lumad

Ang naglalahong mga Lumad (Unang bahagi)

Written by

Sunday, 13 September 2015 - Last Updated on September 14, 2015
lumad

lumad

LUMAD. Marami sa ating lumaki sa Metro Manila o kahit sa buong Luzon ang hindi nakakaalam kung ano o sino ang mga lumad. Maging sa mga non-indigenous people ng Visayas at Mindanao mismo, bihira ang may alam kung ano o sino sila. Maaaring kilala ng iba si Joey Ayala at ang banda niyang Bagong Lumad — o ang musika nina Bayang Barrios at Grace Nono — pero kung tatanungin mo ang pangkaraniwang tao kung ano ang lumad, malamang ang makukuha mong sagot ay ngiti o tawa o titig o… nganga.

Lately ay kumalat ang memes sa social media (#StopLumadKillings) at mga balita tungkol sa pagpatay sa ilang kilalang leaders ng mga lumad. Mga 4,000 katutubo na ang nag-evacuate o na-displace sa Surigao del Sur, Bukidnon, Saranggani, at Davao del Norte.

“They’re killing teachers and children, Mr President,” sabi ng blogger na si Inday Espina-Varona, na nagtatanong din kung bakit tila walang ginagawa ang pamahalaan sa isyung ito.

Stop Lumad killings. Bakit? Sino ba ang mga lumad — at bakit sila pinapatay?

ANO BA ANG LUMAD?

LUMAD ang tawag sa mga katutubong Pilipino (indigenous cultural communities o ICC) sa Mindanao. Hindi sila na-convert sa Islam o sa Kristianismo. Galing ang “lumad” sa salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay “indigenous” o “native.” Bakit Cebuano? Dahil kahit may iba’t-ibang languages sila, ito ang common language ng lumad tribes.

Mayroong 18 major lumad ethnoliguistic groups: Atta, Bagobo, Banwaon, B’laan, Bukidnon, Dibabawon, Higaonon, Mamanwa, Mandaya, Manguwangan, Manobo, Mansaka, Subanen, Tagakaolo, Tasaday, T’boli, Teduray, and Ubo. Nakakalat sila sa 19 provinces ng Mindanao at matatagpuan sa mga sumusunod na lugar: Cotabato, Tandag, Dipolog, Kidapawan, Marbel, Tagum, Cagayan de Oro, Davao, Malaybalay, Pagadian, Butuan, Surigao, Ozamis, Ipil, Digos, Mati, Maitum, Maasim, Kiamba, Allah Valley at Dipolog.

HISTORY

Noong 1951, sinulat ni Pigafetta (ang chronicler ni Magellan) ang tungkol sa apat na Mindanao groups: Caragan, Mandanaos, Lutaos, Subanus at Dapitans. Tulad ng mga Muslim, sinubukan ng mga Jesuits na ma-convert ang mga katutubo, pero nahirapan silang gawin ito dahil mahirap marating ang mga lupaing lumad.

Noong Revolution of 1896, sumama ang mga lumad sa mga deportados at boluntarios. Nilusob nila ang mga negosyo ng mga Intsik at Kastila sa Marawi City at Misamis Oriental.

Nilabanan din ng mga lumad ang American colonization. Noong 1906, pinatay ng mga Bagobosi Davao Governor Bolton. 1906-1908 nang kumalat sa Agusan at Bukidnon ang Tungud Movement ng mga lumad ng Davao. 1926-27 naman naganap ang Subanon Uprising. Pati ang pagdating ng mga Hapon sa Davao ay nilabanan nila. Pero ang mga resistance moves na ito ay hindi rin nagtagal. Aalamin nating mamaya kung bakit.

LAND AND OWNERSHIP

Ang lupang sakop ng ancestral domain ng mga lumad ay tinuturing na “last frontier in the battle for resources.” Isang mapa ang nagpapakita na ang mga lugar na mayroon pinakamataas na mining potentials at mayroong pinakamaraming natitirang kagubatan ay nasa lupain mismo ng mga lumad. Kaya naglalaway ang mga mining at logging companies.

Para sa mga katutubong lumad, ang ancestral territory nila ay private property ng buong community. Kahit sinong miyembro ng community ang maaaring gumamit ng anumang bakanteng lupa dito.

WAY OF LIFE

Slash and burn farming ang ikinabubuhay ng mga lumad. Sagrado sa kanila ang kalikasan at pinagsasaluhan nila kung ano man ang nakukuha mula dito.

Iba-iba ang socio-political structure ng mga katutubo. Ang mga Mandaya ay pinamumunuan ng bagani o warrior. Sa mga Bagobo, Manobo, at karamihan sa iba pang mga lumad, ang pinuno ay isang datu. Ang pinamumunuan ng datu ay ang kanyang mga sacop.

PAGKAKAISA

Panahon ng dating pangulong Ferdinand Marcos nang nagkaroon ng pagkakaisa ang mga iba’t-ibang tribu. 1983 itinaguyod ang isang multi-sectoral organization, at June 1986 naman nang magkasundo ang mga representatives ng 15 tribes na kilalanin sila sa iisang tawag: lumad. Hindi represented noon ang 3 major groups ng T’boli. Ang coalition ng lumad tribes ay naglalayong magkaroon ng self-determination at self-governance sa kanilang ancestral lands — na naaayon sa kanilang kultura at customs.

