouth shut

instead of worrying about every word

that comes out of his mouth.”

 

*****

 

AND THIS ONE’S FROM MJ REYES:

 

“Oo nga, bastos sya. Oo rin, gusto ko siya.

Dahil sa kanya ako nakakita ng konting pag-asa.

Dahil sa kanya ako nakakita ng

tunay na malasakit sa kapwa.

Ngunit huwag kayong mag-alala

dahil nananatiling bukas ang aking mga mata –

handang sumuporta sa maayos na pamamahala

at handa ring pumuna at tumuligsa

sa tamang panahon, sa tamang kadahilanan.

I chose to choose my battles.

I shall fight at the right time

and for the right reasons.

For now, hintayin muna natin siyang maupo.”

 

*****

 

ANG WISH KO LANG:

Sana hindi biguin ni Digong

ang mga tulad nilang hopeful

sa pagbabagong inaasahan.

 

Dahil kung mabibigo sila,

mabibigo na naman ang Pilipinas

sa pinili nating mamumuno sa atin.

 

Sabay-sabay tayong mag…

*cross fingers*

 

*****

 

ITO LANG PO ANG MAIPAPAYO KO

kay Digong at sa mga nakapaligid sa kanya:

 

Huwag na po muna kayong

magpa-presscon.

Hindi naman po kayo required to do so.

Binibigyan n’yo lang ng rason ang mga haters n’yo

na tirahin ang bawat salita ninyo.

 

Less talk, less mistake.

 

Itanong n’yo pa kay Lito Lapid.

 

*****

 

NOTE: I wrote the item above

A DAY BEFORE Duterte’s head executive assistant

Christopher “Bong” Go announced that:

 

“Sa ngayon wala nang presscon

para wala nang mali.”

 

Aha!!!

Mr. Go!!!

Sinilip mo ang notes ko, no?!!!

 

*****

 

PHOTO CREDITS:

 

RODRIGO DUTERTE:  ohtorch.com

DAVAO CROCODILE PARK: https://ronamaesuperaferraren.wordpress.com/2013/02/28/crocodile-park-davao/

RAFFY TIMA  AND MARIZ UMALI: trendingblog.net

 

PHOTO URLs:

RODRIGO DUTERTE:

http://ohtorch.com/wp-content/uploads/2016/05/duterte-art.jpg

DAVAO CROCODILE PARK:

https://ronamaesuperaferraren.files.wordpress.com/2013/02/crocodileparkbanner-1.jpg

RAFFY TIMA  AND MARIZ UMALI:

http://trendingblog.net/wp-content/uploads/2016/06/raffy-tima-dismayed-over-duterte-catcalling-his-wife-mariz-umali.jpg

 

THINKING MAN ARTICLE 3

Conversations of the schizoid kind

Wednesday, 1 June 2016 | Written by
THINKING MAN ARTICLE 3

 

THINKING MAN ARTICLE 3

 

MULA NANG PROCLAMATION NOONG LUNES,

lagi nang nag-usap sa utak ko sina

ME 1 (ayaw kina Digong at Leni) at

ME 2 (gusto sina Digong at Leni).

 

ME 1: Ano ba yang si Digong?!!!

Sarili niyang proclamation, dinedma niya?!!!

 

ME 2: Wala namang legal implications ‘yun eh.

Hindi naman bawal, di ba?

It has happened FOUR TIMES before.

Saka he’s making a statement:

He’s not beholden to the legislative branch.

 

ME 1: Nakokornihan daw siya sa mga ganyan.

Pakisabi nga sa kanya na president-elect siya!

He must act like one!!!

At dapat sundin niya ang traditions and protocols.

 

ME 2: Eh hindi nga siya ‘yung typical trapo, no!!!

I’m sure mas marami pa siyang babaliing traditions.

Kakaiba nga kasi siya, di ba?

Di ba we want REAL change?

He IS real change!

 

ME 1: Change? Change mo mukha mo!

KKK din di ba si Digong?

Kaklase, Kaibigan, Kababayan?

Ang mga in-appoint niya sa cabinet

at iba pang positions, mga cronies n’ya!

 

ME 2: Mali! Hindi niya KKK sina Leonor Briones,

Benjamin Diokno, Rafael Mariano, atbp.

Pero, tama ka!

KKK nga raw ang gusto ni Digong:

Kalidad, Kwalipikasyon, Kakayahan.
M1: Eh sina Cesar Dulay, Perfecto Yasay Jr.,

at yung mga taga-Mindanao?

