LUMAD PART 2 COVER

Ang naglalahong mga lumad (Ikalawang bahagi)

Written by

Monday, 14 September 2015 - Last Updated on September 14, 2015
LUMAD PART 2 COVER

 

LUMAD PART 2 COVER

RECENT CONFLICTS AND LUMAD KILLINGS

Noong isang taon lang (2014), in-occupy ng militar ang Talaingod. Sa isang tagong panayam kay Datu Guibang at ng spokesman ng Manobo na si Datu Doluman Dawsay, tinanong nila kung bakit sila hinahabol ng gobyerno, gayong pinoprotektahan lang naman nila ang lupain nila? Meron din silang mensahe sa gobyerno:

“Our call is to junk Noynoy Aquino himself. Stop militarization and the planned large-scale mining here in Pantaron Range. This land is our life as indigenous people. So our call is not only to junk the policies of PNoy, but also junk PNoy.”

Early this year (2015), in-evacuate ang mga 700+ tribal leaders lumad at dinala sila sa UCCP Church Haran compound sa Davao City. Iba’t –iba ang reports. May nagsasabing pwersahan daw ito, at hindi ito “sanctuary”, kundi “captivity.” At dahil napakasipip din at unsanitary ng facility, isang tribal leader ang hindi nakayanan ang sitwasyon at ito’y nagbigti. Sumunod na nagpakamatay ang asawa nito.

Sabi ng ibang evacuees, biktima raw sila na militarization. May mga nagsasabi naman na pinangakuan daw sila ng mga NPA na makakausap nila si Pangulong Aquino, Manny Pacquiao at Davao Mayor Duterte. May mga nagsasabi naman na kusa silang nagpunta sa facility dahil sa militarisasyon sa lugar nila.

AUGUST 18, 2015: limang miyembro ng isang pamilyang lumad farmers ang pinatay sa Pangatucan town, Bukidnon. Kasama dito ang isang batang 13 at isang 17. Muli, conflicting reports na naman ang lumabas. Sabi ng mga lumad leaders, militar daw ang pumatay sa mga magsasaka. Sabi naman ng Army, NPA daw ang may gawa nito. Tinira din ng isang lumad group ang Army spokesman dahil sa conflicting statements nito.

SEPTEMBER 1, 2015, 4:00 a.m. Mas malagim na pagpatay ang naganap. Sabi ng reports, ang paramilitary group na Mahagat ay lumusob sa Lianga, Surigao del Sur. Ginising ang buong bayan, kasama na sina lumad leaders Dionel Campus at pinsan nitong si Aurelio Sinzo. Pinaulanan ng bala ang dalawa sa harap ng daan-daang residente mula sa mahigit anim na sitio. Kasama sa mga naka-witness nito ay ang mga guro at mag-aaral ng ALCADEV (Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development), na ginising mula sa kanilang mga dormitoryo at tinipon sa KM 16. Nang umalis ang mga militia, bumalik sa paaralan ang mga guro at mag-aaral. Doon na nila nakita ang walang buhay na katawan ni Emerito Samarca, ALCADEV executive director. May gilit ito sa leeg, saksak sa tiyan at tagiliran, nakatali ang mga paa’t mga kamay.

Sabi ng mga lumad, dawalang araw bago ang mga pagpatay, dumating ang 36th Infantry Battalion and Special Forces Regiment sa Diatagon. In-occupy daw nila ang paaralan at ang village, pati ang isa pang paaralan na pinamamahalaan ng isang NGO. Ang paramilitary group na Magahat naman ay dumating sa lugar noong August 31, nagpaulan agad ng bala, dahilan para magtakbuhan ang lahat sa KM 16. Si Samarca ay pinaiwan nila.

Nang maipon na raw lahat ng tao sa KM 16, sinabihan daw sila ng Magahat na itigil ang pagsuporta sa NPA at lisanin nila ang lugar sa loob ng dalawang araw, kundi ay mamamatay silang lahat. Kinuha rin daw lahat ng mobile phones at cameras nila bago umalis ang Magahat.

Dito nagsimulang kumalat sa social media ang pagkundena sa mga pagpatay ng mga lumad.

Bayan Muna said, “The government’s upkeep of paramilitary organizations is sustaining the state of impunity in our country. We denounce this recent killing of lumad leaders to the highest degree. We demand swift justice for these killings.”

Sabi naman ni Kabataan Rep. Terry Ridon: “This new spate of lumad killings by paramilitary groups and suspected elements of the military is the result of President Aquino’s extant policy of militarization of the countryside. This latest incident further highlights the continuing culture of impunity in a country with a very dismal record of protecting human rights.”

