unangbeses02

Ang aking unang beses sa isang babae (Part 1)

Written by

Sunday, 29 June 2014 - Last Updated on June 30, 2014
unangbeses02

Paalala mula sa Editor: Ang piyesang ito ay naglalaman ng maseselang salita at eksena. Nasa sa inyo kung babasahin ninyo nang paunti-unti o pikit ang isang mata. Pagpapaalala ukol sa tamang kahandaan bago magpatuloy.

unangbeses01“Sabihin mo sa akin kung nandidiri ka na, ha.”

Iyan ang bukambibig niya habang ilang minuto na akong nakahiga sa kama niya, nakatingin sa kanya, na kahit sa dilim ng gabi ay sinusubukan kong maaninag ang hitsura ng kanyang malumanay na mukha, sinusubukang maramdaman habang tinititigan ang malasutla niyang kutis, at buong pagnanasang sinisipat ang hubog ng kanyang malambot na katawan.

Oo, lambot. Iyan talaga ang una kong napansin nang ako ay unang sumiping sa isang babae. Ang lambot pala nila… ang lambot pala namin. Siyempre hindi mo naman titingnan ang sarili mo sa ganyang paraan dahil hindi mo naman talaga madalas tingnan ang sarili mo, ang katawan mo. Mukha pa siguro, oo, dahil lagi tayong abala sa magiging hitsura natin paglabas sa bahay, lalo na kapag haharap tayo sa iba. Sa balat, abala tayo sa pag-aalaga nito dahil sa gusto nating maging malusog ito at kaaya-aya nang sabay. Sa katawan na rin marahil, lalo na sa mga abala sa pagpapaganda ng kanilang pigura, maaaring lagi tayong nakabantay sa ating kinakain para ‘di masira ito – na kung anuman ang batayan natin ng pagkasira ay isa pang mahaba-habang usapan o debate. Pero sa paghiga na ito kasama ang isang katulad ko – katulad kong babae rin na abala sa mukha, kutis at pigura – iba rin pala ang pakiramdam ng pagharap sa isang nilalang na kapareho mo ng pangangatawan.

unangbeses02Lambot talaga ang una mong mapapansin sa babae. Mula sa pisnging walang tumutubong balbas, bigote o anino ng mga ito, iyan ang una mong mararamdaman sa paghaplos sa kanya. Kayumanggi man, mestisa o maputi, wala namang halaga ang kulay basta’t malambot ang maramdaman mong kutis sa iyong pagsalat. Siyempre habang unti-unting lumalapit ang katawan mo sa katawan niya, ang ulo mo sa ulo niya, ang mukha mo sa mukha niya, mapapalapit ang labi mo sa kanya, at saka mo lang mapapansin na pati pala ang labi niya ay malambot din. Manipis man o makapal, mahaba o tila kimi, mapapansin mo ang mapula-pulang labing tila naghihintay ng malambot na halik mula sa isa pang kauri nitong labi. Masarap halikan ang labi ng babae, masarap kagat-kagatin nang bahagya, masarap laruin ng iyong dila, masarap salatin ang mamasa-masang kalambutan nito. Masarap, talagang masarap pala ang malambot.

Iyan marahil ang hinindian ko sa mga lalaki. Noong unang akala ko ay macho ang hanap ko – dahil iyon ang nakagisnan kong dikta sa akin ng lipunan – hinanap ko ang matikas, ang matipuno, ang matigas. Marami namang humarap sa akin nang ganito, at may iilan akong nakasalamuha sa kanila. Pero iyon nga ang tatambad sa iyo, unang-una: ang kanilang tigas. Ang mga masel na laging ibinibida sa iyo habang may damit, lalong tatambad sa iyo ang laki o umbok kapag wala nang damit. Habang hinahagod ka ng kamay nilang halos doble ng laki ng iyong sariling kamay, mas mararamdaman mo ang gaspang o ang tigas ng kapit nila. Kapit, oo, hindi haplos, dahil ang karamihan sa kanila ay tila ganoon ang trato sa kasiping nilang babae: kailangang hawakan, kailangang higpitan ang kapit, para di makawala, para di magpumiglas sa ilalim ng kanilang nilalapit at nilalapat na katigasan sa kalambutan ng nakahiga sa ilalim nila. Noon pa lang – at doon pa lang – tila balisa na ako sa isipang ito lang ang maaaring maging puwede para sa isang babae. Buti na lang at hindi ako natakot sumama sa udyok ng iba, sa udyok ng kapwa – kapwa babaeng tila may puwede pa palang ipakita sa iyo, at iparamdam sa iyo, tulad ng kalambutan.