 

M2: Syempre, ang pipiliin niya ay yung mga taong

pinagkakatiwalaan niya

at kilala niyang makaka-perform.

At saka ano namang masama kung taga-Mindanao?

It’s about time na mabigyan din sila

ng pwesto sa gobyerno.

Mga Pilipino rin naman sila, di ba??

 

ME 1: Wushuuu!!! Nationalism pa more!!!

Tignan natin kung may kalidad nga

ang mga ‘yan!

 

ME 2: Tama! Bigyan natin sila ng pagkakataong

patunayang ang kakayahan nila.

 

ME 1: Balik tayo sa proclamation…

Dahil sa ‘di pagdalo ni Digong…

Yan tuloy, naging bida sa proclamation

si Aling Leni.

Nasolo niya ang limelight.

 

ME 2:  Weno naman ngayon?
Kasalanan n’ya ba ‘yun?

Ginusto n’ya ba ‘yun?

Hindi naman niya sinabi kay Digong

na huwag um-attend, di ba?

 

ME 1: At bakit ang daming pala ni Aling Leni???

Bakit ang dami niyang applause???

Pati sa proclamation ba naman, may hakot pa rin???

.

ME 2: Hindi hakot ang mga ‘yan.

Supporters talaga niya ang mga ‘yan.

They like her simplicity.

They went there to support her.

At buti nga, hindi siya nag-yellow.

Just shows na hindi siya beholden to her party.

.

ME 1: Wushuuuu!!! Hindi beholden???

Eh di ba’t dinaya nga nila ang bilangan

para pag nawala si Digong,

si Aling Leni ang papalit???

 

ME 2: Masyado kang dramatic.

You watch too many movies.

Conspiracy theories pa more!!!

Patunayan n’yo munang may dayaan nga…

then file a protest.

Hindi yung ngawa kayo ng ngawa.

 

ME 1: Ang dami kayang proofs ng dayaan!!!

Nakita mo ba yung mga post sa FB???

 

ME 2: Wag kang maniniwala sa lahat ng posts.

Syempre yung iba d’yan imbento

o exaggeration lang.

Walang factual basis.

 

ME 1: Aber, paano mo ie-explain

na lumamang si Aling Leni ng higit 100,000 votes

kay BBM — sa mismong balwarte

ng mga Romualdez — ang Leyte???

 

ME 2: Hindi proof ‘yan ng pandaraya.

Ibig sabihin lang, nagbabago na ang panahon.

At hindi na solid ang hold ng mga Romualdez

sa Leyte.

 

ME 1: Ano’ng masasabi mo dito sa post

ni Glenn Chong, na siyang nagsimula ng petition

para magkaroon ng recount

ng VP elections?  Sabi niya:

 

“I fight not for any one person.

I do not care if it is a Marcos

or the devil who gets cheated.

Cheating is intrinsically evil.

It must be stopped at all cost [sic]

otherwise more than 100 million lives

and future will suffer.”

 

ME 2: Agree naman ako diyan, di ba?

Ang sinasabi ko lang naman,

consolidate all your evidences and witnesses,

then present them to proper venues.

Hindi ‘yung ngawa kayo ng ngawa sa FB.

Hayaan n’yo yung sinasabi n’yong nadaya

ang maghain ng electoral protest.

 

ME 1: At may lumutang pa ngang IT experts, di ba?

Saksi daw silang may dayaan talaga!

.

ME 2: Tangek! Kung totoo ang sinasabi nila,

bakit di sila magpakilala??

Bakit balot na balot ang mga pagmumukha nila?

Bakit para silang mga holdaper???

.

ME 1: Siyempre, takot na balikan sila!

At syempre ayaw nilang masira ang buhay nila..

 

ME 2: At saka di ba sinalungat na ng NAMFREL mismo

ang sinasabi ng 3 whistleblowers na ‘yan?

Sabi ng NAMFREL na walang dayaang nangyari.

 

ME 1: Basta, may dayaan talaga!

You can’t convince me na walang dayaan!!!

Obvious na obvious na nagkadayaan talaga!!!!

Di n’yo na mababago ang isip ko!!!

Mandaraya ‘yang Liberal Party!

Kaya pala nag-number one si Drilon!!!

 

ME 2: Panalo na si Aling Leni.

Tanggapin na natin ang pagkatalo.

 

ME 1: Panalo??? Panalo sa pandaraya kamo!!!

Ano’ng sabi niya sa source ng campaign funds niya?
Dahil daw sa lugaw???

 

ME 2: Exagg ka naman!

Fundraising ang tawag doon.