Nanawagan na si Surigao del Sur Governor Johnny Pimentel sa Armed Forces of the Philippines na buwagin na ang mga paramilitary groups na sinasabing responsable sa mga pagpatay sa mga lumad.

Disappointed naman ang international human rights organization na Human Rights Watch sa malabnaw at predictable na sagot ni Pangulong Aquino sa mga pagpatay sa mga lumad ng Mindanao. Sinabi kasi ni PNoy na “there is no campaign to kill anybody in this country.”

Kahapon, September 13, 2015, ay lumabas na agad ang resulta ng imbestigasyon ng AFP sa Lianga killings. Sabi ng miltary board of inquiry, ang dapat daw sisihin ay ang NPA at ang tribal conflict sa pagitan ng iba’t-ibang grupo ng mga lumad. Pero malaman, ito’y hindi tatanggapin ng mga human rights groups at ng mga lumad leaders. (Wala pang ulat sa kanilang reaction habang sinusulat ito).

HILING NG MGA LUMAD

Ang bawat aspeto ng kultura ng mga lumad — kasama na ang ekonomiya nila – ay kakambal na at nakasalalay sa kanilang lupain, kaya mahirap ipagpatuloy o buhayin ang kultura nila kung sila ay paaalisin sa kanilang ancestral lands. Kung magpapatuloy ang pagpapaalis sa kanila sa kanilang lupain, unti-unti na ring maglalaho ang kultura at buhay ng mga lumad.

Sa librong “The Minoritization of the Indigenous Communities of Mindanao and the Sulu Archipelago,” binanggit ang mga kahilingan ng mga lumad:

1. Ibalik ang lupang kinuha sa kanila gamit ang panloloko, harassment, illegal manipulation, o basta na lang inagaw.
2. Ikansela ng gobyerno ang mga permit sa logging, mining, pastures, rattan gathering, at iba pang agri-based industries sa loob ng lupaing lumad. Pwede lang mag-operate ang mga taga-labas kung may pahintulot ng tribu.
3. Kontrolin ang pag-migrate ng taga-labas sa lumain nila.
4. Igalang, pag-aralan at isali ng DepEd sa curriculum nila ang tungkol sa kulturang lumad.
5. itigl ng gobyerno ang militarization sa lupaing lumad; itigil ang pag-recruit ng mga lumad sa paramilitary units; at itigil ang maling paggamit ng lumad pangayao (revenge raids); at
6. Itigil ng gobyerno ang pagkilala sa mga pekeng lumad organizations at pekeng mga datu – na naging kalakaran na para pagbigyan ang mga interest ng government officials at mga maimpluwensyang kaibigan nila.

Ang laban ng mga lumad ay laban ng ating lahi. Sabi ni Karlgen Samarca, anak ng pinaslang na na si Emerito Samarca: “Ang ating pakikibaka ay hindi lamang para sa lumad, ito ay para sa paglaya ng buong sambayanan.”

 Click here to read Part 1

SOURCES AND RELATED READINGS:

ANG MAGANDANG DAIGDIG NG ATING MGA KATUTUBONG KAPATID
https://eskwelanaga.files.wordpress.com

UNDERSTANDING THE LUMAD
http://www.tebtebba.org

DEAF, DUMB, AND BLIND TO LUMADS
http://www.interaksyon.com

GOVERNOR BARES PRESSURE FROM ARMY
http://newsinfo.inquirer.net

LUMAD: CAUGHT IN THE MIDDLE OF A WAR
http://www.rappler.com

LUMAD PEOPLES
https://en.wikipedia.org

THE INDIGENOUS PEOPLE OF MINDANAO
http://www.philippines.hvu.nl

THE LUMADS: ANOTHER VICTIM OF FILIPINO APATHY
http://getrealphilippines.com

PRIEST: IPs “COERCED” FOR TAMPAKAN MINING CONSENT
http://www.cbcpnews.com

PEOPLE’S LENS
https://www.facebook.com

MORE HR VIOLATIONS UNRAVELED
IN “PANGANTUCAN 5” MASSACRE
http://www.interaksyon.com

5 THINGS YOU NEED TO KNOW ABOUT LUMADS
https://www.youtube.com

#STOPLUMADKILLINGS TRENDS: NASAAN ANG PANGULO?
http://www.rappler.com

SCHOOL HEAD, 2 LUMAD LEADERS KILLED IN SURIGAO DEL SUR
http://www.rappler.com

THE MINORITIZATION OF THE INDIGENOUS COMMUNITIES OF MINDANAO AND THE SULU ARCHIPELAGO
http://www.scribd.com

Ben Bañares (113 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>