unangbeses03Kaya narito ako ngayon, sa harap ng isang malambot na katawa, sa ilalim ng isang malambot na katawan. Na nagsimula lang naman sa isang simpleng udyok at hamon, na tinulak na rin marahil ng nagbabadyang pagnanasang humanap ng iba – na ‘di ko alam ay tulak pala ito sa paghahanap ng kauri. Kaya mula sa unang halik at hawak na iyon, mula sa unang hagod mo ng iyong mata sa kanyang magandang mukha, at mula sa unang hagod ng malambot mong labi sa kanyang malalambot ding mga labi, mas marami pa itong puwedeng patunguhan.

Ibaba mo pa ang iyong hawak o tingin sa katawan niya at ang pinakatatambad sa iyo ay, siyempre, ang inyong pinakapareho ng pagkakapareho sa pangangatawan: ang hinaharap. Aminado ka naman sa sarili mo na nagagandahan ka sa iyong dibdib, na madalas ay tinutukso ka ng maraming kakilala, na dahil sa sobrang laki nila ay tila may sarili na silang buhay diyan sa harapan mo. Ang kanilang tila hiwa na umbok sa gitna ay laging tampulan ng pansin ng mga maninilip kapag ang mga ito ay tila sumisilip mula sa iyong blusa, at ang kabuuan nilang bilog na hubog ay tila nilalabanan ang telang nagtatakip sa kanila, lalo na’t kapag malamig o nakiliti ang katawan ng kanilang may-ari at ang dalawang tuldok sa dalawang umbok na ito ay nagngangalit ding nagpaparamdam mula sa ilalim ng damit, kulang na lang ay mabutas ang nakaharang sa kanila para ipakita sa mundo ang tuldok nilang tila laging may gustong sabihin at ipahiwatig. Malamang ay unang hakbang ito ng iba sa pagpapantasya sa iyo at sa iyong katawan kaya hinahayaan mo lamang, basta ba walang tatawid sa linyang pinagbabawal ng moralidad at batas.

unangbeses04Iyang dalawang umbok na iyan, hindi mo naman inakalang iyan din ang iyong hahanapin sa paglaon, dahil sa meron ka na nga nito, kaya naitanong mo sa sarili dati na bakit mo pa hahanapin ang kung ano ang meron ka na? Kaya kadalasan, ang hinaharap sa atin ng lipunan ay ang konseptong kailangan mong hanapin ang iyong kabaligtaran. Nang humarap naman ako sa aking kabaligtaran, tila nalugian ako dahil sa unang tanggal pa lang ng pang-ibabaw na saplot, tila talo na agad ang mga tulad ko sa tulad nila: bakit sa akin ay may dalawang kaaya-ayang malulusog na makikita ka na, samantalang ang sa kanila ay tila isang diretsong disyertong walang makikita kundi patag na walang umbok, maliban na lang kung malalaki nga ang kanilang masel na, noon pa man, ay di naman talaga kaaya-ayang tignan para sa iyo. Ang dalawa nilang tuldok sa dibdib – kahit tulad ng sarili mong dalawang tuldok – ay tila walang kabuhay-buhay tingnan kung walang malulusog at mabibilog na umbok na nakapailalim sa mga ito. Minsan pa’y mabuhok ang patag na ito, na para namang magagaspang na damo sa isang mabatong hardin na nalalakaran mo. Gusto mo ba talagang nadidikit sa patag na ito? Gusto mo ba talagang nadidikit sa gaspang na iyon? At muli, ramdam mo ang tigas ng masel sa panaka-nakang nakaumbok sa patag na ito. Masaya ka ba dito? Ito ba talaga ang gusto mo? O sadyang pinipilit mo lang dahil ito lang ang alam mo – noong panahong iyon?

Iba na talaga ang panahon. Kaya sa paghiga mong iyon, may tumambad sa iyong dalawang umbok din katulad ng kung ano ang meron ka, tila parang nag-iba ang lahat ng iyong sinaunang kaalaman tungkol sa larangang ito ng pagniniig.

Pero bakit niya tinatanong kung nandidiri ka?

(to be continued)
Libay Linsangan Cantor is a sex-positive feminist, a two-way genderqueer and a multitasking creative soul. Curious to know something? Email her at leaflens@gmail.com or post questions at her AskFm leaflens site and wait for her reply in a future column.

Photos by the author. Some rights reserved.

Libay Linsangan Cantor (106 Posts)


Write a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>