Malay mo, talagang maraming milyonaryo

ang gusto siya ang maging VP.

 

ME 1: Wow ha!!!

Millions para sa lugaw???

 

ME 2: Hindi lang naman lugaw.

Huwag n’yo namang ipagdiinan na ‘yun lang

ang ginamit nila sa fundraising campaigns nila.

 

ME 1: Basta nandaya siya!!!

Sabihin mo kay Leni Lugaw na

hindi pa tapos ang laban!

At hindi magtatagumpay ang plano

ng Liberal Party.

Makukulong ‘yang mga Dilawan na ‘yan!!!

 

ME 2: Galit ka, Koya??

 

ME 1: Oo galit talaga ako!!!

Mga mandaraya!!!

 

ME 2: Kalma lang!

Gusto mong lugaw?

 

ME 1: Balik tayo kay Digong…

takot daw sa multo sa Malacañang?
Akala ko ba matapang siya?

Duwag din pala!!!

.

ME 2: Tangek! Joke n’ya lang yun.

Di nga siya naniniwala sa mga santo…

sa mga multo pa kaya!!!

 

ME 1: Joke na naman???

Ganun na lang palagi?

President na siya sa June 30.

Dapat matuto na siyang

magsalita ng CATEGORICAL statements!

 

ME 2: Give him time.

I’m sure magbabago rin siya.

 

ME 1: Baka yung sinabi niya kabagi

tungkol sa extrajudicial killings

ng mga journalists,

sasabihin din niya later na….

biro lang???

Sheez.

 

ME 2: Na-misinterpret lang si Digong.

Ang gusto n’ya lang namang sabihin:

“Kung may inagrabyado kang tao,

at kung mamamatay ang nakatapat mo,

malamang patay ka…

kahit sino ka pa man — journalist o hindi.”

 

At saka sabi n’ya naman

KARAMIHAN ng journalist — hindi LAHAT –

ay involved din sa corruption.

 

ME 1: Sige, ipagtanggol mo pa!!!

You can NEVER and SHOULD NEVER

justify extrajudicial killings!!!

Murder is murder!!!

Killer talaga yang Digong na ‘yan!!!

At hindi nag-iisip bago magsalita!!!!

 

ME 2: Basta ako, gusto ko yung

straightforward way

ng pagsasalita niya.

 

ME 3 (Ingleserong Pilosopo):

Stop it, both of you!!!!

I’m trying to concentrate.

 

Here’s food for thought:

 

For one to be objective

about political issues,

one has to be a schizo

and listen to all

the voices in one’s head.

That’s the only way

one can weigh

all the sides of any issue

and be objective.

 

ME 1 and ME 2:

May tama ka!

 

At nagpalakpakan sina

ME 4 to ME 9.

 

 

PHOTO CREDITS:

LENI ROBREDO: www.facebook.com/ThePhilippineSTAR/

RODY DUTERTE: www.facebook.com/ThePhilippineSTAR/

BONGBONG MARCOS:  av.wordpress.com

CARTOON: www.clipartoday.com

 

PHOTO URLs:

LENI ROBREDO:

https://scontent.fmnl4-3.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13312811_619039194916432_40544175361730184_n.jpg?oh=9ef22e57fcd59ec198a4afbb5671155a&oe=57D2DFD1

RODY DUTERTE:

https://scontent.fmnl4-3.fna.fbcdn.net/v/t1.0-9/13339725_619037654916586_5557918416978518876_n.jpg?oh=c8229d721ab1dfb1034cf20071e3e49b&oe=57DFA458

BONGBONG MARCOS:

https://scrawnymanfrommanila.files.wordpress.com/2016/05/bongbong-marcos.png?w=660

CARTOON:

http://www.clipartoday.com/_thumbs/034/T/Thinking_6_tnb.png

 

NKPOW MAY 28

NEWSKUPOW! And the winner is … Jaclyn Jose!!!

Saturday, 28 May 2016 | Written by
NKPOW MAY 28

n

NKPOW MAY 28

 

TWO DAYS AGO, DUMEPENSA SI PNOY

sa mga batikos na kulang siya

sa empathy (pakikiramay, pakikiisa)

sa buong anim na taon ng pamumuno niya.

 

Sobra naman kayo!

Marunong namang
mag-empathize ang pangulo…

sa mga businessmen at mga bilyonaryo.

 

*****

 

IN SHORT, MANHID DAW ANG PANGULO

sa kalagayan ng mga mahihirap.

 

Manhid ba talaga?

 

Baka naman nakatungga lang

ng anesthesia.