MULA MAJORITY, NAGING MINORITY

Nang magsimula ang 20th Century, and mga lumad ang may hawak sa 17 (out of 24) provinces, pero noong 1980 less than 6% na lang sila ng buong populasyon ng Mindanao at Sulu. Sanhi na rin ito ng migration sa Mindanao ng mga Visayans. Sa 1993 census, 2.1 million ang populasyon ng mga lumad sa Mindanao.

At dahil walang revolutionary group na nagbubuklod sa kanila para labanan ang gobyerno, ang mga lumad ay walang nagawa kundi ang umatras at manirahan sa kabundukan at kagubatan nang dumating ang migrants. At habang tumatagal, paliit ng paliit ang kanilang kalupaan. Pasikip ng pasikip ang kanilang mundo.

Madalas, ang mga lumad biktima ng diskriminasyon, kaya hirap silang ma-integrate sa mainstream society. Sa pagsira ng mga gubat na tirahan nila, at sa mga effort na gawin silang mga Kristiano, ang mga lumad ay lumalaban na protektahan ang kanilang lupa at cultural identity.

NAGBAGO ANG LANDSCAPE UNDER AMERICAN RULE

Nang tuluyan nang mapasailalim ng Amerika ang Pilipinas, sinimulan din ang integration ng Mindanao at Sulu. Ang mga lumad at Muslim ay hinati-hati sa ilalim ng isang tribal system. Sa Davao ay may anim (Ata, Guiangga, Mandaya, Manobo, Tagakaolo); 18 sa Cotabato, 13 sa Lanao, 9 sa Sulu, 5 sa Zamboanga. Bawat District Governor na nangasiwa sa mga ito ay may isang deputy na isang lumad datu.

Noong Commonwealth era, ang mga B’laan ay pumayag na magkaroon ng Dole pineapple plantations sa lupa nila. At nagsimula na ang pagsakop sa lupaing lumad.

NAGLALAHONG MGA LUPAIN

Dahil nga walang armed group ang mga lumad, ang iba sa kanila ay ni-recruit ng mga Moro na sumali sa kanilang armed groups. At iba ay ni-recruit din daw ng New People’s Army. Ang iba naman ay ni-recruit daw ng Armed Forces of the Phillippines sa paramilitary organizations para labanan naman ang mga Moro o NPA. Sinasabi kong “daw” dahil iba’t-iba ang claims, depende sa nagsasalita o kung kanino siya panig.

Kung ang mga Moro ay naghahangad ng self-determination, ang mga lumad ay ganoon din. At nagnanais din sila na protektahan ang kanilang ancestral territories. Ngunit ang mga katutubo ay walang laban at mukhang losing battle ang sinusuong nila dahil karamihan sa kanilang lupain ay naka-register na sa pangalan ng mga multinational corporations, logging and mining companies, at sa mga mayayamang Pilipino.

Sabi ng isang Manobo: “Bakit kami nagtitiis dito sa bundok? Dahil kaming mga Manobo ay ayaw ng gulo. Gusto namin ang katahimikan at ang hangin na ang kabundukan lang ang makapagbibigay. Sa kanila nang mga taga-patag ang kaguluhan nila.”

PUGANTENG DATU

Taong 1993 nang nakilala si Datu Guibang Apoga (“The Fugitive of Talaingod’) bilang lider ng mga Manobong Talaingod, Davao del Norte. Nilabanan ng tribu niya ang isang logging company na maaaring sumira sa ancestral land nila. Nagdeklara sila ng pangayao (revenge raids para sa katarungan) laban sa logging company. Taong 1994: ilang army battalions ang nagpaalis sa mga lumad. Marami ang pinaalis at nilipat sa Davao City, pero nanindigan si Datu Guibang at mga Manobo. Gamit lang ang pana at ibang katutubong armas, nadepensahan nila ang lupa nila. At dahil dito, si Datu Guibang at 25 na mga datu ay inisyuhan ng warrants of arrest. Hanggang ngayon ay isa pa rin siyang pugante..

 Click here to read Part 2

 

SOURCES AND RELATED READINGS:

ANG MAGANDANG DAIGDIG NG ATING MGA KATUTUBONG KAPATID
https://eskwelanaga.files.wordpress.com

UNDERSTANDING THE LUMAD
http://www.tebtebba.org

DEAF, DUMB, AND BLIND TO LUMADS
http://www.interaksyon.com

GOVERNOR BARES PRESSURE FROM ARMY
http://newsinfo.inquirer.net

LUMAD: CAUGHT IN THE MIDDLE OF A WAR
http://www.rappler.com

LUMAD PEOPLES
https://en.wikipedia.org

THE INDIGENOUS PEOPLE OF MINDANAO
http://www.philippines.hvu.nl

THE LUMADS: ANOTHER VICTIM OF FILIPINO APATHY
http://getrealphilippines.com

PRIEST: IPs “COERCED” FOR TAMPAKAN MINING CONSENT
http://www.cbcpnews.com

PEOPLE’S LENS
https://www.facebook.com

MORE HR VIOLATIONS UNRAVELED
IN “PANGANTUCAN 5” MASSACRE
http://www.interaksyon.com

5 THINGS YOU NEED TO KNOW ABOUT LUMADS
https://www.youtube.com

#STOPLUMADKILLINGS TRENDS: NASAAN ANG PANGULO?
http://www.rappler.com

SCHOOL HEAD, 2 LUMAD LEADERS KILLED IN SURIGAO DEL SUR
http://www.rappler.com

THE MINORITIZATION OF THE INDIGENOUS COMMUNITIES OF MINDANAO AND THE SULU ARCHIPELAGO
http://www.scribd.com

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>