 

Tagay pa!

 

*****

 

PNOY:

Paano ba dapat ang reaksyon ko doon?

Pinagsasabunot ko ‘yung natitira kong buhok

at sasabihin ko, ‘Ano ba ang gagawin natin dito?’

Nakatulong ba ako doon?

Dapat ba na noong hinarap nila sa akin

‘yung problemang iyan,

nag-iiyak na lang ako?

Dapat ba nagdadabog ako doon?

 

Ahem…

hindi ba’t ‘yung nga po

ang laging ginagawa mo?

 

*****

 

PNOY:

Ang palagay ko, ang punto ko,

hindi ako tumayo dito para mag-showbiz,

tumayo ako dito para gampanan

‘yung papel ng isang pinuno.”

 

Ayuuun!!!

So… para kay PNoy,

ang pagpapakita ng empathy

at pag-alam ng kalagayan ng mga mahihirap ay….

SHOWBIZ??

 

Hmmm.. very revealing statement, no?

 

*****

 

SO, PARA KAY PNOY

ang isang pinuno

ay hindi dapat nakiki-empathize

sa kanyang mga “boss”??

 

Kaya naman pala.

Salamat po sa paliwanag, ser!!!

 

Klarong-klaro na!!!

 

*****

 

UMAASA RIN SI PNOY

na ipagpapatuloy ni incoming president

Rodrigo Duterte

ang mga nasimulan niya.

 

Paktay!

 

Ipagpapatuloy ni Digong

ang lahat ng kapalpakan niya???

 

*****

 

NANINIWALA RIN DAW SI PNOY

na hindi matutupad ni Duterte

ang mga pinangako niya noong kampanya.

 

Eh, ‘pag pinagpatuloy niya

ang mga nasimulan n’yo…

siguradong hindi nga niya matutupad

ang mga ipinangako niya!

 

Sheez.

 

*****

 

NAAALALA N’YO ANG SABI NI PNOY

last week na bababa siya na taas ang noo

dahil marami raw siyang maipagmamalaki:

 

6.9% growth in GDP (first quarter),

ang pinakamataas daw sa buong Asia.

 

Ganun pa man, sabi ng Ibon Foundation,

tayo naman ang may pinakamalalang

unemployment rate sa buong Asia

(5.8% noong January 2016).

 

So, ano nga ulit ang pinagmamalaki natin?

 

*****

 

SABI PA NG IBON FOUNDATION,

ang legacy na maiiwan ng PNoy admin ay:

 

1) Exclusionary economics (sila-sila lang)

2) Antipeople neoliberal policies (Di makatao)

3) Elite governance (Para sa mayayaman)

4) Deepened subservience to foreign interests

at the Filipino people’s expense.

 

Boom!!!

 

*****

 

TAPOS NA ANG OFFICIAL COUNT NG HALALAN 2016.

Tapos na ang paghihintay natin.

 

Ito ang pinakamabilis na bilangan

na nakita natin sa history ng Philippine elections.

 

At kung nasa bakod ka ng mga natalong kandidato…

ito na rin ang pinakamabilis na…

dayaan.

 

*****

 

ANG MGA NANALONG SENATORS

(votes in millions):

 

  1. FRANKLIN DRILON (LP) – 18.607
  2. JOEL VILLANUEVA (LP) – 18.459
  3. TITO SOTTO (NPC) – 17.200
  4. PANFILO LACSON (Ind.) – 16.926
  5. RICHARD GORDON (Ind.) – 16.719
  6. JUAN MIGUEL ZUBIRI (Ind.) – 16.119
  7. MANNY PACQUIAO (UNA) – 16.050
  8. FRANCIS PANGILINAN (LP) – 15.955
  9. RISA HONTIVEROS (Akbayan) – 15.915
  10. SHERWIN GATCHALIAN (NPC) – 14.953
  11. RALPH RECTO (LP) – 14.271
  12. LEILA DE LIMA (LP) – 14.144

 

MASDAN ANG LISTAHANG IYAN.

Iyan ang patunay na ang mga Pinoy ay…

masokista.

 

*****

 

NUMERO UNO SI PORKLIN DRILOINK.

Bakit???

 

Dahil ba malaki siya at kitang-kita agad??

Bakit???

 

*****

 

HANDA NA BA TAYO

SA ISANG PACMAN SA SENADO?

 

Or rather,

handa na ba tayo

sa ABSENCES ng isang Pacman sa Senado?

 

You know.

 

*****

 

THIRD TRY NI RISA HONTIVEROS ITO.

Third time lucky.

 

Feeling Pia Wurtzbach na ba siya ngayon?

 

*****

 

SI LEILAN DILIM-AH…

bakit nakasabit sa laylayan ng senado??

 

Ahh…. alam ko ang sagot dito.

Dahil…

maganda ang boses niya.

 

Isang pong “I love you” d’yan, ma’m!!

 

*****

 

SI RALPH RECTO NA NAGPAHIRAP SA ATIN

sa pamamagitan ng VAT na ‘yan….

bakit nakapasok pa rin??

 

Kasi nga…

MASOKISTSA TAYO!

 

*****

 

SA PRESIDENTIAL AT VP RACE NAMAN…

 

Tama raw ang prediction ng mga Dilawan:

Ang mananalo ay ang RO-RO.

ROdrigo-RObredo.

 

*****

 

SA PAGKA-PRESIDENTE, NO DOUBT

na si Rodrigo Duterte ang nanalo.

 

Pero sa pagka-VP naman,

naging mahigpit ang laban.

 

263,473 ang mga boto

na sumabit sa laylayan ni Aling Leni.

 

*****

 

PERO SIYEMPRE

hindi naniniwala dito

ang mga suporters ni BBM.

 

May mga claims ng dayaan.

Ballots were pre-shaded daw.

Nakakapagtaka at improbable daw

ang 3.3 milloin na undervoting

para sa vice-president post.

 

Hindi raw tugma ang numero ng mga bumoto

sa numero ng mga binilang na boto.

 

Meron daw 700,000 votes na unaccounted for.

 

*****

 

WE COULD GO ON AND ON…

pero ang pinakamatindi at damning argument

ay ang pag-revise ng server script

ni Marlon Garcia ng Smartmatic.

 

Defense nila: para lang daw palitan ang ? ng Ñ.

Sabi ng kampo ni BBM:

How sure are we na walang IBANG nabago?

 

Malamang na maghain ng protesta

ang kampo ni Marcos matapos ang PROCLAMATION

ng mga nanalo sa Lunes.

 

Karapatan naman nila ‘yon.

 

At dapat ang maging resulta

ng imbestigasyong gagawin

ay katanggap-tanggap sa lahat.

 

Kung hindi…

forever tayong mumultuhin ng isyung ito.

 

*****

 

PARA SA DETALYADONG EXPLANATION

ng cheating claims, basahin ang sinulat

ni ex-Congressman Glenn Chong

na pinamagatang

Overly Simplistic, Erroneously Deceptive.

 

https://www.facebook.com/notes/glenn-chong/overly-simplistic-erroneously-deceptive/1212846852081761

 

*****

 

 

SPEAKING OF PROCLAMATION…

 

Totoo bang hindi raw dadalo si Digong

sa sarili niyang proclamation sa Lunes???

 

Ito ang umugong a few days ago.

 

If so, this will be a first.

 

Mabibigla pa ba tayo

sa takbo ng mga pangyayari

sa kampo ng incoming President Digong?

 

He is an unconventional president,

di pa ba obvious ‘yon?

 

*****

 

PERO KAHAPON, SINABI NI

incoming Justice Sec. Vitaliano Aguirre

na mukhang hindi naman daw iisnabin

ni Digong ang Congress proclamation.

 

AGUIRRE:

“I believe that he might… I believe so.”

 

Yun o.

 

Hindi pa rin sigurado.  lol.

 

*****

 

SPEAKING OF AGUIRRE…

 

Sinabihan ni Digong si Aguirre na

wag santuhin kahit na sino sa DAP scam.

Kahit pa si Pnoy.

 

Paktay kay PNoy ka.

 

Pwede kaya mag-plead ng insanity?

 

*****

 

NOONG MARTES, SINABI NI DIGONG

na ang mga pinaka-corrupt na

government agencies ay ang:

LTO, CUSTOMS at BIR.

 

Nagbiro pa siya na ia-abolish niya

ang mga nabanggit na agencies.

 

At naihi bigla si Kim Henares.

Tapos, kinasa ang baril.

 

Afraid.

 

*****

 

DU30 WANTS MANDATORY  DRUG TESTS

for all policemen and drivers.

 

Balak itong ipatupad mula July 1.

 

Kaya pala may sale daw

ng droga ngayon.

 

Clearance sale.

Going-out-of-business sale.

 

*****

 

MADALING ARAW NG LUNES, MAY 23,

dito sa Pilipinas

nang tanghaling Best Actress

ang ating pambato sa Cannes Film Festival

na si JACLYN JOSE.

 

Ang pelikula?  MA’ ROSA,

tungkol din sa bentahan ng droga.

 

Droga sa tunay na buhay.

Droga sa news.

Droga sa pelikula.

 

Sana nga masugpo na ‘yan ni Digong.

 

*****

 

PERO SA MGA PRESS PEOPLE SA CANNES,

naunang tumatak sa kanila

si MARIA ISABEL LOPEZ

dahil sa pagparada nito ng kanyang

emerald green gown

na napakahaba ng train.

 

Takaw-atensyon talaga.

 

At sa hilera ng cast ng MA’ ROSA,

si Maribel lang ang kumaway-kaway

sa press people.

 

Baka akala niya Bb. Pilipinas ulit  ‘yun!!!

 

*****

 

SABI NG ISANG TWEET:

Na-Maria Isabel Lopez kayo!

Ito yung agree lahat na parepareho kayo –

tapos pagdating ni bakla — kabog kayong lahat!

 

*****

 

BAGONG DEFINITION NG STANDING OUT:

Ako talaga yung Maria Isabel Lopez

sa crowd na puro Andi Eigenmann.

 

*****

 

AT DAHIL D’YAN… MAY BAGONG TITLE NA

si Maria Isabel Lopez:

 

Queen Mother of Aura!

 

*****

 

SAMANTALA…. SA ISANG MADILIM NA SULOK

ng isang kwarto….

may isang Reyna rin

ang nagte-take notes

at nag-iisip na ganito rin ang gagawin niya

sa susunod niyang birthday.

 

Kilala n’yo ba siya?

 

You know?

 

*****

 

DRIVER LUMUTANG

 

Manyak na driver na nanghipo ng pasahero

lumutang sa police station para pabulaanan

ang bintang sa kanya.

 

Akala ko lumutang…

sa ilog.

 

Sayang.

 

*****

 

PHOTO CREDITS:

RODRIGO DUTERTE:  www.marriageandbeyond.com

LENI ROBREDO: www.imgrum.net

BONGBONG MARCOS:  www.politics.com.ph

JACLYN JOSE:  www.emirates247.com

NOYNOY AQUINO: www.exposure.ph

 

PHOTO URLs:

RODRIGO DUTERTE:

http://www.marriageandbeyond.com/wp-content/uploads/2015/12/Rodrigo-Duterte.jpg

LENI ROBREDO:

https://scontent.cdninstagram.com/t51.2885-15/s320x320/e35/13183353_1537138429926853_901044929_n.jpg?ig_cache_key=MTI1OTM3NjY5MzkzMjIzNzg4OQ%3D%3D.2

BONGBONG MARCOS:

http://politics.com.ph/wp-content/uploads/2015/06/politiko_features41.jpg

JACLYN JOSE:

http://cache.emirates247.com/polopoly_fs/1.630807.1463977543!/image/image.jpg

NOYNOY AQUINO:

http://exposure.ph/wp-content/uploads/2014/05/Aquino-4-1024×571.jpg

 

nkpow may20

NEWSKUPOW! Sa panahon ng balimbing … Blondina na si Leila!!!

Saturday, 21 May 2016 | Written by
nkpow may20

nkpow may20

Averrhoa carambola.

Yan ang scientific name ng BALIMBING.

In season siya from August to November.

 

Pero sa political landscape ng Pinas,

in season siya ngayon.

 

Itanong n’yo pa kay Gov. Salceda!

 

*****

3 LOYALTIES IN 3 MONTHS.

 

Mula sa pagsuporta sa LP bet na si Mar Roxas,

tumalon si Albay Gov. (now incoming Rep.) JOEY SALCEDA

sa kampo ni Grace Poe noong April 22.

 

Ngayong talo na si Poe,

tumalon na naman si Salceda sa kampo

ni incoming president Rodrigo Duterte.

 

Ikaw na talaga, Kermit!!!

 

*****

BAKIT DAW SIYA LUMIPAT KAY DU30?

 

Salceda:

“That is the order of GRACE POE —-

to support the new president.”

Wushuuuu!

Baka naman…

to protect your political ambitions!

 

******

TINATARGET YATA NI SALCEDA NA PAMUNUAN

ang National Economic & Development Authority (NEDA).

 

Wala pa raw formal offer sa kanya,

pero TATANGGAPIN n’ya raw ‘pag inalok siya.

Mas bagay yata ang…

SUSUNGGABAN.

 

*****

EARLIER THIS WEEK, UMUGONG DIN ANG BALITA

na tatalon na rin sa bakuran ni DU30 (PDP-LABAN)

si Speaker FELICIANO BELMONTE, JR.

para mapanatili ang kanyang speakership.

 

No permanent enemies.

Only permanent interests.

 

*****

PERO MUKHANG TUMIKLOP DIN SI BELMONTE

nang makita niyang wala siyang laban

sa manok ng PDP-LABAN na si

Davao del Norte Rep. PANTALEON ALVAREZ.

 

Lalo na’t naki-alyado na ang

Nationalist People’s Coalition (NPC)

ni Danding Cojuangco sa PDP-LABAN.

 

Marami na ring miyembro ng LIBERAL PARTY

ang nagpaabot ng suporta kay Alvarez.

 

Sabay-sabay silang nagsabi ng:

KOKAK.

 

*****

ANO ITONG BALITA NA KUMALAKAT

na may order daw ang Malacañang

na i-shred ang ilang govt. documents??

 

Wala raw paliguy-ligoy ang order:

“Shred certain government documents

and memoranda signed by outgoing President

Benigno Aquino III and other Cabinet secretaries.

 

Nagpa-panic na ba ang Palasyo ngayon?

 

Ayaw talaga sumakay sa wheelchair?

******

 

SABI NG POLITICAL WATCHERS,

ang pagkapanalo ni DU30 ay “protest vote”

laban sa kapalpakan ng pamumuno ni PNoy.

 

Tinawanan lang ito ni PNoy

at sinabing ang DU30 fans

are nothing but “bandwagoners.”

 

Clueless pa rin hanggang ngayon.

Bulag pa rin hanggang sa huli.

 

*****

PERO TWO DAYS AGO,

heto na ang sabi ni PNoy kay DU30:

 

“I presume, for me, he’s a patriot

and he will do what is best for our country.”

 

Uyyy… ayaw makulong!!

 

*****

NANG KUNAN NG REACTION

tungkol sa mga kasong maaari niyang harapin,

ito sa nasabi ni PNoy:

 

“Taas-noo akong bababa sa puwesto.”

 

Ahhh, baka ibig sabihin…

mataas ang noong bababa.

 

*****

DAGDAG PA NI PNOY:

“Ang masasabi ko po, sa darating na ika-30 ng Hunyo,

pagpalo ng alas-dose ng tanghali,

matiwasay tayong makakababa sa puwesto,

makakalingon nang taas-noo

sa sambayanang Pilipino, at mata sa matang masasabi:

Tumotoo ako sa inyo. Tumupad ako sa mandatong

kaloob ng aking mga Boss.”

 

Ahem.

DAP.

PDAF.

YOLANDA.

MAMASAPANO.

SAF 44.

MRT.

AT MARAMI PANG IBA.

 

*****

PNOY READIES FOR “NORMAL” LIFESTYLE

 

Bakit… abnormal ba yung 6 years???

 

*****

PNOY READIES FOR “NORMAL” LIFESTYLE,

TRAVEL AND FOOD TRIP.

 

Yeah… in jail.

Mag-food trip ka sa ginisang monggo

araw-araw.

 

*****

BUT WAIT… THERE’S MORE!!!

 

PNOY LEAVES P6.4 TRILION DEBT

P4.16 trillion of which was borrowed

during his term.

Si PNoy daw ang “biggest load addict”

mula noong 1986 to the present.

Adik pala ha?!!

Isumbong ‘yan kay Digong!!!

 

*****

SABI NG FREEDOM FROM DEBT COALITION:

“Divided among the projected 103 million population,

each Filipino now owes a sum of P62,235.26,

PLUS  P4,251 in government-guaranteed debts.”

Aba’y…

wala po akong kinalaman di’yan!!

Kahit kapkapan n’yo pa ako ngayon!!!

 

*****

EX-PNP CHIEF ALAN PURISIMA ARRESTED

at the NAIA for graft charges

in connection with an anomalous contract

for the delivery of gun licenses nationwide.

Huh??

Eh yung may kinalaman sa Mamasapano,

kailan daw siya kakasuhan???

 

*****

BAIL IS SET AT P30k.

Bakit P30k lang???

Baka may discount ‘pag BFF ni you-know-who.

 

*****

PACMAN SENADOR NA!!!

 

Nang tanungin sa isang live radio interview

kung tuluyan niya na bang ihihinto ang boxing career…

hindi agad nakasagot si Pacman.

At hindi rin niya ito sinagot ng OO.

Hayyys….

magbabayad na naman tayo

ng absentee lawmaker!!

 

*****

PRESUMPTIVE PRESIDENT DUTERTE

wants to be called just “President Rody.”

Eh… Sir Digong,

mas cool po yata kung P. Diggy.

Parang P. Diddy lang ang peg.

You want??

 

*****

TINAWAGAN NA NI U.S. PRESIDENT BARACK OBAMA

si Presumptive President Rody Duterte

para i-congratulate ito.

 

Sabi ng White House:

“President Obama noted that the successful election

and record voter participation

were emblematic of the Philippines’ vibrant democracy.”

 

Tuwang-tuwa sila dahil

hindi naman namura ni Digong si Barack.

 

*****

SA TAWAG NA IYON, IN-EMPHASIZE NI OBAMA

ang “importance of protecting human rights.”

 

Digong, pinariringgan ka ‘ata eh.

Hawakan mo nga ang tenga!!

 

*****

DU30 RETURNS EXCESS CAMPAIGN DONATIONS

 

Incoming agriculture secretary Emmanuel Piñol said:

“This is the first time in the history of Philippine politics

that excess funds were returned to contributors.

Most politicians keep the money to themselves

after the campaign.”

 

Nang marinig ito ni Janet Napoles, ito lang nasabi niya:

“Ayy, mga tanga!!”:

 

*****

TRAFFIC OFFICER REFUSES BRIBE

Kwento ng isang buntis sa isang viral post sa Top Gear:

Nag-beat siya ng red light at pinara siya

ng isang traffic officer.

In-explain niya ang condition niya

at inabutan ang officer ng P500.

 

Ang sagot ng traffic enforcer:

“Ma’am, wag na po, magagalit si Digong.

Ingat po kayo.”

 

Sana magtuloy-tuloy na ang ganitong

pagbabago sa lahat ng mga PInoy, no?

*****

DU30 TO OPEN TELCO MARKET TO FOREIGNERS

“kapag hindi pa nagtino ang telco industry

and if they continue their bad service.”

Go, go, go, ser!!!

*****

DU30 VS DE LIMA

DE LIMA: Death penalty is not the solution!!

The solution is to fix the justice system!!

DUTERTE :  Aayusin ang justice system?

Eh sino sa atin ang tanga na nagpakawala

ng mga drug pushers?

BOOM!

*****

SPEAKING OF DILIM-AH…

nakita n’yo ba buhok n’ya noong proclamation

ng mga elected senators?

 

Hindi na siya DILIM-ah!!!

BLONDIE NA ANG DATING NG LOLA N’YO!!!

Mukhang maraming natira

sa campaign funds, ‘no??

Nagpa-manicure din eh!!

*****

BLOOMING NGA ANG LOLA N’YO!!!

Matapos makapasok sa Magic 12…

biglang nagka-asim ulit ang bru!!!

 

Maiin-love na naman ang mga driver n’yan!
*****

AT LEAST, KAHIT HINDI NAKAPASOK SI ALMA…

meron pa rin sa senado na mukhang…

starlet!

 

*****

BUT WAIT… ANO ITO???

DE LIMA ASKED TO EXPLAIN

P91.8 MILLION disbursement,

P123.8 MILLION unliquidated confidential funds!

 

Nakup….

baka yan ang binayad niya sa parlor!!!

 

Kaya siya blooming!!!

 

*****

INCOMING PNP CHIEF “BATO” TO CRIMINALS:

“WE’LL CRUSH YOU AND BURY YOU.”

 

Afraid.

 

Wait.

Hindi nga pala ako kriminal.

 

NOT afraid.

 

*****

AT LEAST DALAWA SA IA-APPOINT NI DIGONG SA PWESTO

ang mukhang hindi swak sa panlasa ng mga critics

and his supporters alike.

 

Ayaw nila kay Mark Vlllar sa DPWH

dahil ang business ng Villar family ay nasa real estate.

 

Ayaw nila kay Sal Panelo (bilang presidential spokesman)

dahil ito raw ang nag-lawyer

para sa isang Ampatuan noong Ampatuan massacre.

Siya raw ang “lawyer ng high profile criminals.”

 

Sabi ng maka-DU30 na si Mon Tulfo:

 

“Panelo’s antics and the outlandish knickknacks

he wears on his person will make him a laughingstock

which will reflect on Duterte.”

Ayuuuun….

baduy daw.

 

Kaya siguro pinili ni Digong?

Same fashion sense?

 

Peace!!!

*****

Photo Credits

JOEY SALCEDA

NOYNOY AQUINO

RODY DUTERTE

BARACK OBAMA

LEILA DE LIMA

 

 

Plugin by Social Author Bio